アプリをダウンロード

章 339: Chapter 14

TAPOS na ang trabaho ni Keira para sa araw na iyon. Bukod sa pansamantalang bulilyaso sa pagsingit ni Eiji sa training niya, wala na siyang naging problema pa. Matapos mag-shower at magpalit ng damit ay ihinanda na niya ang mga gamit para umuwi. Nadismaya siya nang di makita si Eiji paglabas niya. Samantalang dati ay lagi siya nitong sinusundo sa trabaho para sabayan siyang mag-dinner.

Malungkot siyang naglakad pauwi. Di niya alam kung ano ang nangyari kay Eiji. Naisip na lang niya na baka busy pa ito sa pagte-training. Bumusina ang kotse sa Mercedes Benz convertible tabi niya. Nang lumingon siya ay ibinaba ni Reichen ang side windshield habang si Rolf naman ang nasa manibela.

"Keira, sumama ka sa amin!" anang si Reichen. "Si Eiji kasi…"

"Anong nangyari sa kanya?"

"Basta sumama ka na lang. kailangan ka niya," wika naman ni Rolf.

Nag-aalala siyang sumakay sa passenger's seat. "Sir Reichen, ano pong nangyari kay Eiji? May masama bang nangyari sa training niya?"

Tumango lang si Reichen subalit di na nagbigay pa ng detalye. Abot-abot ang kaba niya. Baka mamaya ay dinibdib ni Eiji ang pagkaka-ban dito at nakaapekto sa training nito. O baka mamaya ay sadyang may aksidente lang.

Inaasahan niya na sa clinic siya ng riding club dadalhin ng dalawa. Subalit idinala siya ng mga ito villa ni Eiji sa Woodridge Mansion. Dumaan sila sa audience entrance para sa tennis court na di na kinakailangang dumaan sa harap ng villa.

Naabutan nila si Eiji na puspusan sa pagte-training. Buong lakas nitong hinahataw ang bola sa pader para tirahin muli pagbalik dito. Sa isang lugar lang nito ibinabalik ang bola. Sa palagay niya ay wala namang problema dito.

"Akala ko ba may problema kay Eiji?" tanong niya sa dalawa.

"Hindi pa siya tumitigil sa pagte-training mula kanina. Niyayaya nga namin na sunduin ka pero baka daw galit ka sa kanya," sagot ni Reichen.

"Bakit naman ako magagalit sa kanya?"

"Dahil sa kapalpakan niya kanina. Sa sobrang pag-aalala niya sa iyo, nag-overreact siya nang makita ang ahas. Baka daw nagalit ka dahil ipinahiya ka niya." Tumawa si Rolf. "Mukha naman kasi siyang ewan kanina."

Marahas na lumingon si Eiji sa direksiyon nila nang marinig ang tawa ni Rolf. "Anong nakakatawa?" galit nitong tanong.

Itinaas ni Rolf ang mga kamay. "O, huwag kang magalit. Tingnan mo naman kung sino ang isinama namin para sa iyo."

Natigilan si Eiji. Mabilis nitong iniwas ang tingin nang magsalubong ang mga mata nila. "Bakit pa ninyo inabala si Keira? Baka mamaya may importante pa siyang trabaho. Nakakahiya naman kung mag-aaksaya siya ng oras sa akin."

"Tapos na ang trabaho ko," wika niya. "Saka plano naman talaga kitang dalawin dahil nag-aalala ako. Di ako sanay nang di ka nakikita pagkatapos ng trabaho. Akala ko tuloy may sakit ka."

Itinuon ni Eiji ang tingin sa anino nitong nasa pader. Palubog na noon ang araw at papadilim na. "Ibalik na lang ninyo si Keira sa lodge niya. Kailangan pa niyang magpahinga sa trabaho niya," anito sa malamig na boses.

Galit ba ito sa kanya? Bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya?

"Naku! May topak pa yata," anang si Rolf at pumalatak.

"Wala kang ka-date ngayong gabi, Keira? Tayo na lang ang mag-date," yaya ni Reichen at hinawakan ang kamay niya. "Lagi na lang kasing si Eiji ang kasama mo. Mabuti naman nalibre ka rin."

Sa gulat niya ay sumugod si Eiji sa kanila. Sumampa ito sa metal railing at iniamba sa leeg ni Reichen ang raketa. "Bitiwan mo si Keira!" utos nito.

"Ayoko nga!" nakangising sagot ni Reichen. "Tutal iniiwasan mo naman si Keira, sayang naman kung magmumukmok lang siya dahil sa iyo. Hamak na mas guwapo naman ako kaya magde-date na lang kami."

Ibinaba ni Eiji ang raketa subalit hinatak siya palayo kay Reichen. "Keira, doon ka muna sa loob ng villa ko. Magsa-shower lang ako. Tapos magdi-dinner tayo sa Rider's Verandah. At huwag kang didikit o makikipag-usap kay Reichen hangga't di mo ako kasama. Baka ano pa ang gawin niya sa iyo."

Napanganga si Reichen. "Kasalanan ko pa ngayon? Ako pa ang masama? Ikaw nga itong ipinagtatabuyan si Keira."

Mahigpit na humawak si Eiji sa kamay niya. "Hindi ko siya itinataboy. Nag-aalala lang ako dahil baka naabala ko na siya."

"Ang dami pa kasing drama," pasaring ni Rolf. "Halika na, Reichen!"

Kinawayan siya ni Reichen habang hatak-hatak ito ni Rolf palayo. "Keira, oras na binalewala ka na naman ng lalaking iyan sabihin mo lang sa akin. Tayo ang magde-date at di ka na mababalewala kahit kailan."

"Thank you," pasasalamat niya.

"Bakit ka nagte-thank you sa lalaking iyon?" pagalit na tanong ni Eiji.

"Masama bang magpasalamat?" ganting-tanong niya. Kung di dahil sa pagsundo ng mga ito sa kanya, di niya makakasama si Eiji.

"Kalimutan mo na ang sinabi ni Reichen. Binobola ka lang no'n. At hindi naman ako papayag na mag-date kayong dalawa," mariing sabi ni Eiji. Iniwan siya nito sa sala at hinintay itong matapos sa pagsa-shower.

Nanibago siya sa Eiji na kasama niya habang nagdi-dinner sila. Tahimik ito at laging madilim ang mukha. Di tuloy siya makakain nang maayos.

Huminga siya nang malalim. "Eiji, galit ka ba sa akin?"

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa iyo?"

"Ewan ko sa iyo. Ikaw nga ayaw mo akong makita. Pinauuwi mo pa ako. Bakit mo pa ako isinama sa dinner kung di mo rin lang naman ako kakausapin?"

"Niyaya kang mag-date ni Reichen."

"At wala akong planong sumama sa kanya. Saka ikaw ang dahilan kaya ako pumunta sa villa mo. Hindi si Reichen."

Bahagya itong yumuko. "Sorry. Nagseselos lang ako."

"Bakit ka naman magseselos?"

"Kasi baka mamaya ayaw mo na akong kasama. Napahiya ka kaninang umaga dahil sa akin. Ginulo kita sa training mo. Alam ko naman na mahal mo ang trabaho mo. Nasira ang training mo dahil sa akin."

Dahan-dahan siyang huminga. "Yes. Nagkaroon nga ng atraso sa training kanina pero okay naman na kami ni Serendipity. Natapos din ang training niya. Di kita masisisi kung nabigla ka sa nakita mo. Sa di nakakaalam ng training namin, matatakot talaga at magpa-panic. Hindi rin ako galit sa iyo."

"Di ka ba pinagalitan ni Kuya Reid?"

Umiling siya. "Sabi niya magtrabaho lang ako. Wala na siyang sinabi."

"Will you forgive me for being so stupid?"

Hinawakan niya ang kamay nito. "Eiji, di mo kasalanan iyon. Salamat sa pag-aalala mo pero hindi na kailangan."

"Yes. I know that you can do everything. Sorry kung nag-overreact ako. Gusto lang naman kitang protektahan kahit sabihin mong di na kailangan."

"Naa-appreciate ko ang pagmamalasakit mo sa akin. Let's forget it. Magagalit lang ako sa iyo kung iiwasan mo ako. Sa susunod, huwag mo na akong itataboy nang walang dahilan. At ayoko rin nang inaabuso mo ang katawan mo sa training. Paano kung magkasakit ka? Ako naman ang mag-aalala sa iyo."

Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Talaga? Nag-aalala ka rin sa akin?"

"Oo naman. At ayoko ring may mangyaring masama sa iyo."

Nakuyom nito ang dalawang palad. "Yes!"

"Saka huwag ka nang magalit kay Sir Reichen. Sinundo nila ako ni Sir Rolf dahil nag-aalala sila sa iyo. Ayaw mo na kasing tumigil sa training mo."

"Hindi ako galit sa kanya. Nagseselos ako."

Nahigit niya ang hininga. "N-Nagseselos?" Nagseselos lang naman ang isang tao kapag nagmamahal ito. Mahal ba siya ni Eiji?

"Oo. Nagseselos. Pero kung gusto mong makipag-date sa iba…"

"Hindi nga ako makikipag-date sa iba."

"Dahil busy ka sa trabaho mo?"

"Hindi. Masaya naman akong kasama ka. Komportable na ako sa company mo. Pakiramdam ko importante ako kapag kasama kita."

Tinitigan siya nito. "Because you are really important to me."

They stared at each other for a long time. She saw some unfathomable emotion in his eyes. She felt like melting and her heartbeat accelerated.

Gaano nga ba siya kaimportante kay Eiji? Ano ang tunay nitong nararamdaman sa kanya?


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C339
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • テキストの品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン