Panay ang tambol ng dibdib ni Arielle habang naglalakad siya sa aisle. Off white ang suot niyang wedding gown na simple lang ang pagkakayari.
The gown looked good on her, hindi lang si Ate Zeny at Cecille ang nagsabi niyon sa kanya. But Theo also looked dashing in his tuxedo, tumingkad higit ang charm nito sa suot.
Hindi niya alam kung totoo ang kaligayahang nakaguhit sa mga mata ni Theo nang kunin nito ang kamay niya at igiya siya paharap sa upuang nakatalaga para sa bride at groom.
Sa Sto Nino Church sa Cebu nila piniling magpakasal. Mananatili sila doon hanggang sa susunod na linggo. They would spend their honeymoon in Panglao, iyon ang gusto ni Theo na gusto niya rin naman.
"Nervous?" Nakangiting tanong nito. Masuyong pinisil ang kamay niya. Umiling si Arielle kahit alam niyang walang dudang iyon nga ang nararamdaman niya.
Mabilis na natapos ang seremonyas ng kasal. Theo turned to kiss her nang marinig na nila ang pinakahihintay at pamatay na linyang.. "You may now kiss the bride.."
The kiss didn't linger. Mabilis lang bagaman mariin. Niyakap siya ni Theo bago nila hinarap ang pagbati ng mga malalapit na kaibigan at kamag anak na present sa araw na iyon.
Kasama sa mga bisita ay mga pinsan at kamag anak ni Theo na kung hindi nanggaling sa Amerika ay nagmula naman sa Calatrava, ang bayan kung saan pinanganak ang asawa niya. Naroon si Cecille kasama ang mag ama nito. Present din si Troy kasama ang ka-love team nito. Kasama din sa mga naimbitahan sina Verna, Olga at Ralph na kanina pa nangungulit sa kanya ng group picture.
Naroon din si Grace na pangiti ngiti sa buong durasyon ng kasal. Hindi siya nagprotesta nang ipagpaalam ni Theo na iimbitahin ang dalaga. Verbal na rin kasing na imbitahan si Grace ni Cecille noong nasa restaurant sila.
Sa hotel kung saan ang reception ng kasal ni Cecille two years ago din ginanap ang reception nila ni Theo. Sa presedential suite kasi kung saan sila unang nagkakilala tutuloy ni Theo pagkatapos ng kasiyahan. Theo preferred spending their first night as husband and wife sa suite na iyon kung saan nabuo si TJ.
Hindi humihiwalay sa kanya si Theo. Nang lumapit si Grace para batiin sila ng congratulations, siniguro niyang hindi makakahalik ang babaeng haliparot sa asawa.
Nakaalalay si Theo kay Arielle. Humahalik paminsan minsan at palaging nakapulupot ang braso sa kanyang baywang.
Sa lahat ng mga naroon, ang Papa ni Arielle ang pinaka emosyonal.
"You are marrying a De Marco, Hija. Umpisa nang una siyang humarap sa amin ng Mama mo I did a lot of digging about him." Anang Papa niya nang puntahan siya nito sa suite kanina. "He's a fine man at naniniwala akong maging mabuti siyang padre de pamilya sa inyo ng apo ko. And.. I am sorry about Busty. Pinagsisihan ko ng husto iyon.."
Maluha luhang niyakap ni Arielle si Lucio.
"Matagal ng tapos iyon, Papa. Naiintindihan ko. Kalimutan na natin iyon, ha?" Nasabi niya.
Tinapik ni Lucio ang likod ni Arielle. "Mahal na mahal kita, anak."
Maligaya siya. Kahit ano ang dahilan ng pagpapakasal nila ni Theo, hindi niya maitatanggi ang nag uumapaw na kaligayahan sa kanyang puso.
Nag umpisa lang mahaluan ng tensyon ang kaligayahang iyon nang sa paglingon ni Arielle ay makita niyang nakatayo sa dulong bahagi ng hall si Busty! Nakatitig ito sa kanya.
"It's late, iwanan na natin sila dito." halos mapapitlag pa si Arielle nang marinig ang tinig ni Theo. Nasa mukha na nito ang pagod.
Hindi siya nakapagsalita agad. Binalikan ng mga mata niya ang lugar na kinatatayuan ni Busty pero wala na ito roon.
It can't be Busty, buntong hininga niya Ang alam nya ay bumalik na ito sa Amerika nung nakaraang taon. Walang balita kung nakabalik na nga ba ito sa Pilipinas. Iniwasan na kasi ng Papa at Mama niya na mabanggit o mapag usapan ang lalaki simula nang magdalantao siya.
At kung si Busty man iyon, paano makakapasok ang lalaki sa reception?
"Hey.." untag sa kanya ni Theo. "Are you alright?"
Tumango si Arielle.
"R-restroom lang ako saglit, Theo."
"Do you want me to go with you?"
"Hindi na." Tugon niya na ngumiti. "Babalik ako agad." Umahon si Arielle sa kinauupuan at maingat na naglakad palabas ng Function Hall.
Humarap siya sa salamin sa loob ng restroom pagkalabas na pagkalabas niya ng cubicle. Pinakatitigan niya ang sarili sa repliksyon ng salamin.
She was glowing. Unang gabi nila bilang mag asawa, iki claim ba ni Theo ang karapatan nito sa kanya o paninindigan ang sinabi nito noong una na hindi nito ipipilit ang sarili sa kanya?
She was both excited and worried at the same time. Iniisip niya kung ano ang dapat niyang gawin mamaya.. Hindi niya gustong magmukhang tuod na nagmamadaling matuto ulit kagaya ng dati. Dahil maliban kay Theo, wala ng ibang lalaking nagpadama sa kanya ng ipinadama nito sa kanya noon.
Bumuntong hininga si Arielle. Lumabas na siya ng restroom para bumalik sa reception.
"Babe.."
Napalingon si Arielle nang maramdaman niya ang paghawak ng kamay ng kung sino sa braso niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala si Busty.
"Anong ginagawa mo dito?" bulalas ni Arielle. Nawala sa loob na agawin ang braso niyang hawak ng lalaki
Ngumisi si Busty. "Don't I deserve a welcome hug or kiss, Babe? Namiss kita."
Namula ang mukha ni Arielle sa inis.
"You're the same maniac I knew, Busty. Bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang babae? Kasal na ako, hindi mo ba nakikita?"
"Dalawang taon akong papalit palit ng babae, Babe. Pero wala ni isa sa kanila ang pinantasya ko ng husto kagaya ng pagpapantasya ko sa'yo noon."
Akmang sasagot si Arielle nang marinig nila ang isang galit na tikhim mula sa kanyang likuran. Napalingon sila pareho kay Theo na kunot na kunot ang noo sa pagkakatitig sa braso niyang hawak ni Busty.
Mabilis niya iyong binawi. Iglap lang ay nakalapit na sa kanila si Theo. Mahigpit nitong ginagap ang palad niya.
"Who is he, sweetheart?" Tanong ni Theo bagaman ang mga mata ay nakatuon kay Busty na wala ring balak mag iwas ng tingin.
"Bumalik na tayo sa loob, Theo.."
Nagpatiuna na siyang tumalima paalis pero napigil siya nang maagap na nahawakan ni Busty ang isa niyang kamay. Nagtiim ang mga bagang ni Theo.
"Nagtatanong ang asawa mo, Babe.. Bakit hindi mo sagutin?"
"Let her go." Utos ni Theo sa mariing tinig.
"You might want to know that I once own the girl you just married, Mr De Marco. Sa maikling salita, tira ko na lang ang babaeng hawak mo."
'Yon lang marahil ang hinihintay ni Theo. In one swift move nagawa siyang haltakin ng asawa. Kasunod niyon ay ang pag landing ng kamao nito sa panga ni Busty. Kamuntik ng mawalan ng balanse ang lalaki sa lakas ng suntok na tumama sa mukha nito. Nabitawan siya ni Busty.
Natutop ni Arielle ang sariling bibig. Hindi makapaniwalang nawala ang kontrol ni Theo sa sarili. Ang isang kamay niya ay mahigpit pa ring hawak ng asawa habang bumaba tumaas ang dibdib nito sa galit na noon niya lang nakita.
Sapo ang parte ng mukhang tinamaan ng suntok, tumayo si Busty. Natetensyon si Arielle, lalo at nagsusukatan ng galit na tingin ang dalawang lalaki. But Busty chose not to fight back. Nagbaba ito ng tingin.
"Theo!" si Grace iyon na nakita ang nangyari. Ito na mismo ang nagtawag ng security.
Kusa namang umalis si Busty, hindi na hinintay na ipagtabuyan pa ito sa labas ng dalawang gwardya.
"Theo.." usal ni Arielle.
Namumula pa rin sa galit si Theo. Iginiya siya nito patungo sa elevator. Tensyunada naman si Arielle, hindi alam kung papaano papayapain ang asawa. Maliban kasi sa galit na buntong hininga ni Theo ay hindi na ito nagsasalita.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin lalo at kitang kita niya ang pigil na galit sa mukha nito.
Napasunod siya dito nang bumaba ito sa Presidential suite sa top floor.
"H-hindi pa pala ako nakapagpaalam kina Mama.." namutawi sa bibig niya nang makitang nagtatanggal ng suot na tux ang asawa.
Matalim ang mga matang nilingon siya ni Theo. "Mas gugustuhin mo pang bumalik doon?"
"Theo.."
"Sino siya, Arielle?"
Bumuntong hininga si Arielle. Kinalma niya ang sarili. Walang rason para kabahan siya sa nakikitang pamumula ng asawa dahil sa galit.
Arielle sat on the edge of the bed.
"Siya yung lalaking pakakasalan ko dapat noon." Sagot niya.
Narinig niya ang matalim na paghugot ni Theo ng sariling hininga. Mukhang lalong nagalit. "Bakit mo siya inimbita?"
Nag angat siya ng mukha. "I did not!"
Theo clenched his teeth.
"Sino kung ganun ang nagbigay sa kanya ng invitation card? Sa simbahan pa lang nakita ko na siya, Arielle! Sumunod siya hanggang dito."
Umiling siya. Pinigil ang sariling maiyak. Ayaw niyang magalit si Theo. It was their wedding night, at hindi niya gustong masira ang gabi dahil lang kay Busty.
"Ewan ko! Hindi ko alam, Theo! Muntik muntikan niya ng sirain ang buhay ko noon bakit ko siya iimbitahin sa kasal ko?!"
Theo's expression soften. Gumuhit ang guilt sa mga mata nito nang makita ang mga luhang pinipigil niyang tumulo.
Bumuntong hininga si Theo. Lumakad ito palapit sa kanya, lumuhod sa harap niya at masuyo siyang kinabig payakap.
"I'm sorry, Arielle. Hindi ko lang kasi alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko alam ang totoong score n'yo ng lalaking iyon. Sabi ni Cecille ikakasal ka dapat sa kanya noon, hindi lang natuloy dahil kay TJ.."
"Si Papa ang may kagustuhang pakasalan ko siya noon, Theo. Ilang araw na lang ang binibilang ko noon bago ako ikasal sa kanya. K-kaya kita pinasok sa suite mo noon at kinumbinsi ka sa one night stand dahil ayokong ang lalaking iyon ang makauna sa akin. I did it out of rebellion.. sa Papa.. sa sirkumstanya.. at kay Busty."
Nagliwanag ang mukha ni Theo. He cupped her face and kissed her on her forehead, sa ilong at sa mga mata niyang tuluyan ng naglabas ng luha. "I'm sorry, Arielle... Nagselos ako.. I wanted to kill him for touching you.."
"Theo.."
Theo bent down and kissed her hard on her lips. Kusang bumuka ang mga labi ni Arielle upang salubungin ang halik ng asawa.
Pinigil niya ang singhap nang maramdaman niya ang isang kamay ni Theo sa punong dibdib niya na nakalitaw sa suot niyang gown. Kasabay ng pagbaba ng mga labi nito sa mga labi niya ay ang masuyong pagtulak nito sa kanya pahiga sa ibabaw ng kama kasunod ito.
Nasa ibabaw niya si Theo, kissing her gently and passionately. Arielle closed her eyes tightly, she tried to suppress her moans pero kusang kumawala iyon sa lalamunan niya.
Ang isang kamay ni Theo ay nakatukod sa gilid niya, hindi gustong ibigay ang buong bigat nito sa kanya habang ang isang kamay ay naglalakbay mula sa punong dibdib niya pababa sa kanyang hita.
Theo groaned in frustration nang sa halip ay makapa ang makapal na tela ng gown niya. Nagdilat si Arielle ng mga mata nang maramdaman niya ang pag alis nito sa pagkakadagan sa kanya. Maingat siya nitong hinatak patayo at ibinaba ang zipper ng suot nyang gown.
"Nakalimutan kong i suggest na maiksing gown lang ang suutin mo para hindi tayo nahihirapan ng ganito." He said in between amusement and pleasure.
Hindi makuhang magsalita ni Arielle. Overwhelmed pa rin sa damdamin at sensasyong nararamdaman niya. Hinawakan siya ni Theo sa balikat nang malaglag ang gown sa paanan niya. Maaalab na halik ang sumunod. Higit niyang naramdaman ang arousal ni Theo nang idiin nito ang pang ibabang bahagi ng katawan sa katawan niya.
Pinigil niya ang singhap nang kusang bumaba sa nakaumbok nitong pagkalalaki ang isang kamay niya. Pakiramdam niya magdedeliryo siya nang lumuhod si Theo sa harap niya at bigyan nito ng wet kisses ang puson niya pababa. Nagtagal ang mga labi at dila ni Theo roon.
Hinalikan ni Theo ang halos hindi na kitang peklat sa ibaba ng puson niya na nakuha niya nang ipanganak si TJ through caesarian section.
Nang tumayo muli si Theo, his mouth claimed one firm breast habang ang mga braso ay nakaalalay sa likod niya.
Napapikit si Arielle ng mariin kasabay ng pagliyad ng katawan niya sa sensasyon. Saglit na humiwalay si Theo sa kanya. Hinubad ang suot na slacks, wala na ito ni isang saplot sa katawan nang buhatin siya nito at ihiga sa ibabaw ng kama.
He kissed her once more, now deeper.. mas naghahanap, mas nag e explore. Halos mabiyak na ang dibdib ni Arielle sa lakas ng tibok niyon. Dinama ni Theo ang dibdib niya.. pababa sa kaselanan niya.
Nagdilat si Arielle ng mga mata nang maramdaman ang pag ibabaw ni Theo sa katawan niya. Their passion glazed eyes met.
"Oh, Theo.." nasambit ni Arielle as he took her. Gusto niyang mapangiwi sa hindi niya inaasahang sakit na naramdaman nang tuluyang makapenetrate si Theo sa kaselanan niya.
It wasn't her first time. Two years ago, dalawang beses niyang ibinigay ang sarili kay Theo.
"You're as tight as the first time we made love, Arielle." usal ni Theo as he slowly move on top of her.
Walang maisagot si Arielle kundi mahihinang ungol. She was silently calling his name habang pakiramdam niya ay nasa isang paraiso siya sa masarap na sensasyong ipinapadama nito sa kanya.
Eyes closed, nakagat ni Arielle ang pang ibabang labi nang unti unti ay bumilos ang pag indayog ng katawan ni Theo sa ibabaw niya. He was pumping her tight womanhood harder and deeper.
Kumawala ang malakas na ungol sa bibig nila pareho nang sabay nilang marating ang sukdulan. Mahigpit siyang yumakap sa pawisang likod ni Theo. Dinig nila ang malakas na tibok ng puso ng isa't isa.
Mariin siyang hinalikan sa labi ng asawa bago ito maingat na bumaba sa tabi niya.
Pinailalim nito ang braso sa ulo niya, he held her tight and kissed her on her temple. Nagtatalo na ang pagod at antok kay Arielle pero nagawa niyang iyakap ng mahigpit ang braso sa katawan ni Theo at humalik sa hubad na dibdib nito bago niya mariing ipinikit ang mga mata.
"I so love you, Arielle... "
♥
Tanghali na nang magising si Arielle kinabukasan. Wala si Theo sa loob ng presendential suite. Bumaba ang tingin niya sa katawan. Hubad pa rin siya sa ilalim ng makapal na comforter. She felt sore all over, nakakapanghinayang lang na hindi niya nagisnan ang asawa.
Kinuha niya ang unan nito at niyakap. Naiwan doon ang amoy ni Theo. Noon niya napansin ang isang nakaipit na note sa ibabaw ng bedside table.
"Good morning. Nasa lobby lang ako.. I'll be back and have breakfast with you.."
She smiled thoughtfully. Ibinalik niya ang note sa bedside table. Tinungo niya ang bathroom at mabilis na nag shower. Susunduin nila si TJ mamaya sa bahay ni Theo sa Mactan.
Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng suite matapos ayusin ang sarili. Mag isa siya elevator pababa. Pupuntahan niya na ang asawa para sa restaurant na sila mag breakfast.
Nasa 6th floor na ang elevator nang magbukas iyon. Tatlong babae ang pumasok. Pasarado na ang pinto nang mahagip ng tingin niya si Theo... at si Grace na nakayakap sa baywang ng asawa niya! Magkasabay na lumiko ang dalawa sa isang pasilyo.
Mabilis na pinindot ni Arielle ang open button at saka nagmamadaling lumabas.
Nakita niya pa nang pumasok si Grace sa loob ng isa sa mga suite sa palapag na iyon. Kasunod nito si Theo. Halos madurog ang puso niya.
Nakagat ni Arielle ang pang ibabang labi, pinaglalabanan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha niya. She walked towards the elevator. Sumakay nang magbukas iyon at bumalik sa presedential suite.
'Broken Heart Hurts..' naalala niyang sabi ni Theo sa kanya nung unang magkrus ang mga landas nila dalawang taon na ang nakakaraan. Mapait siyang napangiti.
Indeed it does.