Agad hinanap ni Wei ang pinagmumulan ng boses. Nakita niya ito sa magarbong hagdan nakasuot ng blue na tuxedo na. "Waaaaaa!!! Bro Lokileon!!! Anong himala at nandito ka?" patalon talon si Wei sa harap nito. May inabot ito sa kanya na limang box ng silvanas. "Syempre kailangan mabantayan ang isang makulit na Wei. Matagal ka ng tahimik na gumagawa ng kaguhulan kaya panahon na para maging isang tunay na asawa ka ni Orion. Kung may alam lang sana si Zeriel sa pamumuhay dito baka siya pa ang pinapunta dito."
"Wow Bro Lokileon buti may pasalubong kang dala para sa akin. Saan mo to binili?" agad-agad na kinuha ni Wei ang mga box at hinanap ang kusina. Tahimik naman na sumunod si Lokileon.
"Simula ngayon magiging Butler at personal trainer mo ulit ako. Hindi na ako mag e expect na isang diligent kang estudyante. Bukas na bukas din balik tayo sa basics. Kaya enjoy your free time sa ngayon." Malapit ang loob niya kay Wei kaya kahit na bumaba siya sa pwesto niya bilang Hari sa territory nila ay ok lang sa kanya. Isa pa malaki ang tiwala niya sa anak niya at tudo support naman sa kanya ang kanyang asawa.
"By the way Wei, Asei come here. Lady Wei this is my wife. Asei this is our Emperor's wife Lady Lyllian Wei Creed Shi." pagpapakilala ni Lokileon sa asawa at sa kaibigan. Sumama sa kanya si Asei para makita din ang ibang parte ng mundo. Hindi sa wala siyang tiwala kay Lokileon kundi dahil gusto niya din puntahan ang mga lugar na naikwento nito sa kanya.
Ng makita naman ni Wei ang kasama ni Lokileon ay para siyang na lovestruck. Parang isang fairy ang nakita niya curly ang buhok ng babae tapos baby face ito. "Hi, Lady Lyllian I'm so glad to finally meet you." naka bow na pagsabi nito.
"Wei, call me Wei just like how they call me. Wow ang ganda mo naman. Ilang taon kana?" ng mapansin na hindi ito sumagot sa kanya ay nagtaka naman siya. "Sorry, you may be ease." nakalimutan niya na kapag nag bow sa kanya ay kailangan niya pa itong sabihan bago sila tumayo ng tuwid ulit. "You don't do that here Asei. Just forget what I have ask." tapos nito ay bumalik uli siya sa pagkain.
"I'm forty your highness."
"What?! Ikaw Bro ilang taon ka na?" nagulat na lang si Wei sa sagot nito at muntik ng mabilaukan. Pero syempre buo niya nalang linunok ang kinain. 'Bawal masayang ang pagkain.'
Tumawa naman si Lokileon habang si Asei ay nag aalala sa medyo umubong si Wei. "Forty-five Wei. Is there something wrong? Dahandahan lang sa pagkain kung kulang pa iyan pwede kang gawan ulit ni Asei. Sa ikalawang pagkakataon talagang natuluyan ng mabilaukan si Wei. Kung ang gawa ni Orion ang kinakain niya ngayon baka kahit anong mangyayari ay hindi niya ito hahayaan na masayang. Pumunta naman ng kusina si Asei at kumuha ng tubig para kay Wei. 'Plano ata akong patayin nitong si Lokileon eh! Pero sige pagbibigyan ko siya dahil marunong gumawa ng silvanas ang asawa niya.'
Bigla umiyak ulit si Wei ng maging ok na siya. "Huhuhuhu. Asei ano ba secreto mo bat mas mukha ka pang bata kesa sa akin? waaaaaa huhuhuhu!"
HAHAHAHA.
Mas malakas ang pagtawa ni Lokileon sa pagkakataon na iyon.
"Ano ka ba Wei. Kung palagi ka siguro nag ensayo ng tinuro ko sayo edi mas maganda kapa kaysa asawa ko ngayon." Palaging hindi nakakalimutan ni Lokileon na purihin ang asawa. Hinampas naman siya nito sa balikat at tiningnan ng masama. "Wag kang makinig sa kanya Wei. Mas maganda ka saakin, sobrang puti mo nga." Napalapit din agad ang loob ni Asei kay Wei. Ng marinig ni Wei si Asei ay mas lalo pa siyang umiyak. 'Kasalanan ko ba na maputi ako? Kailangan ko ng tulong!!! Binubully ako ng mag asawang to! Destro... Orion ko asan ka???'
"Teka, how can I contact Orion?" napatigil naman siya sa pag iyak ng maalala ang nasa pinakauna niyang to do list ang e contact ang asawa niya. "Kung andito ka Bro, sino pala ang namumuno sa territory mo?" tanong ni Wei ng maalala na dito magtatagal si Lokileon.
"Magluluto lang ako ng hapunan. Maiwan ko na muna kayo." pag paalam ni Asei.
"Wag mo na isipin iyon Wei. Kaya na ng anak ko ang mamuno doon. Isa pa simula maliit pa lang siya ay tinuturuan ko na siya. You can use a Faleag to send letters. Ay teka hindi ka pa pala na handugan ng Faleag. Don't worry kun may gusto ka sabihin isulat mo lang at ipapadala ko sa Faleag ko."
Nahulog naman sa inuupuan niya si Wei, at agad naman siyang umupo ng maayos ulit. "Ilang taon na ba ang anak niyo?"
"Hmm. Twenty na siya. So ano sa tingin mo itong mansion niyo? Don't worry pag andito si Orion uuwi kami sa binili naming bahay sa kabilang estate."
'Grabi hindi talaga halata ang mga edad nila eh. Ilang taon na kaya si Destro ko? Siguro hindi nagkakalayo ang mga edad nila. Pero ang tindi dapat may anak na din dapat ang asawa ko ngayon. Hala ka!!!'
"Ahmm Bro... si Orion i-i-ilang taon na?"
"Si Orion ang pinakamatanda sa aming tatlo. Actually he's forty nine."
"What!!! Kung ganun dapat meron na din siyang anak, para tulungan siyang mamuno sa Yfel!"
Napatawa naman ng mahina si Lokileon. "Siya nga pinakamatanda sa amin pero siya din ay may pinakamatigas na ulo. Isa pa walang makakapilit sa kanya pag ayaw niya. Wag ka mag alala Wei matagal ang lifespan ng mga tao sa Yfel."
"Isa pa kung kayang maghintay ni Orion sa iyo ng ganyang katagal na panahon kaya niya ulit maghintay, para sa ganyang bagay na pinag aalala mo."
Namula naman sa inuupuan si Wei. 'Wala kaya akong inaalala.'