アプリをダウンロード
92.42% When The Fate Plays / Chapter 61: 61st Chapter

章 61: 61st Chapter

Paolo's Point of View

It feels nice to hear the sounds of a bar, iyong maingay na tugtugin na nagpapasayaw sa mga tao, makalipas ang apat na taon ay mas lumaki ang bar ng mga Mendoza o ni Aldrin lang mismo.

Naglalakad ako papunta sa VIP Room na nirentahan ng mga kaibigan ko, I am expecting those three there and when I entered the room, I am right, my friends are inside, complete.

"Musta, dude? One week na tayong hindi nagkita ah? Namiss ka namin," pagbibiro ni Lance na muntik na magpasuka sa akin.

"Cheesy mo, dude, nakaorder na kayo? Teka sino palang magbabayad?" tanong ko, una kong tiningnan si Warren ngunit umiling lang siya, sunod ko namang tiningnan ay si Lance ngunit umiling din, at ang huli ay si Dominic.

Tumango siya. "It's on me, even though I won't be drinking because I know you three will drink a lot."

Natawa kaming tatlo, this feels like good ole days.

Umupo na kami sa sofa at tumambad sa akin ang isang bote ng Vodka na nasa may lamesa, mayroong tatlong shot glass at bucket ng ice, may isang baso naman ng juice, kay Dominic siguro iyon.

"Syempre ang unang shot ay sa ating heartbroken boy," pagbibiro ni Warren pero hindi ako natawa. "Biro lang, dude," bawi niya at abot sa akin ng baso.

Ngumiti ako at ininom iyon. "Okay lang, totoo naman ang sinabi mo, heartbroken boy ako, heartbroken na heartbroken, tangina," sambit ko, tinapik ni Lance ang aking likod.

"Okay lang iyan, kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa," sa narinig ko ay nagsalin ulit ako ng vodka sa baso ko at ininom iyon.

"Mali ba ang naging desisyon ko noon kaya mas dumadami ang hadlang sa amin?"

"Wala namang maling desisyon, dude, siguro talagang hindi一" hindi nagawang tapusin ni Warren ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita agad si Dominic.

"Engagement and amnesia are considered as obstacles for you?" napatingin ako sa kaniya. "Hindi ka niya mapipili dahil hindi ka niya naaalala, kaya bakit hindi mo sabihin sa kaniya kung sino ka?" nakacrossed arm ang kaibigan ko habang naka-crossed legs, poker face as usual ang mukha niya.

Naubo ako sa kaniyang sinabi.

Natawa naman ako kaagad. "Paano kung wala pala talaga siyang amnesia at ayaw niya na talaga akong maalala? At ayaw niya na akong piliin?"

"Nagsasalita ka kaagad ng tapos hindi mo pa nga alam ang totoo, parang pagdedesisyon mo noon ng walang pasabi," tumayo ako at akmang susugurin siya pero pinigilan ako ni Lance at Warren.

"Kalma, Paolo," pigil ni Lance sa akin.

"Tangina, alam mo naman ang dahilan ko hindi ba? Bakit tinitira mo na naman sa akin naging desisyon ko noon?"

"Tinanong mo kung mali ba ang desisyon mo noon, oo, dude, maling-mali," tumayo siya. "Kung pinaglaban mo si Eloisa, hindi siya mapipilitang umalis, at pagkaalis niya ni minsan hindi na siya nakipag-communicate sa amin, kina Andy man o kahit kanino, ayun pala naaksidente na siya at nagkaroon ng amnesia, kasalanan mo yun, Paolo, kung hindi mo alam."

"Puta, bakit ngayon ako na sinisisi mo? Sa tingin mo hahayaan kong mawala ang nanay ko?"

"Alam kong hindi pero sana pinili mo pareho."

Hindi ko na napigilan pang matawa ng peke. "Bakit ngayon mo lang sa akin ito sinusumbat? Ah, tatlong na taon ka nga palang lumayo sa amin at ngayong taon ka lang uli nagparamdam," sambit ko.

"Eloisa is not reason."

"Edi, ano?" tanong ko sa kaniya.

"I have to study, I changed my course, remember?" natigilan ako, totoo yung sinabi niya. "I am really not pushing you the blame but you are partly at fault, and if you want to undo every mistake you have done, tell her who you are, tell her you never forgotten her, tell Eloisa you never stopped loving her," aniya pa.

"Why are you doing this?"

"Her eyes," napakunot ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ilang beses ko nang nakausap si Eloisa at noong makita ko ang pag-interview sa kaniya kanina, kita ko sa mata niyang hindi siya masaya, nagtataka ako dahil sa dami ng natatanggap niya ngayon, hindi ba dapat ay masaya siya? Kaya sa tingin ko ay may sugat pa rin ang puso niya, dude, at ikaw lang ang pedeng magpahilom noon," sambit ni Dominic na nagpalambot ng kalamnan ko, napaupo ako ng wala sa oras.

Uminom uli ako ng vodka. Nagsalin ulit ako.

"Baka malasing ka," pagtigil ni Lance sa akin.

Uminom pa rin ako. "Nandito naman ako para maglasing talaga," nakita ko ang pagbuntong hininga ng mga kaibigan ko, umupo na silang tatlo sa tabi ko at nakiinom na rin, si Dominic ay nakita ko ring uminom ng vodka gamit ang wala ng laman na baso niya kanina.

Hindi namin namalayang naparami na ang inom namin at ang unang natumba ay si Dominic, kami nila Warren ay medyo may tama na rin.

"Paano ko papahilumin ang puso niya?" I asked without waiting anyone's response, tanong ko lamang iyon sa sarili ko, wala akong maisip na sagot, paano iyon kung malapitan pa nga lang siya ay hindi ko na magawa?

"Dalawa lang choice mo, Pao, ang iayos ang lahat o humingi ng kapatawaran," tiningnan ko ang lasing ng si Lance. "Isaayos, sabihin mong mahal mo pa siya at itama ang lahat ng pagkakamali mo, pagkatapos yung humingi ng patawad ay magsorry ka kasabay ng pagpapalaya mo sa kaniya kahit mahal mo pa rin siya."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay naliwanagan ako, dapat ngayon tama na ang naging desisyon ko, kung noon ay mali ang desisyon ko ngayon ay dapat kong pag-isipan ng mabuti ang pipiliin ko, pero kailangan ko ba talagang pumili? Magiging tama ba ang lahat kung pipili ako?

"Tatawagan ko pinsan ko para ihatid tayo, mukhang一" bigla siyang sininok. "Mukhang hindi natin kayang magmaneho o sumakay manlang ng pampublikong sasakyan," ani Lance saka tawag sa kaniyang phone.

Uminom pa uli ako sa huling pagkakataon, nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna akong Comfort Room para maghilamos at mag-sober up, medyo laging na talaga ako.

Nang papasok ako sa CR ay may nakabunggo ako.

"Paolo?" aniya, boses iyon ng isang pamilyar na babae, tiningnan ko siya, malabo ang paningin ko ngunit malinaw kung sino iyon.

"Ida?" pabalik kong tanong nang mamukhaan ko siya.

***

Eloi Samantha's Point of View

Nakaupo pa rin ako sa sahig habang kinakalma ang sarili ko, ang sakit sa dibdib, parang hindi ako makahinga.

Sinusubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa. Ganito lagi ako kapag napapaniginipan ko ang nangyari noon.

I heard my from outside that someone is trying to open my home, naririnig ko ang pagpindot niya ng passcode at muntik na akong atakihin sa puso nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ko.

Someone entered wearing a formal attire, his coat is hung on his right arms while holding a black bag on his hand, at sa kaliwa naman niyangnkamay ay may hawak siyang paper bag na hindi ko maaninag kung ano.

When I saw him and he saw me, nailaglag niya ang mga dala niya at mabilis na tumakbo papalapit sa akin.

"What happened to you? Are you okay? Can you breathe?" mga tanong niya habang may worried na mukha, hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa kaniya, niyakap ko siya ng mahigpit. "I guess you dreamt of it again," bulong niya sabay yakap sa akin pabalik.

"Shiro一" pumiyok ang boses ko. "hindi ko一hindi ko alam kung makakayanan ko ba ito," sambit ko sa kaniya habang umiiyak ako.

Hindi ko alam kung makakayanan ko bang magpanggap na ayos lamang ako, I am not one-hundred percent sure.

