JENEVIE politely nodded to everyone in the room. Wala siyang planong pumunta sa charity ball na iyon kundi lang dahil sa imbitasyon ng Mama ni Rolf na si Jassmine.
"Proud na proud ako sa iyo nang ipakita sa TV ang pagkakapanalo mo sa kaso para sa mga tribal group, hija. I told my friends that you are like my daughter." Hinaplos nito ang buhok niyang nakalugay nang mga oras na iyon. "Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko, hija."
Kahit na hiwalay na sila ng binata ay nanatili pa rin ang pagiging malapit niya sa pamilya nito. Ang problema ay nobya pa rin ni Rolf ang tingin ng mga ito sa kanya. Na parang balewala kung break na sila ni Rolf at may idine-date nang iba ang binata. Hindi naman niya ito makontra.
"Tita, baka may makarinig. Nakakahiya naman po sa ka-date ni Rolf," mahina niyang usal at pinagdikit ang mga labi. Nakita na kasi niyang papasok ng ballroom ng hotel si Rolf at may nakaabrisyeteng babae.
Nasapo ni Jassmine ang noo. "Oh! I told him not to bring a date. Nakakahiya naman sa iyo, Evie. Pagsasabihan ko ang batang iyan."
"No!" Umiling siya. "Hayaan na po ninyo siya." Baka mamaya ay isipin pa ni Rolf na nagseselos siya dito.
Bahagyang itong kumalma at awtomatikong ngumiti nang lumapit si Rolf at ang ka-date nito. Humalik ito sa pisngi ni Jassmine. "Hello, Ma!" Nagulat ito nang makita siya. "Evie! I didn't know that you are coming."
"Ipinasundo ko siya kay Mang Inggo," tukoy ni Jassmine sa driver nito. "Hello! Hijo, ipakilala mo naman sa kami sa ka-date mo."
"Rhoda, my mom, Jassmine Guzman. And this is Attorney Jenevie Escudero, a dear friend." Parang naghe-hesitate si Rolf sa gagawing introduction sa kanya. "Ma, Evie, this is Rhoda Leocadio."
"Hello, Mama!" bati ni Rhoda at humalik sa pisngi ni Jassmine.
Jassmine tried her best not to look so horrified. Unang pagkikita pa lang kasi ay tinawag na itong Mama. Di na siya nagtaka. May bago na namang ka-date si Rolf at hindi ito ang babaeng nagpaplano ng kasal dito noong nakaraan. Mas matindi ito dahil Mama na rin ang tawag nito kay Jassmine.
"Nice meeting you, Miss Leocadio," pormal na wika ni Jassmine. "Are you related to the late Don Pociano Leocadio?"
Lumungkot ang mga mata ni Rhoda. "He is my late husband."
"Oh!" usal ni Jassmine.
She knew who Rhoda was. She was the Black Widow. Sa tantiya niya ay nasa mid-twenties pa lang ito at pinakasalan nito si Don Ponciano dalawang taon na ang nakakaraan. Rhoda used to be a nobody. She didn't come from the elite society. She was branded as a gold digger. Ilang buwan matapos ang kasal ay namatay si Don Pociano sa car accident. Hula ng marami ay kagagawan ni Rhoda.
Jassmine must be horrified that Rolf was dating her.
"Hija, gusto mo bang ipakilala kita sa mga amiga ko? It is nice to involve yourself with charity works," anang si Jassmine nang makabawi. "It is really rewarding. Magkakasundo tayo kapag involve ka sa charity, hija."
"Really, Mama?" excited na sabi ni Rhoda. Mukhang gustong-gusto nitong ma-please si Jassmine.
"Rolf, why don't you dance with Evie while I introduce Rhoda to my friends?" suhestiyon ni Jassmine at hinatak si Rhoda palayo bago pa makatutol.
"Your girlfriend is dead meat," she commented. Sa sobrang galing mag-persuade ni Jassmine ay baka mai-donate pa ni Rhoda ang kayamanan nito.
"She is not my girlfriend," Rolf stressed. He also used that opportunity to lead her to the dance floor. "At di pa ako nagkaka-girlfriend mula nang mag-break tayo."
"Your date thinks otherwise. Mukhang may plano na siya para sa future ninyo. Mama na rin ang tawag niya kay Tita Jassmine."
"Hmmm…" Hinapit nito ang baywang niya. Then he pressed his cheek against her hair. "It feels good to have you in my arms."
"Rolf, careful. Baka makita tayo ng ka-date mo."
Hinaplos nito ang buhok niya. "I love your hair tonight. I could remember the time when you were all prim and proper with your hair in a French bun. Saka ko tatanggalin ang tali ng buhok mo. And you look like a goddess when I spread your hair on the pillow as I…"
She cut his words with a moan. Those were the days when she was out of her mind. Sa sobrang pagmamahal niya dito ay ilang beses niyang ibinigay ang sarili dito. Aminado naman siya na kontrolado niya ang utak niya pero pag-aari ni Rolf ang katawan at ang puso niya.
Iniwas niya ang mata dito. "Wala lang akong oras na ayusin ang buhok ko kaya hinayaan kong nakalugay. And let's refrain from rehashing the past."
"I just miss those days. Di mo ba nami-miss?"
She missed him a lot. But that didn't mean a thing at all. May kanya-kanya na silang buhay. Wala na siyang karapatan na bumalik dito.
"Natanggap ko na ang invitation sa birthday party mo," pag-iiba niya ng usapan. "Baka hindi ako makarating. Marami akong kasong hawak ngayon."
Tumiim ang anyo nito. "It is just for a night. I want you to be there."
"Ano naman ang gagawin ko doon? Ang dami-dami mong babaeng kasama. I am sure di mo mapupuna kung wala ako."
"Malalaman ko kapag wala ka. Kapag nasa isang lugar tayo, kailan ka ba naman nagkulang ng atensiyon mula sa akin?"
Kaya nga ayaw niyang pupunta sa okasyon na naroon ito. Kahit na may kasama pa itong ibang babae, sa kanya pa rin nakasunod ang tingin nito. And he will always find a way so they could spend some time together.
"I will send a gift. Di naman kita kinakalimutan sa birthday mo."
Hinapit pa nito lalo ang katawan nito. "Ikaw ang gusto kong regalo. You just don't know how much I want to see you on my birthday."
She tried to push him away. "Rolf, makikita tayo ng ka-date mo. At nakatingin na rin sa atin ang ibang tao. Baka anong masabi nila."
"I will keep on holding you like this until you promise that you will come on my birthday," he threatened.
Drat him. He was putting her on the spot. "Susubukan kong tapusin ang trabaho ko para makapunta ako sa birthday mo."
"I want your word on it."
"I can't make a promise. Baka kasi hindi ko makapunta lalo na't may emergency sa…."
He gave her a sensual look. "You know that I don't take no for an answer. Ah, Jenevie! I can always find a way to divert your mind from your work. And if I do it right now, it will surely tarnish your reputation."
Nahigit niya ang hininga nang haplusin nito ang gilid ng labi niya. He was seducing her in public. Noong nobyo pa siya nito, nagbe-behave ito sa public. Hawak kasi niya ito sa leeg. At di pa siya abogado noon.
But the situation was different from before. Di na niya ito nobyo. He was now dubbed as a notorious playboy. Isa naman siyang iginagalang na abogado. At maraming mga matang nakamasid sa kanila. She couldn't take a risk.
"Alright! Pupunta ako sa birthday mo." Napalitan ng tango ang sweet na music. Itinulak niya ito palayo. "Let's go. Baka naghihintay ang ka-date mo."
Mabilis siyang pumunta ng restroom nang umalis sila sa dance floor. Habol niya ang hininga nang sumandal sa pader ng cubicle. That was close. So close.
Five years and nothing has changed. She was not totally free from Rolf. It was a mistake to agree on attending his birthday. Ayaw na niyang maging parte pa ng buhay ni Rolf. Pero paano nga ba niya ito maiiwasan?
What do you think of this chapter?
Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.