アプリをダウンロード

章 279: Chapter 14

NANLALAMBOT si Nicola nang bumaba ng taxi. Dahil maselan pa ang sikmura niya ay puro prutas at tsaa lang ang iniinom niya. Dinalhan siya niyon ni Crawford bago ito bumalik sa trabaho. Ang gusto na lang sana niya ay magpahinga para mabawi niya ang lakas niya pagpasok sa opisina kinabukasan.

"Anak! Anak!" umiiyak na bungad sa kanya ng mommy niya at niyakap siya. "Huwag mong ituloy ang balak mo."

"Mommy, ano ba? Pagod na ako." Di niya alam kung anong drama nito.

"Hindi siguro ako naging mabuting ina sa iyo. Pero magbabago na ako. Iiwan ko na ang boyfriend ko basta huwag mo lang patayin ang magiging apo ko. Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo."

Nahilo siya. "Ano po, Mommy?" Ano bang apo ang sinasabi nito? Baka naman mali lang siya ng dinig dahil may sakit siya. "Lasing po ba kayo? Aga naman ninyong nag-bar ng boyfriend ninyo. Mhelai, ano ba nangyari kay Mommy?"

"Ate, matakot ka naman sa Diyos," sa halip ay sabi ni Mhelai.

"Hoy, isa ka pa! Adik ka ba?" Ano na namang kasalanan niya?

"Ipinalabas kasi sa TV kanina na buntis ka daw. At plano mong magpa-abort. Saka natanggap ko na rin sa cellphone ko ang video mo."

"Na naman?" Nang mapanood niya ay eksena iyon sa clinic.

Uminom na ako ng gamot. Sabi ng doctor magpahinga lang ako at magiging okay na ako, sabi niya sa video. Iyong nurse sa clinic marahil ang kumuha ng video. Walang kahihiyan! Talagang gustong sirain ang buhay niya.

"Ayan! Buntis ka at gusto mong inuman ng gamot," turo ni Mhelai.

"Paano ako magpapa-abort kung di pa ako buntis? Virgin pa ako!" sigaw niya at nag-walk out.

Narinig pa niya ang sinabi ng Mommy niya. "Sayang! Akala ko magkakaroon na ako ng apo. Gusto ko sana si Crawford ang tatay para maganda ang lahi."

Mas malala pa ngayon ang tsismis sa kanya. DI ba na iyon matatapos? Tinawagan niya si Crawford. "Magpapa-interview na ako! Bukas din!"

***

"I just want to clear that I am not pregnant. Kung anuman po ang kumalat na bali-balita, hindi po iyon totoo," lakas-loob na sabi ni Nicola sa interview niya. Sa isang morning program iyon isinagawa at hinayaan niya si Crawford na mag-ayos ng lahat. Kinakabahan siya pero nilakasan niya ang loob niya. Gusto na niyang tuldukan ang isyu at malinis ang pangalan nila ni Crawford. At iyon na ang una at huling interview sa kanya.

"Pero nakita kang nagsusuka sa restroom. Hindi ba parte lang iyon ng paglilihi mo?" tanong sa kanya ng showbiz host ng morning program.

Umiling siya. "Of course not. Imposible pong buntis ako. I had a gastro-enteritis and my doctor can certify that. Parte lang po ng sakit ko ang pagsusuka ko. Malayo po iyon sa paglilihi," paglilinaw niya. "At ang sinasabi po sa video na gamot, hindi po iyon para sa abortion. Gamot po iyon para sa sikmura ko. Ang totoo, hanggang ngayon po nanghihina pa ako."

"That's clear now. But what's really between you and Crawford? Iyon yata ang gustong malaman ng buong sambayanang Pilipino."

Hinagilap ng mata niya si Crawford na nasa likuran ng cameraman sa harap niya. May pag-aalala sa mata nito kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon. Ano ba talaga ang mayroon sa kanila? He kissed her the other day. May kahulugan ba iyon? O dapat na lang niyang balewalain?

"Nicola," untag sa kanya ng host.

Ibinalik niya ang tingin sa host. "There is nothing between me and him." Iyon naman talaga ang totoo. "We are old friends. We haven't seen each other for a long time. Bati ko lang sa kanya ang sampal. Things just blew out of proportion. Kung sinu-sino nang walang kinalaman sa amin ang nasangkot sa issue. Kaya gusto ko pong linawin na wala talaga kaming relasyon."

"Pero ang sabi ng mga witness at sa mga nakanood ng video, may kasama daw na galit ang pagkakasampal mo sa kanya."

Napalunok siya. Handa na ba siyang isiwalat ang galit niya kay Crawford? Hindi kaya lalo lang iyong magpapalala sa isyu? You are a private person, Nicola. Hindi mo naman kailangang sabihin lahat sa kanila. Just get over it.

Pilit siyang ngumiti. "Kung anuman ang dahilan ko, sa amin na lang iyong dalawa ni Crawford. Gusto ko pang mag-apologize sa mga nasaktan dahil sa nangyari at sa mga nakisimpatya. Hindi ko naman po alam na lalaki nang ganito ang gulo. Sana po hayaan na lang ninyo kami ni Crawford na umayos sa gulo namin."

"Any message for Crawford."

She was suddenly nervous. NI hindi niya masalubong ang tingin ni Crawford. Ano ba ang dapat niyang sabihin dito nang di mabibigyan pa ng kahulugan ng ibang tao? Sa inaakto kasi nito nang mga huling araw na magkasama sila, daig pa nito ang boyfriend. Lalo na nang halikan siya nito.

"For Crawford…" She smiled tentatively. "Mas gusto ko yata na amin na lang ni Crawford kung anuman ang sasabihin ko sa kanya." At baka di rin naman niya masabi dito kung ano ang totoong gusto niyang sabihin.

Dahil nang mga panahong pinoprotektahan siya nito at inaalagaan, di siya makaramdam ng kahit anong galit dito. Hindi ito ang Crawford na kinamuhian niya. He was the Crawford she fell in love with as a young lady.

"Thank you for the trust, Nicola," anang host at kinamayan siya. Nag-commercial break na matapos iyon. "Akala ko naman plano mo lang mag-artista kaya gumagawa ka ng isyu. Na ginagamit mo lang si Crawford. Pwede ka kasing maging model. O kaya susunod na drama star."

Umiling siya. "Wala sa linya ko ang mag-artista."

"Thanks for the help, Olga," wika ni Crawford at kinamayan ang host.

"Talaga bang wala kayong relasyon na dalawa?" urirat pa rin ni Olga. "Mukha kasing bagay kayong dalawa. Sweet pa kayo doon sa video nang yakapin mo siya."

Namula siya nang maalala ang eksena na iyon. Di siya umimik. Pahamak kasi itong si Crawford. Yayakapin lang ako, ipapakuha pa sa camera.

"Olga, tapos na ang issue. Huwag mo nang dagdagan," saway ni Crawford. Maya maya pa ay nakasakay na siya sa kotse nito. "How about coffee before I drop you off the office?"

"Babalik na ako sa opisina, Crawford. Ayokong ma-late." Gusto na niyang tuluyang bumalik sa normal ang buhay niya.

"Next time maybe," he said and shrugged his shoulder.

Iniwas niya ang tingin dito. Parang masarap kasing umasa na magkikita pa sila at lalabas. And then what? Di na naman niya mapipigilan ang sarili na pangarapin ito. That they could be more than friends. She was twenty-eight now. Ito lang ang lalaki na nakakuha ng interes niya. Pero mas gusto na lang niyang mag-isa sa buhay kaysa naman umasa lang at walang mapala sa huli.

"There will be no next time, Crawford," she said in a cold voice.

"Masyado ka na bang magiging busy?"

Nilingon niya ito. "I don't think seeing you again is a good idea. Mas mabuti siguro kung hindi na lang siguro tayo magkita at magkausap."

"Dahil ba galit ka sa akin?" His eyes softened. "Kung anuman ang kasalanan ko, babawi ako sa iyo."

"Crawford, just leave it. Gusto ko nang matahimik. At hindi ako matatahimik kung nandiyan ka lang. Mabuti nang nalusutan na natin ang issue na ito. You don't have to make up with me or anything. Just… Just get out of my life."

Tahimik na ito habang bumibiyahe sila. Di rin niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Maaring nasaktan ang ego nito. But he would survive. Wala naman siyang halaga dito. While she would be tormented by his memories. And she was wondering how she would survive without longing for him.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C279
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • テキストの品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン