TULUYAN nang humupa ang lamig na naramdaman ni Rei mula sa pagkakababad sa basang damit matapos ang hot shower sa apartment ni Hayden. Di iyon kalayuan sa campus. Doon na lang daw niya hihintayin ang damit na dadalhin ni Edmarie.
Paglabas niya ay nakahimlay na ang royal blue na toweling robe sa kama. Malaki iyon. Halos umabot sa paa niya ang haba. Its scent was masculine. Kaiba sa fruity scent ng pabangong pambabae ni Hayden. Kanino ang robe na iyon. May iba pa bang lalaki sa apartment na iyon na kasama ni Hayden?
Napilitan siyang isuot ang robe. Paglabas niya ay nakita niya sa kusina si Hayden at nagluluto. "Medyo malaki pala ang robe ko sa iyo."
Hinapit pa niya lalo ang robe sa katawan niya. Robe pala iyon ni Hayden. Parang yakap na rin siya nito kung ganoon. "Hindi. Okay lang siya." Robe nito? Bakit panlalaki ang amoy? "Medyo malaki ang apartment mo. Mag-isa ka lang dito?"
"Oo. Don't worry. Wala naman akong gagawing masama sa iyo."
"I know." But she felt comfort to know that he was alone. At robe din nito ang suot niya. At least alam niyang walang atribidong lalaki sa buhay nito.
"Maupo ka na. Ise-serve ko na ang soup para mainitan ka. Pinapatuyo ko pa sa dryer ang damit mo. Mamaya rin dadating na si Edmarie dala ang uniform mo."
"Thank you sa pagsagip mo sa akin. Saka pasensiya na sa abala."
Sinandok nito ang mushroom soup at ipinaglagay siya sa bowl. "Huwag na huwag mong iisipin na nakakaaabala ka. Kain na."
"Hindi ka ba nahihirapan na mag-isa lang dito sa apartment mo?"
Wala siyang makita na hint ng pagka-girlish ng apartment nito. It was simple. Pero may masculine impact. Bakit panlalaki ang style ng apartment nito?
"Sanay na ako. Bata pa lang ako, lagi na lang akong mag-isa. Madalas may inaasikaso sa abroad ang parents ko. Puro sila negosyo at parehong workaholic. Madalas na wala silang oras para sa akin. Kaya natuto na akong magdesisyon para sa sarili ko. Madalas kasi wala sila para gawin iyon."
"Independent ka pala. Ako kasi dependent ako sa parents ko. Nag-iisa kasi akong anak kaya overprotective sila sa akin."
"Ibig sabihin hindi sila matutuwa oras na malaman nila na muntik ka nang malunod kanina. Bakit ba sinugod mo si Denzell?"
Umasim ang mukha niya. "Kasi lapit siya nang lapit sa iyo. Nagseselos ako! Saka dapat niyang malaman na sa akin ka lang."
"I already said no to him. Hindi naman niya ako mapipilit kung ayaw ko."
"Talaga? Ayaw mo kay Denzell kahit na guwapo siya?"
Umiling ito. "Kaya hindi mo na siya dapat kinompronta. Ikaw tuloy ang napahamak. Binastos ka na nga, muntik ka pang malunod."
"Pero nandoon ka naman para sagipin ako."
"Nagkataon lang na may swimming lessons kami noon. Narinig ko ang sigaw mo kaya tumakbo agad ako. Paano kung wala ako doon?"
Lumabi siya. "Nandoon ka pa rin. Saka willing talaga akong giyerahin ang kahit sino na magkaka-interes sa iyo. Poprotektahan kita mula sa mga higad!"
Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong mesa. "Rei, ayokong mapahamak ka dahil lang sa akin. I can't live with that."
Halos matunaw ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Naalala din niya kung gaano katindi ang galit nito kay Denzell na muntik na nitong baliin ang leeg. Hindi talaga siya nito pinabayaan.
"Kahit pa anong sabihin mo, di mo ako mapipigilan na protektahan ka, Hayden. Kahit ano gagawin ko para sa iyo. Ganoon ako magmahal."
She had never felt that fierce emotion before. Nasanay na siyang tinatapunan ng atensiyon. Akala nga niya ay magiging selfish din siya kapag na-in love siya. Na mas gusto niya na siya muna ang unang mahalin ng isang lalaki. Siya ang aalagaan.
Pero iba ang nangyari kay Hayden. Sa pagmamahal niya dito, naging bingi na siya sa sasabihin ng ibang tao. Handa siyang magbigay nang magbigay kahit na walang kapalit. Kahit na inaalagaan siya nito, mas gusto niyang siya pa rin ang nag-aalaga. Parang isang mabilis na tren ang takbo ng puso niya. Di mapipigilan.
Huminga ito nang malalim. "Rei, I am not a normal man."
"For me you are. Iyon ang nakikita ng puso ko. Lalo na kanina. Pwede ka nang ihanay sa mga heroes sa novel," kinikilig niyang sabi.
Malungkot itong ngumiti. "I am hardly a hero material. At iyong nangyari kanina ay di magpapabago kung ano ako. Sabihin na lang natin na natural na sa kahit sinong tao ang ipagtanggol ang isang taong naaapi o nasasaktan."
Kumunot ang noo niya at mataman itong pinagmasdan. Malinaw pa rin kasi sa isip niya ang bawat kilos nito kanina. "Tell me the truth, Hayden. Parang iba ka talaga kanina. I could swear that you are not a gay!"
Tumawa ito ng pagak. "Silly. You mean I am acting like one."
"Siguro nga nagkukunwari ka lang."
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
Napipilan siya. Wala kasi siyang maisip na dahilan. "Hindi ko rin alam." Pero sinasabi ng puso niya na iyon ang totoong Hayden at di ang ipinakikita nito.
"It must be your imagination. Imposible ang sinasabi mo. This is me."
"Tanggap ko naman kung ano ka. Pero di pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. For me, you are more of a man than Denzell or any other stupid guy I've met before." Iyon ang natitiyak niya.
"Rei, you are a nice person. Ayokong masayang ang nararamdaman mo. Nasasaktan ako kapag pinagtatawanan ka ng ibang tao dahil sa akin."
"Wala silang pakialam sa nararamdaman ko. Hindi sila ang nagpapasaya sa akin kundi ikaw. So don't ask me to stop loving you."
"I just don't think it is fair," malungkot nitong usal.
Tumayo siya at hinawakan ito sa balikat. "Hayden, pwede ba huwag kung anu-ano ang isipin mo. I love you. Period," usal niya habang unti-unting inilapit ang mukha dito. She just wanted a kiss from him. Isa lang. Masaya na siya doon.
She had never been bold in her life. Tutal ay malakas na ang loob niya, sasamantalahin na niya ang pagkakataon.
Gahibla na lang ang layo ng labi niya dito nang may kumatok sa pinto. "Rei, sa palagay ko si Edmarie na iyon."
Hindi maipinta ang mukha niya nang iwan siya ni Hayden para buksan ang pinto. Pagbalik nito ay kasama na nito si Edmarie.
"Best friend, nag-alala ako sa iyo," sabi ni Edmarie at niyakap siya.
"Nakakainis ka. Wrong timing ka." Napurnada pa ang first kiss niya. Baka sakaling sa halik niya ay makawala si Hayden sa sumpa ng mga higad.
Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanila ni Hayden. "Wrong timing saan?"
Malakas na hinampas niya ang balikat nito. "Wala. Magbibihis na ako."
"Edmarie, gusto mong kumain din? May mushroom soup pa," yaya ni Hayden.
"Sure. Kanina pa nga ako nagugutom. Hayden, guwapo ka palang talaga kapag walang make up. Sana tuluyan ka nang maging fafaru para naman madagdagan ang kaligayahan ng mga kababaihan."
Natawa si Hayden. "Puro ka biro. Kumain ka na lang kaya?"
Hinila niya ang kamay ni Edmarie. "Samahan mo muna akong magbihis. Mamaya ka na kumain." Nang pumiglas ito ay hinigpitan pa niya ang hawak.
"Aray! Rei, ano ba? Babaliin mo ba ang kamay ko?" angal nito nang bitiwan niya pagdating nila sa kuwarto.
Inirapan niya ito at pumasok sa banyo para magbihis. "Kasalanan mo iyan. Pinagnanasaan mo kasi ang irog ko. Tinawag mo pang guwapo."
"Pati ba naman ako pagseselosan mo? Di naman kami talo no'n."
Isinilip niya ang ulo sa nakaawang na pinto. "Heh! May pagnanasa ka! Katatapos ko lang makipagtuos kay Denzell, dadagdag ka pa."
"Ano nga pala ang nangyari sa inyo ng karibal mo?" Ikinuwento niya dito ang nangyari at maging ito ay di makapaniwala. "Talaga? Natakot sa kanya si Denzell?"
"Oo. Pakiramdam ko tuloy lalaki si Hayden."
"Meaning nagpapanggap lang siyang gay? Bakit niya gagawin iyon?"
"Hindi ko rin alam, Edmarie."
Kung may itanatago man si Hayden, kailangan niyang matuklasan iyon.
Pa-support naman po ng Youtube channel ko: Sofia's Haven. Na-post ko na 'yung HK vlog at sinisimulan ko na pong i-post 'yung vlog ko sa South Korea. Nandoon na rin ang Stallion Riding Club visit ko.
Sana po wag man-deadma sa maliit na pabor na hinihingi ko. Konting suporta naman po. Thank you!