アプリをダウンロード
95.45% Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini / Chapter 21: epilogo: Apoline

章 21: epilogo: Apoline

APOLINE

KANINA pa umiiyak si Apoline. Hindi naman siya iyakin. Mas iyakin pa sa kanya ang dati, kahit na pitong araw lang naman ang nakalipas, na boyfriend. Nang nakipaghiwalay siya rito ay doon lang siya umiyak. Hindi niya naman gustong hiwalayan ang nobyo. Kung siya lang ang papipiliin, mananatili lang siya sa tabi nito.

It was them against circumstance and them against his parents. Wala naman silang nasasagasaan sa kanilang relasyon. He brought out the positive in her and she brought out the confidence in him. He's the one that balances everything and makes everything seem right in her world.

Manuel is her home. Sino ba namang normal ang magsasabing okay lang na iwanan ang sariling tahanan nang nakapaa at kunwari hindi nasaktan? Sinong ewan ang iiwan ang nag-iisang lalaki na minahal niya nang lubos?

Hindi naman siya. She would have fought tooth and nail to keep him, to be with him. Pero, ikaw ba namang pagbintangan na parang kasalanan mo kung bakit "nasira" kuno ang buhay ng lalaki? Or mapagsabihan pa na mukha lang raw siyang pera at basta-basta pang tinapunan ng madaming maduming papel na ni minsan wala naman talagang importansya sa kanya?

Who wouldn't buckle on that? Mas malala pa nang binalaan pa siyang sisirain raw ang buhay niya kung dumikit pa siya sa binata. She loved him. Oh God knows, how much she loved him. Pero kung ang pamilya niya na ang kapalit para lang manatili siya sa tabi ni Manuel, then she would really have to leave.

As if leaving in itself makes her feel strong and alive. Para lang siyang namatay at hindi niya alam kung paano siya mabubuhay ulit. And with dead eyes, nang pauwi na siya sa kanila, she had blocked him. Hindi lang sa phone niya kundi pati na sa social media. She deleted all his messages on her phone and even their call logs.

Hindi naman noon mabubura ang lahat-lahat but it made the pain hurt less.

Or so she thought, dahil mag-iisang linggo na at araw-araw na atang mugto ang mga mata niya. Mukha na raw siyang Intsik, sabi ng Mama niya.

At ngayon, nadagdagan pa ang rason kung bakit siya umiiyak. It was in the form of letters written by two separated lovers hundred years ago. Letters that seem to mirror her situation right now.

Matapos kasi niyang malunod sa luha at sipon habang kwinekwento ang nangyari sa kanila ng nobyo sa kanyang Mama ay parang may nag-click sa utak nito. Iniwan siya nito at akala niya trinaydor siya ng sariling Mama dahil hindi na nito gustong saluhan ang pagdradrama niya. Gayong, dito naman niya laging kwinekwento ang lahat ng mga naganap. It was even her Mother who was excited to meet him.

Nang ipinakilala niya nga si Manuel dito ay maghapon itong hindi umalis sa tabi ng kanyang nobyo at inusisa ito. She even had to save Manuel from all her Mother's prying questions because he definitely looked like he needed to be pulled out from the conversation.

Alam niyang pangit siya kung umiiyak siya pero hindi niya naman inaasahang susukuan talaga siya ng Mama niya. Sa dinami-dami pa naman nang susuko sa kanya, ang Mama niya pa talaga. Mas lalakas pa sana ang pagngawa niya nang bumalik ang Mama niya na may hawak-hawak na madaming tissue at isang maliit na kahon. Maagap naman siyang niyakap ng kanyang Mama at ibinigay sa kanya ang naturang kahon.

Sabi nito, family secret daw nila iyon at mukhang siya ang nararapat na magmana. Hindi naman niya alam kung bakit iyon ang naisip ng Mama niya sa dinadami-dami ng ikwinento niya rito. Like how can a breakup story equate to a family secret? Go figure.

Pero dahil mukhang seryoso naman ito ay kinuha na lang niya. Baka magtampo pa ang Mama niya at totoohanin ang pag-iwan sa kanya. Hindi niya kakayanin iyon kung sakali.

Sa mga susunod na araw ay nagbasa lang siya. Halos hindi na nga siya lumabas ng kwarto at ang Mama na lang niya ang nagdadala ng pagkain at pinaalalahanan siyang kumain. Ilang beses na siyang napahagulgol sa mga nabasa at minsan hindi niya alam kung iiyak ba siya o matatawa.

At ngayon nga na asa huli na siya, inilayo niya muna ang huling liham ng great grand tito niya para lang hindi iyon mabasa at matuluan ng sipon at luha. May mga parte na doon na mahirap basahin, lalo na sa mga sulat ni Manuela. Habang ang kay Pole naman ay pinagtiyagaang hindi matuluan ng kahit anong luha. But despite that, every word felt painful. It literally just stings.

Doon lang niya mas naintindihan kung bakit na-equate ng Mama niya ang family secret sa nagiging paghihiwalay nila ni Manuel. It was a heartbreaking story of hundred years ago but it mirrored what she's going through right now. What they're going through right now. Hindi man ganoon kaparehas ang timeline.

Parang isinulat nga talaga iyon para sa kanya. Sa kanila. Ang sabi nga nila, in order to not repeat history, you should learn the past. The past is in her hands and it had long ago breathed its last. Siya na ang nasa future. May magagawa pa siya.

So, with trembling hands, inabot niya ang phone niya. In-unblock niya ang dating nobyo at tinawagan niya ito. Matagal rin bago ito sumagot at kinakabahang binati niya ito.

"Manuel? Andyan ka ba? A-Are you driving?" Sunod sunod niyang wika. She felt both relief and nervousness sa pagbanggit pa lang ng pangalan nito at dahil sa naririnig niya ang paghinga ng binata. And how her heart dances at the fact that he's just on the other side. Just how much as it danced when they first talked over the phone.

[ - ]

WALA nang mailabas na luha si Apoline nang makita niya ulit si Manuel. Halos hindi na niya maalala kung bakit ba siya makipag-break rito. Ang alam lang niya ay masaya na siyang makita ito. And she never thought she could be so happy after being miserable for a week. Damn, she really missed him.

Halos patakbo na ang ginawa niya para lang mayakap agad ang binata. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at hinila ito pababa. Marahan at kinakabahan naman itong natawa bago masuyong ibinalik rin ang yakap niya. Kung makakaiyak pa siya ay iiyak pa siya pero hindi na niya magawa. Ibinaon na lang niya ang mukha sa balikat nito at huminga nang malalim.

He smelled like the home that she abandoned days ago. And he felt like the warm welcome of sunlight streaming out of open windows.

Yakap lang nito ay parang unti-unting naghihilom ang sugat na siya mismo ang gumawa. Sigurado siya na ito rin ang mararamdaman ni Pole kung sakaling binalikan niya rin si Manuela nang gabing umalis ito. Heck, if she was there, she would have carried him back to his beloved. Pumikit siya. Ito na Lolo Pole. Niyakap ko na siya. Hindi ko na siya pakakawalan.

"Emmanuel," she whispers to his ear. Pati pagbulong sa tainga ng binata ay na-miss niya. They always talk in low volumes kung silang dalawa lang. It was something special, a habit. "Marami tayong pag-uusapan."

Saglit niyang inilayo ang sarili kay Manuel at inilagay niya ang mga kamay sa pisngi nito. Mukha naman itong alanganin ngunit pinilit nitong ngumiti. Ginawaran niya rin ito ng isang masuyong halik sa noo at ngumiti. Why are you so afraid, Manuel? "Relax. It's a discussion I owe you for so long."

"...Bago 'yan..." Huminga ito nang malalim at nararandaman niya ang pagnginig ng kamay nito nang hawakan nito ang mga kamay niya. He continued nervously, "Does that mean na tayo ulit? Or hiwalay pa rin tayo? Because Apoline if you called me here just to break my heart, I'm--"

Bago pa matapos ang binata sa paglilitanya ay siniil niya ito ng halik. She missed kissing these soft lips that always made her feel better. Narandaman niya ang paggalaw ng kamay nito para sana mas palapitin siya at pati na ang paggalaw ng mga labi ng binata, ngunit agad siyang humiwalay bago pa siya nito mas makabig. "Is that enough proof for you?"

Mabilis itong nag-iwas ng tingin at namumulang umubo sa kamao. Ito nga talaga si Manuela sa hinaharap. Pati ang mannerism nito ay laging ginagawa ni Manuel. She always thought that it was cute. Napailing na lang siya at hinawakan ang mga kamay nito. "Tara sa loob. Malamig dito."

Tumango ito at sinundan siya sa pagpasok muli sa loob ng bahay. Nadatnan nila ang Mama niya na bahagyang tinanguan si Manuel para batiin. Manuel returned the gesture. Habang siya naman ay ngumiti lang sa kanyang Mama.

Iginaya niya si Manuel sa kwarto niya at pinaupo sa tapat ng bintana kung saan siya tumambay ng ilang araw. Hindi niya binitawan ang kamay nito kaya randam na randam niya ang kaba ng binata. Nanginginig pa rin kasi ang mga kamay nito. Nakakatawa na ang binata pa ang kinakabahan at takot na baka bumitaw siyang muli.

Siya na nga ang unang bumitaw.

Huminga siya nang malalim at hinarap ito bago natatawang inilahad niya ang libreng kamay. "Hi. My name is Apoline Cabrera. Mabini ang maiden name ng Mama ko. Yes, grand tito ko sa tuhod ang national hero natin na si Apolinario Mabini."

Nagtatakang tinignan siya ni Manuel ngunit hindi naman ito nagtanong. Sa halip, kinuha lang nito ang kamay niya at sh-in-ake. A ghost of a smile settles in his lips as he speaks, "Hello... Miss Apoline. It's Emmanuel... Emmanuel Salazar. Kahit Manuel na lang. Walang grand history na nakadikit sa pangalan ko tulad mo but I'd like to hear the story behind that." If only he knew.

Parehas silang tumawa sa ginawa nila. Parang ganoon rin kasi ang introduction nila sa isa't isa noong pangalawang beses silang nagkita. Hindi niya rin inaasahan na maalala pa rin nito iyon. It was nice.

She thanked herself who had the courage to finally talk to him once again. She wouldn't have imagined how her life would have turned out if she didn't make the first step of talking to the guy she just admired from the library windows.

Nang natapos na ang tawanan nila ay nagsalita siya. Sinabi niya ang lahat ng nasa damdamin niya. Ang lahat ng mga bagay na itinago niya rito. Ang lahat ng mga bagay na hindi niya nakayang sabihin dati. Ang lahat-lahat. It was funny how easy it was. Hindi niya pa kailangan tumingin rito.

Hinawakan niya lang ang mga kamay ng binata at nagsalita. At nakakagaan iyon sa damdamin dahil ngayon, she was telling the person who needed to hear it most.

Hindi nagsalita ang binata, nakinig lang ito. Tulad nang sinabi ng Lolo Pole niya sa mga liham nito ay nakita niya ang pagtanggap sa mga mata ni Manuel. At madali lang iyon na parang kahit ano atang sabihin niya ay matatanggap siya ng binata.

She's crying automatically after and she can't help but grip his hands tighter. Pwede pa rin pala siyang umiyak. Akalain mo iyon, isang linggo na siyang umiiyak tapos iiyak na naman siya. "Ma-a-accept mo pa rin ba ako, Manuel? Eventhough, I'm not perfect? Despite my status?"

Hindi sumagot ng verbal si Manuel. Inabot ng binata ang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang malayang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Maliit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya at nagsimula rin itong magsabi ng sariling mga hinaing.

He told her of all the things she noticed but didn't ask him about. He shared his raw and deepest fears. Lahat-lahat rin ang lumabas sa bibig ng binata. Hindi rin ito tumingin sa kanya, he just held her hands for strength. Hindi nga naman madaling basta i-open mo ang sarili sa ibang tao.

When he finished, ibinalik naman nito ang tanong sa kanya. "Can you accept me as well, Apoline? Heck, I'm not perfect as well. And despite the fact that I may or may not be the heir to a multi-billionaire company?"

Hindi rin siya sumagot, niyakap lang niya si Manuel. Ibinalik naman nito ang yakap niya. Ganoon lang.

Tahimik lang sila matapos noon. Humawak lamang sa isa't isa dahil sa gabing iyon, iyon na ang pinakatamang nagawa nila. Ngayon, naroroon na siya sa tabi ng binata ngayong kailangan siya nito. Ngayon, hindi na niya ito muli pang bibitawan. Heck, she'd reason with his parents if she needed to.

Ngayon, magbabago na ang lahat. Ang lahat-lahat. Dahil nasa kanila ang hinaharap at maari pa nilang baguhin iyon, nang magkasama. She's pretty sure of that.

And she probably had been when she first met him. Hindi na siguro naalala nang binata, but she met him when they were younger. Ten years old to be exact.

Ever since she was younger, Apoline had felt that there's something missing from her. Hindi siya sure kung body part ba, they checked when she asked her Mom, pero walang lumabas. Hindi rin siya sure kung bagay ba. Hindi naman sila mayaman at hindi rin naman talaga niya gustong humihingi ng mga mamahaling bagay.

As young as ten, she was aware for some reason, that there are things she can and cannot have. At dapat makuntento lamang siya sa bagay na mayroon siya kaysa sa manghingi pa ng higit roon.

Nagtaka nga ang mga magulang niya. They were expecting her to like things, younger people her age would. In fact, dinala nga siya ng Mama niya ngayon sa Toy Kingdom para daw maghanap siya ng gusto niyang bilhin. Kahit ano. Huwag raw niyang isipin ang presyo.

She looked around. Napatingin na rin siya sa mga batang kasama ang mga magulang at excited na kung ano-ano lang ang kinukuha sa estante. She wanted to do it as well.

Pero, aabutin niya pa lang sana ang barbie na asa estante pero awtomatiko lang siyang tumigil at binawi ang kamay.

"Ma," tanong niya sa Mama. "Books. Can I have books instead?"

Kumunot ang noo ng mama niya at itinaas ang barbie na kukunin niya sana. "Ayaw mo ba ito? Look, ito yung main character nung pinanood mo di'ba? Iyong Nutcracker ba iyon?"

"Mariposa po, Mama."

Ngumiti ito. "Right. Libro na lang siguro." Pinisil nito ang baba niya. "Akalain mo naalala mo talaga yun."

She smiled a little. Her parents were always amazed by how intelligent she seems to be.

Iginaya na siya ng Mama niya palabas ng Toy Kingdom at doon na sila dumiretso sa babang floor, kung asaan ang National Bookstore. Excited siyang dumiretso sa children's corner at nagsimulang maghanap ng libro.

Sa pagmamadali ay muntik pa siyang madapa dahil sa isang bata na prenteng naka-extend ang mga paa sa sahig. The kid catched her before she fell. Lumingon naman siya para mag-apologize sana, her Mom always told her to apologize if she did something wrong, and well... ang kaso natigilan siya nang makita ang bata.

It was a boy and he had sand-brown eyes. Medyo magulo ang manipis nitong buhok at medyo maputi ang balat. He had an aristocratic nose. Full lips. Slightly long eyelashes. A gentle face.

Wala itong ekspresyon kanina pero nang tumingin siya ay ngumiti ito. His smile felt like the early morning sun kissing one's skin. At hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya.

The boy panicked and extended his hands to her. Pinunasan nito ang mga luha niya. "A-Are you okay?" he asked.

At ang boses nito... parang narinig niya na noon. It was angelic. In her dreams, it was always angelic.

Hindi niya alam kung bakit pero hinawakan niya ang mga kamay nito. At mas lalo lang siyang napaluha. He kept asking why but she can't answer him. It felt like her young mind cannot understand why she's even crying so much in front of this boy.

Hindi niya alam. Pero, habang hawak-hawak niya ang mga kamay nito at halos hindi na niya ito makita sa umiiyak niyang mga mata ay ngumiti siya. It was him. The one thing she felt that was missing.

It was him.

At dahil parehas silang estranghero, at some point, her Mother took him away from him and apologized in her stead. Hindi niya inalis ang tingin sa bata kahit na palayo na sila ng palayo. He was all he could see that's why she regretted not knowing his name.

Lumipas ang panahon at ni minsan hindi na niya ulit nakita ito. Until, she transferred to Saint Louis University at her second year of College. Doon niya ito nakita. Nasa library ito at nagbabasa ng libro. Nakatalikod ito pero kahit iyon lang ang nakita niya ay agad na sumikdo ang puso niya. She placed a hand on her chest.

You're here. You're finally here again.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C21
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン