"WHAT were you thinking last night, Yuan? Why did you kiss me?" paulit-ulit na tanong ni Quincy habang pinapa-ring ang cellphone nito. Of course, she was his fiancé at the moment. Gusto niyang malaman kung kaya siya nitong kausapin o harapin pagkatapos na humalik ito sa ibang babae.
Subalit hindi sinasagot ni Yuan ang cellphone nito. Ring lang iyon nang ring. Nang nagdaang gabi pa niya ginagawa iyon pero mukhang iniiwasan siya nito.
"Nakokonsiyensiya kaya siya kaya tumigil siya sa paghalik sa akin? Mukhang wala naman sa hitsura niya ang makokonsiyensiya. After all, he is young and free. Engaged nga kami pero `di pa naman formal. Nobody can stop him from taking me. Hindi ko talaga siya maintindihan."
Kahit nang araw na iyon ay hindi ito pumunta sa Rider's Verandah. Maaaring bumalik na ito sa Manila. Pero nang magtanong siya sa street sweeper na palaging nasa tapat ng villa nito, naroon pa ang sasakyan ni Yuan sa driveway.
"This sucks! Bakit pa kasi ako nag-aalala sa isang iyon?" Lalabas na sana siya ng cubicle nang may maisip. "Why did I kiss him back?" bigla ay naitanong niya.
Napasandal siya sa divider ng cubicle nang maalala ang halik sa kanya ni Yuan. Kumakabog pa rin ang dibdib niya kapag naaalala iyon at hindi siya pinatulog kagabi. "Akala ko ba, ayoko siyang pakasalan? Bakit ako pumayag magpahalik?" Tinadyakan niya ang divider sa tapat. "Drat! Nakakainis! This plan really sucks." Sa halip na si Yuan ang mabitag, siya ang nawawala sa sarili. "I am crazy!"
Napapitlag siya nang may kumatok sa cubicle niya sa washroom. "Quincy, may nag-iwan ng rose at message sa iyo sa counter. Dali!" excited na sabi ni Miles.
Mabigat ang mga hakbang niya na pumunta sa counter at tiningnan ang card na kasama ng single white rose.
Meet me at the dock near the Lakeside Clubhouse once you are off. My driver is just outside Rider's Verandah waiting for you.
Yuan
Alas-sais na ng gabi siya nakalabas ng Rider's Verandah. Inihatid agad siya ng driver ni Yuan sa maliit na pier sa tabi ng lake. Naroon na si Yuan at palakad-lakad sa lake. He looked bothered. He had always been a guy of confidence. Hindi siya sanay na nakikitang balisa ito. Was it because of her?
"I am here," sabi niya.
Tumigil ito sa paglakad at lumingon sa kanya. "Sorry if I decided to invite you here instead. I think this is the quietest place at the moment where we can really talk. Mas nakakapag-isip kasi ako kapag nandito. Did you get the rose?"
Tumayo siya sa tabi nito habang ang mga mata ay nakatuon sa bulkan na nasa gitna ng lawa. Halos parang anino na lang iyon. "Yes." Itinaas niya ang rose. "Here."
Would he tell her he liked her? Parang imposible na magkakagusto si Yuan sa simpleng service crew lang. Pero hindi ba para doon ang white rose? Paano na si Celine? Oh, boy! This is getting more and more complicated.
"I just want to apologize," bigla ay naiusal nito.
"Ha?" Tama ba siya sa narinig niya? Nagso-sorry ito? "What for?"
"Because I kissed you last night."
That was surprise number two. Sa tingin kasi niya kay Yuan ay isang tao na palaging sigurado sa ginagawa. Even if the kiss happened out of impulse, he was still the type who would stand by anything he did.
Nakagat niya ang ibabang labi. "Why say 'sorry'? I didn't push you away."
Nilingon siya nito. His eyes were sober. "Quincy, I don't want you to think there is something more than that simple kiss. You were my companion..."
"And I can't consider a relationship with you just because we kissed, right?"
It was her first kiss. Ang tagal-tagal niyang hinintay na ibigay iyon sa lalaking mamahalin niya. Pagkatapos ay wala pala iyong ibig sabihin? Gusto niyang mainsulto. All she got was a sorry for a kiss.
Tumangu-tango ito. "Right."
"I know the rules, Yuan. And you didn't hear me complain, right? Hindi ako katulad ng ibang babae na iniisip na nagseseryoso ka dahil lang naka-date mo sila."
"You aren't the sophisticated type either. You aren't a good kisser."
Umangat ang gilid ng mga labi niya. "Thanks for rubbing that in. Pero hindi rin naman ako istupido. I know where I stand. So don't bother apologizing."
"Quincy, you should know the truth. I am already engaged."
Niyakap niya ang sarili nang makaramdam ng panlalamig. She didn't expect the revelation. "Congratulations!" she said in a wry voice.
"Though we are not formally engaged yet and I don't see her at all, we both know that the bond between us is still binding. Someday we will get married."
Naningkit ang kanyang mga mata. "Then why the companions?"
"This is my world. Dito ko nagagawa ang lahat ng gusto ko. Companions are like decoration on my arms. After all, a normal male needs beautiful female to adorn him. In the Stallion world, I just need someone to praise me and clap for me whenever I perform on the arena. It is a part of my freedom. But that's it. I know my limits. My companions know the rule. And my emotion is always in control. I don't do anything stupid except last night when I kissed you."
"Ibig sabihin, palamuti lang sa iyo ang mga babae. How about your fiancée? Decoration lang din ba siya sa iyo?" aniyang hindi maitago ang hinanakit.
"Of course not. I care for her more than any other girl. Kapag kasal na kami, wala na akong ibang babaeng titingnan kundi siya lang."
"Sa tingin mo ba, magiging masaya ka sa kanya?"
Tumango ito. "Yes. Because she is the perfect wife for me."
She would be his greatest companion. She would dance by his music like a puppet. He showered her with gifts and things so precious to other girls but meant nothing to her at all. Sinasamantala rin ni Yuan ang pagiging binata nito dahil alam nitong makukulong ito sa kanya kapag kasal na sila. Kung ano ang inaasahan nito sa kanya bilang asawa nito, ganoon din ito sa sarili nito. He was preparing himself to be the perfect husband even if he didn't love her.
"So, you are telling me this since I am not the sophisticated type and you thought I would take the kiss seriously?" Napailing siya. "You see me as a threat. Let's just forget about the kiss, okay?"
Nagsimula siyang maglakad palayo nang hawakan nito ang balikat niya. "I wish you'd find the guy who will take you seriously. You deserve that."
"Thank you," aniya sa nanginginig na boses. Hindi niya nilingon ito.
She was in a daze. Mabigat ang loob niya nang maglakad siya palayo. Dapat ba siyang matuwa na nagsabi nang totoo si Yuan? Walang ibang lalaki na basta-basta aamin nang ganoon.
Pinagsalikop niya ang mga kamay. No, Quincy! You have no reason to be happy. He hates your guts. Hindi ikaw ang babaeng gusto niya kundi si Celine na puwede niyang paikutin sa mga palad niya at sunud-sunuran sa kanya.
Lumingon siya sa dock na pinag-iwanan niya kay Yuan pagsakay niya sa sasakyan nito na maghahatid sa kanya pabalik sa staff house. Kung sinabi mo lang sana na ang pipiliin mo ay ang totoong ako, si Quincy na may sariling identity, baka pakasalan pa kita, Yuan. But no. You want a puppet. I don't want to be a puppet.