"Shhh," hinimas niya ang aking ulo. "Makakaya mo iyan, maniwala ka sa akin."

Mas lalo akong naiyak.

"Do you want to go there?" he asks, natigilan ako at tiningnan siya. "Kumakalma ka kapag pumupunta ka doon, nagiging mahimbing din ang tulog mo," aniya pa.

He is talking about the rooftop from my former residence, sa HLC.

Napabuntong hininga ako. "I am sorry."

Bigla siyang natawa. "Bakit ka naman nagsosorry? It is enough you chose me over him, it is enough you said yes to my proposal, and it doesn't matter to me if you still love him or not," he said as he touches my face. "I love you, Sam, I want you to feel at ease."

Shiro is not dumb to not realise I love that place because Paolo and I used to go there, and I feel bad about it.

"Thank you, Shiro, thank you for loving me," sambit ko sa kaniya at halik ng kaniyang pisngi, may ngiti namang namalagi sa kaniyang mukha.

I met Shiro when I was in the US, he is a Senior and taught me a lot, he is majoring the same course that's why we became close, our family is also acquaintances which lead me to trust him more, he knows all of my secrets even the fact that my amnesia is a lie.

We decided to go to HLC, or Hidalgo Luxury Condominium, ang pupuntahan lang namin doon ay ang rooftop dahil kapag nakikita ko ang view doon ay gumagaan ang pakiramdam ko, kusa rin akong makakatulog, without drinking sleeping pills. Madalas na ako dito simula noong umuwi ako 4 weeks ago, lalo na noong mga linggong naghihingalo na si Lolo, masyado akong naiistress kaya ang rooftop ang stress-reliever ko.

Nagpark na si Shiro sa parking lot, pababa na sana siya ngunit pinigilan ko siya, katabi niya lamang ako na nakaupo sa passenger seat.

"Why, Samantha?" tanong niya sa akin.

"He's here."

Nandito si Paolo. Bakit siya nandito? Mayroon siyang kasamang babae.

"Do you want to go and leave now?" umiling ako, I want to see who is the person he is with, sino ang babaeng kasama niya.

My eyes now are focused only looking at him and the woman. I don't know why I am curious, it's stupid, I know.

"I know hindi ka na dito nakatira, Paolo, pero bakit ka nagpahatid dito?" ani ng babae, that familiar voice, I know that familiar voice.

"Hindi ka pedeng tumaas, nandon si Mama at Ace," sagot ni Paolo kay Ida, the girl is Eadaion Lorenz. I didn't know they are still together.

"No they are not, hindi ka na dito nakatira, tara na, lasing na lasing ka na!" she facepalmed. "I can't believe kailangang ihatid ka pa, unbelievable."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kaya oang tingnan sila. "Let's go, Shiro, I can't look anymore, it's making my eye sore."

***

Paolo's Point of View

Paggising ko ay nagulat ako dahil nasa bahay na ako, hindi ko alam kung paano pero hindi ko na iyon inisip pa, sobrang sakit ng aking ulo at paglabas ko ng kwarto ay naghahanada si Mama ng umagahan.

"Ginawan kita ng hangover soup, kumain ka na," bungad niya sa akin, nasa dining area na rin si Ace at nakaupo sa upuan habang nakain ng kaniyang umagahan, nakauniporme siya, papasok na siguro.

Teka, anong oras na ba?

Tiningnan ko ang orasan sa aming pader kaya nanlaki ang mata ko.

Fuck, 7:23AM na!

Nagmadali akong kumilos at umupo sa upuan, mabilis ko ring hinigop ang ginagawang soup ni Mama para sa akin, pagkatapos ko iyong gawin ay dumiretso na ako sa CR para maligo, nagbuhos lang ako at naghanap ng pedeng masuot.

7:33 ay nakababa na uli ako at doon nakita ko si Mama at Ace na nakabuka ang bibig sa akin.

"Bakit Ace?" tanong ko sa kapatid kong napatigil sa kaniyangnpagkain, hindi pa rin siya tapos kumain? "Bakit po, Mama?" sunod kong tanong sa aking ina.

"Kuya, The Flash ka ba? Ambilis mo namang kumilos," sambit ni Ace.

"Totoo sinabi ng kapatid mo, Andrei, apaka bilis mo naman, mukhang ayaw na ayaw mo talagang malate, ah?" napangiti ako sa sinabi ni Mama, nagmano na ako sa kaniya at saka ko pinat ang ulo ni Ace.

"Baka ho magalit sa akin boss ko, mahirap na," inayos ko ang polong suot ko. "Ma, sino pa lang naghatid sa akin? Alam ko kasi ay laging sila Warren," pag-amin ko, sigurado akong wala sa kanilang tatlo ang naghatid sa akin, hindi ko maalala.

May inabot siya sa aking paper bag, pagkain siguro ang laman nito. "Lalaki at babae ang naghatid sa iyo, hindi ko maalala ang pangalan nila, nagiging ulyanin na ata ang Mama mo," sambit niya sa akin.

Sino iyon?

Ngumiti ako. "Okay lang po, una na po ako, baka matraffic ako," sambit ko saka paalam na sa kanila.

Naglanding ang palad ko sa aking noo, wala nga pala ang kotse ko, nasa may bar, putangina, kailangan kong sumakay ng Bus.

Ang sinakyan kong bus ay puno na kaya nakatayo na lamang ako, nagawi ang mata ko sa pinakalikuran ng sinasakyan kong bus, napangisi ako dahil naalala ko ang una naming pagkikita ni Eloisa, ganito ako sa tuwing sumasakay ako ng bus, naalala ko siya lagi.

Inaasahan ko na ang kulay pulang ink sa attendance ko, dahil kakababa ko pa lang ay limang minuto na akong late, napabuntong hininga ako.

Habang naglalakad papasok ng kumpanya ay biglang sumakit ang ulo ko, hindi pa rin ata nawawala ang hangover ko, masyado atang naparami ang inom ko kagabi, badtrip.

Naghihintay ako sa elevator nang magring ang cellphone ko, si Lance ang tumatawag.

"Dude一" narinig ko ang hikab niya kaya hindi niya natuloy ang pagsasalita. "Kaantok. Nga pala, dude, nakauwi ka ba ng safe?" tanong niya sa akin, pindot ko ang second floor sa elevator.

"Oo, kayo?" pabalik kong tanong.

"Thankfully, oo, kukunin ko kotse mo sa may bar tas dadalhin ko diyan sa trabaho mo, bibigay ko na lang sa guard yung susi," napangiti ako sa kabaitan ng kaibigan kom

"Salamat, Lance, pero huwag mo nang ibigay sa guard, sa akin na lamang, tawagan mo ako at baba ako," pasasalamat ko.

"Sige, sige. Walang problema!"

"Sino palang naghatid sa atin?"

"Hindi mo tanda?" tanong niya, I frowned because I don't remember a single thing.

Wala akong maalala. Bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok ako, papasara na sana ito ngunit may isang babaeng nagpigil.

"Si Julian at Ida一ay putek, gulat ako sa dalawang iyon! Akalain mo一" hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil sa nakita kong papasok ngayon sa elevator

Si Eloisa at ang sekretarya niya ito.

"Tawag ka na lang ulit kung nasa labas ka na," sambit ko saka patay ng call.

Napalunok ako.

Ang awkward sa loob ng elevator.

Parang tumigil ang oras habang nasa loob kami, at parang kami lamang dalawa, it feels weird and at the same time good, ngayon lang ulit ako napalaput sa kaniya ng ganito, nang tumunog ang floor ko may pumipigil sa aking humakbang ngunit kinagulat ko nang mauna si Eloisa at ang kaniyang sekretarya, anong dahilan niya para bumaba sa floor namin?

Papunta siya sa department namin, nauuna sila habang ako ay nasa likod, at napakunot ako nang may makita akong pamilyar na mukha na lumabas sa aming department.

Anong ginagawa niya rito?

"Good Morning, Miss Sam!" bati niya kay Eloisa. "Oh, and good morning Paolo, hindi ko inasahang makikita ulit kita, fate is too playful, noh?" aniya pa, she waved her right hand on us.

Anong ginagawa ni Eadaion Lorenz, dito, at makikita ulit kita? Anong ibig niyang sabihin?


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C61
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン