アプリをダウンロード
52.94% HORROROSAN (tagalog) / Chapter 9: WHEN SHE FALL IN LOVE part 2

章 9: WHEN SHE FALL IN LOVE part 2

...PAGPAPATULOY

Hinila na ni Krisabel si Jose at pinaupo sa nakahandang table for two sa kusina. May nakasinding kandilang nakapatong sa puwet ng tasa sa mesa at pagkaing binili ni Krisabel sa malapit na karenderya kanina habang wala pang malay si Jose, at may mga bulaklak pa ng rosas na nakalagay sa baso na pinitas lang niya sa tanim ng kapitbahay. "Pasensiya na kung medyo mabaho, ah. Si Ruby kasi, dalawang araw na siyang ganyan. Napansin ko kasing ang sweet mo sa kanya, kaya tinodas ko na. 'Yong aso mo naman noong isang linggo pa 'yan. Ang lambing mo kasi d'yan at lagi mong hinihimas ang ulo, kaya pinugutan ko. Sorry nga pala kung nagsinungaling ako nang tanungin mo ako kung nakita ko 'yan. Ang lola mo naman, kanina lang 'yan. Naisip ko kasing baka ma-miss mo kaya dinala ko na rito," may ngiti sa mukha ni Krisabel matapos niyang magpaliwanag, at inalok nang kumain si Jose na napapailing na lang sa pag-iyak at 'di pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. "Sorry na talaga sa amoy. Masasanay ka rin. Ako noong isang taon, nang patayin ko si papa, ilang araw ko ring tiniis ang amoy niya. Gano'n din nang patayin ni papa si mama noong bata pa ako. Halos mailabas ko na no'n ang bituka ko sa kakasuka dahil sa baho." May lungkot sa mukha ni Krisabel. Ngayon lang may nakaalam ng bagay na 'yon. Pero hindi pa 'yon ang buong katotohanan.

Ang dahilan kaya pinatay ng kanyang ama ang kanyang ina ay dahil gusto nang makipaghiwalay ng kanyang ina sa may sayad niyang ama. Nagkaroon ng ibang lalaki ang kanyang ina at gusto na sila nitong iwan, pero dahil din 'yon sa pananakit ng kanyang ama. Noon pa man, takot na si Krisabel sa kanyang ama, nakita niya kung paano nito saktan ang kanyang ina at maging siya napagbubuhatan din nito ng kamay. At nang makita niya mismo ang pagkitil ng kanyang ama sa kanyang ina, mas lalo siyang nabalot ng takot. Takot na naging galit at pagkasuklam sa paglaki niya. Gusto nang kalimutan ni Krisabel ang mapait niyang kahapon, pero patuloy pa rin siyang tinutugis nito. Pero dinadaan niya na lang 'yon sa isang masayang imahinasyon na kasama niya pa ang kanyang ina at masaya ang buo nilang pamilya. At sa mahabang panahon na kalungkutan niya, si Jose ang unang nagpangiti sa kanya sa pagpapakita nito ng kabaitan, dahil hindi pa no'n alam ng binata ang pagkatao niya na ilag sa kanya ang mga tao sa baryo nila. Napansin ng binata ang paghanga niya, kaya naman sinamantala siya nito at inuto-uto. Pero iba ang naging kahulugan no'n sa kanya, inakala niyang gusto rin siya ni Jose. Sinaktan siya ng kanyang ama ng malaman nitong in love na siya sa binata, nakita nito ang ilang pictures ni Jose na tago niya sa ilalim ng unan niya. Ikinumpara siya ng kanyang ama sa kanyang ina. At sa pagtutol ng kanyang ama sa pagmamahal niya kay Jose, iyon ang nagtulak sa kanya para patayin ito.

Pinahid ni Krisabel ang kanyang luha sa mga naalala niya at pinilit niyang ngumiti. "Promise, bukas ililibing ko na sila. Feeling ko kasi, naaamoy na rin sila ng iba nating kababaryo kaya wala ng bumibili sa tindahan ko," nakangiting sabi niya. Pero ang totoo niyan, wala naman talagang halos bumibili sa tindahan nila mula nang hilingin niya sa kanyang ama na magbukas sila ng tindahan, wala pa no'n si Jose sa baryo nila. Pinagtawanan nga sila no'n ng mga kababaryo nila kung bakit nila naisipang magbukas ng tindahan. At sa ngayon, si Jose na lang talaga ang rason kung bakit siya patuloy na nagtitinda, at nasasayang lang ang ipong naiwan ng papa niya.

Tumayo si Krisabel at ini-on ang VCD player at nag-play ng pirated CD niyang nabili sa palengke, makikita ang kilig sa kanyang matamis na ngiti. 'Forevermore' ang kanta, dahil sa tingin niya ay may forever para sa kanila ni Jose. Nang bumalik siya sa kanyang kinauupuan, nawala ang ngiti sa kanyang mukha at hinampas ang mesa dahil 'di pa rin kumakain si Jose. Pero alalay lang ang paghampas niya sa mesa dahil naisip niyang baka masira ang set up na ginawa niya. "Kumain ka na!" madiing utos niya sa binata.

"Paano ako kakain kung nakaposas ang mga kamay ko," sa wakas ay naging kalmado ang boses ni Jose bagamat may konti pa ring panginginig. Pinilit nitong iguhit ang ngiti sa kanyang labi at itinaas ang kamay na may posas para ipakita kay Krisabel.

"Akala ko hindi ko na makikita ang matamis na ngiti mo, Jose. Mas bagay ang dimples mo kapag nakangiti ka," nakangiting komento niya pero bigla rin pumait ang kanyang mukha. "Sa tingin mo maloloko mo ako? Kapag inalis ko ang posas, tatakas ka!" naglakad siya palapit kay Jose at sinabunutan ito patingala sabay nginudngod ito sa pagkaing nasa harapan nito. "Hayan, kumain kaaaaaaaaa!"

Kahit halos magdikit na ang buong mukha ni Jose sa platong may menudo at kanin, hindi pa rin ito lumulunok ng pagkain. Ayaw nitong kumain ni gapiranggot ng pagkain dahil naiisip nito na baka may lason ito at bumula na lang ang kanyang bibig. Pero may paraan pa rin si Krisabel para pakainin ito. Muli niyang ipinatingala si Jose at sinubuan ng pagkain gamit ang kutsara, at sa pagpilit niyang ibuka ng binata ang bibig nito, dumugo na ang gilagid nito sa pagtama ng metal na kutsara. "Nguyaaaaaaaa!" madiing sigaw ni Krisabel kay Jose na may kasama pang malakas na sampal sa mukha ng binata nang maisubo niya ang pagkain. Noong bata pa siya, ganyan ang naalalang ginagawa sa kanya ng kanyang ama nang mawalan siya ng ganang kumain ng ilang araw dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.

Nagdilim na ang paningin ni Jose. Kahit papaano nakaipon na ito ng lakas at handa nang labanan si Krisabel kahit pa nakaposas ang mga kamay para lang mailigtas ang sarili. Nagbabaga ang galit sa loob nito at naglalaro sa isip nito ang kagustuhang tadtarin siya ng pino. Patay kung patay! Galit na tumayo si Jose kasabay ng malakas na pagtulak kay Krisabel. Nagulat si Krisabel sa nangyari, at isang malakas pang sipa sa dibdib ang natanggap niya mula sa galit na binata na ikinabagsak niya sa sahig. At sa bilis ng kilos nito hindi na niya nagawang makabangon para makaiwas sa paghampas nito sa kanya ng dinampot nitong upuan – sa likod siya tinamaan dahil nagawa niya pa rin namang kumilos. Sa pangalawang tangkang pagpalo sa kanya ni Jose ng upuan, naunahan niya ito sa pagtutok ng baril. Natigilan si Jose, humakbang ito paatras at ibinato kay Krisabel ang upuan sabay takbo, at nagsisigaw ng paghingi ng tulong.

Parang wala lang na bumangon si Krisabel, dahil alam niyang walang matatakbuhan si Jose. Dalawang palapag ang kanilang bahay na may mga rehas ang bintana at sigurado siyang nakakandado lahat ng pinto na puwede nitong daanan, at sa pagsigaw ng binata, nilakasan niya ang volume ng speaker para walang makarinig sa paghingi nito ng tulong. Sa mga makakarinig ng malakas na patugtog niya, iisipin lang ng mga kababaryo nila na umaatake na naman ang sira ng ulo niya. Normal siyang naglakad at tinungo kung saan tumakbo si Jose, pinipilit nitong buksan ang pinto sa likod ng bahay sa may kusina.

Halos warakin na ni Jose ang pinto pero hindi nito mabuksan, pinagsisipa na ito ngunit wala pa rin. Sigaw nang sigaw pa rin ang binata ng paghingi ng tulong ngunit natatabunan ang boses nito ng malakas na tunog ng speaker, ni hindi na nito marinig ang sariling sigaw. Natigilan ang binata nang maramdaman ang malamig na dulo ng baril na tumutok sa leeg nito. Natigilan si Jose at muling gumapang ang takot sa buong katawan. "Sa'n punta mo?" narinig nitong tanong ni Krisabel.

Dahan-dahang humarap si Jose. Nakangisi si Krisabel habang nakatingin sa takot na binata, at itinutok niya sa noo nito ang baril. "Tulad ka rin ba ng papa ko na nananakit ng babae?" galit na tanong niya.

Masama siyang tiningnan ni Jose. "Oo! Gano'n ako! Kapag naging tayo, sasaktan kita!"

"Bakit?" napapailing siya sa narinig.

"Bakit hindi?! Tingnan mo ang sarili mo! Tingnan mo ang mga ginawa mo! Napakasama mo!" Hinawakan ni Jose ang baril na nakatutok sa kanyang noo. "Sige na! Patayin mo na rin ako tulad nila! Sige, gawin moooooo!"

"Mahal kita."

"Mahalin mong mukha mo! Hindi pagmamahal ang ginagawa mo!"

"Masama bang magmahal?"

"Hindi masama ang magmahal. Pero masama ka kung magmahal!"

Tumahimik si Krisabel at pinagmasdan lang si Jose. Sa takbo ng pag-iisip niya, hindi niya makuha kung ano ang masama sa ginagawa niya. Isa lang ang malinaw sa kanya, na hindi siya gusto ni Jose, na wala itong pagmamahal sa kanya, na mali ang akala niyang pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa. "Bakit naging malapit ka sa 'kin? Bakit malambing ang pagtawag mo sa pangalan ko? Bakit ka ngumingiti sa 'kin? Bakiiiiiiit?!" tahimik lang si Jose at walang naging sagot – malikot ang mga mata nito, tila inuusig ng mga ginawa nito, kung bakit ginawa nito ang mga tanong niya. "Inuto mo lang ba ako? Pinaglaruan?" muling tanong niya at pinandilatan ng mga mata ang binata at idinidiin sa noo nito ang baril. "Para makautang?! Para sa mga naibibigay ko sa 'yo?! Para ba sa mga bagay na 'yon?! Para do'n baaaaaaaaaaa?!"

"Oo!" sigaw na sagot ni Jose, na nagpabingi kay Krisabel. Dumagundong ang boses nito na natapatan ang ingay ng speaker. Parang sampal kay Krisabel ang narinig niya kung paanong parang sampal rin sa binata ang mga sinabi niya.

"Ngayon sino sa 'tin ang masama?!" gigil na tanong ni Krisabel kasabay ng dalawang beses na pagpukpok niya gamit ang baril sa bibig ni Jose na ikinatumba nito sa sahig. Nalagasan ng dalawang ngipin si Jose sa harap at pumutok ang labi. Nabalot ng dugo ang bunganga nito. Napangisi lang si Krisabel habang pinagmamasdan ang dumadaing sa sakit na binata. Sino nga ba ang masama sa kanilang dalawa? Sino ang nagsimula? Sino ang dapat sisihin sa mga nangyari? Sino ang dahilan kung bakit humantong ang lahat sa ganito?

"Hayop ka! Demonyo ka! Patayin mo na lang akooooo!" hagulhol ni Jose.

Isang tunog ng sirena ang nakikisabay sa tunog ng speaker ang narinig ni Krisabel, hindi na bago sa kanya ang tunog na 'yon, ilang beses na niyang narinig 'yon sa tapat ng bakuran nila. Naisip niya agad kung sino 'yon, si Mang Oscar, ang punong-tanod sa kanilang barangay, at alam niyang ang pagpapatugtog niya ng malakas ang pakay nito. Nagsimulang magsalita ang tao sa labas gamit ang megaphone at tinatawag siya nito. Mahina niya lang itong naririnig dahil na rin sa tugtog sa loob ng bahay. Narinig din iyon ni Jose. Sumigaw ang binata at humingin ng tulong. Isang malakas na sipa sa tiyan ang binigay niya sa binata para tumahimik ito. Kinuha niya ang duck tape na nakapatong lang sa mesa sa kusina, pinaikutan niya ang bibig ni Jose at kinaladkad niya ito papasok ng banyo para ikulong, at ni-lock ang pinto.

"Shit!" impit niya. Nawala sa isip niya na sira ang door knob ng pinto ng banyo kaya hindi ito ma-lock. Muli siyang pumasok sa banyo at pinagbantaan si Jose. "Huwag kang magulo, kung ayaw mong tudasin na talaga kita pagbalik ko," banta niya rito.

Dinaanan lang ni Krisabel ang speaker kahit alam na niyang 'yon ang rason kung bakit may tao ngayon sa labas ng bakuran nila, diretso lang siyang lumabas ng bahay para puntahan ang lalaking tumawag sa kanya, hawak niya ang baril na itinatago niya sa kanyang likod.

"Ano na naman, 'to, Krisabel? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi lang ikaw ang tao sa baryong 'to? Kahit pa malayo ang bahay mo sa iba, nakakabulahaw pa rin ang lakas ng tugtog mo sa kalapit na mga kabahayan," bungad sa kanya ng tanod na si Mang Oscar, at hindi nga siya nagkamali kung sino ito at kung ano ang pakay nito. Matagal na siyang irita sa matangdang tanod na may kalakihan ang tiyan, dahil nga sa ilang beses na nitong pagbasag ng trip niya at hindi niya gusto kung paano siya nito tinggnan. "Kung nalulungkot ka, puwede kitang samahan?" nakangising tanong pa nito.

"Puwede po?" malambing na tugon niya na ikinagulat ng matanda. Kapag kasi gano'n na ang tono ng tanod, tumatakbo na siya sa loob ng bahay. Pero ngayon, nagtanong siya kung puwede at bahagyang binuksan ang kalawangin ng gate tanda ng paanyaya.

Napalunok ang tanod nang umatras siya papasok at iniwang bukas ang gate. Sinundan siya ng tanod papasok sa bahay, nasa harap na niya ang baril. Naamoy nito ang 'di kaaya-ayang amoy na nagmumula sa loob ng bahay. "Ano'ng amoy 'yon?" tanong nito na nakatakip na ang ilong.

Hinarap niya ang matandang lalaki. "Bangkay," sagot niya. Itinutok niya ang baril sa ulo nito sabay kalabit ng gatilyo. Bumagsak sa lupa ang wala nang buhay na matanda. Hinila niya ang bangkay nito papasok ng bahay.

Binalikan ni Krisabel si Jose sa banyo – napaatras siya – wala na roon ang binata.

...ITUTULOY


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン