Chapter 1
HER POV
*Kringggggggggggg
Umalingangaw sa buong silid Ang pag tunog ng aking alarm clock. Inaantok pa ako. Panibagong araw nanaman Ang aking sisimulan sana maging maganda Ang araw na ito. Pupungay pungay ang aking mata na inabot ang aking orasan upang patayin ito. I stretched my arm at humikab, tumayo na ako sa aking higaan at inayos ang aking gusot gusot na kama.
Ngayon pala ang araw ng pag enroll ko sa skwelahan na aking papasukan dahil malapit nanaman ang pasukan.
Dumiretso na ako sa banyo aking banyo at Sinimulan ng maligo. Lumabas ako ng banyo at nag hanap ng aking maisusuot, Napili ko ang isang simpleng T-shirt at inernuhan ko ng isang reap jeans.
Pinatuyo ko Muna ang aking buhok at pag katapos ay itinali ko Ito. I just stay in my room for a while bago lumabas ng aking silid.
Well namuhay akong simple lamang kasama kasama ang aking pamilya. Contented Naman na ako don.
Hindi ko na kailangan pa ng magarang bahay sapat na ang mayroon ako ngayon ang hinihiling ko nalang ay ang sapat na kalakasan at kaligtasan sa aking pamilya araw araw.
Hindi sa pagmamayabang pero matalino Ako at magaling sa martial arts. Pero cold hearted woman ako iyon ang sabi ng iba, akala lang nila haha.
Wala akong kaibigan dahil walang nagtatangkang Lumapit sa akin dahil narin siguro sa takot, Ewan ko ba kung bakit ayaw nilang lumapit sakin well ayaw ko rin Naman magkaroon ng kaibigan dahil narin gusto kong lagi lamang mapag isa. I hate crowded and noisy place
Ako si Rhyth Isla Byun Dela Cruz simpleng maganda.
Bumaba ako at tumungo papuntang kusina nakita ko doon si mama na naghahain ng pagkain.
"Morning nak. San ang lakad mo?" Tanong niya nang makita akong naglalakad pababa at dumeretso sa ref upang kumuha ng tubig at magsalin ng tubig sa baso na aking kinuha.
Pumunta ako sa table kung saan andoon nakahain ang mga pagkain na niluto niya.
"Mag papa enroll po ako" sagot ko sa tanong niya habang nagsasandok ng kanin at ng ulam.
"Ah ganon ba."
Di ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko pagkatapos ay nilagay ko ito sa may lababo. I checked the alarm clock it's already 10:30 I need to go now.
"Alis na po ako"
"Sige, ingat. Ito oh pera" Sabi niya sabay about ng pera sa akin. Tinanggap ko iyon.
"Salamat po" sabi ko at dere-deretchong lumabas sa aming bahay.
Pinara ko ang taxi na nakita ko at Sinabi ang address ng school kay manong driver which is
Hayi Academy, private school yon na medyo Malayo sa bahay namin I'm Senior High School 17 years of age and turning 18 next month.
Habang umaandar ang sasakyan idinukdok ko Muna ang aking ulo sa may bintana na nasa aking gilid. Nakakatamad naman.
*Minutes later
Nandito na pala kami binigay ko na ang bayad ko at pumasok sa malaking gate na may kulay na black and red at sa gitna nito ay ang logo ng paaralan. Mapapansing mo na talaga Ang karangyaan nito.
Habang naglalakad ay hindi ko maiiwasang magmatyag sa paligid-ligid maganda ang kapaligiran nito malinis at malawak.
Naglakad pa ako ng naglakad at tinungo ang silid kung saan doon ako mag fifillup ng form para makapag enroll.
Walang mababakas na emosyon ang aking mukha habang nakatingin sa babae na nasa aking harapan. I think she is a staff here, but I don't care.
"Here take this paper and fill it up." I just stared on her blankly. Dami pang sinabi di nalang ibigay agad. Kinuha ko ang iniaabot niyang papel, alangan hindi, edi di rin ako nakapag Aral diba, wag tanga.
Kinuha ko ang ballpen na nasa aking bag at finill up-an ang form. After a minutes ay natapos narin ako at binigay iyong papel sa babae.
"Okay now you are officially enroll in this school. I hope------" lumabas na ako at di pinansin ang kaniyang Sinabi. Ang dami kasing Dada eh, kagigil. Bastos na kung bastos wala akong pake, psh
Ah shit gutom na ako, tumingin ako sa wrist watch ko at tinignan ang oras. Shit! It's already 1:00pm di ko man lang namalayan ang oras, hapon na pala gutom na ko hayst.
Pumunta ako sa pinaka malapit na kainan dito sa school and thank God dahil mayroong jollibee na malapit dito.
Pagpasok ko agad akong dumiretso sa counter at umorder at syempre nagbayad nadin, commonsense pano ako kakain kung hindi ako magbabayad diba.
(-____-)
Tumingin ako ng bakanteng upuan at doon umupo.
I just order Chicken with rice, coke, fries and sundae. Siguro naman mabubusog na ko nito. Gutom na talaga akoooo. I started to eat at pagkatapos Kong kumain at nagpahinga muna ako ng saglit. I'm full.
Lumabas nadin ako pag katapos kong kumain at nagpahinga. Pumara ako ng taxi at umuwi na sa mansyon, char di pala mansyon bahay namin.
Hindi ko naabutan pa ang mama ko don, as usual nasa may boutique nanaman yun.
Umakyat ako sa aking kwarto at nagbihis. It's very tiring today. Gusto ko tuloy manapak, well nakakamiss din yon. Haha.
Humiga ako sa aking kama I just stared in the ceiling and thinking what would happen to me and to my life. I'm just tired being like this ayaw kong maging mahina sa iba gusto kong maging matang sa paningin nila.
Ayokong makita nila akong mahina kase t*ng*n* sawang sawa na ako. Yes, ang alam nila ay cold hearted woman ako and it's very funny to my side ng nalaman ko yon. Hindi ko alam na ganon na pala ang tingin sa akin ng ibang tao. A cold hearted woman? Pwe!
They can see me as strong woman outside, pero inside hindi, hindi nila alam na wasak na wasak na ako yung feeling na gusto ko nalang mamatay kase wala rin naman kwenta kung mabubuhay pa ako. Funny isn't it?
At lahat ng yon ako lang ang may alam, kase hindi naman ako nag oopen sa ibang tao kase wala rin naman akong kaibigan. And I don't want to have one. Tanging sa kapatid ko lang ako nag oopen up at ang taong yon nawala pa sa akin dahil lang sa isang aksidente na ikinamatay niya. Shit.
I just wish she was here by my side, again. She's just the one who can understand me the one who teach me to enjoy my life and just be happy, pero Bakit hindi ko magawang maging masaya? Dahil ba may kulang? I know naririnig mo ako. Ipinikit ko ng mariin ang aking mata. Bakit, bakit ba kasi nawala ka pa. I wish that if I wake up you will be here by my side again. Pero, hindi na kasi t*ng*na iniwan mo Na ako.
And I didn't realize na may tumutulo na palang sunod sunod na luha sa aking mga mata, pinahid ko ang mga Ito. Sana ako nalang ang nawala dahil wala narin naman akong kwenta sa mundong Ito, wala rin akong silbi. I just want to disappear in this world full of shit's.
Dati naman di ako ganto eh. When I was a little lagi akong palatawa, pero ngayon? Tangina hindi ko na magawa yon.
Bakit nga ba? Bakit nga ba ako naging ganto? Pati ako di ko din alam, nakakatawa hindi ba? I should stop being like this.
Pero hindi ko magawa kase pagod na pagod na akong maging mahina. Ayoko na! Pumikit akong muli upang mapigilan ang nagbabadyang luha sa aking mata. Dumilat ako at dinama ang paligid.
I'm a cold hearted woman (sabi nila) so I should stop this nonsense drama, dahil wala rin namang patutunguhan. Hayst. :<
Tumitig na lang ako ulit sa kisame at hindi namalayan na unti unting bumibigat ang talukap ng aking mata at sabay non ay kinain na ako ng dilim.
💮🌺💮🌺💮🌺💮🌺💮🌺💮🌺💮🌺💮
A/N: kindly click the ⭐ button please. Thank you💕
— 次の章はもうすぐ掲載する — レビューを書く