アプリをダウンロード

章 294: Chapter 6

"ALASTAIR MONDRAGON!" makabasag-eardrum na sigaw ni Yoanna nang sa wakas ay makausap sa telepono si Alastair.

"Good morning, Yoanna! Sorry. Just woke up!"

"Just woke up? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa iyo, di mo sinasagot." Naka-divert ang cellphone nito sa voice mailbox. At kung tatawagan naman niya ang landline nito, answering machine lang ang sumasagot. "Hindi ko tuloy alam kung sadyang pinagtataguan mo lang ako."

"Of course not, my darling. Bakit naman kita pagtataguan? Ayoko lang ng interruption. Burke is here," pabulong nitong sabi. Isang American na naka-base sa Pilipinas ang boyfriend nito. At mukhang di lang laro-laro ang relasyon ng dalawa. Tanggap kasi ni Burke ang pagkatao ni Alastair. "So how's the party?"

"Great!" she uttered sardonically.

"And how's the new doctor? Is he a hunk?" nanukso nitong tanong.

She gritted her teeth. "Of course he is a hunk. Because he happens to be your dear brother, Doctor-slash-Saint Kester Mondragon!"

"Oh, really?" bulalas nito. "Paano nangyari iyon? Si Kuya Kester, nandiyan sa Stallion Riding Club!"

"Oh, really? Paano nangyari iyon?" she mimicked his voice. "Don't give me that crap, Alastair. Magkapatid kayong dalawa at hindi mo alam ang plano niya?"

Saglit itong nag-isip. "Hmmm… I remember now! Nabanggit niya sa family dinner namin last week bago siya pumunta sa Cagayan Valley. May offer nga daw sa kanya si Reid Alleje para magtrabaho sa riding club. Magkasama sila sa isang organization noong college kaya close silang dalawa."

"At bakit naman niya tinanggap ang offer? Parang malayo naman sa itsura niya na pagsisilbihan ang mga mayayaman. Hindi ba mas importante nga sa kanya na tulungan ang mga less fortunate?"

"Maganda ang offer sa kanya sa riding club. Tutulungan pa siya ni Reid para kumuha ng mga sponsors para sa foundation. Saka wala naman siyang masyadong gagawin sa riding club. Sa free time niya, makakapag-medical mission pa rin siya. Not bad, I guess."

"How convenient!" Magpapaalipin ito sa mga mayayaman para lang tumulong sa mga mahihirap. Malapit na niyang ipagpatayo ng monumento si Kester. "At bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?"

"Hindi ka naman interesado, di ba? Marinig mo pa nga lang ang pangalan ni Kuya Kester, magtatakip ka na ng tainga. And if I insist, aawayin mo pa ako."

"Siyempre. Hindi naman siya significant sa buhay ko."

"At sabi mo, hindi ka na apektado pa sa kanya. So naisip ko na wala kang pakialam kahit na malaman mo pang magkakasama kayo sa riding club. Sabi mo pa nga, wala ka nang pakialam sa kanya kahit siya pa ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Di ba? Di ba?"

"Oo na. Sinabi ko na. Pero sana nagbigay ka ng warning sa akin. Para napaghandaan ko ang pagdating niya dito. Hindi na ako nagugulat."

"Tapos na. Hindi na kita nabigyan ng warning. Alam mo nang nandiyan si Kuya at nagulat ka na. Tapos na kaya huwag mo na akong awayin."

"Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita."

"Yoanna, okay lang na di mo aminin mo sa akin na gusto mo si Kuya. Na apektado ka na nakikita mo siya."

"I said I don't give a damn!"

"Then you will be fine."

"I am not fine!" sigaw niya sa wakas pagkababa ng telepono. Kahit sabihin pa niyang wala siyang pakialam ay apektado pa rin siya kay Kester. Di pa rin niya maiwasang titigan ito habang nasa party. Iniiwas niya ang tingin niya dito pero bumabalik pa rin ang mata niya sa direksiyon nito na parang may magnet. At kapag nahuhuli siya nitong nakatingin, malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya.

Bakit kailangan pa kasing magkasama sila sa iisang lugar lang? Naguguluhan tuloy siya kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Kung galit nga ba siya dito o ang pagpapa-cute dito.

Napagdiskitahan niya ang mga naiwang gamit ng mga kasamahan na nakakalat sa sala. Sa kamamadali marahil ng mga ito ay di na naayos ang mga gamit. Ka-share kasi niya ang mga tauhan sa tinutuluyang lodging na para lang sa mga tauhan ng guesthouse. Maid yata ang tingin ng mga ito sa kanya.

Nagwawalis siya sa sala nang tumunog ang doorbell. Nagulat siya nang si Kester ang nabungaran niya. "Good morning!"

"Well, what do we have here? Doctor Kester Mondragon!"

"Dinadalaw kita. Masama ba?"

Dinadalaw daw. Samantalang kagabi ay nanginginig na ito at mabilis na tumatakbo palayo makita lang siya. "May sakit lang ang dinadalaw."

"Hindi ba may sakit ka kaya hindi ka pumasok sa trabaho?"

"Ako? May sakit?" Tumaas ang kilay niya. "Sino naman ang nagsabi niyan?"

"Ako. Dumaan ako sa guesthouse kanina. Sabi ng assistant mong si Maricon, wala ka daw. Kaya nga pinuntahan kita dito. Naisip ko na baka nagka-hang over dahil sa party kagabi. Dinalhan kita ng gamot para hindi na sumakit ang ulo mo."

"Mukha ba akong may hang-over?" nakataas ang kilay niyang tanong. Ni hindi nga siya halos uminom ng matapang na wine. Puro piña colada lang ang ininom niya. And it didn't make her dizzy. Natural lang na wala siya sa guesthouse dahil wala naman siyang pasok. Day off niya.

But what could she expect from Kester. He always thinks the worst when it comes to her. Ang isang simpleng bukol dito ay nagiging cancer.

Tumango ito. "Yes. I guess so. Mukha ka kasing masungit ngayon. Ni hindi mo man lang ako nginingitian."

She was taken aback. Malala nga pala ang mood swing nito. Kapag nagsusungit siya, lapit nang lapit sa kanya. At kapag naman inaakit niya ito, kumakaripas ng takbo. Hindi tuloy niya alam kung dapat siyang matuwa dahil nag-abala pa itong dalhan siya ng gamot kahit na may trabaho naman ito. Di niya alam kung concern ito sa kanya o nang-iinis lang. Kailangan pala ay maging sweet siya dito at magpa-cute para malaman nitong wala siyang sakit.

She smiled sweetly. Iyon naman kasi ang gusto nitong makita sa kanya. Saka niya hinila ang kamay nito papasok ng bahay. "Come in. Sorry kung di kita napapasok agad. Lagi mo naman kasi akong sinu-surprise." Then she locked the door. Saka sinandalan niya ang pinto. Parang ayaw na niya itong palabasin. "Thanks for the concern, Kester. Ibig sabihin aalagaan mo pala ako kung may sakit ako?"

Napalunok ito. Halatang takot dahil silang dalawa na lang at ini-lock pa niya ang pinto. "H-Hindi naman talaga ako magtatagal. Gusto ko lang I-check kung gaano kalala ang hang-over mo. Natural lang naman na mag-alala ako sa iyo dahil isa ka sa mga empleyado ng riding club na dapat alagaan. Kasi…"

"I know. I know. But I had always been special, right?" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Alam ko na gusto mong magkasarilinan tayong dalawa kaya ka nandito. I also like that. Very much." She smoothed her hands over his broad shoulder. "I am willing to prove that I am okay." Tumingkayad siya. Their lips almost touching. "Where do you want to start, darling?"

Pinigilan nito ang balikat niya at bahagyang idinistansiya ang sarili sa kanya. "Yoanna, I think you are really okay. Babalik na ako sa clinic. Baka kailangan na ako doon. M-Magpahinga ka na lang siguro."

She pouted her lips exaggeratedly. "You are leaving right away? Ni hindi pa nga tayo nakakapagsimula."

"I am sorry. I-I got work to do," anitong di magkandatuto sa pagbubukas ng lock ng pinto. "Uhmmm… how does this thing work?"

She wanted to roar with laughter. Daig pa kasi nito ang batang nakakita ng monster. She unlocked the door herself. "Calm down, Kester. You are like a virgin who is torn between eagerness to make love for the first time and…"

"Hindi na ako virgin," anitong nadulas ang dila.

Ngumisi siya. She didn't know why he was so touchy. Nawala tuloy ang pagiging in control nito nang mga oras na iyon. "Well, that is nice to hear, darling. At least I don't have to teach you."

"Let me clear this, Yoanna. You don't have to teach me anything. Walang mangyayari sa ating dalawa. You will always be my brother's bestfriend. I will even treat you nicely but that is it. I didn't come here for you…"

Hinaplos niya ang noo nito. "Bakit pinagpapawisan ka nang malapot?"

"Headache," nasabi na lang nito at tuloy-tuloy na lumabas.

Sumakit ang tiyan niya katatawa nang makaalis na ito. She loved annoying Kester. Alam niyang siya ang sakit ng ulo na tinutukoy nito. At kanina lang niya ito nakitang natakot nang todo.

Nang mga oras na iyon, sa halip na mainis siya ay nag-enjoy pa siya. She would love to see Kester tremble some more.


クリエイターの想い
Sofia_PHR Sofia_PHR

Sino ang bitin na bitin at gustong mabasa ang lahat ng Stallion Boys very quick?

Here's where you can get your copy:

Printed version: My Precious Treasures on Facebook

Ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph

Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C294
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • テキストの品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン