"Hmmm." Nag-inat ako ng paa at ng braso. Napahikab din ako pero hindi ko pa din iminulat ang aking mga mata hanggang sa pakiramdam ko ay parang may kakaiba, nilalamig ang mga binti ko. Nangapa ako ng kumot pero wala akong naramdaman.
"Oi, nilalamig na ata yang si Risa." Narinig kong may nagsalita na kaboses ni Dan.
Nanaginip ba ako? Pero napansin ko din na may iba pang tao na nagsasalita. Si Mia ang una kong nakita nang iminulat ko ang aking mata. Nakaupo siya sa katapat na sofa habang ang isang paa niya ay nakapatong sa ibabaw ng sofa. Napahikab ulit ako. Nagpunta nga pala kami sa bahay nina Andy pagkatapos noong awarding sa piano competition dahil birthday niya kinabukasan kaya nagdecide sila na ngayon na lang i-celebrate, overnight sa bahay nila.
"Andy, nandito na yung iba mo pang kaibigan." Mama siguro yun ni Andy.
Mukat-mukat pa ako nang nagsalita si Andy, "Oh, ito na sina Stan at Denise. Kompleto na ang barkada."
Siya lang naman kasi hindi nanood ng performance ko. Dahil sa nakaharap ako sa may pasukan ng living room nina Andy, saktong nakita ko si Stan at ang girlfriend niya. At dahil doon nga ako nakaharap, napansin ni Stan na gising na ako kasi nagkatagpo ang mata namin pero agad niya itong iniwas.
"Daig kayo ni Denise, may dala siyang regalo," pagyayabang ni Andy.
"Hindi na namin kailangan bumili ng regalo para iparamdam ang pagmamahal namin," kontra naman ni Dan na hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung saan nakapwesto.
"Oo nga-" sabi ko kaso noong uupo na ako, napahawak ako sa hita na kung kanino man na inunan ko pala. "Eh?!"
Napatunghay ako at mas lalo akong nagulat dahil ang may ari ng hita na unan ko ay walang iba kundi si Keith. Teka, teka, paano nangyari yun?
"Eh?!" ulit ko ng mas malakas. Naupo na ako ng ayos at tinanggal ko agad ang kamay ko dun sa binti niya. Nilingon ko ang paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin na medyo nagpipigil ng pagtawa. Napansin ko din ang orasan, lampas lang ng seven ng gabi. Napahawak ako sa ulo ko at wavy pa ang buhok dahil sa pagkataas para sa competition. Ang suot ko pa din ay yung itim kong bistida.
Nag-isip pa lalo ako. Magaalasais na ng natapos ang awarding. Dumiretso kami sa bahay nina Andy tapos nagpunta kami doon sa living room at nagbukas ng tv. Naupo sa sofa at katabi ko si Dan tapos sa tabi niya ay si Keith.
"Grabe, nangimay binti ko," sabi ni Keith.
"Syempre, mabigat yang ulo ni Risa eh," pagsang-ayon naman ni Aya. Nagtawanan naman yung iba.
"Bakit hindi niyo 'ko ginising?" reklamo ko sa kanila.
Si Mia ang sumagot. "Wala ka pa naman isang oras tulog at tsaka mukhang antok na antok ka."
Ano pa nga ba magagawa ko? Nagsorry na lang ako kay Keith at ginawa kong unan ang hita niya. Kung hindi ako nagkakamali, pakana ni Dan 'to. Kung hindi siya umalis, edi sana sa hita niya ako nakatulog. Itinanggi naman ni loko at sabi ni Keith, okay lang naman daw pero nakakahiya pa din. Ni hindi pa nga kami nagkakausap ng ayos.
Ipinatong ni Stan yung dala niyang kahon ng cake sa mesa at napatigil siya ng saglit. Hindi ko alam kung bakit pero napatingin siya dun sa bulaklak na bigay ni Keith. Dahil sa sinusundan ko siya ng tingin, pagkatunghay niya, nagkatinginan ulit kami. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na siya umiwas.
"Sorry nga pala, hindi ako nakapunta sa competition mo. Sinamahan ko kasi si Denise," sabi ni Stan, blangko lang ekspresyon niya. Halatang wala talaga siyang balak pumunta.
Hindi ko na siya tinanong kung saan, hindi din ako sumagot. Umalis din naman kaagad siya at bumalik dun sa tabi ng girlfriend niya. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Oo, nadisappoint ako nung nalaman ko na hindi nila kasama si Stan. I thought that somehow everything would return to the way it was. If only Stan brushed it off causually or even laughed it off then I'll pretend I never said anything. I'll even apologize for smoking but he acted the opposite of it.
Kahit na pinansin niya ako at nagsorry siya, alam ko at ramdam ko na hindi naman talaga siya sincere. Sinabi niya lang yun para hindi siya matanong o para hindi mapansin ng iba na may mali sa aming dalawa. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon ang reaksyon siya. Ganoon ba talaga siya kagalit sa akin? Ganoon ba talaga niya kaayaw sa akin, hindi bilang best friend kaya kahit isang text lang ng good luck wala? Kahit magkaaway kami, alam ko itetext pa din niya ako ng good luck. Eh bakit ganito?
I apologize for not uploading anything over the weekend. Thanks for reading!
Btw, if you're on twitter, follow me @wickedwinter3. I'll follow back. I tweet about my other book and Figure Skating.