アプリをダウンロード

章 430: Chapter 19

"Mabait naman pala si Sir Reid," usal ni Tamara at uminom ng basil tea.

"Hay! Pwede ko na siyang I-nominate na santo." Napaisip ito. "Hindi pala bagay sa kanya ang maging santo. Magrerebolusyon ang mga fans niya. Mas bagay sa kanya na maging sex god. Iyong sinasamba ng mga kababaihan."

"Hindi ba may girlfriend siya?" tanong niya.

"Oo." Itinuro siya nito. "Ikaw iyon, di ba?"

Matalim niya itong tiningnan. "Hindi ako. Si April Princess Uy!"

"That spoiled brat? Siya yata ang nagpasakit sa ulo ni Sir Reid nang todo. Sukat ipagkalat niya sa press na magpapakasal na sila."

"Nabasa ko nga ang article na iyon." Iyon din ang nag-trigger sa kanya para maghain ng annulment.

"Aba! Muntik nang mapikot si Sir. Ang mga parents ni April, umuwi galing sa Singapore. Pati parents ni Sir Reid, napauwi galing Spain. Biglang kinaladkad si Sir Reid sa mga Uy para mamanhikan. Mabuti na lang malakas ang loob ni Sir Reid. Sinabi niya na talagang wala silang relasyon."

"Tapos anong nangyari?"

"Pinilit pa rin siya ng parents ni April na magpakasal. Paano naghanda na pala ng engagement party ang bruha. Naku! Doon na nagalit pati parents ni Sir Reid. Buti nga mabait pa si Sir Reid at di siya tuluyang nai-ban sa riding club. Pakikisama na lang sa kaibigan at pamilya ni April."

Natural lang pala na maghurumentado sa galit si Reid tuwing nakikita si April. Malaking damage ang ginawa ni April dito. "Ayaw pala niya ng pinaiikot siya."

"Kung ako kay Sir Reid, ipapakain ko sa bulkan ang babaeng iyon. Ayan na naman. Umaali-aligid sa kanya."

"But April seems so nice. Di siya katulad ng ibang babae na may gusto kay Reid na parang manggiyera."

"She's sweet at some point. Pero di pa rin magbabago ang trato sa kanya ni Sir Reid. Sinagad na kasi niya."

Nakagat niya ang labi. Siya naman kaya? Sinagad na rin ba niya si Reid? Baka first time nitong natawag na insensitive at unfeeling nang harapan. Sana pala ay nagtanong muna siya sa totoong nangyari bago ito inakusahan.

She judged him hastily. Kahit pa siguro itanong niya dito, di rin siya maniniwala sa mga paliwanag nito. She was ready to think the worst in him.

Mapapatawad kaya siya nito?

"Celeste, alam mo ba kung ano ang weakness ni Reid?"

MAHIGPIT ang hawak ni Tamara sa handle ng pastry bag. Maaga pa lang ay nasa Rider's Verandah na siya para kunin ang ipina-reserve niyang crème brulee. Ayon kay Celeste ay iyon ang paborito ni Reid. He had a sweet tooth. Isang bagay na di niya inaasahang matutuklasan sa asawa.

Malakas ang kaba niya habang nakatitig sa hagdan na paakyat sa garden ng grand villa. It was a short cut. Nasa garden si Reid para sa morning break nito. Ugali na nitong doon magkape kapag nagpapahinga.

Tinawagan niya ito sa cellphone. "Hello."

Di agad siya nakapagsalita nang marinig ang boses nito. Nanginginig siya. "H-Hi! Si Tamara ito. Well… alam kong break mo ngayon pero pwede kang abalahin?"

"Where are you?"

"Nandito ako sa stone stairs sa baba ng garden."

"Wait for me." Maya-maya pa ay nakita na niya itong bumababa ng hagdan. Di niya maialis ang tingin dito. He was like an Olympus god while walking down the stairs. He made her feel like a meager mortal.

Paano ba niya nagawang sagut-sagutin ang isang taong may malakas na personalidad tulad nito? Ngayon pa nga lang ay nanginginig na ang tuhod niya.

Binuksan nito ang gate. "Di mo ba dala ang access card mo?"

"Dala ko. Bakit?"

"You have an access in this gate."

"Hindi ba private property mo ito?"

Inalalayan siya nitong umakyat sa hagdan. "You are my wife. Natural lang na magkaroon ka ng access sa kahit anong pag-aari ko."

Dapat ay normal lang siyang empleyado doon. Bakit nito ibinibigay sa kanya ang privileges bilang asawa nito? Ibig bang sabihin ay may tiwala ito sa kanya?

Inilapag niya sa stone table ang dalang pastry bag. "Crème brulee. Sabi nila sa Rider's Verandah iyan daw ang paborito mo."

Nagtataka nitong inangat ang tingin sa kanya. "Para saan iyan?"

"I think I owe you an apology."

Sarkastiko itong ngumiti. "Wow! This is new. Why would Mrs. Alleje owe his insensitive, heartless husband an apology?"

Pinagsalikop niya ang palad niya sa kandungan niya at doon itinuon ang tingin. "Nalaman ko na kasi kung bakit tinanggal mo si Mang Pilo sa trabaho. At ikaw din ang tumutulong sa pagpapa-ospital ng anak niya."

Huminga ito nang malalim. "Ayoko rin naman siyang tanggalin sa trabaho. Pero di naman sa pamilya niya nauuwi ang pera niya kundi sa bisyo niya. At kung hindi ko siya tatanggalin, mamimihasa siya. He has to learn his lesson."

Fair naman pala ito sa mga tauhan nito. He was more than fair. Kung sa ibang amo siguro ay matagal nang walang trabaho si Mang Pilo.

"I am sorry about April as well. Di pala totoo ang article sa diyaryo."

"I am honoring our marriage, Tamara."

"Pero kung gusto mo talaga si April…"

He leaned forward. "Ako mismo ang magpapa-annul sa kasal natin."

"Mas gusto mo pang manatiling kasal sa akin kaysa pakasalan ang isang tao na mas kilala mo naman."

Tumingala ito. "A woman like her makes me so tired sometimes. She wants constant attention. Gusto niya nakasunod kahit saan ako pumunta."

"Samantalang sa akin, parang buhay binata ka."

"In a way, yes. Pero di lang iyon. Ayokong pinangungunahan ako sa mga desisyon ko. At ayoko ring nakokompromiso ako."

Ganoon din naman ang nangyari sa kanila. Nakompromiso din itong pakasalan siya para makuha nito ang lakeside estate. Galit din ba ito sa kanya?

"Akala ko noong una, malupit ka. Sana sinabi mo ang totoo."

"Mukha namang nag-e-enjoy ka sa impression mo sa akin. Tyrant. Heartless. Unfeeling. Di ka naman maniniwala kahit na sabihin ko sa iyo ang totoo."

Naglaro ang ngiti sa labi niya. "That you have a soft heart? Your heart is like that crème brulee, right?"

Natigil ito sa pagsubo ng crème brulee. "Di ako pusong mamon."

"But that's the real you."

"That's slander!" kontra nito. "I am not soft."

"Bakit ba gusto mong isipin ng mga tao na matigas ka at walang pakialam sa iba? Bakit lagi kang nagsusungit kahit di ka naman totoong ganoon?"

"I don't hide the real me. Kung masungit man ako o malamig sa ibang tao, ganoon talaga ako. Bakit kailangan kong maging malambot?"

"Ayaw mo lang sigurong masira ang image mo bilang hari nitong riding club. But you don't have to act tough all the time. Sana naman hayaan mong makita ko ang ibang side ng personality mo."

Inilayo nito ang tingin sa kanya. "Hindi na kailangan."

Nagsusungit na naman ito. "I just want to appreciate your good side. Saka gusto ko rin na makabawi sa mga kasalanan ko sa iyo."

Sinulyapan siya nito. "Talaga? Babawi ka sa akin?"

Tumango siya. "Oo. Paano ba ako makakabawi sa iyo?"


クリエイターの想い
Sofia_PHR Sofia_PHR

Unli chika here!!

Facebook: Sofia PHR Page (send a "hi" message para makatanggap ng regular updates from me via Messenger)

Twitter: sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Youtube: Sofia's Haven

Patreon: www.patreon.com/filipinonovelist - I will post Stallion Island books here soon

Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C430
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • テキストの品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン