Paolo's Point of View
Nasalo ko si Eloisa sa pagkabagsak niya sana dahil na-out of balance siya.
Habang nakatingin ako sa mata niya para bang... tangina.
Nang magkawisyo na ako inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.
Tumango siya. "B-Bumalik na tayo sa kwarto." sambit niya.
Napalunok ako. "O-Okay. T-tara na nga." sambit ko para akong tangang nauutal-utal isama mo pa ang parang pagkabalisa ko.
Habang naglalakad kami. Biglang nagflaflashback sa utak ko yung paghalik ko kay Eloisa napapailing tuloy ako.
"I'm sorry." sambit ko. Sunod ay kusa na lamang lumapit ang mukha ko sa kaniya at naramdaman ko na lang inihalik ko na ang labi ko sa kaniya. Y-yung puso ko...kung irregular iyon kapag kasama ko si Eloisa. Dumoble pa ang pagkairregular ng tibok ng puso ko ngayon. Fvck hindi ko maialis ang paghalik ko sa kaniya.
"F-fvck." sambit ko.
Napatigil rin ako ng napatigil si Eloisa na nasa harapan ko.
"T-that's nothing to me...though that's my f-first kiss. Wala lang iyon sa akin. Just remember this Paolo. This is just a stupid damn deal. H-hinding-hindi pedeng maging totoo." sambit niya at pagpapatuloy sa paglalakad.
Para akong kinuryente at nastuck na sa kinatatayuan ko. S-sinabi ba talaga ni Eloisa 'yon?
"Fvck!" napahilamos ako ng mukha ko. Hanggang sa...may naramdaman akong tubig sa mukha ko.
T-ngina, umiiyak ba ako?
P-ta. Baka umambon lang.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Yung sabi ko noong sisiguraduhin kong ako ang first kiss. Fvck, bakit nagdilang anghel ako? Niloloko ko lang naman siya noon.
T-ngina hindi ko namalayan nandito na pala kami sa unit na tinutuluyan namin.
"Tara na." sambit niya at una na siyang pumasok sa loob.
Nang pumasok kami as expected katahimikan ang atmosphere namin nasa may sofa siya nakaupo habamg nagcecellphone ako naman ay nasa dining at nagcecellphone.
Fvck...kailangan ko ng gumawa ng rules.
~*~
Inilagay ko na lang kung anong pedeng maging rules na magiging way para hindi kami mafall sa isa't isa. Well. Ayun ang huling-huli. Walang totoong pagmamahal ang dapat mangyari sa aming dalawa.
Itinext ko iyon sa kanya. Dahil 4% na lang baterya ng phone ko ichinarge ko iyon.
Nang tingnan ko siya saktong nakatingin na rin siya sa akin. "ano 'to? sambit niya at taas ng phone niya.
"Phone." sambit ko.
Napapikit siya then sighed. "I mean yung tinext mo sa akin."
"Rules..."
"For what?" tanong niya.
"Our deal." sambit ko.
"Ang unfair. Ikaw lang ang gumawa? For sure it's purely based on what you want to." sabi niya.
Nanliitang mata ko. "what?" tanong niya.
"Basahin mo na lang par---" I cutted-off.
"What the!" sigaw niya. "bawal may manligaw maski dumikit sa akin. Are you kidding me?" dugtong niya habang nanlalaki ang mata.
"What's the problem there, babe?" tanong ko.
Napabuntong-hininga siya dahil sa inis. "problem? You! Ikaw problema ko! You're free to flirt with anyone samantalang ako bawal. What the...damn mababaliw na ata ako." sambit niya.
"I'm not flirting to anyone. Para sabihin ko sayo. Sila, sila yung lumalapit para makipagflirt. Dahil I'm a gentleman-type-of-guy sumasakay na lang ako." sambit ko.
She sighed. "seriously?" sambit niya.
Tumango ako.
"Fine, whatever." sambit niya. Alam kong walang patutunguhan itong paguusap namin kaya napagpasyahan ko na lang gumawa ng dahilan para makalabas.
"Bibili ako sa convenient store sa baba. May ipapabili ka? Food? Are you hungry?" tanong ko.
"Hindi. Kahit siguro iced tea lang." sambit niya.
"Okay." hindi ko na siyang narinig na sumagot pa.
Bumaba ako at pumunta sa isang convenient store.
~*~
Eloisa's Point of View
Nagaalburuto na ang tiyan ko dahil sa gutom. Bakit ba ang tanga ko? Nagtanong siya kung gutom ako sabi ko hindi.
Isang oras na ang nakalipas ng umalis siya...pero wala. Wala pa rin siy一yung pinabili kong iced tea sa kaniya.
Ilang beses ko na siyang tinext pero no reply.
"Ta-try ko ngang tawagan siya." sambit ko sa sarili ko. Nagriring iyon...but biglang may nagring na phone.
Nilapitan ko kung saan nanggagaling yung tunog agad kong pinatay yung pagtawag ko kay Paolo dahil...yung phone niya iniwan niya at nakacharge iyon.
Shall I wait him? Iintayin ko na lang siya dahil paghinanap ko siya mawala pa ako, hindi ko pa masyadong kabisado ito. Sigurado naman akong hindi lang sa convenient store siya pumunta.
Iintayin ko na lang siya. Biglang nagalburuto na naman ang tiyan ko. "okay fine! Lalabas na ako, dahil nagugutom na ako."
Pagkabukas ko ng pinto tumambad sa akin ang dalawang lalaki. Yung isa naakbay sa lalaki dahil mukhang lasing na.
"Ms. Ramos, hindi ba?" tanong ng lalaki mukhang may lahi, hindi ko itatangi ito. Gwapo siy at sa pagkakalam ko German ang ganung itsura. Tumango ako. Ngayon ko lang namalayan na si Paolo pala yung nakaakbay sa kanyang mukhang tulog na tulog na.
"Galing siya sa isang bar dito. At wala pang 30 minutes nalasing na siya at nakatulog. Nalaman kong si Scott pala 'to. Kabatch ng kapatid ko nung highschool. Nalaman ko ring dito siya natuloy sabi nung babae sa lobby and Eloisa Ramos daw ang pangalan mo." sambit niya.
"T-thank you. Akina na siya." sambit ko at inakbay sa akin si Paolo.
"I'm Ten, anyway." sambit niya.
"Nice meeting you po. Thank sa pagdala kay Paolo." sambit ko at ngiti.
"Okay, aalis na ako." sambit niya at ginawa niya nga kaniyang sinabi umalis na siya.
Ipinasok ko si Paolo. Damn. Himbing ng tulog niya. At ang bigat niya.
Inihiga ko siya sa kama. Ikakalas ko na sana yung pagkaakbay niya sa akin pero...
"Stay with me... stay with me baby." sambit niya.
"Damn, Paolo! Ano ba!" sambit ko dahil nakapaibabaw ako sa kaniya ngayon at ang higpit ng yakap niya sa akin. Pero kalaunan ay napagilid din ako dahil gumalaw siya pero yakap niya pa rin ako.
"I won't... I'm tired of everything. Pagbigyan mo ako ngayon... please, Eloi." sambit niya at niyakap niya pa ako ng masahigpit.
Habang tinitingnan ko siya ngayon nagtataka na ako. Lasing ba talaga siya? Nakapikit siya pero kita ko pa rin kung gaano siya kagandang lalaki. Yung mata niyang singkit na nakapikit ngayon ay nagpapamukha sa kaniyang anghel. Yung labi niyang mapupula. Hindi ko maiwasang isipin. What if...hindi casanova si Paolo. Mafafall kaya ako sa kanya?
Damn, I'm crazy. And hindi ako kumportable sa pwesto namin. Nakayakap siya sa akin, hindi ako kumportable d'on.
Hanggang sa nakaramdam ako ng antok namalayan ko na lang nakapikit na ako.
***
Nakauwi na kami ni Paolo from that damn resort.
Ginulo ko ang buhok ko.
Shit! Nababaliw na ako! Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang labi ko.
H-he kissed me... damn!
Excused pa rin kami hanggang ngayon dahil tatlong araw halos kami namalagi sa resort, si Paolo nakauwi na sa bahay nila. Buti na lang dahil baka kung anong kamanyakan na naman ang gawin niya.
Nakakabored dito. Pumunta ako sa balcony itinaas ko ang dalawang kamay ko at bumuntong hininga na para bang wala ng bukas.
"Missed this beautiful view." bulong ko at tingin sa napakagandang view from here. Nasa fourth floor ako pero maganda pa rin ang view dito. Pero mas maganda ang view dito kapag pababa na ang araw lalo na't kung sa rooftop.
"Mas maganda ka, dear." napatalon ako dahil sa gulat sa nagsalita. Lumingon ako sa parteng kanan may lalaking nasa balcony niya rin.
"E-Eros?" pagtatanong ko kahit na alam kong siya naman talaga iyon. Nakapolo shirt siyang itim at white khaki shorts. Damn he's so hot...wait what?
"Stop day dreaming, dear." sambit niya na nagpalaki ng aking mata.
"W-what are talking about? Tss, I'm not." sambit ko.
"I know you are." sabi niya at bigay ng ngiting sobrang nakakaloko.
Inirapan ko siya.
He chuckles at sabay iling. "Anyway. Hello, Psyche."
Napaismid ako. "Okay fine. Cupid." sambit ko idiniin kong sabi ang pangalang Cupid.
Parang nagaalab na naman ang mga mata niya.
"Damn... alright, so its settled now? You call me Cupid, I call you Psyche." sambit niya at bigay ng pinakanakakalokong ngiti niya.
Inirapan ko siya ulit. "Whatever, Cupid."
Ngumisi siya.
"Tiga dito ka pala?" grabe ang tadhana, taga dito rin pala si Eros? O baka naman nakikistay lamang siya pansamantala sa nakatira talagang kapitbahay ko roon 'cause technically. Never ko pa siyang nakita o nakasabay man lang paglabas.
He nodded. "Yeah, kakabili ko lang ng unit na ito last week. Well kaya pala pamilyar ka sa akin, tanda ko na. Yung nadulas ka pababa ng hagdan." sambit niya habang nakangiti. Ah, halos sabay lang pala kami pero palagay ko mas nauna ako ng konti sa kaniya.
Natatandaan ko iyon yung tinotoo ni Paolo yung pagligo niya sa open shower sa baba... Paolo... Naalala ko na naman. Napailing ako.
"Are you alright, dear?" tanong ni Eros.
Tumango ako at ngiti.
"Alright, anyway. May pupuntahan pa ako, nakasanayan ko lang lumabas dito sa balcony bago umalis dahil sa view. So gotta go..." sambit niya. Bubuksan na niya sana ang pinto para papalabas ng balkonahe. "Anyway, bye Psyche." dugtong niya at bago siya tuluyang pumasok, nilingon niaya ako at nginitian.
Napairap ako ng wala sa oras at ngumisi. Damn, hindi ko type si Eros pero yung attitude niya sobrang nakakaakit. Tss, pumasok na rin ako sa loob.
Humiga ako sa kama, hanggang sa nagflashback na naman lahat...damn!
Mula umpisa, yung sa dagat at ang sunset, yung pagsabi ni Paolo na yung lugar na iyon ang dahilan kaya niya paborito yung lugar na iyon.
Yung mga importanteng tao lang ang dinadala niya d'on... bigla kong naisip. Ibigsabihin importante rin ako kay Paolo?
Yung pagayos ni Paolo sa buhok kong naguli dahil sa hangin at ang pagsabi niya ng linyang. "W-Why are you doing this to me?" damn. Malinaw pa sa utak ko ang nangyari yung pagsorry niya at paghalik sa akin. Gulong-gulo na ako. Yung pagkatingin ko kay Paolo nang masalo niya ako sa muntikang pagkahulog. Ang pagtatanong ko sa sarili kong Am I falling? Falling to Andrei Paolo Scott?
Sa pagkakahiga ko umupo ako ng agaran. Ginulo ko na naman yung buhok ko. Nababaliw na ata talaga ako. Damn, I'm sure false alarm lamang iyon.
Sa kalagitnaan ng pagkakatulala ko dahil sa paghalik sa akin ni Paolo kahapon at isama mo pa ang kabaliwan niya kagabi na magkayakap kaming natulog may biglang kumatok. Hindi ko alam kung sino iyon. Imposible namang si Eros dahil kung kanina pa niya sinabing umalis siya bakit kakatok pa siya at hindi na lang umalis? Di kaya...pch! Baka si Paolo!
Agad kong binuksan 'yon.
"Tss, Paolo ano na naman b-" napatigil ako dahit it's not him.
Dahil sa gulat ay nanlaki ang mata ko ng malaman kung sino iyon. "J-Jared?"
~*~
Paolo's Point of View
Nasa kotse ako habang papauwi sa bahay. Damn this feeling!
"Manong."
"Bakit, ser?" tanong niya tsaka lingon sa akin na katabi niya sa passenger seat.
"May tanong po kasi sa akin ang kaibigan ko, ano raw bang dapat gawin kung sa kaling mafall ka sa isang tao pero hindi kayo pede?"
"Iwasan niya ser, syempre. Di man permanente siguro temporary." make sense. Pero buti na lang at hindi na tinanong ni Manong kung sino yung nagpapatanong n'on.
Tumango-tango na lang ako.
"Ser, andito na po tayo." sambit ni Manong at pinarada na niya ang kotse.
"Salamat, manong." sambit ko. Bumaba na ako ng kotse at pumasok na napakalaking masyon.
Pagpasok ko palang ay may sumalubong na agad sa akin na nagdulot ng pagkagulat ko. "fvck, Butler. Ilang beses ko bang sasabihin na wag niyo akong gulatin." sambit ko habang hawak-hawak ang dibdib.
Nagbow siya. "Sorry, Young Master." sambit niya.
"Fine." sabi ko, tataas na sana ako pero nagsalita si Butler.
"Young Master, pinapatawag ka ni Master." masyado siyang pormal. Tss, naglakad ako papuntang office ni Lolo dahil ayun ang itinuro ni Butler kung nasaan si tanda.
Pagkabukas ko bumungad sa akin si Lolo'ng nakaupo habang nakataas ang dalawang paa at nakapatong iyon sa kaniyang table.
And, wth. Nakain pa siya. Mukha siyang ewan.
"What?" bungad kong tanong na may naiinis na tono.
"Kamusta?" tanong niya.
"Pagod ako, Lolo. Papunta na akong taas tapos ipapatawag mo ako para lang itanong kung kamusta ako? Fvck." sambit ko.
"Pagod? Anong klaseng pagod?" sambit niya pagkatapos ay ngumisi siya.
Nanlaki ang mata ko ng marealize ang ibigsabihin n'on.
Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha saka ko ginulo ang aking buhok.
"Damn, pch. Walang nangyari."
Humagalpak siya ng tawa. "May tinanong ba akong 'May nangyari ba sa inyo?'" tumawa ulit siya ng pagkalakas-lakas.
"Bullshit." bulong ko.
Ngumisi ulit siya. Damn, t-ngina ha. "anyway, sabi ni Precila..." pagpaused ni Lolo. Si Tita Precila anak ni Lolo na babae. Mukhang nakalimutan ni Lolo ang sinabi ni Tita, mabuti dahil paniguradong tungkol iyon kay Trevor. "Ayun! Ang sabi ng Tita mo. Imbitahin mo lahat ng kaibigan niyo ni Trevor." damn, sabi na tungkol kay Trevor.
I chuckles. "Kaibigan namin ni Trevor? Lolo, wala siyang kaibigang kaibigan ko."
"Then, ano ni Trevor sila Lance, Warren, Dominic, Jared at Kian?" fvck, seriously? Damay pati si Kian? "opps, sorry apo. Kaibigan naman talaga ni Trevor si Kian hindi ba? At saka alam kong umuwi na galing states si Kian." sinamaan ko siya ng tingin.
"Whatever, yun lang ba? Okay, alright." akmang lalabas na sana ako.
"Nga pala, apo. Isama mo si Eloi."
"Bakit?"
Humagalpak siya ng tawa. "Para makilala niya ang mga kamag-anak mo."
"Pagiisipan ko." sambit ko at alis d'on.
~*~
Nagpalit na ako ng damit, damn. Fvck. Siguro, kailangan ko ng iwasan pansamantala si Eloisa.
Nagring ang phone ko.
Tss, si Andrea.
"Hello?" bungad ko sa kabilang linya.
"Papapalala ko lang, pumasok ka bukas."
"Yun lang ang sasabihin mo?"
"Nope, may binilin din si Jared."
"Ano naman iyon?" tanong ko sa kaniya.
"If alam mo ang bahay ni Eloisa pumunta ka d'on dahil uuna na raw siya. Hiningi niya kasi ang address ni Eloisa." nanlaki ang mga mata ko.
"Ano? Bakit?"
"May group project kayong tatl---" hindi ko na pinatapos si Andrea, nagpalit agad ako ng damit at agarang umalis para pumunta sa condo ni Eloisa.
~*~
Andrea's Point of View
"Hello? Hello? Tss, bastos talaga." bulong ko ng mawala na sa linya si Paolo.
"Sinong kausap mo d'yan?" halos mapatalon ako sa pagdating ni Lance.
"K-kanina ka pa d'yan?"
"Oo... I-i mean, hindi." sambit niya kita kong bigla siyang nagblush.
I nodded.
"Sasama ba si Japshane ng Acquiantance?" tanong niya.
"Oo, pinapatanong ni Warren, tama? Tss, pakisabi wala siyang pag-asa sa pinsan ko."
Ngumisi siya. Crap, ang gwapo niya pag-ngumisi. Wait? What? Rephrase that. "Oo, pinapatanong nga niya. Hahaha, hindi yun titigil ngayon lang yun nainlove na gan'on kaya palagay ko? Ikaw s-sasama ka?" napatingin ako sa tanong niya. Pero, napaiwas agad ako.
"A-ah... oo." ang awkward ng sitwasyon naming ngayon, ramdam ko iyon.
Magkatabi kami habang nakatayo pero parehas kaming nakatingin sa ibang direksyon.
"Oo nga pal--" napatigil ako dahil bigla akong niyakap ni Lance.
Nang marealize ko kung bakit. Damn.
"T-thank you." sambit ko. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil niligtas niya ako muntik na kasi akong mabangga ng bisekleta.
"Andy! Sorry!" sigaw ni Dylan yung nakabike na muntik na akong mabangga. Pede kasing ipasok ang bicycle dito sa Academy.
"No problem. O-o sige aalis na ako." sambit niya at agad umalis.
~*~
Naglalakad ako pero biglang lumitaw si Lian na may dalang papers.
"Bakit, Lian?" tanong ko sa kaniya.
Kinuha niya yung whiteboard niya. "New student, from London." ayun ang nakasulat.
"Ah. Thanks." sambit ko saka kuha nung papers na 3 paged.
"Sige, alis na ako." sulat niya at alis. She's weird pero mabait naman siya. Siguro ayaw niya lang talagang magsalita.
Tiningnan ko yung 3-paged paper.
"Eros Sean Miller." sambit ko.
Binasa ko yung form niya. Galing siyang London laking gulat ko dahil... yung school ni Jade ay dun din siya galing.
Speaking-of. Si Jade nandito kasama yung dalawa niya alipores.
Mabait si Jade pero... medyo haliparot. Namangka sa dalawang ilog. Tsk, magbestfriend pa pinatos. Kaya good bye friendship si Paolo. Si Kian dito na ring nagaaral ulit. Pch, nagsibalikan na naman sila. Kapag lang inaway nila si Eloisa nako.
Buti naman at nakalagpas na sila.
Itinuon ko ulit yung form nung Eros Sean. Tiningnan ko ang 1 by 1 pic niya. Infairness, gwapo.
Ngayon pala ang balik niya para kunin ang uniform at books niya para rin malaman niya ang schedule niya.
"Excuse me." sambit ng isang lalaki mula sa likod ko, tiningnan ko siya.
Ang gwapo... teka. Tiningnan ko yung hawak-hawak kong form. Magkamukha. Wait.
"Eros, tama?" tanong ko.
Tumango siya. "Ahm, ngayon lang ang nakapunta rito. Dahil nung nag register ako, online, then nung enroll naman. Tita ko ang nagasikaso..." pagpaused niya. "So, pede mo ba akong ilibot dito sa Craeven? Ayoko kasing sa totoong pagpasok ko bukas magkandaligaw-ligaw ako." dugtong niya then ngiti. Crap, how can I say no? Masyado siyang cute, can't resist it.
"Actually, hindi ako nakatoka sa ganyan si Paolo yung vice president ng club namin pero dahil tss napakatamad at walang pake n'on. Okay, ako na lang." sambit ko tas ngiti.
Hindi ako ang nakaassign sa pagpapalibot sa mga estudyante dito si Paolo talaga. Nung time ni Eloisa sabi ni Paolo wala siya sa mood kaya ayun. Ngayon dahil absent siya I've no choice, well kahit naman nandito siya panigurado hihindi yon.
Worth it rin naman ang pogi kasi nitong si Eros pero wala ewan ko ba yung puso ko na kay Jared pa rin na alam ko namang yung sa kanya na kay Eloisa na. Hays.
"Thanks."
~*~
Turo r'on, turo rito ang naging cycle. Paliwanag kung para saan ang parteng yon.
"Andrea." sambit niya, nagpakilala na kasi akong ako si Andrea Mendoza.
"Yep?"
"Eloisa, d'you know her?" sabi niya.
Tumango ako. "Kaibigan ko siya, bakit?"
"Wala lang." sambit niya.
"Okay, ako may tanong ako." sambit ko sa kaniya.
"Ano iyon?"
"Who's Jade Fernandez in your life?" expect ko ng ex o 'di kaya present girlriend. Tss, si Jade ba naman? She's kinda... hmmm, flirt.
Humagalpak siya ng tawa. "My cousin, why?"
"Your cousin?"
Tumango siya.
Grabe, unbelievable.
~*~
Eloisa's Point of View
"Jared, a-anong ginagawa mo dito?" tiningnan kong mabuti si Jarred nakauniporme siya ng school at nakabackpack.
"May group project kasi tayo." sambit niya na may ngiti sa mukha.
"A-ah. Sige pasok ka." sabi ko.
Pinapasok ko si Jared. Damn, hindi pa pala ako nakakapaglinis.
Nang mahagip ng mata niya yung isang damit panglalaki at boxer nanlaki iyon, yung mata niya. Damn, baka kung anong isipin niya.
"A-ahahaha. Sorry, hindi pa ako nakakapaglinis. Sorry talaga medyo makalat." sambit ko at kuha ng mga nakakalat ng damit sa sahig. "Tss, yang Paolo talagang 'yon napaka burara."
"K-kay Paolo yan?" sambit niya napakatingin tuloy ako sa kaniya ng gulat. "I-I mean... I'm sorry, Ramos. Curious lang ako."
"A-ay okay lang. O-oo kay Paolo 'to. Hahaha burara niya talaga, sige lalagay ko lang sa banyo 'to." sambit ko at punta sa banyo para ilagay yung mga damit ni Paolo. Damn kadiri. Bwiset napakaburara niya.
Nang makalabas ako si Jarred ay nakaupo sa sofa at may kinukuha sa bag niya.
"J-Jared? Anong gusto mong inumin? Nagugutuom ka ba?"
"Water na lang, hindi ako gutom. Thanks." sambit niya. Then gave me a smile.
~*~
"Saan nga pala tungkol ang project natin?"
"Craeven Academy." damn, nasa harap ako ng anak ng may-ari ng Craeven. Anong alam ko sa Craeac? Wala pang isang buwan akong estudyante d'on.
"Ah, thesis ba yun?"
Tumango siya. "oo, kung anong meron sa Craeven na wala sa iba. Kung bakit kung sakaling magaaral d'on ang isang estudyante what to expect there?"
Tumango ako.
"Anyway, may printer ka?"
"Oo, kaso. Ubos na yung ink." sambit ko.
"Okay, bibili ako. Saan ba may malapit bookstore na rito? " tanong niya.
"Kakanan ka then may isang bookstore d'on."
"O sige, bibili muna ako."
"Wait."
Tiningnan niya ako. Napakamot ako ng batok.
"Nakakahiya, printer ko yon tas ikaw ang bibili ako na lang." nakakahiya naman kasi talaga, that's my printer. Ako dapat ang bumili ng ink n'on isa pa ako rin naman ang nakaubos n'on
"Okay lang, gagamitin din kasi para sa project natin." sambit niya at bigay ng mapungay na ngiti. Damn! Ang cute nito pero... walang mas cucute kay Eros. Hays.
"Okay, sasamahan na lang kita baka kasi maligaw ka. Hindi ka naman siguro kasi gaanong pamilyar dito." sambit ko. Panigurado naman iyon.
Ngumisi siya. "Medyo. Hindi nga ako pamilyar sa lugar na 'to."
"Sabi sa'yo. Sige tara na." sabi ko.
Pagkabukas ko ng pinto laking gulat ko ng bumungad si Paolo na nakasandal ang isang kamay sa pader at nakaharang sa harap namin.
"P-Paolo. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Paolo. Nakawhite tshirt siya at pants. Gulo ang buhok na para bang nagmadali na lang papunta dito. Mukhang puyat pa siya. What is he doing here?
"Si Jared? Anong ginagawa niya d'yan?" pabalik niyang tanong. What's with him? Tss.
Narinig kong bahagyang ngumisi si Jarred. "Scott, alam kong alam mo kung bakit." teka, what's happening? Wait... ano ba 'yan.
"Tss." reaksiyon ni Paolo.
"O? Bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit.
"Naiwan ko yung boxer at t-shirt ko." sambit niya. Diin niyang sinabi yung boxer at tshirt. Damn. I'm sure merong kung ano man sa kaniya. Baka may lagnat?
"Seriously?" sambit ko. "yung totoo?" dugtong ko tanong.
"Fine, kagroup niyo ako. Teka, hindi mo sinabi Jared? Fvck!" sigaw niya.
"Hindi ko sinabi dahil alam kong dadating ka na." response ni Jared habang nakamamulsa.
"Happy now? Tss, pasok ka na bibili lang kam—" I cutted-off.
"Hey! What? So iiwan niyo ako? No way!"
"Sasamahan ko lang si Jared baka kasi maligaw siya sa paghahanap ng bookstore."
"Seriously? Hindi siya bulag para hindi makita ang sign ng bookstore na iyon." napatap ako sa noo ko. "Ako. Ako na lang ang sasama sa kaniya kabisado ko na 'tong lugar na ito. Pumasok ka na. Tara na Jared." dugtong niya at akbay kay Jared saka pasok sa elevator.
Damn. Bigla na lang ako napatawa. Paolo's acting effin' weird.