RIN bit her lower lip. Gusto niyang lumuhod mamaya sa harap ng kalangitan at humingi ng tawad dahil sa madumi niyang isipan.
"Doctor Lim called while you were unconscious. Sinabi niyang huwag mong pilitin na mag-isip o alalahanin ang nakaraan mo. Hindi iyan makakabuti sa'yo."
She met his gaze. "Pero hindi naman ako nag-iisip ng tungkol sa nakaraan ko!" Depensa niya. "Lately, marami akong naaalala nang hindi ko sinasadya. Like… Like, i can remember a man smiling at me but his face is blurry and whenever i try to remember his face, my head would instantly hurt like hell! How frustrating is that?" Napahilamos siya ng palad sa mukha sa sobrang iritasyon na nadarama. Hindi niya namalayang humihikbi na pala siya. "I felt so empty. Pakiramdam ko malapit lang ang mga kasagutan ko sa mga tanong ko pero hindi ko malaman kung ano o sino."
Nagpatuloy siya sa paghikbi. Napansin niyang naging napaka-sensitive niya emotionally simula noong nagkaroon siya ng malay matapos ang aksidente. Mabilis siyang mairita o paiyakin Ang sabi ng doktor sa kaniya ay natural lang iyon dahil nagkaroon ng pinsala sa kaniyang utak at maaari no'ng ma-apektuhan ang mga emosyon at mga pandama niya. Kaya naging maingat ang mga kakilala niya sa San Rafael sa pakikipag-usap sa kaniya dahil doon.
Ilang minuto ang lumipas at natigilan siya nang biglang tumugtog ang isang pamilyar na tugtugin. And in an instant, the whole room was covered with kaleidoscopic shades of color blue and violet. Sumasabay ang mga kulay na iyon sa mga tugtuging naririnig niya. It calmed her down. Tumigil siya sa paghikbi.
"You are really like… Pauline. This piece calms her down."
Ngumiti siya at naku-curious na tiningnan ang phone ng binata.
Grego smiled and showed her his phone. Nakita niyang naka-play ang tugtugin sa isang app na may green na logo.
"Marami bang music diyan?" Suminghot-singhot siya at tumigil na sa paghikbi.
He nodded. "Yeah. Actually, you can search any music you want here. Just tap the magnifying glass button and the app will automatically provide you a search box. Pwede kang mag-type ng kahit anong music na gusto mo. This phone is connected to the speakers in this room."
Mabilis niyang nilapitan si Grego at inilahad ang kamay niya dito. "Pwedeng pahiram?" She asked with a smile. Nakita niya ang gulat sa mukha ng binata bago nito ibinigay ang phone sa kaniya.
"Do you play piano,too?"
Tumango siya. "Yup. Magaling ako sa piano kahit nagka-amnesia ako. Sabi ng doktor sa akin, selective amnesia lang naman daw ang nangyari sa akin at babalik din naman daw kaagad ang mga memories ko. But the problem is, walang nagti-trigger ng mga memories na iyon. Kaya siguro tumagal ng halos tatlong taon ang amnesia ko." Tugon ni Rin habang busy sa pag-s-scroll sa playlist na naroon sa naturang music app.
"Three years. Napaka-tagal no'n. Wala man lang bang naghanap sa'yo?"
Umiling siya. "Wala eh. Ni isa, walang naghanap. Maybe my past wanted to get rid of me really bad." Puno ng sarkasmo siyang tumawa. "Good riddance, kumbaga."
"Maybe you are educated. Magaling ka mag-ingles."
Natigilan siya. Ngayon lang niya na-realize na nagsasalita pala siya minsan sa wikang ingles kapag kinakausap siya ni Grego. It just came to her. Ni hindi niya iniisip ang mga wikang ginagamit niya. Basta't ang mahalaga sa kaniya ay ang masabi ang mga laman ng isip niya.
She stared at his tantalizing coffee-colored eyes. She felt sadness coated her heart as she saw longingness in his pools. Mukhang minahal nga talaga ng lalakeng ito ang babaeng kamukha niya base sa ipinapakita ng mga mata nito. And she reminds him of that affection. Dahil sa mukha niya, mukhang mahihirapan ang lalakeng ito na magmove-on mula sa ex-wife nito.
"Sorry."
He gave her a questioned look. "Why?"
"Because I remind you of Pauline."
He laughed. "Yeah. You remind me of her," Then, his hand reached for her cheeks and caressed it with his thumb. "Everything about you reminds me of her."
She bit her lower lip. Nagi-guilty tuloy siya dahil sa kamukha niya si Pauline.
"But you..." he looked deeper into her eyes. "...there's something about you that could... that could rise up the feelings that i have for her."
His thumbs against her cheek felt so intimate and warm, almost making her blush.
His touch… it's familiar.
Mindlessly, her hand went to his face and gently, she caressed his cheek with her thumb. Nagulat ito sa ginawa niya pero kalaunan ay nagpaubaya na rin ito. Then, her other hand did the same thing.
"Even this…" He closed his eyes firmly. "…your touch. It reminds me of her."
She bit her lower lip once again. Unti-unting nagmulat ng mga mata si Grego. She gasped silently when she saw a different kind of emotion beneath his eyes.
At alam niya kung ano 'yon.
He wants something. Iyon ang nakikita niya sa mga mata ng binata. His gaze went to her lips then to her neck. Tila isa itong halimaw na takam na takam sa isang masarap na pagkain. And she likes the feeling. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw.
How could he make her feel so beautiful all over doing nothing but to stare at her with so much desire?
"Rin…" Mariin itong pumikit. "You should… y-you should stay away from me. Lalo na kapag tayo lang dalawa ang nasa isang kwarto."
She gave him a puzzled look. "Why?"
"Just because," puno ng pinalidad ang boses nito. "If you want us to get along well, you should stay away from me." Bakas sa mukha ng binata na nagtitimpi ito.
What did i do?
Umalis na ito sa kama at tumayo ng maayos. "Mauna na ako. If you need anything, hanapin mo lang si Manang Tess. May aasikasuhin lang ako sa munisipyo."
Inabot niya ang phone ng binata gamit ang kaliwang kamay niya. "Heto. Baka makalimutan mo."
He immediately took his phone from her hand. Akma itong tatalikod para tumungo sa pintuan pero bigla itong natigilan nang may mahagip ng tingin. Mabilis na pumihit si Grego paharap muli sa kaniya at kinuha ang kaliwang kamay niya.
"Where did you get this?" Halata ang tensyon sa mukha ng binata. He's referring to the scar on her palm. Para iyong peklat dulot ng isang matulis na bagay dahil pahaba ang peklat na iyon. Mukha namang malalim dahil obvious ang scar na idinukot no'n sa kamay niya.
"Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyan. I told you. May amnesia ako. At saka isa pa, magaling naman na eh, kaya wala kang dapat ipag-alala.
Nanatili ang nga mapanuring tingin nito s kaniya, halos hindi makapaniwala sa nakita.
"Kailan ka na-aksidente?"
Napakunot-noo siya. "Bakit mo naitanong?"
"Just answer me." Giit nito. "Kailan ka na-aksidente?"
Napalunok siya. "A-ano… December ata. Hindi ko na maalala. Basta tatlong taon na ang nakararaan."
Mas lalo itong nanlumo sa sinabi niya, na siya namang ipinagtaka niya.
"May pupuntahan ako ngayong araw at gagabihin ako ng uwi. Stay here. Huwag kang aalis." Nagmamadali lumabas ang binata sa kwarto nito at iniwan siyang puno ng katanungan.
A/N: Please vote or leave a comment if you liked this chapter. See you on the next page!
-Bella Vanilla