Day off ni Liyah. Maaga pa lang ay sinundo na siya ni Thyago sa Artemis Equestrian Center para ipasyal sa Stallion Riding Club. Dalawang linggo na siya sa riding school at noon lang siya nagkaroon ng day off. Kaya naman excited siya. Ang hindi lang niya alam ay kung ano ang plano ni Thyago.
"Ano naman ang gagawin natin buong maghapon?" tanong niya.
"Gusto mo bang maglaro ng polo?"
Nagningning ang mga mata niya. "Of course. Miss na miss ko nang maglaro ng polo. Dito na nga lang ako sa riding club nakakanood ng polo." At tuwing nakikita niya ang laro ng mga ito, parang gusto rin niyang sumali. Wala naman kasing babaeng naglalaro ng polo sa Stallion Riding Club.
"Let's have a one-on-one game," hamon sa kanya ni Thyago. "Don't worry. I will give you a handicap."
"Hindi por que ten-goaler ka, mamaliitin ko na ang kakayahan mo." Nakakahabol siya sa kapatid niya kapag naglalaro sila ng one-on-one noon.
"Aba! Hindi ka talaga nasisindak sa akin, ha?"
Umismid siya. "Just wait and see. Pakakainin kita ng alikabok."
"Why don't we make it more challenging?" anito at pinagkiskis ang mga palad. "Kapag makaka-goal ako, pwede kitang halikan. At kapag ikaw naman ang makaka-goal, pwede akong humalik sa iyo."
"Ay! Ambisyoso! Parang ikaw lang ang nakinabang sa lahat."
"Kunyari ka pang ayaw mo. I know that you like kissing me."
"Shut up!" bulalas niya at iniwas ang tingin dito. Maisip pa lang niya na magdidikit ang labi nila ay parang natutunaw na ang buto niya.
"Sige. Kung ayaw mo akong halikan kapag naka-goal ka, ako na lang ang hahalik sa iyo. Wala naman iyong problema sa akin."
"Heh! Maglaro na lang tayo kung maglalaro. Ang dami mo pang pakulo."
"Masyado ka namang high blood," anito at itinigil ang sasakyan sa polo center. Walang tao nang mga oras na iyon at sila lang ang maglalaro.
Pinili nila ang indoor arena dahil walang naka-schedule nang mga oras na iyon. Excitement run through her veins when she held the polo stick. Lalo niyang naramdaman kung gaano siya ka-excited na maglarong muli ng polo.
"I'll let you have Acropolos. Argentinean Crillo horse ang tatay niya at Thoroughbred ang mare. He is a gentle one. Pero kasing bilis at kasing talino din siya ni Cerro Rico. Isang chukker lang ang lalaruin natin."
"Okay," aniya at hinaplos ang leeg ng chestnut brown niyang kabayo. Matindi ang pressure na ibinibigay ng larong polo sa mga kabayo. Kaya kadalasan sa isang laro ay nangangailangan ng apat hanggang limang polo pony.
Wala silang referee. Pareho silang professional ni Thyago kaya di na nila iyon kailangan. Hindi naman siguro sila magdadayaan.
Sa throw-in o panimula ng laro, si Thyago ang nakaagaw ng bola. Dahil isa itong high profiled player, naging madali para dito ang palagpasin ang bola sa goal.
"One kiss!" anunsiyo nito.
"Masyado ka naman yatang nagseseryoso," aniyang di maipinta ang mukha.
"Mukhang masama yata ang loob mo na naka-score ako?" tanong nito. "Don't worry. Magkakaroon ka rin ng chance na makahalik sa akin."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Makakahalik ka sa akin kapag nanalo ka."
Nahirapan siyang maipasok ang bola sa sarili niyang goal dahil mahigpit ang pagbabantay sa kanya ni Thyago. "Thyago, masyado kang mainit!"
"Ayoko yatang magpatalo."
Naging mahigpit ang depensa niya dito nang ito na ang kumokontrol sa bola. Papaluin na nito ang bola nang salagin niya ang stick nito. Sa sobrang lakas ng paglalaban ng pwersa nila ay nabali ang stick nito.
"Magpapalit ka ba ng stick?" tanong niya.
Umiling ito at ibinaligtad ang stick. "Huwag na lang nating sayangin ang oras. Ilang minuto na lang ang natitira sa atin."
Naramdaman niya na mas seryoso na ito dahil di ito ngumingiti. Subalit di niya ibinaba ang depensa niya. Kahit na walang premyo ang larong iyon, di rin siya magpapatalo. Noon na lang ulit siya nakapaglaro ang polo kaya naman susulitin na rin niya ang pagkakataong iyon.
Ilang sandali na lang ang natitira. Lamang si Thyago ng isang puntos sa kanya. Ito pa ang kokontrol sa bola. Matatalo siya nang tuluyan kapag di siya gumawang matinding hakbang.
Ginitgit niya si Thyago. Isa iyong paraan para madepensahan ang bola. Sinusubukan din niyang agawin ang kontrol ng bola mula dito. Para kahit paano ay mag-tie ang score nilang dalawa. Wala itong premyong makukuha. Masaya na rin siya na kahit paano ay pumantay sa galing nito.
Nang magkadikit ang kabayo nila ay bumagsak ito. Narinig niya ang pagsigaw nito sa sakit. Nanlaki ang mata niya at pinigilan ang kabayo. "Thyago!"
"Ah! Masakit," anitong sapo ang balikat.
Mabilis niya itong dinaluhan. "P-Paano nangyari iyon? H-Hindi sinasadya."
Ganoon na ba siya kalakas para mapabagsak ito mula sa kabayo? She just wanted to intimidate him. Di niya gustong mailaglag ito sa kabayo.
"Tulungan mo ako, Liyah."
"S-Sandali. Tatawag lang ako ng doctor."
Pinigilan nito ang braso niya. "Ikaw na lang ang tumingin. May alam ka naman sa first aid, di ba? At may first aid kit dito."
Hinawi niya ang damit nito para tingnan ang balikat nito. Nagulat siya nang pumulupot ang braso nito sa baywang niya. And before she knew it, he rolled over her and pinned her to the ground.
"Thyago, ano bang ginagawa mo? DI ba may masakit sa iyo?"
"Tapos na ang oras. Ako ba ang nanalo," nakangisi nitong sabi.
"What the… You tricked me! Pinalabas mo na nasaktan ka para wala na akong pagkakataon na maagaw ang bola sa iyo."
"Ayoko lang bigyan ka ng pagkakataong sabihin na di ako nanalo." Inilapit nito nang dahan-dahan ang mukha sa kanya. "It is time to claim my prize."
Nakita niya ang isang magandang emosyon sa mga mata ni Thyago. Napatulala na lang siya sa itim nitong mga mata. Right at that moment, she was totally lost. Tuluyan nang nagsanib ang labi niya subalit wala siyang ginawa kundi pumikit na lang. Deep in her heart, she knew that she couldn't deny her self that soulful kiss. She knew how his kiss could be so potent.
She just wanted to lose her self over and over again.
Malamig na ang simoy ng hangin. Sino ang bet makakuha ng Stallion Boylet as a gift?
Ito lang regalo ko sa inyo. Mag-update hangga't kaya ko. E anong gift n'yo sa akin?