アプリをダウンロード
13.46% Crush kita noon, Mahal na kita ngayon / Chapter 7: Chapter 7

章 7: Chapter 7

"So, anong nangyari sa pag-ikot ninyo sa hospital?" Tanong ni Jake. Magkakaharap na silang apat sa lamesa at nag-uumpisa ng kumain ng hapunan. Si Aling Marie ay abala naman sa paglalagay pa ng ibang ulam sa lamesa. "Ayun nga kuya, may batang ayaw magpakuha sa mga medtech natin sa laboratory, siyempre, to the rescue ang Secretary mo. Ang galing niya kuya! Ang bilis tapos di man lang naramdaman nung bata yung tusok ng karayom." Pagkwekwento ni Rhian. "At sino naman ang naging unang tagahanga niya?" Tanong ni Anthony na nakatingin kay Jake at nakita niya dumiin ang tinidor na hawak nito sa kinukuhang pagkain.

"Nay, kain na din po kayo." Pag-iiba ni Lexi sa usapan dahil naiilang siya. "Mamaya na ko iha, maaga pa at busog pa naman ako dahil late na ako nagmerienda kanina." Sagot ni Aling Marie.

"Si Dr. Shane." Sagot ni Rhian at biglang nadulas ang tinidor na hawak ni Jake at bumagsak ito sa baba. Ngumisi si Anthony. Nangiti naman si Rhian. Tatayo na sana si Lexi para kunin ang tinidor na bumagsak malapit sa kanya pero nagsalita na agad si Jake. "Ako na." Sabi ng binata na halatang inis. Tumayo si Jake at pinulot ang tinidor na bumagsak pagkatapos ay pumunta sa kusina para kumuha ng bago.

Pagbalik nito ay padabog na umupo at saka walang kibong pinagpatuloy ang pagkain. Natapos nila ang hapunan ng wala ng umimik. Alam ni Anthony at Rhian na bad mood ang binata kaya di na nila ginatungan ang naumpisahan kanina tungkol kay Dr. Shane.

Nagtaka si Aling Marie sa katahimikan nila. Sa tuwing nagsasabay kumain ang tatlo ay hindi matatapos ang mga ito ng hindi nag-aasaran lalo na si Anthony at Rhian. Ngunit ngayon ay ramdam niya ang tensyon na nagmumula kay Jake. "Dahil kaya ito sa bagong dalaga na kasama nila?" Tanong sa isip ni Aling Marie.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpunta si Jake at Anthony sa study room. Ang dalawang dalaga naman ay naiwan sa living room at nagkwentuhan.

"Napadalan mo na ba ng memo lahat ng doctors natin for the meeting?" Seryosong tanong ni Jake. "Yep, already done, boss." Sagot ni Anthony. "Si Dr. Shane, Resident on Duty siya di ba?" Tanong ni Jake na ikinangisi ni Anthony. "Yep, he's on his moonlighting. After a year saka siya magdecide kung anong specialty ang pursue niya." Sagot ni Anthony. Tumango-tango si Jake. Natawa si Anthony.

"Bakit parang naging interesado ka sa kanya?" Nakangiting tanong ni Anthony. "Is it because of Lexi?" Pang-aasar ni Anthony. "Ano naman kinalaman ni Lexi sa kanya?" Tanong ni Jake. Nagkibit balikat lang si Anthony pero nasa mukha pa din ang makahulugang ngiti.

"Hindi ako nagseselos, ok?" Sabi ni Jake. Doon na natawa ng malakas si Anthony. "Dre, wala naman akong sinabi na nagseselos ka ah." Nakangising sabi ni Anthony. "Guilty ka agad?" Patuloy ni Anthony. "Ginamitan mo naman ako ng pagiging abogado mo." Sabi ni Jake. "Dre, wala akong ginagawa. Masyado ka lang talagang obvious." Sabi ni Anthony. Bumuntong hininga si Jake.

"Wala akong karapatan para magselos. Ni hindi "kami" so she's free to mingle sa iba." Sabi ni Jake pero parang against sa sarili niya ang sinabi. "Dre, hahayaan mo ba talaga siya? Pinakawalan mo na siya before and now, binigyan ka ulit ng pagkakataon. Sasayangin mo lang ulit? Aba, kung ganyan lang eh, ako na ang manliligaw sa kanya." Sabi ni Anthony. Biglang tumingin si Jake kay Anthony ng masama. "Don't you ever dare!" Seryosong sabi ni Jake. "Woah, joke lang Dre! Ano ka ba?" Sabi ni Anthony. Nagbuntong hininga naman si Jake.

"If I were you Dre, make a move or else, someone might snatch her from you." Sabi ni Anthony at tumayo na ito. "Tuloy na ko at baka di pa ako makauwi ng buhay." Sabi ni Anthony na nakangiti. "Sorry Dre." Sabi ni Jake. "Oks lang. Ganyan talaga ang nagagawa ng selos." Nakatawang sabi ni Anthony. "Loko!" Maikling sagot ni Jake at lumabas na sila sa study room.

Naabutan nilang nakaupo ang dalawang dalaga sa living room. At natahimik ang mga ito ng nakita sila.

"Lexi, nakita mo ba itsura ni kuya nung sinabi ko na fan mo si Dr. Shane? Grabe, kulang na lang tadtarin yung pagkain niya." Sabi ni Rhian. "Baka naman maganit lang luto ni Nanay Marie." Sabi ni Lexi na nakangiti. "Never nagluto si Nanay ng maganit. Laging malambot ang mga karne niya noh." Sagot naman ni Rhian. "Sigurado ako nagseselos yun." Patuloy ni Rhian. "Huwag ka ngang assuming. Mamaya bad mood lang talaga siya." Sabi ni Lexi. "Bad mood siya kasi nagseselos siya." Sabi ni Rhian. Umiling-iling naman si Lexi.

"Pero gwapo naman si Dr. Shane di ba?" Tanong ni Lexi. "Oo pero mas gwapo kaya kuya ko. Hep! Don't tell me crush mo siya?" Kunyaring galit na sabi ni Rhian. Natawa si Lexi. "Bakit, hindi naman bawal magkacrush sa iba di ba?" Sabi ni Lexi. "Ate!?" Sabi ni Rhian. Natawa si Lexi. "Anong meron sa inyo ni Sir Anthony?" Pag-iiba ni Lexi ng topic.

"Bakit naman napunta sa kanya ang usapan, aber?" Nakataas ang kilay na tanong ni Rhian. "Well, bagay kayo." Sabi ni Lexi. "Excuse me!? Yung mokong na yun, bagay sa magandang tulad ko?" Sabi ni Rhian na nakalagay ang dalawang kamay sa baba at nagpapacute. Natawa si Lexi. "Yap, bagay ang isang gwapong tulad niya sa magandang tulad mo." Sabi ni Lexi. "Eeewww, mas bagay kayo ni Kuya." Sabi naman ni Rhian. "Eh si Dr. Shane?" Tanong ni Lexi at yun ang nadinig ni Jake paglabas nila ni Anthony galing sa study room.

"What about Dr. Shane? May problema ba sa kanya? I can fire him if you want." Seryosong sabi ni Jake. Biglang tumingin sa kanya si Anthony at Rhian. Naiinis naman si Lexi sa kayabangan ni Jake.

"Woah, kuya, fire agad? Wala naman siyang ginagawa and besides, you can't fire anyone just because gusto mo lang." Sabi ni Rhian. "I can do whatever I want to my staffs." Sabi ni Jake na nakatingin kay Lexi. Natameme agad si Rhian. "Anong meron sa lalaking to ngayon? Grabe ang selos ha, Kuya!?" Sabi ng isip ni Rhian.

Nang mapagawi naman ang mga mata ni Lexi kay Jake ay nakita niya ang seryosong mukha nito. "Wanna bet?" Agad na sabi nito na nakatingin sa kanya na lalo naman ikinainis niya.

"Look, Jake, walang ginagawa si Dr. Shane. Napagkwentuhan lang namin ni Rhian yung nangyari kanina. Tama si Rhian, wala kang karapatan." Sabi ni Lexi. Ngumisi si Jake. "So, anong special kay Dr. Shane at naisip mo siya?" Tanong nito na may kasamang sarcasm. Bumuntong hininga naman si Lexi. "Ano bang problema mo?" Tanong niya sa sarili.

"Kanina ko lang siya nakilala so I can't say anything about him pero sa mga dadating na araw, malay mo, makilala pa namin ang isa't isa." Sabi ni Lexi. Naningkit ang mga mata ni Jake. "Patay!" Sabay na sabi sa isip ni Anthony at Rhian.

"Dre, lumalalim na ang gabi, mabuti pa eh mauuna na kami ni Lexi dahil maaga pa ang pasok namin bukas. Tara na, Lexi." Sabi ni Anthony na binigyan ng signal si Rhian. "Oo nga naman ate, kailangan maaga ka bukas kasi first day mo di ba?" Sabi ni Rhian na tulak-tulak si Lexi. "Nanay, aalis na po kami." Sigaw ni Rhian at sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng penthouse ni Jake.

Pasalpak na umupo si Jake sa sopa. Nakita ito ni Aling Marie at nangiti siya. Maliban kay Anthony at Rhian, wala ng iba pang nakakapasok sa loob ng bahay. At sa nadinig niyang usapan kanina, alam niyang nagseselos ang alaga niya. Noong nakita niya ang picture ng dalaga sa kwarto ng binata ay nagtaka siya dahil ni minsan ay hindi niya nakita ito sa personal. Batang bata pa ang nasa picture. Nakauniform ito ng pang volleyball at may hawak na bola. Halatang stolen shot ang kuha dahil hindi nakatingin ang dalaga. At ng makita niya ang dalaga kanina ay nagulat siya dahil ito na ang babaeng nasa picture.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C7
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン