アプリをダウンロード
1.04% The Actor that I Hate to Love / Chapter 2: Unhappy Life

章 2: Unhappy Life

Shanaia Aira Gallardo

" Anak gising, tanghali na male~late ka na sa school. " may kasama pang bahagyang pagyugyog sa balikat ko.

Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang nakangiting mukha ni yaya Didang na sya palang gumigising sa akin.

" Good morning ya, anong oras na po ba? " tanong ko na nag~iinat pa.

" Alas sais na po magandang prinsesa at alas otso ang pasok mo,napakatagal mo pa namang maligo kaya sulong dalian mo at nakahanda na ang almusal mo." pagtataboy ni yaya sa akin para lumabas na ng room ko.

" Sila daddy po? " tanong ko.

" Maaga silang umalis ng halos magkakasabay.Alam mo naman sa munisipyo kailangang maaga kapag ganitong lunes.Ang mommy mo naman may taping sa tv station at ang ate mo nasa studio na para sa recording nung bago nyang kanta." mahabang paliwanag ni yaya.

I sigh.Bakit nga ba hindi pa ako nasanay.Lagi naman akong mag~isa sa bahay na ito.First day ng school ko bilang high school student, dapat kasama ko sila dahil sa bagong environment ko pero wala ni isa sa kanila ang susuporta sa akin.As usual si yaya na naman ang kasama ko nito.

Malungkot akong lumabas ng room ko at bumaba na.Napakalaki ng bahay namin pero palagi na lang mga kasambahay ang kasama ko.

Simula nung pumasok si ate Shane sa showbiz bilang singer~actress four years ago, naging ganito na ang buhay ko.Dati kami ang madalas magkasama at siya ang tumutulong sa akin sa mga assignment ko sa school pero nabago yun nung maka~graduate na sya sa grade school. Inudyukan kasi sya ni tita Jellyn na pumasok sa showbiz.Si tita ay bunsong kapatid ni mommy, singer~actress sya at nasa dugo talaga nila ang pagiging artista.Ang mommy ko na si  Eliza Guererro Gallardo ay dating beauty queen at ngayon ay isa ng host ng sarili nyang show ang All About Beauty na may limang taon na ring ume~ere sa telebisyon.

Ang daddy ko naman na si Adrian Gallardo ay nagmula sa angkan ng mga politiko.Ang tatay nya ay nagsilbi sa probinsya nila bilang mayor ng 16 na taon at nung mamatay ito ay si daddy na ang pumalit pero kalaunan ay tumakbo naman sya bilang congressman at ngayon nga ay pangalawang termino na nya sa posisyong ito.

Si kuya Andrew ay matanda ng limang taon kay ate Shane.At sa edad na 22 ay isa na syang municipal councilor  sa  aming lugar.Madalas wala sya sa bahay at sila ni dad ang palaging magkasama sa mga lakaran.May balak na rin syang tumakbo bilang mayor sa susunod na eleksyon.

Kaya lumaki ako na malungkot ang buhay ko.Sagana man ako sa lahat ng bagay pero hindi ako masaya.Mahal nila ako bilang bunso ng pamilya pero sadyang kulang lang talaga sila sa oras para samahan ako.Uhaw ako sa atensyon ng sarili kong pamilya.

Malungkot akong kumain na mag~isa.Palagi namang ganito pero parang hindi pa rin ako sanay.Sa sitwasyon ko, para na rin akong ulila.At my age, nakakaramdam na rin ako ng mga insecurities sa buhay, matalino ako pero parang wala akong bilib sa sarili ko. Sabi ni yaya maganda ako pero parang hindi ko raw iyon nakikita.Talaga ba? Maganda ba yung may malaking eye glass at braces sa ngipin? Mukha akong younger version ni Betty La Fea. Hindi ako kasing ganda ng ate ko. Matalino lang ako. But who cares?

Hindi naman kasi yon nakikita ng pamilya ko. I never felt na naging proud sila sa akin kahit sa mga school achievements ko.Talented din ako,I can sing and act like my family pero ayoko yung ipakita dahil hindi ko gusto ang larangan na kinabibilangan nila.Magulo ang mundong ginagalawan nila.

I want a simple life.

Ang gusto ko pag nagkaroon ako ng sariling pamilya, ibibigay ko ang oras ko sa kanila. Hindi ko ipaparanas sa kanila ang isang bagay na hindi maibigay ng pamilya ko sa akin.

Mahal nila ako pero bakit hindi ko yun maramdaman, ang paraan nila ng pagmamahal ay yung binubusog nila ako sa mga material things and money.I want their time.It's the most precious thing that you can give to your love ones but sad to say wala sila nun sa akin.

Mabilis ko ng tinapos ang pagkain ko at nagmamadali na akong bumalik sa room ko para maligo na sa sarili kong bathroom sa kwarto ko.

Nang matapos na akong gumayak ay niyaya ko na si yaya Didang para samahan ako sa first day ng klase ko.Lumulan na ako sa kotse ko na may sariling driver, obviously hindi pa ako nagda~drive mag~isa kahit marunong na ako.Wala pa akong license dahil 13 years old pa lang ako kaya simula ng ibili nila ako ng sariling sasakyan, yung driver ni kuya Andrew ang binigay nya sa akin, si Mang Simon.

Maayos naman kaming nakarating ng school at sa parking lot na ako hihintayin ni yaya at ni Mang Simon hanggang mag~uwian.

Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng school, dito rin nag high school si Ate Shane at sikat na sikat sya sa school na ito dahil sa pagiging celebrity nya.Ayoko naman na bigyan nila ako ng special treatment dahil dun. Gusto ko gagawa ako ng sarili kong pangalan sa school na ito,hindi bilang kapatid ng sikat na artista kundi bilang isang matalinong estudyante.

Nung makita ko na yung room ko ay nagmamadali na akong pumasok, buti na lang wala pa yung teacher namin.

Umupo ako sa isang side sa may harapan,at hindi pa ako natatagalan sa pagkakaupo ko ay may dalawang cute na girls na nakangiting lumapit sa akin.

" Hi! I'm Venice Gomez and this one is Charlotte Fuentes and you are? " pakilala nya na nakalahad ang isang kamay sa akin.

" Aira.. Shanaia Aira Gallardo." sagot ko sabay abot sa kamay nyang nakalahad at ganun din dun sa Charlotte.

" Gallardo?  Are you related to Shane Adriana Gallardo,the recent famas teen best actress? " tanong ni Charlotte.

" Yeah,she's my sister." nahihiya kong sagot.

" Really? So, brother mo ang super hot at super gwapo na municipal councilor na si Andrew Elijah Gallardo? Gosh, he's my sister's ultimate crush.OMG, siguradong kukulitin ako ni ate nito pag nakwento kita sa kanya." kilig na kilig pa si Venice.

Kung ano~ano pa ang napagkwentuhan namin at bago dumating ang teacher namin ay naging magkakaibigan na kami.Magkakatabi rin kami sa upuan dahil in~arrange ng teacher namin ang seats namin alphabetically.

Nung lunch time na ay pinuntahan ako ni yaya para ibigay ang hinanda nyang lunch para sa akin at dahil marami ito, hindi ko na pinabili ng kakainin nila si Venice at Charlotte.Masaya naming pinagsaluhan ang baon ko.

Nung uwian na ay sabay~sabay rin kaming nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay din ang mga driver nila.

So far naging masaya naman ang buhay ko dahil sa kanila.Excited na nga akong pumasok ng school dahil sa kanilang dalawa.Sila ang naging happy pill ko sa malungkot kong buhay at hindi ko na rin napapansin na may kulang sa buhay ko.

Happiness is a choice.Kaya ko naman pala na maging masaya kung gugustuhin ko.Ang hindi maibigay ng pamilya ko ay pwede ko naman palang makuha sa iba.Happiness doesn't come to those who didn't appreciate what they have.And I love my family kaya kahit wala silang time sa akin,inuunawa ko na lang.Sila ang mayroon ako na bigay ng Lord.

And the secret of being happy is accepting where you are in life and making the most out of it everyday.

Sa estado ng buhay ko mag~iinarte pa ba ako? Maging masaya na lang.Hindi lahat ipinanganak na may silver spoon sa bibig.

Malay mo baka isang araw magbago na lang bigla ang takbo ng malungkot kong buhay.

Who knows di ba?


クリエイターの想い
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hayan may bago akong story. Unfortunately hindi ito yung story ni Aliyah na anak ni Nhel at Laine, pero related ang bida natin kay Laine kasi anak ito ng pinsan nya. I hope suportahan nyo rin ito gaya ng pagsuporta ninyo dun sa unang story ko. Thank you.

Please don't forget to rate and comment. Thank you.

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C2
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン