"Ehhhh???" Reaction ng twins ng isama sila ni Barbie sa likod ng AGA.
"Aha, ang ganda dito di ba?"
"Wow!!! This is like paradise." Sabi ko Bam.
"Yeah... kakaunti lang ang napunta dito well, sabi ni Kenny hindi lahat ng students from Academy alam ang lugar na ito. Lupain kasi nila ito."
"Oh? Kila Kenny ang mala paradise na lugar na ito?" Tanong ni Bum.
"Um. Kaya hindi porket kala niyo sa likod lang ito ng AGA eh madali na itong makita secret passage yung dinaanan natin kaya sana wag kayong maingay sa iba. Magagalit kasi sakin si Kenny."
"Then why you get us here?" Tanong ni Bam.
"Ehhh... kasi alam ko namang mababait kayo at di madadaldal na tao and aalis na rin kayo ng AGA kaya mabuting makita nyo ang hidden treasure ng Academy namin."
"And its really beautiful here... Sana maka bisita ulit kami dito ni Bam."
"Yes. Anytime basta sabihan nyo lang ako."
"Can we add you to your social media accounts?"
"Um. Just search Barbie Zamora and I will accept you guys."
"Wow! There's a improvised swing." Sambit ni Bam at sumakay sa gulong na duyan.
"Heh... she likes everything improvised."
"Eh??? Ang yaman-yaman nyo ah."
"Yeah... bata palang kami ni Bam Idol na nya si Mom nature lover kasi sya."
"Ohhh... so she likes recycled materials kaya pala tuwang tuwa si Bam sa gulong na duyan."
"Oo, meron kami nyan sa Province namin but unfortunately hindi na kami nakakauwi masyado kasing busy ang parents namin."
"I see..."
"How about your Mom?"
"Hmm?"
"Oh, sorry..."
"Its okay my Mom is out of the country right now."
"Really? For vacation?"
"Ah, hindi dun sya nag wowork."
"Ahhhh... I thought its for vacation."
"When I was young single mother na si Mommy kaya gang ngayon busy sya for work no time for vacation. Kaya kapag nakapag tapos ako ng pag aaral ko babawi ako sa kaniya."
"If you don't mind nasan ang daddy mo?"
"Di ko alam at ayoko na rin naman syang makita."
"Eh? Bakit naman?"
"Di ko rin kasi alam kung ano ang dapat maging reaction ko."
"Kung ako rin naman ang nasa ganyang sitwasyon baka di ko rin alam ano ang dapat gawin."
"Aha, kung isang araw dumating sya edi welcome kung hindi edi wow."
"Hehe... I like your attitude parehas kayo ni Bam."
"Guys! Dito kayo!" Sabi ni Bam.
"Okie." Sagot ni Barbie at hinila na rin nya si Bum.
***
Hindi pa rin nag uusap ng ayos sila Kenny at Barbie madalas rin silang hindi nag papansinan at napansin na nga rin iyon ng iba lalo na nila Gaile at Dana na parating kasa-kasama ni Barbie.
Sa library,
"Eh? Mag iisang linggo na halos nung umalis yung twins ah di parin kayo okay ni Kenny?" Ang sabi ni Gaile kay Barbie na busy noon mag sulat.
"Hayaan mo sya wala akong panahon sa kaniya marami pa akong kailangang tapusin."
"Pero, mag kasama kayo sa bahay hindi ba kayo pinapagalitan ni Principal?"
"Nope, were great pretenders."
"What do you mean?"
"Kapag kaharap si Uncle okay kami pero pag hindi back to normal di nag papansinan."
"Kayo talaga! Alam ko yang si Kenny naman eh okay yan mabait yun kaso nga lang bugnutin."
"Ay nako, wala ako sa mood pag usapan ang mokong na yon!"
"Sige na nga..."
"Bie!!!" Bungad ni Dana.
"Shhhhh...." Reaction naman ng mga students na naroroon sa library.
"Ay, he... he... Sorry..." Ang nahihiyang sagot naman ni Dana at dali-daliri lumapit kila Barbie at Gaile.
"Ano bang meron? Bakit bigla-bigla mo nalang isinisigaw ang pangalan ni Barbie."
"Sorry, na excite lang kasi ako."
"Hmm? Why? May problema ba? Sinong gustong umaway kay Barbie ako na sasapak sa kaniya."
"Gaile, chill lang... Ano bang problema girl? Bakit mo ko hinahanap?"
"Eh... kasi nga ikaw na ang Ms. AGA!"
"ANO???" Reaction naman nila Barbie at Gaile.
"Shhhhh...." Reaction Na naman ng nga students.
"Sorry guys." Mahinahon naman nilang sambit.
"Totoo ba yung sinabi mo? Panalo ba si Barbs?"
"Um. Andun na sa bulletin board. At ang Mr. AGA naman ay si Aljon Acosta."
"Ha? Ano? Bakit hindi si Kenny? Hindi ba sila ni Barbie ang nangunguna?"
"Unfortunately, ang laki ng lamang ni Aljon kay Kenny. Actually, nung nakaraan pa nangunguna si Aljon eh."
"Well, ano namang laban ng anak lang ng principal sa anak ng presidente."
"Wait, what? Sinong anak ng President?"
Nagkatinginan sila Gaile at Dana at sinabing si "Aljon Acosta."
"As in President ng Pilipinas?"
"Ah... hindi, pero anak sya ng pinakamayaman dito sa Capital." Sagot ni Gaile.
"Eh?"
"Aha, maliban sa mga Tang ang mga Acosta ang may hawak ng kalahati ng lupain at negosyo dito sa Capital." Dagdag pa ni Dana.
"At ang mga Tang naman ang pumapangalawa sa pinakamayaman sa City. Well, hindi lang naman dito sa Capital sila kasi sa Manila marami rin silang negosyo." Sabi naman ni Gaile.
"Ehhh??? Ganoon kayaman ang mga Acosta at Tang?"
"Um. Kasama rin sila sa pinakamayaman dito sa bansa. Kaya nga ang swerte ng magiging asawa niyang si Senior Aljon. Mabait na napaka pogi pa. Sobrang down to earth nyan mantakin mo dito nya napiling mag arak AGA kahit pwedeng pwede naman syang mag international school." Sambit ni Dana.
"Yes, sa katunayan marami syang advocacy president sya ng youth kineme eh nalimutan ko yung name pero about yun sa nature. Kung si Kenny SK Chairman si Aljon naman ambassador na."
"That's right, kaya di na nakapag tataka na sya ang manalo talaga sa Mr. AGA. Bukod sa mayaman matulungib kasi yun nga lang hindi halata para kasi syang gangster."
"Gangster?"
"Yeah... gawa ng mga bodyguards nya ang dami kasi. Kaya madalas wala sa kaniyang nalapit o nakiki pag kaibigan."
"Oh? Kawalan naman sya."
"Well, kung iisipin parang hindi naman kasi ang angas naman kasi ng datingan nya kahit ako maiintimidate na maging kaibigan sya."
"Yes, Gaile is right pero nung time na gusto ka nyang makilala may something dun."
"Eh? Ako? Gusto nya makilala?"
"Oo, tinanong ka nya kay Gaile. Di ba no? Nung sa camping. Humanga ata sayo nung sa camping."
"Ehhh?"
"Um. Feeling ko gusto ka nyang kuning bodyguard. Kasi parang manghang mangha sya nung tinatanong ka nya sakin."
"Aba!"
"Haha... Char lang pero syempre sure yon bet ka nya. Di ba Dana?"
"Um. Bagay nga kayo eh medyo singlet din kasi si Senior."
"Tsss! Wag ako... I need to focus on my studies."
"Well..." Anila.
"."
Mag 5pm na nung nakauwi sila Barbie at Kenny sa bahay kasabay si Principal Bruce at kumain na rin sila sa labas.
"Ako na pong mag sara ng gate pumasok na kayo dad."Sabi ni Kenny.
"Okay sige... Bie nak..."
"Po?"
"Congrats ulit."
"He... He... Uncle naman eh..."
"You need to accept the fact na Ms. AGA ka na right Kenny?"
Napatingin si Kenny kay Barbie pero hindi sya pinansin nito "Yes dad."
"Sayang lang at hindi ikaw ang naging Mr. AGA, son."
"Okay lang po yun... Sige na po pumasok na kayo ni Barbie sunod ako maya."
"Sige... Sige..."
At pumasok na nga yung dalawa sa loob at si Kenny ang nag sara ng gate pero may biglang sumulpot...
"Bum?"
"Hi."
"A— Anong ginagawa mo dito?"
"I'm here for Barbie. I want to congratulate her for winning Ms. AGA."
"Tsss! May dala pa talagang bulaklak pwede namang mag chat nalang may pag punta pa rine, ano sya manliligaw?!"
Makalipas ang isang oras...
"Oh, anong ginagawa mo diyan?" Sambit ni Bruce sa anak nyang si Kenny na nag tatago sa may gilid ng terrace kung nasasaan naman sila Barbie at Bum.
"Da— Dad... Ka—Kanina pa po ba kayo diyan?"
"Do you think may gagawing masama si Bum kay Barbie? At ika'y bantay na di'yan."
"Eh daddy naman... kanina pa kasi yang mokong na yan parang wala ng balak umuwi. Mantakin nyo naman sasabihan lang ng congratulations si Barbara eh nag punta pa talaga eh samantalang yayamanin naman yang Bum na yan wala ba syang phone o kahit anong gadgets? Talagang may pag punta pa? Pwede naman pong chat di ba?"
"Heh! Bakit kasi hindi mo nalang aminin na nag seselos ka."
"Daddy!"
"Alam kong sinabihan ko na kayo ni Thew about sa ganyan dahil nga mga bata pa kayo. Pero okay lang na mag pakita ng emosyon kaya normal lang yang nararamdaman mo. Isa pa I don't think na may ibang motibo yang si Bum kay Barbie."
"Ano pong ibig n'yong sabihin? Na walang gusto si Bum kay Barbie?"
"Um. As you can see they are just close hindi ba at naging malapit ang Barbie natin sa twins kaya chill ka lang hindi basta mahuhulog ang loob ng kinakapatid mo sa kakikilala lang. Isa pa hindi ba't ayaw ni Barbie sa mga lalaki?"
"Po?"
"Alam kong hindi boys nag type ni Barbie dahil isa syang lesbian. At alam kong alam mo yan."
"Pa— Paano nyo po nalaman?"
Bruce smirked "like mother like daughter."
"Ehhhh???"
"Mahabang istorya... Siya sige na ikaw ng bahala sa dalawa at ako muna eh tataas may kailangan pa akong gawin."
"O— Opo dad."
Samantala sa terrace,
"Yah, sayang nga at di naka sama si Bam dito pero hayaan mo kapag may free time kaming parehas dadalawin ka namin ng sabay."
"Sige basta sabihan nyo ko ah."
"Ahm... nga pala, birthday na kasi namin ni Bam sa Saturday pero gaganapin sa Sunday para day off ng lahat. Punta ka ha?"
"Ohhh... Birthday nyo na pala sige punta ko."
"Sama mo na rin si Gaile at Dana pati na rin yung iba. Pero alam ko namang sinabihan naman na rin sila ni Bam yun pa ba? Hehe..."
"Yeah... sure yon."
Lumabas naman si Kenny na kunwari may kukuhanin sa garahe "ah, Kenny..." sabi ni Bum.
"Ha?"
"Sa Sunday birthday namin ni Bam punta kayo ni Barbie sa bahay."
"Oh... hindi ako pwede eh sorry happy birthday nalang."
"Ah... O— Okay..."
"Sige."
At umalis na nga si Kenny na nag punta sa garahe.
"Don't mind him... May toyo ang isang yan." Sambit ni Barbie na narinig ni Kenny.
"He... He... pero pupunta ka ha? Aasahan ka namin ni Bam."
"Oo don't worry pupunta ko kahit ako lang."
"Thanks... Ipapakilala na rin kita kila mom and dad nababanggit ka kasi namin sa kanila ni Bam."
"Ahhh... ganun ba nakakahiya naman."
Narinig naman ni Kenny yung sinabi ni Bum na ipapakilala daw si Barbie sa parents nila kaya dali-dali syang naki sali sa usapan "ahem... Count me in."
"Ha?" Reaction ni Bum.
"You invited me sa birthday nyo right?"
"O— Oo. Are you going?"
"Um. Pupunta ko! Just chat me for details. I will be there no matter what happens."
"O— Okay."
"Sige."
At pumasok na si Kenny sa loob na para bang walang nangyare kahit deep inside niyang hiya sya sa ginagawa nya.
Barbie smirked and she thought "baliw na ang isang yon."
"Matutuwa si Bam na pupunta si Kenny sa birthday namin."
"Hmm?"
"Sa tingin ko kasi crush sya ni Bam eh nag fa-fan girling kasi sya kay Kenny."
"A— Ano????!!!"
***
Sabado ng gabi at nag liligpit na ng pinggan si Barbie at biglang sumulpot si Kenny kaya nakabasag na naman sya ng plato.
"Don't move! Ako na! Masugatan ka na naman." Ang sabi ni Kenny at inayos ang nabasag na plato.
"What the heck?! You startled me!"
"I know sorry... I just want to..."
"Tsk... lagot na naman ako kay uncle niyan."
"Don't worry I wont tell him."
"Pero kakaunti na ang plato natin."
Naisip ni Kenny na noong sila lang dalawa ng daddy nya ang masa bahay kumpleto lahat ng kasangkapan nila at ngayon kasama na nila si Barbie kulang-kulang na like 10 yung plates ngayon 5 nalang. 10 rin ang baso 6pcs nalang...
"Don't worry hindi ka naman kayang pagalitan ni dad. Lam mo namang mas love ka pa nun kaysa sakin."
Hindi naman inaasahan ni Kenny na sya ang masusugatan dahil nga nakikipag usap sya kay Barbie habang iniimis yung nabasag na plato "aray ku!"
"Tsk! Ayan isa ka pa eh m. Bilis dito..." hinila niya ang kamay ni Kenny at binuksan ang faucet para sa running water.
"It's okay, mababaw lang yan."
"Kahit na ba... Wait here I will get the first aid kit."
Hindi pa man nakakaalis si Barbie pinigilan na sya ni Kenny.
"Wait lang..."
"Kukunin ko lang yung..."
"Ayos nga lang ako... don't bother... and may sasabihin kasi ako sayo."
"Mamaya na kailangan malagyan ng band aid yang daliri mo para tumigil ang pag dirigo."
Kumuha ng tissue si Kenny at inilagay sa daliri nyang nasugatan.
"See, okay na."
"Bahala ka nga!"
"Ahm... Bukas nga pala..."
"What? Kung ayaw mong sumama ayos lang kasabay ko naman sila Gaile at Dana."
"Tsk! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Tsaka pupunta ako. Ayoko namang pumunta ka dun ng di ako kasama malalagot ako kay daddy."
"Bahala ka! Kaya ko ang sarili ko kahit wala ka. Isa pa birthday yon nila Bam at Bum kaya hindi ko kailangan ng bodyguard."
"Huh! Okay! Edi pumunta ka ng mag isa!" Then he walks out.
"Hayssss! Hindi ko na talaga sya maintindihan napaka lakas ng toyo nya! Daig pa nya ang babae sa tindi ng mood swings nya! Kairita!"
Nang maka pasok naman si Kenny sa room nya ibinagsak nya ang sarili sa kama.
"Ako na nga yung nag a-approach! Sya pa itong kala mo kung sinong walang kasalanan sya nga itong malakas ang toyo. Nung nakilala nya lang yung twins lalo na yung Bam na yon nag bago na sya! Humph!"
Ring... Ring...
Kinuha ni Kenny yung phone nya sa bulsa at nalimutan nyang may sugat ang daliri nya "aray!!! Bwiset! Then he answered the phone.
Kenny: Sup? Anong kailangan mo Uno?
Uno: Eh? Paano mong nalaman na ako ito? Nakitawag lang ako kay papa eh.
Kenny: Wag mo ng tanungin dahil kupal ka. Anong problema mo?
Uno: Anyways, sasabihin ko lang sana kung sasabay kayo ni Barbie samin para sa birthday nung twins. Susunduin kasi kami ni Dana nag offer kasi sya na van nalang nila ang sakyan.
Kenny: Hindi, mag momotor ako.
Uno: Ohh... Sabagay baka mag away Na naman kayo nila Thew at Baron sasabay kasi sila eh. Pero... mag momotor ka? So, si Barbie siguro sasabay na samin no? Teka matawagan nga...
Kenny: Sandali!
Uno: Oh bakit?
Kenny: Sasabay na ko.
Uno: Eh? Sabi mo mag momotor ka?
Kenny: Bye!
Sa bahay ni Uno,
Nag lalaronng video games ang tropa sa kwarto ni Uno na may kasamang foodtrip...
"Ang labo talaga ng isang yon."
"Sino?" Tanong ni Baron na nasa bahay nila Uno kasama si Thew at Sam.
"Si Kenny kausap ko sasabay naman daw bukas. Kala ko nga hindi sabi kasi mag momotor sya."
"Huh! Nabanggit mong sasabay kami ni Baron right?" Sabi ni Thew.
"O— Oo kasi sabi ko sa van na tayo ni Dana sasakay bukas."
"Ahhh... Kaya sasabay ang mokong kasi sasabay si Barbie." Sambit ni Baron.
"Ahhh... Oo, ganun na nga. Baka nga naman maisahan nyo sya kay Barbie. Mahirap na, baka domamoves kayo habang wala sya." Opinyon ni Sam At binato sya ng unan nila Baron at Thew.
"Sandali nga, alam nyong hindi pinsan ni Kenny si Barbie?" Tanong ni Uno.
"Oo." Anila.
"Eh?"
"I know everything about that guy at alam kong alam nyo yon." Sabi ni Thew.
"Well, halata rin naman kay Kenny tsaka di nya ko maloloko sa pinsan-pinsan na yan." Sambit naman ni Baron.
"Oh? And okay lang sa inyong dalawa na mag kasama sila sa iisang bahay?"
"Wala naman kaming magagawa sa bagay na yon." Sagot no Baron.
"And kahit naman kasama ni Kenny si Barbie sa iisang bahay alam nyo namang matino si Kenny takot nalang nya kay Uncle." Opinion naman ni Thew.
"Mukhang this time ayos ang mood mo kay Kenny."
"Heh!"
"Chill! Eh ikaw Sam, paano mo nalaman na hindi mag pinsan yung dalawa?"
"Tinatanong mo pa yan eh lahat ng chismis sa students ng AGA alam nyan." Sabi ni Baron.
"Hoy! Wag nyo kong pinag aano ha! May alam akong hindi nyo alam."
"Tsss! At ano naman?"
"Gaya nalang ng... kung sino ang totoong tatay ni Barbie."
Napatingin naman yung tatlo kay Sam ay sinabing "anoooo???"
"Wait, anong pinagsasabi mo? Pati ba naman ang tatay ni Barbie alam mo na rin grabe naman yang radar mo. Ganyan na ba ang dapat sa Journalism Club? Hanep!" Sabi ni Uno.
"Tigilan mo nga si Barbie kahit nga yung tao hindi nya kilala yung tatay nya tapos ikaw alam mo? Tumigil ka nga Sam." Sabi ni Thew.
"Teka, bakit? Ano bang meron? Hindi kasama ni Barbie ang daddy nya?" Ang tanong ni Baron na walang alam sa pinag uusapan bilang hindi nya naman agad nakilala si Barbie dahil nga kababalik nga palang.
"Galing sa broken family si Barbie at hindi nya pa nakikita ang daddy nya ever since. Nakwento nya yung sakin nitong mga nakararaan." Ang sabi no Thew.
"Oh? Ganun pala? Kawawa naman pala si Bie."
"Pero teka lang totoo bang may alam ka ha Sam?" Sabi ni Uno.
"Um. Dahil ako mismo ang kumuha ng buhok ni Barbie para gamitin sa DNA test."
"Anooo?! Sinong nag utos sayo?"
"Alam nyo mahabang kwento talaga eh..."
"Sino nga?!" Anila.
"Oo eto na nga! Ito namang mga ito di maka antay."
"Sino nga?!!!" Pagalit ng sambit nung tatlo.
"Si Mr. Jeron Tang."
"Ang bagong Director ng AGA? At ang isa sa pinakamayaman sa Capital? EHHHH?!!!" Anila.
"Oo! Yun mismo! Sya rin ang daddy ni Barbie!"
"ANOOOOOO?!"