アプリをダウンロード
76.47% One Night with Mr. Gorgeous / Chapter 13: Chapter Thirteen

章 13: Chapter Thirteen

"Arielle!" Tili ni Cecille na may kasamang kaway nang makita siya. Nasa bungad ng restaurant ang kaibigan. Nakangiting gumanti siya ng kaway dito.

Usapan na nila na magkita sa restaurant na iyon. Kanselado ang date niya kay Theo. Itinawag iyon sa kanya ng binata kaninang hapon. May importante daw itong lalakarin kaya kinabukasan na lang itutuloy ang lakad nila.

Nakadama siya ng disappointment pero hindi niya ipinahalata. Bumalik na siya sa apartment niya kasama si TJ kagabi. Kagabi pa din kasi dumating si Ate Maring mula sa Pampanga. Stable na raw ang kalagayan ng Tatay nito at nagpapagaling na.

"Saan si Benj?" Tanong niya nang makalapit ang kaibigan.

"Naku hindi ko isinama. Nandun sa bahay, nagbabantay ng anak niya."

Natawa siya. Naupo si Cecille sa upuang katapat ng kinauupuan niya. Kumaway sa waiter at nag order para sa kanilang dalawa.

"So, ano yung sinasabi mo sa akin na ikakasal ka na? Hindi ka joker kaya gusto kong maniwala."

Hindi niya pa sinabi sa kaibigan ang tungkol sa kanya at kay Theo nang tawagan niya ito kaninang umaga. At marahil ay wala pang nababanggit si Theo sa dating sekretarya kaya wala pa itong ideya.

"Totoong ikakasal na ako, Bestie. Kay Theo."

Natigilan si Cecille. Pagkatapos ay tumawa. "Joke ba 'yan?"

Sinimangutan niya ang kaibigan. Kumunot naman ang noo nito..

"Wait.. seryoso?"

Tumango siya. Namilog naman ang mga mata ni Cecille. Gumuhit ang excitement sa mukha.

"Paano?"

Pahapyaw niyang ikwenento sa kaibigan ang nangyari sa pagitan nila ni Theo dalawang taon na ang nakakaraan. Maging ang pabor na hiniling ni Theo sa kanya nang magkita silang muli, ang pagharap at pag uusap ng mga magulang niya at ng mga magulang nito tungkol sa kasal.. omitting the kiss she and Theo shared after their parents left.

"Oh My God! Sa mismong araw ng kasal ko.. You and Theo? Oh My God!"

Gusto niyang matawa sa amazement at puzzlement sa mukha ng kabigan.

"Hindi ko nabanggit sa'yo na ang kapatid ni Theo na si Sir Trace ang nakabili ng hotel na 'yon.. Newly renovated pa iyon nong kasal ko at inaayos ang paglilipat ng pangalan sa mga De Marco. Oh My God.. kaya pala.."

"Kaya pala?" Gagad niya.

Sumimsim muna ang kaibigan sa sinerve na iced tea ng waiter kanina habang nag kukwento siya.

"Kaya pala ganun kadami ang tanong ni Boss Theo tungkol sa'yo. Tumawag ako sa cellphone mo nung Lunes at siya ang nakasagot. He was inquiring about TJ. Nakita niya daw ang picture ng bata sa cellphone mo."

Napabuntong hininga si Arielle.

"Itinanong niya sa akin kung may asawa ka na o may boyfriend.. kung sino ang Ama ng bata.." napangiti ito sa parteng iyon. "That gorgeous bastard must've forgotten to ask you about your marital status nang hilingin niya sayo ang pabor na magpanggap bilang girlfriend niya."

"And look what's happening.. hindi lang ako magpapanggap.. I'm really going to be his wife in two weeks time."

Nagui guilty na ginagap ni Cecille ang kamay niya.

"I'm sorry, Bestie. Nagka idea marahil si Boss na siya ang ama ni TJ nang sabihin ko ang edad ng inaanak ko. Pahapyaw ko ring nabanggit na nag back out ang pakakasalan mo nang malamang buntis ka."

"Hindi mo ba nabanggit sa kanya ang dahilan kung bakit sana kami pakakasal ni Busty?"

Umiling si Cecille. "Hindi na. I have to attend to Belle dahil nagising na ito. Nagpaalam na rin agad si Boss Theo."

At sumugod na ang lalaki sa bahay ni Ate Zeny at kinompronta siya tungkol kay TJ.

"But I'm happy for you, Bestie. Maswerte ka at matinong lalaki ang pakakasalan mo. Andaming babaeng naghahangad na mapansin ni Theo pero ikaw ang pinili niya."

Hindi siya nakaimik. Maswerte nga ba siya? Kung pisikal at kalagayan sa lipunan sigurado siyang maswerte siya. Pero paano naman yong emosyonal? Wala silang nararamdamang espesyal sa isa't isa.

"A-attend ka naman sa kasal ko hindi ba?" Tanong niya pagkuwan.

"Of course, Bestie! Hindi ako mawawala!" Sagot ni Cecille sa pagitan ng pag nguya.

"Kumusta na nga pala si Belle?" Usisa niya pagkaraan ng ilang minutong naka focus sila pareho sa pagkain. "Hindi pa ako nakakadalaw sa inyo."

"Unti unti na siyang nakakabawi ng lakas, Bestie. Infection sa dugo ang diagnosis ng doktor pero nagpapagaling na siya ngayon."

"Mabuti naman kung ganon."

Tinawag niya ang waiter at hiningi ang bill nila. Nag insist si Cecille na ito na ang magbabayad.

"Let's go?"

"Naku, time out muna.. wait for me, restroom lang ako saglit." Paalam ni Cecille, umahon sa kinauupuan at binitbit ang shoulder bag.

Hindi pa natatagalan sa restroom si Cecille nang mapansin ni Arielle ang pagpasok ng pares sa loob ng restaurant. Sumikdo agad ang puso niya nang makilala si Theo.

Guwapong guwapo ang lalaki sa suot na long sleeved polo at itim na slacks samantalang agaw pansin din ang magandang babaeng naka abreysente dito.

Nakita niya nang ipaghatak ni Theo ng upuan ang babae.. kahit nang matamis na ngitian ng huli ang fiance niya. Kinalma ni Arielle ang sarili nang makitang panay ang hawak at haplos ng babae sa braso ni Theo. May pakiramdam siyang gusto niyang sugurin ito lalo at obvious na pagpapa charming at pananantsing nito.

Sino ba ang babaeng ito? Bakit over ito kung makapagpapungay ng mata sa lalaking ilang linggo na lang ay ikakasal na sa kanya? Hindi ba ito informed na taken na ang kasama nito? At hinahayaan lang iyon ni Theo?!

Umahon ang matinding selos sa dibdib ni Arielle. No! Tanggi nya. She wasn't jealous.. Naiinis lang siya. Paano naman kasi kinansela nito ang 'date' nila dahil may importante daw na lalakarin. Yon pala may ibang babae lang na ide date.

Napaungol siya.

"Boss Theo!"

Napapitlag pa si Arielle nang marinig ang boses ni Cecille. Lumipad ang tingin niya sa kaibigang pabalik na sana sa lamesa nila. Mabilis itong nakalapit sa lamesa nina Theo at itinuro siya.

Kulang na lang itago nya ang sarili sa ilalim ng mesa nang matuon ang tingin ni Theo at ng kasama nito sa kanya. She saw Theo's face lit up bago nag excuse sa babaeng kasama at humakbang palapit sa kanya.

"Siya ba ang importante mong lalakarin?" Mahina pero may gigil niyang tanong kay Theo nang makalapit ito sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Theo. Kumislap ang mga mata bago dumukwang para gawaran siya ng mabilis na halik sa mga labi. Nagulat siya sa paghalik nito pero mabilis niya iyong pinalis. Mas gusto niyang ipakita sa lalaki ang galit.

"Jealous, sweetheart?" Nakangising tanong nito na sa mahina rin na tinig nang makita ang matalim niyang tingin.

Naningkit lalo ang mga mata niya.

"Iba ang nagseselos sa naiinis, Theo. And stop mocking me baka magbago ang isip ko at hindi kita suputin sa kasal natin."

Pumormal si Theo. Nawala ang nang iinis na mga ngiti. His eyes held warning as he gazed at her angry eyes.

"You know I won't allow you to back out, Arielle."

Hindi siya nakapagsalita.

"Cat got your tongue?" Si Theo, bumalik na ang mga ngiti sa mga labi nito.

Inirapan niya ang binata. "Ewan ko sa'yo."

"Come, ipapakilala kita sa kasama ko." Ang sabi na kinuha ang kamay niya at iginiya siya patungo sa lamesang inuukopa nito at ng babaeng kasama nito.

Naroon na si Cecille. Ipinakilala siya ni Theo sa babaeng nakatikwas ang mga kilay sa pagkakatingin sa kanya.. partikular sa kamay niya na hawak ni Theo.

Mas maganda ang babae sa malapitan, Arielle decided. Halos nakaluwa na ang dibdib sa suot na kulay itim na dress. Makinis at mamula mula ang balat. Walang excess o unwanted fats.

At hindi niya mapigilang ma insecure lalo at alam nyang bumibilog siya ngayon. Nadagdagan ng ilang kilo ang timbang niya umpisa nang maipanganak niya si TJ.

Kaya naman pala nagawang i atras ni Theo ang usapan nila, maalindog ang ka date! Nangasim lalo ang panlasa niya. Magda diet na siya umpisa bukas!

"Grace, meet my fiancee.. Arielle."

"Fiancee?" Tila nagulat pa na bulalas ng babae. Nagpalipat lipat ang tingin sa kanila ni Theo.

"Wag kang mag alala, Ms Grace.. Invited ka." Singit ni Cecille na kumindat sa kanya.

Nakita niya ang saglit na paniningkit ng mga mata ng babae pagkatapos ay maluwang na ngumiti.

"Congratulations kung ganun! Binigla mo 'ko, Theo."

Ngumiti si Theo at masuyo siyang kinabig. Tahimik namang umahon sa kinauupuan ang tinawag na Grace.

"I better go.. Nakalimutan kong may lakad pa pala ako." Anang babae na lumapit kay Theo at mariing hinalikan sa mga labi ang binata.

Nagtimpi naman siyang hablutin ang buhok ng kiring babae. Sa harap niya pa talaga!

"Ihahatid na kita sa kotse mo.." Si Theo.

Nilunok nya ang protesta nang bitawan ni Theo ang kamay niya at alalayan ang bruha palabas ng restaurant.

"She' s the witch ex girlfriend, Bestie! Yung sinasabi ko sa'yo na gumagawa ng paraan para matanggal sa trabaho yong mga babaeng nagkakagusto kay Boss.."

Nilingon ni Arielle ang glass wall para sundan ng tingin ang dalawa. Nakita niya nang pagbuksan ni Theo ng pinto ng kotse nito si Grace. Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan.

"Matagal na ba silang hiwalay?"

"Three years ago pa, Bestie. Pero ang alam ko nakikipagbalikan yang si Grace kay Boss noon pa. Lumalabas sila paminsan minsan pero bilang magkaibigan na lang. Bago kasi sila nagkaroon ng romantic relationship magkaibigan ang dalawang 'yan."

"Hindi mo sinabi sa aking lumipat na kayo dito, Arielle." Kaswal na ani Theo nang makababa sa sasakyan nito. Dala niya ang kotse niya kaya nag convoy sila nito pauwi. Iginiit kasi ng binata na ihatid siya.

"Lahat ba ng gagawin ko kailangan ko pang sabihin sa'yo?" Iritadong sagot niya nang masusian ang pinto.

Kumunot ang noo ni Theo. Sumunod ito sa kanya sa pagpasok niya sa loob ng bahay. Pasado alas dyes na ng gabi. Tiyak niyang natutulog na si TJ kasama si Yaya Maring sa itaas.

"Why are you so pissed, Arielle? Tinatanong ko lang naman kung bakit hindi mo nabanggit sa akin kahapon na maglilipat na kayo? Eh di sana ay nasamahan ko kayo ni Tj."

"Nasamahan." Inis at nakangusong ulit niya sa sinabi nito. Pabagsak siyang naupo sa sofa pagkatapos ay nagtanggal ng suot niyang high heeled sandals.

"Anong nakakatawa?" Singhal niya dito nang makitang maluwang ang pagkakangiti nito sa kanya.

"Hindi lang ako makapaniwalang nagseselos ka kay Grace."

Mabilis siyang umahon sa sofa at namaywang sa harap ng lalaki.

"Hindi ako nagseselos! Masyado ka lang bilib sa sarili mo, Mr De Marco.. Ang kapal ng mukha mo!"

Aliw na aliw na humalukipkip si Theo. "Bakit hindi mo na lang aminin sa akin na nagseselos ka? Come on, wala namang namamatay sa pagsasabi ng totoo."

Lalo syang nabwisit. "Umuwi ka na nga sainyo. Or better yet, sundan mo yong lukaret mong ex girlfriend at doon ka makitulog!"

Ngumisi si Theo. Kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na slacks pagkatapos ay nag dial.

"Oh Grace!" Bati nito sa sumagot sa kabilang linya. Nakatuon pa rin ang nagniningning nitong mga mata sa kanya. "I was just wondering if I can spend the night in your hotel room.."

Nanlaki naman ang mga mata ni Arielle, hindi makapaniwala. Mukhang tototohanin ng walanghiya ang sinabi niya. Mabilis niyang inagaw ang cellphone nito at inihagis iyon sa sofa.

Tumawa si Theo.

"Jesus, you're adorable, Arielle." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

Napahiya naman siya sa ginawa. Para na rin siyang umamin dito na nagseselos siya. My God, ganon ka aga! Hindi pa man sila ikinakasal!

"Don't get jealous of her. She's just a friend.."

Hindi na siya umimik. Ex girlfriend at friend na sa lips humahalik? Pero kung isasatinig niya pa ang katanungang iyon, baka lalo niya lang maipagkanulo ang sarili.

Kumawala siya dito. Nahimasmasan. "A-ayoko lang na nakikita ka ni Cecille o ng kahit na sinong kamag anak o kaibigan ko na nakikipaghali... nakikipag date ka sa babaeng 'yon, Theo. Isipin mo naman ang kahihiyan ko.. namin ng anak mo."

"Kasosyo ko sa negosyo ang Papa ni Grace, hindi nakarating si Mr Larazabal kaya ito pumunta to discuss some important things with me. Nagyaya si Grace na kumain sa labas, hindi ko siya natanggihan."

Naupo siya sa sofa. Ganun nga ba? Bakit iba ang nakikita niya sa mga mata ng Grasyang iyon kanina? Na para bang pag aari pa rin nito si Theo kung umasta?

"Sinabi ko sa'yo ang rason kung bakit magkasama kami ni Grace but that doesn't mean na naniniwala akong hindi ka nagseselos."

Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Theo. She was sure they were dancing in amusement again..

Hindi siya pumiksi nang igaya siya nito paahon sa kinauupuan niya. They held each other's gaze for sometime. Sinalubong niya ang halik ni Theo nang bumaba ang mukha nito sa kanya.

The supposed to be brief kiss lasted for minutes na pakiramdam ni Arielle ay bibigay anytime ang baga niya sa kawalan ng oxygen. Good thing Theo was holding her o mauupos sya ng tuluyan.

She could feel his body tensed.. his obvious arousal. She could hear his moans and groans as they held each other closer and tighter againts each other. Naghahabulan pareho ang mga tibok ng puso nila. Kung kanino ang mas malakas na tibok hindi niya alam.

Saglit na naghiwalay ang mga labi nila. Theo gazed at her unflinchingly.. Desire written all over his handsome face.

"I wish I could marry you tonight or tomorrow, Arielle.." he said in a husky voice. "Twelve days more and I don't know how I can possibly fight this urge to take you to my bed and make love to you till our bodies surrender."

Nag init ang pisngi niya. Oh God, she was dying to tell him na hindi na siya makapaghintay na madama ang lalaki sa loob ng katawan nya.. But she surely doesn't want to humiliate herself. Pure lust. Tama, kung mayroon mang nararamdaman ang binata sa kanya iyon yun.

Hindi lang si TJ ang rason kung bakit siya nito pakakasalan. He desire her and she wanted him as much.

Ginawaran siya ni Theo ng halik sa noo at nagpaalam na. Nangako itong babalik bukas ng gabi para bumisita kay TJ.

Napasandal si Arielle sa sandalan ng sofa at mariing ipinikit ang mga mata nang makaalis si Theo. Mas lalong nagiging komplikado ang mga pangyayari.. This time kasi sigurado siya, involve na ang puso niya..


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C13
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン