ELLE
Pagkatapos ng scenario namin kanina ni Mr. Kyle sa Kusina, agad akong bumalik sa cubicle ko. Pansin ko na medyo busy na si Vanessa habang si Patty naman nagbabasa ng mga designs sa isang magazine.
Since pareho silang may ginagawa, nagtingin-tingin na lang din ako ng mga designs sa magazine pero hindi pa man ako nakakatagal sa pagtitingin ng mga designs sa magazine nang bigla kong maramdaman ang isang presensya ng tao.
"Yes?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm. Hi. I'm Kyle Villafuente. Nice meeting you." Sabi niya saka nilahad ang kanyang kamay saakin. Tinignan ko siya ng nakataas ang aking kilay.
"Sa pagkakatanda ko, Mr. Albert introduced you earlier diba? What do you think of me, deaf?" Sabi ko sa kanya without looking at me.
"Hmm. Gusto ko lang, baka pwedeng makipagkaibigan?" Sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya pero nginitian niya lang ako na parang may meaning yung ngiting yun. Inirapan ko nga siya.
"You know what, Mr. Villafuente? Let's stop talking nonsense things here. We can be workmates, but as friends? With you? Nah. I don't think so. And if you don't mind, I'm busy. So...." Sabi ko sa kanya tsaka ngumiti ng matamis.
"Oh, sure." Sabi niya tsaka bumalik na sa kanyang cubicle.
"Ano yun?" Biglang tanong ni Vanessa saakin. Automatic na tumaas ang kilay ko sa tanong niya
"What?!" I asked her. "Hmm. Nothing, its just that, parang may something kayong dalawa." Sabi niya na at umarte na parang nag-iisip talaga.
"So ano bakla? Totoo nga ang hinala nitong chakang friend natin?!" Biglang sabat ni Patty. Siniko naman siya bigla ni Vanessa dahil sa sinabi niya.
"Sinong chaka ang tinutukoy mo bakla ha?!"
"Aray! Ano ba! Hindi ka talaga mabiro kahit kailan! Hmm, so ano nga friend? May something ba kayo ni Papa Kyle?" Inirapan ko naman silang dalawa.
"Alam niyo, napakamalisyosa niyo talaga, no wonder madali kayong masaktan kasi lahat ng bagay, nilalagyan niyo agad ng meaning. There's no freaking way na may something saamin ni Kyle. " Nagtinginan naman silang dalawa at sabay-sabay na inirapan ako.
"Yes or no lang ang isasagot mo bakla, bat kailangan mo pang sabihin saamin yan ah?!" Nagiinarteng sabi ni Patty.
"Ang personal ng atake mo babae ah! Ang sakit huhuhuhu!" Inirapan ko naman silang dalawa dahil sa nga inaarte nila. "Naku, tigil-tigilan niyo kong dalawa sa kakaarte niyo ah! Magtrabaho na tayo, tama na ang kaartehan!" Tinignan muna nila ako ng masama saka pinagpatuloy yung trabaho.
May dalawang client na tumawag saakin at nagpapabook for appointment sa umagang to.
"Gosh, I'm starving already. Dali na girls!" Utos ni Patty saamin. "Oo na bakla, can't you wait?! Kita mong nag-aayos pa kami ng mga gamit namin eh!" Inis na sabi sa kanya ni Vanessa. Tinawanan lang siya ni Patty at pagkatapos kong ayusin yung gamit ko, binitbit ko na yung bag ko saka tumayo.
Abala ang dalawa sa pagtsitsismis. Ako naman ay hinahanap ko kung saan yung cellphone ko sa bag.
"Are you going out to take your lunch?" Sabi ng familiar na boses sa likod namin.
"Yes.. Why?" Malanding sagot ni Vanessa.
"OMG! Ang landi mo sister!" Tili naman ni Patty sabay hampas ng mahina kay Vanessa.
"Really?! Would you mind if I'll join with you guys?" Excited na sabi ni Kyle. Yes, you read it right. Tsss
"Sure! Wala naman sigurong problema kung sasama siya saatin, right Elle?" Inirapan ko naman yung tanong saakin ni Vanessa.
"Who cares.." Sabi ko at nauna na sa kanila.
Pagkarating sa favourite fastfood chain namin, biglang tumakbo para maghanap ng bakanteng upuan yung dalawa. Nagulat naman ako sa ginawa nilang dalawa
"Kayo ng umorder para saamin best! Salamat!" Nakangiting sabi ni Vanessa. Inirapan ko ulit silang dalawa kasi parang alam kong plano ng dalawang to! Tsk!
"Anong oorderin mo para sa kanila?" He asked me habang nasa pila kami. I just shrugged my shoulders and said, "Who knows?" I heard him chuckle.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Seryosong tanong ko sa kanya dahilan para tumigil siya sa kanyang pagtawa. "Wala naman. Ang seryoso mo pala talaga noh? Malayong-malayo sa Elle nung ga---", "Shut up! Hindi ba sinabi ko na sayo na kalimutan mo na yung nangyari saatin? It was a mistake. A damn mistake." I said in a quiet way but madiin yung bawat bigkas ko ng mga salita mahirap na at baka may makarinig.
"Pero sinabi ko na sayo diba, na hindi ko basta-basta yun makakalimutan!" Sabi niya. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil turn ko na para umorder.
Pagkatapos kong umorder, naghintay na muna ako sa gilid para kunin yung order ko. Yeah, MCDO is our favourite fastfood chain aside sa Jollibee. Napansin kong nasa tabi ko na si Kyle at hinihintay na rin niya yung inorder niya.
"Order number 27." I moved forward to get the tray that contains my order. Medyo nahihirapan ako dahil tatlong tray ang order ko. I tried to call either of my two friends by waving at them to help me carry their orders as well, but oh, what a good friends of mine! No choice but I have to carry this all by myself!
"Want some help?" Napatingin naman ako sa likod ko at andoon yung lalaking kanina pa akong kinakausap. Pero dahil may pride ako, I ignored his offer.
"Pati ba naman yung pagtulong ko sayo, aayawan mo pa rin? Sige na, tutulungan na kitang kargahin yan. " Sabi niya habang naglalakad ako pabalik sa table namin. Nagulat ako ng nilampasan niya ako at naunang dumating sa table namin at bumalik ulit para kunin yung natitirang order ko doon.
"So..." Vanessa teased me..
"Shut up. I tried to call you earlier to help me carry this damn trays but you know what? Neither one of you bothered to look at me! " I hissed.
"Okay lang yan sister! Mukha namang hindi mo na kailangan ng tulong namin eh, look oh!" Sabay nguso ni Patty sa likod ko. And there you go, kinakarga niya na yung tray at humingi ng tulong sa isang waiter para dalhin yung natitirang tray. Bakit di ko naisip na humingi ng tulong sa waiter?! Urggh!
"So, can we eat now?" Vanessa said. Ano pa nga bang magagawa ko? Umupo't nagsimula na kaminh kumain.
"Kyle Villafuente right?" Panimulang tanong ni Patty
"Yes." Cool na sagot ni Kyle.
"Wala nang patumpik-tumpik pa, May gf ka ba ngayon Kyle?" Nabulunan naman kaming dalawa ni Vanessa sa tanong ni Patty. Itong baklang talaga to kahit kailan walang preno yung bibig!
"Bakla ano ka ba! Bunganga mo talaga kahit kailan!" Suway sa kanya ni Vanessa.
"What?! Anong problema sa sinabi ko? Eh nagtatanong lang naman ako mga bakla!" Dipensa niya.
"No, it's alright. And no. I don't have a girlfriend. But..." Putol na sabi ni Kyle tsaka ngumiti.
"But??" Sabay tanong nila Vanessa at Patty kay Kyle.
"Pero may nakilala ako na babaeng interesting at gusto ko pang makilala nang lubusan pero mukhang malabong mangyari yun unless she'll let me do.." Sabi niya sabay tingin saakin. Iniwasan ko yung tingin niya saka pinagpatuloy yung pagkain ko.
"Ohh... Kung sino man yang babaeng yan, ang swerte-swerte niya sayo! Ang hot mo Kyle! Hahaha!" Biglang tili ni Patty.
"Gosh, nakakahiya kang kasama bakla!" Nahihiyang sabi ni Vanessa. Umiling lang si Kyle habang nakangiti na nakatingin saakin. Inirapan ko lang siya saka tinapos yung pagkain ko.
No matter what he'll do, I will never let him in.
It's just that, ayokong maging unfair ng tuluyan kay Nick. Oo, naghiwalay kami at siguro nga may bago na siyang GF ngayon, pero umaasa ako na babalikan niya ako. Handa ko siyang tanggapin ulit. Kahit masasaktan lang ako, as long as nasa akin siya ulit, kakayanin ko. Kahit naglolokohan na lang kami, basta siya ang kasama ko, okay lang.
Siguro nga may nangyari saamin ni Kyle, at nakuha niya yung bagay na pinaka-iniingatan ko bilang babae, pero hinding-hindi niya makukuha yung puso ko na pagmamay-ari ni Nick Javier.. Kahit pa iba na yung nilalaman ng kay Nick.
You can never go wrong with Love over Lust.