アプリをダウンロード
50.63% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 40: Chapter 39

章 40: Chapter 39

My Demon [Ch. 39]

 

Soyunique's Point Of View

 

"Kaya pala hindi ako mapalagay, todo isip ka kasi sa'kin." Nagulat ako nang biglang may nagsalita kaya napaupo ako sa kama. At lalong lumaki ang gulat ko nang malamang kay Demon nanggaling ang mga salitang iyon, higit sa lahat, nandito siya sa bahay namin na walang-wala kung ikukumpara sa napakaganda at napakalaki nilang bahay.

"Hoy anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman dito? Atsaka, hindi kita iniisp, 'no!" Medyo natatarantang sabi ko sakanya. Hindi ko naman kasi expected na susulpot nalang siya bigla dito.

Tumaas lang ang sulok ng labi niya at naglakad papunta sa'kin. Umupo siya sa kama kaya umusog ako ng kaunti para mabigyan siya ng space. Alam ko naman kung ano ang pakay niya sa pagpunta dito eh: ang inisin ako. Wala siguro siyang magawa ngayon kaya ako na naman ang guguluhin. Halata nga na pagkagaling sa school, dumiretso agad siya dito. Naka-school uniform pa kasi siya.

Pero sa totoo lang, ang bango-bango niya talaga! Umaalingasaw ang masculine scent niya sa buong kwarto. Parang nag-amoy mayaman tuloy ang kwarto dahil sa pabango niya.

"Napakaliit naman nitong bahay niyo," komento niya habang nililibot ang paningin sa buong kwarto.

Sabi na eh. Ito ang pinunta niya. Alam niyo yung feeling na nag-e-emote ka tapos bigla nalang dadating ang taong nang-aasar sa'yo?

"Sino ba kasing nagsabi na pumunta ka dito?"

"Wala," sagot niya. "May gusto kasi akong makita eh." Tinitigan niya ko ng seryoso sa mga mata. Nakaramdam ako ng ilang at kaba (na hindi ko alam kung bakit), kaya umiwas ako ng tingin.

Silence filled the room. Through my peripheral vision, nakikita ko siyang nakatingin pa rin sa'kin. Habang ako di makatingin sa kanya. Bakit ba... ganito? May kung ano akong nafi-feel kaso hindi ko alam kung ano. Basta ang alam ko, para akong kinakabahan at natatakot. Argh! Ang weird!

"Okay ka na ba?" tanong niya sa maamong boses.

Nilingon ko na siya. Nakasandal siya sa headboard at seryoso pa ring nakatingin sa'kin na may halong pag-aalala. So totoo ang sinabi niya na hindi totoo ang sinabi niya noon na wala lang ako sakanya. Dahil sa nakikita ko ngayon, nagki-care siya sa'kin. Aww. Nakakataba naman ng puso lalo na't siya si Keyr Demoneir Fuentalez. Napakasarap sa feeling! Hindi dahil sa pangalan niya, kundi dahil nagiging special na siya sa'kin (ayoko mang aminin sakanya).

Gusto kong ngumiti sa kanya kaso biglang nag-flashback sa utak ko ang tila bangungot na nangyari. Nalaman ko nalang na tumutulo na ang luha ko. Umayos ng upo si Demon, hinawakan ako sa pisngi gamit ang isang kamay at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Tahan na. Wala nang makakaulit sa'yo nun, pinapangako ko sa'yo," he muttered assuringly habang hinahaplos ang buhok ko.

***

"Ang tagal tagal mong nag-ayos, wala namang nagbago!" bungad niya pagkalabas ko ng kwarto. Halatang inip na inip na siya sa paghintay. Nakaupo siya sa sofa at bugnot na bugnot.

"Anong ang tagal tagal?" I paused at tumingin sa wall clock. "Fifteen minutes nga lang akong nagbihis at nag-ayos ng konte, matagal na ba yun?"

Kung ang ibang babae nga inaabot ng ilang oras sa pag-aayos, ako nga fifteen minutes lang naghihimutok na siya agad? Pa'no pa kaya kung katulad ako mag-ayos ng ibang babae, diba? Juice colored ang ugali ng lalaking ere! Mabuti nalang at nakaligo na ako nang dumating siya dito. Malay ko ba kasi na seryoso siya nung sinabi niyang, (pumeke muna ng hikab bago nagsalita) "Parang gusto kong mamasyal bukas . . . kasama ka."

 

"Parang" means mas mataas ang percentage na hindi siya sigurado. Nagulat nalang ako kanina nung nagbabantay ako sa tindahan, bigla kong natanaw ang motor niya. Oo, yung motor agad ang una kong napansin. Naka-leather jacket kasi siya at may suot na helmet. Alam ko kasi yung model at style ng motor niya, pati nga yung plate number eh.

"Tara na," yaya niya na bakas pa rin sa mukha ang pagkairita. Iba talaga siya. Tss.

"Teka lang, isasara ko lang yung tindahan." Wala kasi si Mama, pumasok na sa trabaho niya, kaya walang magbabantay ng sari-sari store namin.

Ginulo ni Demon ang buhok niya sa pagkainis. "Pag-aantayin mo na naman ako?!"

"Edi wag mo kong antayin!" sabi ko sakanya. Wala namang pumipilit sakanya na antayin niya ko ah.

Nakita ko kung paano siya dahan-dahang kumalma. "Kung hindi lang kita . . ." Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy niya ang sasabihin niya o hindi. "Sa labas nalang kita aantayin," wika niya at lumabas na ng bahay.

Hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko at pilit na iniintindi ang sinabi niya. Kung hindi lang kita. . . bago yun ah. Dati kasi ang madalas niyang sabihin ay "Pasalamat ka, di ako pumapatol sa bata".

Mmm, never mind na nga lang. Kailangan kong bilisan at baka lalong uminit ang ulo ng lalaking yun. Mahirap na, baka sa iba ibunton ang init ng ulo niya.

Habang sinasara ko ang sari-sari store namin, di ko mapigilang ngumiti. Nakakatuwa lang kasi kung sino pa ang taong palaging nang-aasar at nangbubully sa'kin, siya pa ang taong nasa tabi ko sa oras na may problema ako. Hindi ko naman masabi kay mama o kahit kanino ang problema ko kaya mabigat dalhin. At masaya ako kasi nandyan si Demon na nagagawang ipalimot sa'kin ang problema ko kahit sa paraan na pang-aaway sa'kin. Haha!

Simula kasi nang manyari iyon, hindi na ko lumabas ng bahay kasi natatakot ako na baka maulit na naman ang pangyayaring iyon. Palaging sumasagi sa utak ko na any moment maaaring may mga lalaki ang tumigil sa harapan ko at dalhin nalang ako bigla sa kung saan. Na-trauma na akong lumabas mag-isa.

Pero ngayon, heto at may pupuntahan kami ni Demon. Ewan ko ba, pakiramdam ko safe na safe ako kapag nasa tabi ko siya.

Paglabas ko ng bahay, naabutan ko si Demon na nakatitig sa bahay na may "For Rent" placard na nakadikit sa may pinto, katapat lang ng bahay namin. Napansin ko din ang mga kapitbahay namin (mapadalaga man o may asawa) na nakatingin kay Demon. Enebeyen. Kahit saan kami magpunta, ang daming nai-starstruck sakanya.

"Anong tinitingnan mo dyan?" tanong ko kay Demon.

Nilingon niya ko saglit tapos binalik na naman ang tingin sa bahay.

"Wala. Tara na." Inabot niya muna sa'kin ang helmet bago sumakay sa motor.

Saan kaya kami pupunta? Di ko alam kung saan. Ayaw naman kasi niyang sabihin eh. Puro siya "malalaman mo din".


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C40
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン