ELLE
Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa may forest. Nakakarefresh kasi ng mind yung mga puno. Habang naglalakad ako, may nakita akong parang grassland siya na maikli lang yung mga damo..
Mukhang komportable naman dito at mukhang malinis naman kaya humiga ako at pumikit.. Ang sarap naman sa pakiramdam nito! Ang lambot at ang presko pa ng paligid. Tahimik, at presko, ito nga ang kailangan ko..
Pero hindi pa man ako nakakatagal sa pagpikit nang biglang may nagsalita,
"Ang ganda mo pag nakapikit." Sabi ni Kyle.
"Go away. I want to rest.." mahinang sabi ko sa kanya habang nakapikit pa rin. Pero sa halip na umalis, naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Don't worry, hindi naman kita guguluhin sa pagpapahinga mo dyan eh. Dito lang ako, babantayan kita.." Malambing naman niyang sabi saakin. Urgh! This jerk! Hindi ko na lang siya pinansin pa at pinagpatuloy ang pagpapahinga.
Pero mamaya pa'y naramdaman ko ang kanyang mga daliri sa pilikmata ko.
"Ang haba pala ng pilikmata mo" Manghang sabi niya saakin. Bigla kong naramdaman na napadako ang kanyang mga haplos papuntang ilong ko
"Ang tangos rin ng ilong mo, Elle." bulong niya.
"Stop it, Kyle. Can't you see? I'm trying to sleep!" Sabi ko sa kanya.
Pero napatayo lahat ng mga balahibo ko nang maramdaman ko ang kanyang mga kamay sa pisngi ko.
"Ang kinis mo.." Sabi niya saakin.. Suddenly, I felt his fingers tracing my lips.
"Ang lambot rin ng mga labi mo, parang ang sarap halikan. " Manghang sabi niya ulit. Bwisit na lalaki to! Inaakit pa ata ako!
"Can I kiss you, Elle?" Automatic na napadilat ako dahil sa kanyang sinabi.
"You pervert!" Sigaw ko sa kanya at bumangon na.
"Oy! Saan ka pupunta?" Tanong niya saakin. At tumingin saakin. Bahala ka dyan!
"Its none of your business, You jerk!" Inis kong sigaw sa kanya.
Naglakad ako nang mabilis para hindi niya ako maabutan.
Kaso napatigil ako mula saaking paglalakad nang mapagtanto ko kung nasaan na ako.
"Wow.." Namamanghang sabi ko. Ang ganda... Isa siyang ilog na may malalaking bato dito, at as I look into it, ang linis ng tubig..
I removed my sandals at ibinabad ang aking mga paa sa tubig.
"Ahh!!..." Napatili ako dahi nadampian ng malamig na tubig ang balat ko.
"Does it feel good?" Kahit kailan talaga tong lalaking to!
"What are you doing here?!" Inis kong tanong sa kanya.
"Ito naman! High blood agad, sinasamahan lang kita kasi baka mapano ka pa dito lalo na't nag-iisa ka." Palusot niya pa saakin.
"Whatever! Basta huwag na huwag mo akong kakausapin!" Utos ko sa kanya. Tumango namam siya sa sinabi ko at umupo sa tabi ng batong kinauupuan ko.
Gaya nga nang pinangako niya, hindi na niya ulit ako kinausap.. Ako naman ay patuloy pa rin sa pagbabad ng mga paa ko sa tubig.
Maya-maya pa'y bigla siyang kumanta.
"Well I won't give up on us...
Even if the skies get rough...
I'm giving you all my love..
Still lookin' up.."
Ang lamig pala ng kanyang boses, hindi ko inaasahang marunong pala siyang kumanta..
"Ang galing kong kumanta ano?!" Pagmamayabang niya saakin. Imbis na sagutin ko siya ay inirapan ko na lang siya at tumayo na.
Pero dahil nga sa basa yung paa ko at bato agad yung inapakan ko ay nadulas ako at napapikit na lang ako sa kung anong pwedeng mangyari saakin.
Kaso ilang minuto na ata ang nakakalipas pero hindi ko pa rin nararamdaman yung katawan ko na bumagsak sa lupa.
Pagdilat ko, kaya pala hindi ko naramdamang bumagsak ako sa lupa kasi sinalo pala ako ni Kyle. Tsk.
"Careful, buti na lang at nasalo kita nung nahulog ka." Then he winked at me.
"Tabi! Tanggalin mo na yang kamay mo na nakayakap saakin!" Kunwaring naiinis ako pero deep inside, kinikilig ako. Tsss!
"Oh, easy! Ikaw na nga tong niligtas ko, ikaw pa tong may ganang magsungit!" Sabi niya naman saakin. Humarap ako sa kanya at bumuntong hininga.
"Salamat sa pagliligtas mo saakin. Oh ayan, ayos na ba sayo yan?!" Bakas sa boses ko yung inis pero ngumisi lamang siya saakin at umiling.
"Hindi sincere yung pagkakasabi mo niyan saakin. With feelings, gusto kong maramdaman yun!" Aba! Siya pa talaga ang may ganang magdemand ngayon ah!
Inirapan ko naman siya at muling huminga ng malalin at tinitigan siya..
"Kyle, salamat sa pagliligtas mo saakin." With matching actions pa yan! Habang ang bwisit na to, nagpipigil lang sa kanyang pagtawa!
"Apology accepted.." Sabi niya at ngumiti nang nakakaloko saakin. Muli akong umirap sa kanya at nauna nang maglakad pabalik sa lodge..
Habang naglalakad ako, pansin kong wala nang nakasunod saakin sa likod dahilan para lumingon ako pero wala nga siya.. Nagtataka naman ako kung nasaan na kaya yun o kung saan na naman nagsu-suot!
Muli akong humarap para sana ipagpatuloy yung paglalakad ko pabalik sa lodge, pero nagulat ako dahil pagharap ko, bumulaga agad saakin ang isang bouquet ng iba't-ibang klaseng bulaklak..
"Sorry, walang roses eh.." Nahihiya niyang sabi saakin. Kinuha ko naman ito at saka inamoy ito. Ang bango!
"Salamat. " Tanging sabi ko at naglakad na ulit.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa mga ginawa niya saakin para sa araw na ito..
Inaamin kong kahit anong pakipot o di kaya'y 'Pa-hard to get' ko, ay hindi pa rin matatakpan ang kilig at saya na nadarama ko dulot ng lalaking to saakin.....
Inaamin ko rin na nung una natakot ako. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari dahil nga magkasama kami ngayon and hindi ko rin alam kung aware na ba yung mga parents namin na magkasama kami.
Pero siguro nga walang masama kung susugal ako, diba? There's no wrong if I'll give it a try.. Tutal, nandito naman to, e-enjoyin ko na lang muna ang moment na to kahit alam ko na after nito, isang mabigat na parusa ang naghihintay saamin..
But I don't care..
For as long as I'm with him...
For as long as we have each other...
And....
For as long as our heart beats as one, no one can come and split us away..
Because no matter what they do..
Still, my heart beats for him...
And forever will..