アプリをダウンロード
16.45% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 13: Chapter 12

章 13: Chapter 12

My Demon [Ch. 12]

"Babes, papasok ka na?" tanong sa'kin ni Phul, kapit-bahay namin. "Babes" ang tawag nya sa'kin, pero hindi ibig sabihin nun na nililigawan nya ko at mas lalong boyfriend ko sya. Lagot sya sa papa ko! Wala lang. Trip nya lang iyon itawag sa'kin.

"Hindi pa. Inaantay ko pang dumating ang anghel eh," sagot ko sakanya. Obviously, si Angelo slash Angel ang tinutukoy ko.

Nasa tindahan ako at ako muna ang nagbabantay habang inaantay si Angel. Si mama kasi may ginagawa sa kusina. Nga pala, madalas tambay sa tapat ng bahay namin si Phul. Nag-stop na sya sa pag-aaral at nagtatrabaho na sya bilang tambay sa umaga at gabi. Wag pong tularan, utang na loob.

Ano ang itsura nya? Change topic.

Bumili sya ng soft drinks. Pagkabigay ko sakanya, umupo sya sa mahabang upuan na gawa sa kahoy sa harap ng sari-sari store namin at nagtext. Ayos din sya eno. Hayahay sa buhay.

Maya-maya lang, dumating na si Angel. Nagpaalam na kami kay mama atsaka umalis. Habang nasa biyahe, si Demon na naman ang topic namin gaya kahapon.

"Ang daya naman. Matalino rin naman ako pero bakit ikaw pa ang pinili? Pareho naman tayong maria clara ah!" Natawa nalang ako sa sinabi nya.

Kahapon pa sya naglalabas ng hinanakit matapos kong i-kwento sakanya ang tungkol sa pagiging personal tutor ko kay Demon. And yes, marami ang nainggit especially yung mga classmates kong babae. Actually, hindi ko pa iyon nasasabi sakanila. Nalaman lang nila ng sumigaw si Angel ng, "HUWAT? Magiging personal tutor ka ni Keyr? Palagi kayong magkakasama? OMG. I'm gonna die!". Ang OA lang nya. Dyan ako nahawa ng ka-OAyan eh. Matapos nyang sabihin este isigaw iyon, nagsilapitan ang mga classmates kong babae at inintriga ako. I'm soo lucky daw. Ganyan ganyan. Ganun ganun. Nawiwirduhan na talaga ako sa kanila. Ano bang meron sa Demon na yun at kinahuhumalingan nila ng lubos? Tss.

Nasabi ko na rin sa parents ko ang tungkol sa tutorial. Yun nga lang, hindi ko sinabi na demonyo ang tuturuan ko.

Habang naglalakad kami ni Angel patungo sa classroom, nagsalita sya. "Ay teka, girl." Huminto sya sa paglalakad kaya naman pati ako huminto.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"May cellphone ka na, diba?"

I nodded. Nagka-cellphone ako dahil binigyan ako ni tito Romeo (feel na feel lang ang pagtawag ng tito?). Ayoko pa ngang tanggapin kasi nakakahiya talaga. Si Angel nga ilang beses na kong in-offeran na pahihiramin ng cellphone at sinabi nyang kahit wala ng balikan pero tumatanggi ako. Nakakahiya kasi. Mahiyain pa naman akong nilalang (ows?). But tito Romeo insited. Makakatulong daw yun kapag may kalokohang gagawin si Demon, kaya tinanggap ko na. For my own safety na rin. Charing!

"Anong number mo? Ilalagay ko sa contacts ko." Nilabas nya ang cellphone nya at nagtouch touch sa screen. "Oh." He reached out his phone.

Kinuha ko naman yun at tinitigan. Napakamot nalang ako ng ulo sabay sabing, "Hehe. Hindi ko alam yung number eh. Binigay kasi sa'kin ni tito Romeo may sim card na."

"Feel na feel mo ang pagtawag ng tito sa daddy ng bebe Keyr ko, ah! Hmp." Inirapan nya ko ng pabiro. "Pwede mo namang malaman dyan sa cellphone mo kung anong number mo, then i-memorize mo para kapag may Fafa na manghingi ng digits mo, may maibibigay ka. Naku ka talagang, kulowts ka!" Umarte sya na sasabunutan ako. Eksena talaga ng baklang ito.

"Hindi ko alam kung saan makikita eh." Nag-pout ako. Nakalimutan ata sa'kin ituro yun ni tito Romeo.

"Ano ba yan, Sistar! Matalino ka nga, may pagka-shunga naman. Akin na nga yung cellphone mo. Isi-save ko number ko."

"Nyenyenye!" Nginuso-ngusuan ko sya habang binabalik sakanya ang cellphone nya. After that,kinuha ko na yung cellphone sa shoulder bag kong may dalawang manika sa likod. Ang cute ng bag ko. Parang ako lang. Hihi!

"May load ba 'to?" tanong nya pagkaabot na pagkaabot ko sakanya ng cellphone.

"Yup. Naka-post paid daw yan sabi ni tito Romeo."

"Taray," sabi nalang nya. Sinilip ko kung ano ang ginagawa nya. Pinagdikit nya ang cellphone nya sa cellphone ko tapos nakita ko sa screen na may tinatawagan sya gamit ang cellphone ko. Nag-miss call lang pala.

"Ayan. May number ka na sa'kin." Binalik na nya sa'kin ang cellphone ko kaya binalik ko na ulit ito sa loob ng bag.

Nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Pwede mo na kong i-text o tawagan kapag may pagkakataong pwedeng mahalay si Keyr--araaaay!" Napasigaw sya dahil kinurot ko sya sa tagiliran. Nagtinginan tuloy saamin ang mga estudyanteng nasa hallway.

Kamanyakan eh. Atsaka, parang magagahasa naman nya si Demon. Kahit nakapikit ata yun kaya nyang mangbugbog ng tao eh. Kawawa lang sya kapag nag-attempt syang gawin iyon. Ay teka, bakit ko ba pinoproblema iyon? Alam ko namang nagbibiro lang si Angelo at hindi nya yun magagawa.

Demon. Demon. Demon.

Ano kaya ang mangyayari sa tutorial session natin mamaya? Disaster?

***

"Soyu, pwedeng magtanong?"

Nasa computer lab kami ngayon at may ginagawang activity. Bawat estudyante, busy sa kanya-kanyang gawain. Walang ingay na maririnig bukod sa ingay ng key board. Lahat naka-focus sa activity.

Lumingon ako sabay tanong ng, "Ano yu---" Natigilan ako nang makita si Johan. Sya! Sya ang kumausap sa'kin kanina habang busy ako sa pagta-type. Naka-bent pa sya para mapantayan ako. Nakaupo kasi ako paharap sa computer na ginagamit ko.

I cleared my throat at ngumiti ng pagkatamis tamis bago muling magsalita. "Ano po yun?" Ayan ha. Talagang nilambingan ko pa ang boses ko.

"Etchosera," rinig kong sabi ni Angel na katabi ko. Mahina lang ang pagkakasabi nya pero rinig na rinig ko.

Tinignan ko sya. Aba, patay malisya! Busy-busyhan sya sa ginagawa nya. Tumingin na ulit ako kay Johan at hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Ang gwapo gwapo nya talaga. Napakaamo ng mukha at napakasarap makipagtitigan sa magaganda nyang mata. Nakangiti rin sya na talaga namang kinadagdag ng ka-gwapuhan nya. Oh my! That smile of him. It really made my heart melt. Hihi.

"Tapos ka na?" tanong nya. Medyo naglaho ang ngiti ko dun ah! Akala ko naman related sa activity namin ang itatanong nya. Pero related naman sya eh. Tch.

"Malapit na. Yun lang ba ang tanong mo?"

Umayos sya ng tayo at umiling-iling habang nakangiti. Smiling face.

"May gusto kasi akong malaman."

Napakunot ang noo ko. Nakatingala ako sakanya at sya naman nakayuko sa'kin.

"Ano naman yun?" curious kong tanong.

"Kung bakit ang cute cute mo. At kung bakit di ka nakakasawang panoorin."

May magagalit ba kung magwawala ako dito sa sobrang kilig? TELL ME!

"Subukan mong magwala," pagbabanta ni Angel habang nagta-type as if narinig nya ang sinasabi ng utak ko. Panira ng momentum!

"Hehehe." Pumeke ako ng tawa at humarap na sa computer at nagtype type. Epic failure nga lang dahil kung anu-ano ang naita-type ko. Masama talaga akong pakiligin. Brr.

"Sige, Soyu. Tapusin mo na yan. Panonoorin kita. Ang ganda mo sa paningin eh."

Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang WAGAS na kilig. Imagine, mismong crush mo ang nagsasabi sa'yo ng bagay na yan. Sinong hindi kikiligin?

Through my periheral vision, nakita kong naglakad na sya pabalik sa pwesto nya. Kung kelan naman malapit na kong matapos, saka pa ko hindi makapag-concentrate sa ginagawa ko. Hindi ko naman pwedeng sisihin si Johan kasi pinasaya nya talaga ako. Hihi!

Hindi na ko makatiis kaya lumingon ako ng konte. Boom! Nakapaharap ang swivel chair nya sa pwesto ko. Means, nakatalikod sya sa computer na ginamit nya kanina. Talagang pinapanood nya ko. Enebe! Ngumiti sya tapos kinindatan ako. Aww. Nakaka-inlove. Hihi! Nginitian ko rin sya at humarap na sa computer. Ngiting-ngiti kong pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Sistar, yung gilagid mo lumalabas na. Medyo masagwa."

Nag-bleh lang ako kay Angel at tinapos ang ginagawa ko.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C13
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン