KINABUKASAN sa school ay nakasalubong ko si Ms. Selena sa corridor.
"Apple, are you okay? Inantay kita sa office pero 'di ka na dumating."
Nahihiyang yumuko ako at 'di makatingin sa kanya, "Sorry po Ms. Selena, uhm, ano kase… sumama po yung pakiramdam ko. Sorry talaga."
Bumuntong hininga siya at hinimas ang balikat ko, "It's okay. Nag-alala lang ako sa'yo. Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay naman na po."
"That's good to hear."
"Uhm, yung record book niyo po ba nakita niyo na?"
Ngumiti ito, "Yes, napulot ng janitor."
Napatungo ako. That explains bakit wala akong nakita sa room.
"Oh sige Apple, see you na lang sa class. Take care."
"See you po Ms. Selena."
Ngumiti siya muli bago naglakad paalis. Sinundan ko ng tingin si Ms. Selena. Grabe, ang bait na ang ganda pa. Crush ko na talaga siya. Lahat ng estudyante sa paligid ng corridor ay talagang natutulala sa kanya. Para siyang isang Diyosa na nagkatawang tao.
"Apple!"
Napalingon ako sa likuran at natagpuan si Kyle na naglalakad palapit. Umaliwalas ang mukha ko nang makita siya.
"Kyle."
"Hi," he shyly scratched the back of his head.
"Hello din."
Nagpalitan kami ng matatamis na ngiti, "Saan ang class mo? Hatid na kita."
"Ah, sige, diyan lang sa fourth floor."
Sa gulat ko ay kinuha niya ang mga dala kong libro, "Let's go."
"Thank you," sabay na kaming naglakad patungo sa next class ko.
Napaka-gentleman talaga ni Kyle. Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang nagku-kwento siya. Gwapo, matalino, galing sa magandang pamilya, sweet at napaka-caring. Sobrang boyfriend material. Di ko namalayang nakatingin na ako sa pagbuka ng labi niya. Napalunok ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang halikan at 'shenanigans' namin ni Levi kagabi sa Ferris wheel.
Oh my god! Bigla tuloy uminit.
"We're here."
Bumalik ako sa katinuan nang makitang nasa tapat na pala kami ng classroom.
"Thank you Kyle," inabot niya sa akin ang libro ko.
"No problem, uhm, by the way," namula ang pisngi niya at nagkamot sa likuran ng ulo, "Invite sana kita sa birthday ni Bryan tomorrow after class. Pupunta kami sa 89 Bar. You can invite your friends."
Na-excite ako sa imbitasyon niya. Una kong naisip si Sam at Erin, "Sige, invite ko sila."
"That's great. See you!"
"See you!"
Nagba-bye na si Kyle at naglakad paalis. Pagpasok ko sa classroom, sinalubong agad ako nang mapanudyong tingin ni Erin at Sam.
"Huy! May paghatid," tukso ni Erin pagkaupo ko.
Napangiti ako, "Nga pala, nag-invite si Kyle bukas sa 89 Bar, birthday kasi ng friend niya si Bryan. Pwede daw ako magsama ng friends."
Nagkatinginan si Erin at Sam at sabay na tumungo, "Sure! Sama kami. Suportahan ka namin."
Nagkabungisngisan kaming tatlo.
***
"HAPPY birthday!" agad kong binati si Bryan pagdating namin sa mahabang table na kinauupuan nila sa loob ng 89 Bar.
Masayang nakipag-beso siya sa akin, "Thanks Apple, upo kayo."
"By the way, mga friends ko pala si Sam at Erin," pinakilala ko ang dalawa.
"Hi!" sabay na bati nila.
"Hi girls, upo kayo at 'wag kayong mahihiya," pinakilala din ni Bryan sila Ethan at ang iba pa nilang mga kabarkada na puro kalalakihan. Meron din kaming kasamang dalawang babae sa table na girlfriend ng dalawa nilang kaibigan.
Tumabi sa kanan ko si Kyle habang sa kaliwa ko nakaupo si Sam at Erin. Ang daming alak at pagkain sa lamesa. May mga sisig, chicharong bulaklak, dynamite at kung anu-anu pa. Meron din bucket ng san mig light at may hard liquors like Johnny Walker at Jose Cuervo Gold.
"Oh, dahil birthday ko, regalo niyo na sakin, shot kayong tatlo," inabutan kami ni Bryan ng tig-isang shot glass na may lamang tequila.
Tinangap agad yun ni Erin at Sam.
"Naku, hindi naman ako umiinom," nahihiya kong sabi.
"Sige na Apple, please? Birthday ko naman. Wag kang mag-alala nandyan naman si Kyle at ihahatid ka niya mamaya pauwi. Di ka pababayaan niyan," sabi ni Bryan.
"Oo nga Apple, minsan lang naman," dugtong ni Ethan.
"Shot! Shot! Shot!" sabay-sabay na silang sumigaw. Nagkatinginan kaming tatlo, game naman si Erin at Sam kaya wala na akong choice dahil ayaw ko naman maging KJ.
Sabay-sabay namin tinunga ang tequila. Nalukot ang mukha ko nang maramdaman ang pag guhit ng init sa lalamunan ko. Inabutan ako ni Kyle ng slice ng lemon na sinawsaw sa asin. Kinagat ko yun panglaban sa tapang ng alak.
"Don't push yourself too much. Ako na lang ang sasalo ng ipapainum nila sa'yo," bulong ni Kyle sa tabi ko.
"Naku, okay lang, baka ikaw naman ang malasing. Okay lang talaga ako."
"Are you sure?"
Tumungo ako, "Yes, I'm sure."
Natuloy pa ang kasiyahan namin sa table hanggang sa naparami na ng inom ang lahat. May tama na rin si Sam at Erin, nakailang shots na rin ako ng tequila at ramdam ko ang pamumula at pag-iinit ng buo kong mukha. Kami ang pinakamaingay na table dahil ang lalakas sumigaw at magkwentuhan ng buong barkada nila. Masaya silang kasama at nag-e-enjoy kaming tatlo.
Maya-maya ay may tumawag sa cellphone ni Bryan, sinagot niya ito, "Hello bro, san ka na? Nandito kami sa dulo malapit sa bar—oh here! Here!"
May kinakawayan si Bryan sa likod. Ilang sandali pa at may bagong bisitang dumating. Tumayo si Bryan at inakbayan ito.
"Guys, tropa ko pala…"
Tumingala ako upang tignan ang kaibigan ni Bryan pero agad nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ito.
"… si Levi."
Nagtama ang mata namin ni Levi sabay tumaas ang sulok ng bibig niya.
Happy Thursday mga ka-birheng Maria! :)
Another fun chapters for you guys! Kapit lang dahil konting kembot na lang at matatapos na ang DNBM. Ito na ang paghaharap ni Kyle at Levi.
Hehehe! Enjoy! :) Pa-rate po ng chapters at penge na rin ng powerstones. Number three tayo sa ranking under “New Filipino Originals”
Yey! Maraming salamat! Lab yu guys!