アプリをダウンロード
30.76% THE RUN AWAY WIFE / Chapter 4: Chapter four

章 4: Chapter four

Dear Ate,

Alam ko galit ka sa akin ngayon. Dahil sa ginawa ko. Patawarin mo sana ako. Pero hindi ko na talaga kaya, ang sakit sakit na!

Halos araw-araw ko siyang nakikita na may kasamang iba.. Habang ako itinapon lang niya, na parang basura. Pagkatapos niyang pagsawaan!

Ayoko na ate, akala ko hindi ako matutulad kay nanay.. Dahil iba ako sa kanya. Pero bakit ganu'n minahal ko naman siya! Ibinigay ko sa kanya ang lahat lahat! Pero sabi niya hindi niya ako minahal, wala daw akong kwenta. Dahil hindi ako makakatulong sa mga pangarap niya.

Ayaw niya sa baby namin.

Ayaw na rin niya sa akin. Gusto kong pagsisihan niya ang pag-iwan niya sa akin. Gusto kong masaktan din siya katulad ng sakit na nararamdaman ko kapag ginawa ko ito. .  Pagsisihan niya ang lahat ng ginawa niya sa akin!

Hindi na rin matutulad sa atin ang baby ko Ate.. Wala ng mananakit sa kanya. Hindi na siya masasaktan pa. Dahil magkasama kaming dalawa. Huwag ka sanang magalit sa akin ate. Hindi ko naman sinadyang saktan ka.

Mahal na mahal kita ate! ! !

Bakit mo 'yun ginawa Cheska? Hindi mo ba alam na mas masakit sa akin na wala man lang akong nagawa para sayo. Dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ka. Pakiramdam ko napakalaki ng naging pagkukulang ko sayo.

Kanina matapos niyang basahin ang sulat. Kailangan pang kalmahin ni Given ang sarili. Bago siya nagpasyang magkipagkita na kay Mathew.

Kailangan na niyang tapusin ito, at malaman ang totoo. Bahala na..

Kahit maging masakit pa ang katotohanan. Sa pagkakataong ito, hindi tayo magkapareho Cheska. Dahil hindi ko gagawin ang ginawa mo! Hindi ko sasayangin ang buhay ko. Para lang sa isang taong walang kwenta at manlolokong tulad nila.

Ito ang ibinubulong ng kanyang isip..

Hanggang sa dumating si Mathew ng hindi niya namalayan, labing limang minuto na ang nakalipas mula sa takdang oras.

Nagulat pa siya ng bigla itong magsalita..

Ang lalaking ito ba? Ang paglalaanan niya ng buhay niya? Hindi nga nito kayang maglaan ng tamang oras para sa kanya.

Matatalim na tingin ang isinalubong niya dito nang makaharap na niya ito. Kahit pa nakangiti naman itong humarap sa kanya. Pakiwari ba niya para itong ngumiting aso!

"Hello, honey! Kanina ka pa ba? Sorry I'm late.." Pambungad nito na parang walang anuman sabay halik sa kanyang pisngi. Talagang nakuha pa niyang humalik at magtanong ha? Puno ng sama ng loob na tanong ng isip niya.

Suddenly she sighed.

Ganito ba talaga kasunga' ang magmahal?

"Okay lang.. Masarap naman pala ang magkape dito habang naghihintay, hindi nga ako nainip eh." She couldn't avoid being sarcastic.

"May dinaanan pa kasi akong importante hindi ako nakaalis agad pasensya na talaga hon, bawi na lang ako ha!" Sabi pa ni Matthew na parang balewala lang sa kanya. Ganu'n ba ito kamanhid? Sa isip niya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko e late ka na dumating." Napasimangot niyang sagot.

"Sorry talaga Hon, ah! 'Yun nga pa lang pasalubong mo sa ibang araw ko na lang dadalhin nakalimutan ko sa pagmamadali ko pasensya na ha!" Hindi naman ako interesado sa kahit anong pasalubong niya. Pero bakit ba nakaramdam pa rin ako ng pagkadismaya na hindi man lang niya ako binigyan ng importansya?

"Bakit?" Bigla niyang naitanong at matiim na tumingin dito, nang hindi alam kung saan ba dapat magsimula? Dapat bang komprontahin niya ito agad,

O magpadala pa rin sa kasinungalingan nito?

Ah! Bakit ba ngayon lang niya nakikita ang totoong Matthew? Iba ba ang Matthew na kausap niya lagi sa phone o kaya sa video call? Tanong ng isip na bahagyang pa napailing.

Akala niya kilala na niya ito. Hindi pa pala. Hanggang hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatitig lang dito. Nang bigla itong magsalita, at nagulat pa siya ng bigla siya nitong akbayan.

"What? Hey, ok ka lang babe! Kanina ko pa napapansin na natutulala ka at malungkot. May problema ba? Galit ka ba sa akin?" Kunwa'y malungkot nitong tanong at lalo pang lumapit sa kanya, sabay hawak nito sa kanyang pisngi.

"Pwedeng lumayo ka muna sa akin. Nasa public place tayo. Maraming nakakakita sa atin.." May diin niyang salita, bigla kasi niyang naisip ang sitwasyon nila na kung totoong niloloko s'ya nito, ano na lang ang labas n'ya ngayon? "Isang tangang kabit na walang kaalam-alam?" Basta pakiramdam niya ayaw na niya kahit ang madikit pa dito.

"What? Ano bang nangyayari sayo Boyfriend mo ako baka nakakalimutan mo? Ngayon nga lang ulit tayo nagkita. Gan'yan pa isasalubong mo sa akin, may problema ba tayo o baka naman may iba ka na?" Pagalit nitong tanong.

"Boyfriend ba? Hah!! Girlfriend mo ba talaga ako O pampalipas oras mo lang?" Tanong niya dito na hindi na napigilan pa ang tinitimping emosyon. She feel's so annoying. Hindi na n'ya magawang magkunwari pa at sa totoo lang gusto na n'ya itong komprontahin.

"Natural girlfriend kita! Ano bang pinagsasabi mo, ano bang sinasabi mo nagdududa ka ba?" Tanong pa nito na para itong walang ginagawang mali.

"Naging tapat ka ba talaga sa akin o talagang magaling ka lang?" Tanong niya sa nobyo, she can't stop herself for being sarcastic.

"May problema ka ba sa akin? Bakit hindi mo na lang ako deretsahin? Para naman alam ko" Sa mapang-uyam nitong salita at hindi maipintang mukha.

"Gusto mong malaman talaga? Sige, gusto ko rin namang malaman kung ano ba talaga ako sayo? Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa akin ang totoo Matthew!" Sigaw na niya sa inis dito.

Hey! Hindi ko maintindihan ano bang sasabihin ko, bakit ka ba gan'yan? Ano bang nagawa kong mali ha?" Patay malisya nitong tanong.

"Hindi mo maintindihan? Okay ka rin ha? Ang tindi mo, sagutin mo nga ako!" Saglit siyang huminga ng malalim upang pawiin ang nadaramang tensyon.

"Sino 'yung babaeng kasama mo sa mall kahapon?" Aniya.

"Sino naman ang nagsabi sayo n'yan? Isa 'yang kalokohan! Why don't you asked me first, before you believe to anyone? Hindi ba sabi ko nga nasa office ako kahapon. Ako pa talaga ang pagdududahan mo o baka naman talagang gusto mo lang akong hiwalayan ha?" Pambabaligtad pa nito sa kanya. But he was obviously keeping something. Dahil sa biglang pag-ilap ng mga mata nito at pagkukunwaring malungkot. Ngunit halata namang nagsisinungaling ito.

"Walang nagsabi sa akin, dahil ako mismo ang nakakita sayo! Ngayon ikakaila mo pa ba?" Sigaw niya dito ng walang pakialam sa makaririnig.

Hindi nakaila kay Given ang biglang pagkabalisa at hantarang pag-ilap ng mga mata nito na tila nag-iisip ng sasabihin. Bigla ang naging paghawak nito sa kanyang kamay ngunit pinalis niya ito. Napayuko na lang ito sa harap niya, sa kilos nito parang inamin na rin nito ang totoo.

"I'm sorry. Honey! Sasabihin ko rin naman sayo ang totoo. Naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon.. Hindi ko naman talaga intensyon na lokohin ka, maniwala ka sana!" Paliwanag nito sa natatarantang tono. Kahit pala inaasahan na niya ang sasabihin nito ang sakit pa rin palang malaman ang katotohanang niloloko lang s'ya nito.

"Ano pala ang intensyon mo kung ganu'n?" Magkahalong pagkadismaya at pagkairita niyang tanong.

"Given, please naman.. Makinig ka sa akin. Ang totoo hindi ko na siya mahal. Nakikisama na lang ako sa kanya dahil sa mga anak namin. Ikaw ang mahal ko, kung gusto mo hihiwalayan ko na siya. Magsama na tayo, mahal na mahal kita. At alam kong mahal mo rin ako hindi ba?" Paliwanag pa nito.

Biglang nag-flashback sa kanyang isip ang eksenang nakita kahapon. Habang kasama nito ang pamilya. What a stupid alibi? Ano bang akala nito na magpapauto' pa s'ya ulit?

Na matutuwa s'ya sa sinabi nito? Dahil s'ya ang pakikisamahan? Sa loob-loob niya walanghiya talaga s'ya.

"Alam mo ba ang sinasabi mo, ano bang palagay mo sa akin na papayag ako na maging kabit mo?" May diin niyang tanong sa naiinis na tono. Matindi ang pagpipigil niya sa sarili. Kahit gustong-gusto na n'ya itong kalmutin.

"Hon, maghihintay lang naman tayo ng konting panahon. Hanggang sa pwede na akong magfile ng annulment sa ngayon pwede naman tayong magsama muna, mahal naman natin ang isa't isa. 'Yon naman ang mahalaga hindi ba?" Suhestyon pa nito na lubhang ikinagulat niya.. Dahil sa pagkadismaya, hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses.

"Magsama! Paano mo nasasabi sa akin 'yan? Nakalimutan mo yata babae rin ako! Akala mo ba ganu'n lang kadali sa'kin na gawin 'yon? Ano bang akala mo sa akin tanga! Gago ka rin ano? Kung gusto mong gaguhin ang asawa mo. Huwag mo na akong idamay pa! Naiintindihan mo?" Pagigil na niyang sigaw dito at wala na s'yang pakialam makagawa man s'ya ng eksena.

"Mula sa araw na ito ayoko ng makita ang pagmumukha mo! Walanghiya ka! Ginawa mo akong tanga! Pare-pareho lang kayong manloloko!" Sigaw na niya dito. By that time, She feel's so humiliated and devastated.

Halo-halo ang kanyang pakiramdam ng mga oras na iyon. Gusto niyang sumigaw gusto niyang sampalin ito hanggang sa mawalan ng mukha.

Pero pinigilan pa rin niya ang sarili.

Ayaw na niyang magmukhang desperadang talunan. Sapat na sigurong naipamukha niya dito ang kawalanghiyaan nito at ipaalam dito, na hindi na nito magagawang lokohin pa s'ya ulit!

Ang tanging gusto na lang niya ang makaalis na sa lugar na iyon. Nag-iwan lang muna siya ng bayad sa kape at kunuha ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa. At walang sabi-sabing tinalikuran na ang lalaki.

Ngunit paalis na sana siya nang muling magsalita si Mathew, na saglit na napatulala sa kanyang mga sinabi at ngayon lang nakapagsalita.

"Given! I'm sorry.. Please makinig ka muna sa akin, hindi ko sinasadyang saktan ka maniwala ka mahal kita!" Pakiusap pa nito. Pero sobra-sobra na ang sakit na kanyang nararamdaman. Isang katangahan na kung pakinggan pa n'ya ito. Niloko s'ya nito at pinagmukhang tanga, hindi na n'ya ito mapapatawad.

Sobra siyang umasa at nangarap na silang dalawa ang magsasama hanggang sa huli. Pero ang totoo kahit kailan pala hindi ito naging kanya..

"Bitiwan mo ako Matthew! Kung ayaw mong tuluyang kasuklaman kita. Huwag ka nang magpapakita ulit sa akin at ayusin mo 'yang buhay mo!" May diin niyang salita na puno ng pagkasuklam. Dahilan para bigla itong natigilan at tuluyan na rin siyang binitiwan.

Pagtalikod n'ya kay Matthew hindi na niya napigilan pa, ang pagbuhos ng emosyon! Patuloy lang sa pag-agos ang luha niya, habang pabilis din ng pabilis ang kanyang lakad.

Dahil sa nanlalabo niyang paningin. Hindi niya namalayan ang isang estudyanteng papasok sa may pintuan. Nagkabanggaan sila nito paglabas niya ng pinto.. Nabitawan tuloy niya ang hawak na panyo at cellphone..

Mabuti na lang at maagap siya nitong nasalo agad, kasabay ng pagsalo rin nito sa kanyang cellphone. Bago pa man ito tuluyang malaglag at mauwi sa pagkawasak! Katulad rin ng puso niya ngayon..

Kung tutuusin isa lang itong patpating binatilyo pero nagawa nitong maging aktibo. Sayang at wala siyang panahon para hangaan pa ito sa pagiging bayani nito sa kanya.

"Oppp!! Sorry Miss hindi ko sinasadya hindi kita agad nakita pasensya na!" Magalang pa nitong paghingi ng dispensa. Subalit imbes na magpasalamat s'ya iba ang kanyang sinabi..

"Pwede ba umalis ka sa daraanan ko. H'wag kang humarang!" Sabay tabig niya sa binatilyo at hablot sa kanyang cellphone.

She feel's so humiliated for what have done. But she choose to ignored it and she left without ever looking back, never ever again.

And in her walked away, she heard the boy shout!

"Whoa! Thank you. Miss ha! ! !

Sa uulitin. . . Pasalamat ka matanda ka na! Kaya mahirap kang patulan!" Sa mapang-uyam nitong tinig..

_____//

Grabeng babae 'yon Ah! Bulong pa ng binatilyong nakabangga niya. Nang sa pagpihit nito papasok ng Cafe'house..

"Huh! 'Yong panyo niya naiwan." Pinulot nito ang panyo at saglit itong natigilan ng mapansing may nakasulat sa panyong hawak..

Nacurious itong basahin. . .

GIVENEA "GIVEN" ALCANTARA

So maybe it's your name huh?

Your Given and I'm kieffer.

Ipamunas ko kaya ito ng sapatos makaganti man lang hmmmm, pero ang bango ah? H'wag na lang sayang.

But now you're mine?!

* * *

@LadyGem25


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C4
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン