アプリをダウンロード

章 548: Chapter 13

Muntik nang bumulanghit ng tawa si Rei nang matigilan. Nakita niya ang pagtalim ng mata ni Hayden. Ano ang gagawin nito kapag tumawa siya? Hahalikan ba siya nito? Seryoso ba ito na hahalikan siya nito? Bakit parang ang tagal?

Maisip pa lang niya na hahalikan siya nito, nanginginig na ang tuhod niya. Kapag di pa ito lumayo sa kanya, baka kailanganin na niya ng fainting couch.

"Hayden, bagong babae na naman iyang kasama mo," anang lalaki na hula niya ay member din ng riding club.

"Joziah, hindi kita ginugulo kapag may ka-date ka, ha?" anang si Hayden at bahagyang lumayo sa kanya.

She was awed. How could he talk to those men with ease as if he was a real man? Sabagay, kahit naman dati ay walang hint ng pagiging feminine ang boses nito. Malambing lang ito at soft spoken dati pero ngayon ay may tigas na sa boses nito. At parang doon ito mas komportable. Hindi pilit.

"Bakit masyado kang pikon, Hayden?" tanong ni Gianpaolo, ang kababata ni Dafhny na minsan na niyang nakita na dumalaw sa opisina. "Assistant pa ni Dafhny iyang ka-date mo. Baka magalit iyon kapag tauhan niya ang binola-bola mo."

"Si Dafhny mismo ang nagsabi na ipasyal ko siya," depensa ni Hayden. "Mabuti pa puntahan mo na lang siya sa Lakeside Café. Baka nakulot na ang utak niya dahil kanina pa siya nakababad sa away nila Danzelle Ann at Richard Don."

"Mayaya nga ulit mag-date. Baka nami-miss na niya ako," malapad ang ngiting sabi ni Gianpaolo.

"Ilang ulit ka na bag nagyayang mag-date at nabasted, Gianpaolo?" nakangisi naman na tanong ni Hayden.

"I hate you!" singhal ni Gianpaolo at naglakad palayo.

"Pare, sama ako! Para naman may karamay ka kapag nabasted ka," wika ni Joziah at sumunod sa kaibigan.

"I hate you! Both of you! Magsama kayo ni Hayden! Kaya siguro di nakikipag-date sa akin si Dafhny dahil sa mga playboy na tulad ninyo. Nadadamay ako."

Umiikot ang ulo niya. Iyon ba ang reputasyon ni Hayden sa riding club? Isang playboy? Paano nangyari iyon? Wala ba talagang alam ang mga ito sa pagkatao ni Hayden? Napakagaling naman nitong magtago.

"Totoo ba ang sinabi nila na playboy ka?" tanong niya dito.

"Hindi, ha! Anong magagawa ko kung guwapo talaga ako?"

"O masyado ka lang maganda," biglang nanulas sa dila niya.

"Sa tingin ko kailangan nating mag-usap tungkol diyan," wika nito.

Nataranta siya. No! Ayaw niyang kausapin ito tungkol doon. Hindi tama. At ayaw na niya. "I came here for business. Kung di lang tungkol sa trabaho ang pag-uusapan natin, huwag na lang," mariin niyang wika.

"Hindi bale. Maraming beses pa naman tayong magkakatrabaho." At mukhang nais din nitong ipakahulugan na marami pa silang pagkakataon para mag-usap at hindi na niya ito matatakasan pa.

Palaisipan pa rin sa kanya si Hayden habang pauwi na sila ni Dafhny. Inis na inis ito sa binasted na naman nitong si Gianpaolo. "Talaga naman ang mga lalaking iyan. Akala niya mauuto nila ako."

"Ma'am, talaga bang playboy si Hayden?" tanong niya.

"Masasabi ko bang playboy siya? Hmmm… lapitin siya ng mga babae. Wala naman siyang nagiging girlfriend talaga, eh! Siguro may hinahanap siya sa isang babae na hindi niya makita sa lahat ng nakilala niya."

"Ano naman ang hinahanap niya sa babae?"

O babae nga ba talaga ang gusto nito? Kahit naman noong nasa college pa ay di niya ito nabalitaan na nakipaglapit sa kahit sinong lalaki. Nakadistansya ito kapag may lumalapit na lalaki dito.

At hindi ba mararamdaman din naman ng isang babae kung may sa-paminta ang isang lalaki at nakakabahing? Bakit hinahabol pa rin ng mga ito si Hayden?

Nilingon siya nito. "Bakit? Gusto mo ba siya?"

Umiling siya. "Ngayon pa lang po kami nagkakilala, Ma'am."

"Interesado yata si Hayden sa iyo. Siguro dahil kapangalan mo si Rei."

Itinuon niya ang tingin sa labas ng sasakyan. "Hindi ako matutulad sa Rei na iyon." Dahil ang bagong Rei ay immune na sa kaguwapuhan ni Hayden. Matagal na niya itong isinuko. Kaya di na niya ito tatanggapin pa sa buhay niya.


クリエイターの想い
Sofia_PHR Sofia_PHR

Daily updates na po tayo sa Stallion Boys kaya huwag kalimutang mag-alay ng gifts.

---

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature and other PHR books? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C548
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • テキストの品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン