"Go Liyah!" narinig niyang cheer ni Thyago mula sa side ng spectators.
His cheer was what kept her going. Bagamat mahigpit ang depensa ng kalaban ay nagagawa nilang makapagpapasok ng bola. Tie na ang score nila. Nasa huling chukker na sila o set ng laro.
"Team, we'll take them down!" anunsiyo niya at nagsimula na ang huling chukker. Di nawawala ang tingin niya sa player na may hawak ng bola. Hindi siya papayag na matalo siya sa larong iyon.
Nagpalitan lang sila ng goal ng kalaban. At ilang segundo na lang ang natitira sa laro ay nasa kalaban pa ang bola. Kung maipapasok ng mga ito ang bola ay mananalo ang mga ito. Wala na silang oras para maghabol.
Just wait a while. Be patient, naalala niyang bulong sa kanya ni Thyago. Parang slow motion sa kanya ang paghampas ng kalaban sa bola.
Naging mabilis ang isip niya. She hooked her rival's polo stick. Hindi nito naituloy ang pagpalo sa bola. Di agad ito nakagalaw. Sinamantala niya ang pagkakataon at hinataw ang bola patungo sa ka-team niyang walang nagbabantay.
The crowd roared. Di rin inaasahan ng mga ito ang kinalabasan ng laro. Ginawa ng mga kasamahan niya ang lahat para depensahan ang bola. Maya maya pa ay bumalik na sa kanya ang bola. Napakalapit na niya sa ball.
Then the unexpected happened. Her horse knocked the ball. At ito mismo ang nakapagdala ng bola sa goal. Napasigaw siya sa tuwa at niyakap ang kabayo niya. Tapos na rin ang chukker. Nanalo ang team nila.
"You did great, Summer Mist." Mas nauna pang dinaluhan ng mga kasamahan niya ang kabayo kaysa sa kanya. Madalang kasing mangyari na ang kabayo ang dahilan ng pagpasok ng bola. But it was a valid goal.
Ninanamnam pa niya ang pagkakapanalo nang yakapin siya ni Thyago. "You are great, Liyah!"
Mahigpit din niya itong niyakap. "Thank you, Thyago. Kundi dahil sa iyo, baka hindi kami nanalo. Salamat sa cheer."
Kinintalan siya nito ng halik sa labi na ikinagulat niya. "You're welcome."
Parang tinamaan siya ng kidlat. It was a simple kiss but she felt like had been burned. Natigagal na lang siya. Wala pang nakakanakaw ng halik sa kanya. There was a time that her brother was so protective of her that no man could come near her. Pero nagawa siyang nakawan ni Thyago.
Naningkit ang mata niya at dinuro ito. "You…"
Matamis siya nitong ngitian. "Me?"
Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. Walang epekto dito ang halik. It was just a peck after all. Kumpara nga naman sa reputasyon nito bilang playboy, parang handshake lang siguro ang paghalik nito sa kanya.
"Magpasalamat ka dahil wala dito si Kuya Elvin."
"At bakit naman?" kunway inosente nitong tanong.
"Nagtanong ka pa!" asik niya. "Ninakawan mo ako ng halik."
"Kung magpapaalam pa ako sa iyo, hihindi ka lang. Saka dapat pala samantalahin ko na rin na wala si Elvin dito." At kinintalan na naman siya nito ng isa pang halik sa labi.
"Thyago!" bulalas niya na sinagot lang nito ng tawa.
Lalong nanlambot ang tuhod niya nang marinig ang halakhak nito. Drat! He really looked so handsome when he laughs. Ano bang gagawin niya dito? Bawat sandali na kasama niya ito, ginugulo nito ang sistema niya.
Nakatakas ito sa sermon niya nang pagkulumpunan na siya ng mga kasamahan. Sa huli ay di rin niya magawang magalit dito. A kiss was just a kiss. Lalo lang siya nitong pagtatawanan kung gagawin niyang isyu iyon. It was no big deal.
Pero kung di iyon big deal, bakit nag-iinit pa rin ang pisngi niya tuwing magsasalubong ang tingin nila at naalala niya ang halik nito. At paguwapo rin ito nang paguwapo sa paningin niya.
Siguro dala lang iyon ng init ng araw. O dahil nahihibang pa siya mula sa pagkakapanalo niya sa tournament. O kinulam siya nito.
Or maybe Thyago Palacios was just bad for her health.
Check out The Romance Tribe on Facebook. Ito ang new tambayan ko with other PHR writers. Araw-araw kaming may pasabog at may mga recommended stories pa. Gora na po kayo.