アプリをダウンロード
30.76% Crush kita noon, Mahal na kita ngayon / Chapter 16: Chapter 16

章 16: Chapter 16

"Ehem...ehem..." naitulak ni Lexi si Jake ng madinig ang boses ni Phil. Napakamot sa ulo niya si Jake habang namumula naman si Lexi. Natawa si Phil sa itsura ng dalawa. "Sa susunod kasi mag-lock kayo ng pinto o kaya maglagay kayo ng "Do not disturb" sa pinto." sabi ni Phil. Ngumiti naman si Jake dahil naalala niya na ganoon din ang sinabi ni Rhian noon. "Don't worry, Pare, next time ganoon na gagawin ko." sabi ni Jake na lalong kinapula ni Lexi. "Mukhang okay ka naman, Pre, akala ko napuruhan ka ni Brix eh. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa mokong na yun." sabi ni Phil. "Okay lang, Pre, basta huwag ko na lang ulit siya makikita." sabi ni Jake.

Parehong tumingin ang dalawang binata kay Lexi. "Bakit?" tanong ng dalaga. "Kailan ka pa natuto ng Martial Arts?" tanong ni Phil. "Ah, yun ba, basic lang ang alam ko." sagot ni Lexi. "Basic!? Basic ba yung naihagis mo sa ere yung lalaki kanina?" tanong ni Jake. Ngumiti lang si Lexi. "Pare, ingat-ingat ka diyan. Baka mamaya bigla ka na lang ihagis nyan." kunyaring bulong ni Phil kay Jake. "Hehehe, eto gusto mo?" sabi ni Lexi at inumangan ng suntok si Phil. "Si Best naman di na mabiro." sabi ni Phil.

"Paano, Pre, mauuna na kami umuwi." sabi ni Jake. "Sige, di ko na kayo pipigilan at alam ko namang masakit din ang katawan mo." sabi ni Phil. "Hindi naman, hina naman niya sumuntok." sabi ni Jake. "Kaya pala ang dami mong sugat sa mukha." sabi ni Lexi. "Tara na nga." aya ni Lexi sabay hila sa braso ni Jake. "Aray! Aray!" sabi ni Jake. "Oh, kala ko ba mahina siyang sumuntok?" tanong ni Lexi. Napakamot naman sa ulo si Jake. Natawa naman si Phil.

Si Lexi na ang nagdrive pag-uwi nila. Inalalayan niya din si Jake pagpasok sa ospital. Nagulat pa ang mga night duty ng makita na may mga sugat si Jake sa mukha kaya ipinaliwanag pa nila ang nangyari bago sila tuluyang naka-akyat sa bahay ni Jake. Dahil madaling araw na kaya akala ng dalawa ay tulog na si Nanay Marie kaya nagulat sila ng pagbukas ni Jake ng pinto ay sumalubong sa kanila ang matanda.

"Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ni Nanay Marie ng makita ang mukha ni Jake. "Napagtripan lang Nay." sagot ni Jake. "Mga kabataan talaga." sabi na lang ni Aling Marie. "Okay ka na?" tanong ni Lexi ng makaupo na si Jake sa sopa. Tumango ang binata. "Mauuna na ako, tiyak na nag-aalala na din sila Tatay at Nanay." sabi ni Lexi. "Nako, iha, dito ka na matulog. Mahirap ng sumakay sa labas ng ganitong oras." sabi ni Nanay Marie. "Malapit lang naman po." sagot ni Lexi. Tumayo si Jake. "Oh, saan ka pupunta?" takang tanong ni Lexi. "Hatid na lang kita para makapagpaliwanag din kay Tito at Tita." sabi ni Jake at kinuha ang susi. "Ano ka ba? May mga sugat ka pa. Saka hindi mo pa nararamdaman ang sakit ng katawan ngayon pero tiyak mamaya lang mararamdaman mo na yan." sabi ni Lexi. "Kaya nga iha, dito ka na matulog. Tumawag o mag-text ka na lang sa inyo kesa uuwi ka mag-isa o ihahatid ka ng sugatang ito." sabi ni Nanay Marie. Bumuntong hininga si Lexi. "Sige po." sagot ni Lexi.

"Ah, Nay, meron po ba kayong Mefenamic acid?" maya-mayang tanong ni Lexi. "Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni Jake. "Para sa iyo yun?" sagot ni Lexi. "Sandali at hahanap ako. Pumasok ka na sa kwarto ni Rhian dyan. Tiyak naman kasya sa iyo yung mga pantulog ng batang iyon." sabi ni Marie. "Sige po, Nay." sagot ni Lexi. "Bihis muna ko." sabi ni Lexi at tumango naman si Jake.

Nag-shower muna si Lexi. Amoy niya pa kasi sa sarili yung amoy sa bar. Pagkatapos ay binuksan ang closet ni Rhian. "Ano ba naman mga pantulog to?" tanong ni Lexi sa sarili. Nakita niya kasi na kundi sexy lingerie ang nakasabit eh tank top na may kasamang napakaikling short. "Naman! Ano ba naman tong si Rhian?" sabi ni Lexi at naupo sa gilid ng kama. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. "Lex?" boses ni Jake. "Bakit?" tanong niya. "Ha?" sagot ni Jake. Inulit niya ang sinabi pero hindi ulit naintindihan ng binata kaya wala siyang nagawa kundi lumapit sa pinto. Binuksan niya ito ng kapiraso lang dahil nakatapis lang siya ng tuwalya.

Kahit maliit lang ang siwang na ginawa ni Lexi ay kita pa din ni Jake na tuwalya lang nakatakip sa katawan ng dalaga. Fresh na fresh pa si Lexi dahil basang basa pa ang buhok nito. Nakita din niya ang makinis at maputing balikat ng dalaga kaya nalunok niya ang kanyang laway. "Bakit?" tanong ni Lexi na nagpabalik kay Jake sa kanyang sarili. "Ha, ah, eh," nagkandautal na sabi ni Jake. "Bakit di ka pa nakabihis?" sabi ni Jake ng makabawi. "Wala na bang ibang damit si Rhian dito?" tanong ni Lexi. Kumunot naman ang noo ni Jake. "Bakit? Wala ka ba nagustuhan?" balik tanong ni Jake. "Hindi naman, ang kaso..." sabi ni Lexi. "Kaso?" sabi ni Jake. "Sobrang sexy eh. Di ako sanay. Baka may malaki kang t-shirt na pwede ko mahiram?" sabi ni Lexi. "Sige, tingnan ko." Sabi ni Jake.

Makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na si Jake na dala na ang t-shirt. "Pagkabihis mo, labas ka muna, kape tayo." sabi ni Jake at tumango si Lexi.

"Pwede na to." sabi ni Lexi na tiningnan ang sarili sa salamin. Dahil matangkad si Jake at umabot hanggang tuhod niya ang t-shirt nito. Kumuha na lang siya ng maikling shorts para i-partner dito saka lumabas.

Muntik ng maibuga ni Jake ang kape sa bibig niya ng makita si Lexi. Kahit hanggang tuhod ang suot nito ay kita naman ang maputi at makinis na balat ng dalaga. At kung iisipin ay t-shirt niya ang suot ni Lexi. "Parang yakap ko na din siya nito." sabi ni Jake sa sarili pero pagkatapos ay pinilig ang kanyang ulo. "Kape muna. Pampatanggal ng amats." Nakangiting sabi ni Jake. "Thank you." sabi ni Lexi. "Masakit ba?" maya-mayang tanong ni Lexi. "Makirot lang pero bukas wala na to." sagot ni Jake. "Nakatawag ka na ba sa inyo?" tanong ni Jake. "Ay, oo nga pala." sabi ni Lexi at dali-daling binalikan ang phone sa kwarto.

"Hindi sinasagot ni Tatay yung phone niya." sabi ni Lexi. "Tulog pa siguro. Magtext ka na lang. Ihahatid na lang kita mamaya para makausap ko sila." sabi ni Jake. "Nga pala, Sunday na pala ngayon. Mamaya pala pupunta si Rhian at si Tita Mila sa bahay." sabi ni Lexi ng maalala ang usapan nila ni Rhian. "Ganoon ba, sasama na lang ako sa kanila." sabi ni Jake. "Di ka papasok bukas?" tanong ni Lexi. "Hindi muna siguro." sagot ni Jake.

Pagkatapos ng sandaling katahimikan, tumikhim si Jake. "Yung nangyari kanina..." sabi ni Jake. "Antok na ko Jake, tulog na tayo." pag-iwas ni Lexi. "Lex..." sabi ni Jake. "Pareho tayong may tama kanina kaya malamang dahil sa epekto ng alak yun." sabi ni Lexi. "Ah...saka bayad mo yun sa utang mo sa akin." sabi ni Jake. "Ha?" takang tanong ni Lexi. "Remember, sabi ko sa iyo huwag na huwag mo akong tatawaging SIR." sabi ni Jake. "Ha? Kailan...? sabi ni Lexi at saka lang niya naalala ang pagtawag niya kay Jake ng SIR nung tumawag ito sa kanya. "Eh di wala na akong utang?" tanong ni Lexi. "Yap, unless na gusto mo ulit mahalika." sabi ni Jake na ikinapula ni Lexi.

Pagkatapos maubos ng kanilang kape ay tumayo na silang pareho para matulog. "Goodnight, Lex." sabi ni Jake. "Goodnight, Jake." sabi din ni Lexi. "Lex?" sabi ni Jake. "Hhhmmm..." sabi ni Lexi. Matagal bago nagsalita muli si Jake na parang may gustong sabihin pa kay Lexi. "Sweet dreams." sabi ni Jake at tumango si Lexi. Pagpasok ni Lexi sa kwarto ay napasandal siya sa pinto at nagbuntong hininga. Hinawakan niya ang labi at bumalik sa alaala niya ang halikan nila ni Jake kanina na palagay niya ay humantong kung saan kungdi lang dahil nandoon sila sa bar.

"Kailangan kong pigilan ang sarili. Ayoko ng maramdaman yung sakit noon. Natatakot na ako na kapag nalaman niya ang tunay na nararamdaman ko ay mangyari na naman ang nangyari noon." sabi ni Lexi sa sarili. "Kaya ikaw, behave ka lang. Huwag masyadong magpahalata, okay?" kausap ni Lexi sa kanyang puso.

"Bakit ko ba sinabi yun? Sira ka talaga, Jake!" kausap ng binata sa sarili pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Dapat yata ligawan ko na siya. Paano kung magaya ako kay Phil na basted agad? Paano kung hindi?" Nailamukos ni Jake ang kamay sa kanyang mukha. "Bahala na, basta, liligawan ko na siya." sabi ni Phil.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C16
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン