KRIIING!!!
Joel: "Hello?"
Anthon: "Bunso anong balita?"
Halatang stress na si Anthon sa boses nya.
Naiinis na kasi ito sa sa mga nangyayari sa buong maghapon.
Joel: "Kuya, parte ng ilegal na pag bebenta ng bata si Congressman Sanchez!"
Anthon: "Anong ibig mong sabihin?"
Kinakabahang tanong nito.
Joel: "May natanggap na money transfer si Congressman! May posibilidad na nasa buyer na ang bata!"
Nagpupuyos sa galit si Anthon. Pulang pula ito.
Anthon: "Walanghiya ka Congressman! Anong karapatan mong ibenta ang anak ko?!"
Hinampas nito ng malakas ang lamesa at muntik ng mahulog ang mga tasa nila na may lamang kape.
Nagulat si Enzo at Lando na kasama nya sa isang silid.
Umupa sila ng isang maliit na cottage sa isang resort sa may pantalan para meron silang matambayan habang nagiimbestiga.
Lando: "Anong sabi mo bayaw?"
Kumulo na rin ang dugo ni Lando ng marinig ang sinabi ni Anthon. Pinauulit nya ito dahil ayaw nyang maniwala.
'Bakit si baby Gab?
Bakit nangyayari ito sa pamangkin ko?'
Enzo: "Teka, huminahon kayo!"
Si Enzo na hindi rin makapaniwala sa narinig ay kinuha ang cellphone kay Anthon at sya ang nakipagusap.
Parehong mainit ang ulo ng dalawa kaya sya na ang nakipagusap.
Joel: "Kuya, makinig ka!
Enzo: " Hello Joel, si Enzo ito!"
Hindi na nagtaka pa si Joel na kinuha nito ang cellphone ng kapatid. Mukhang nabigla ang Kuya Anthon nya sa kanyang sinabi.
Joel: "Enzo, makinig ka!"
May posibilidad na nariyan pa ang buyer! Isa sa mga turista dyan! May posibilidad din na foreigner ito at baka magasawa!"
"Kailangan nyong icheck ang mga surveillance camera ng mga resort dyan!" Mag focus kayo sa mga may dalang bata at yung mga nag check out nitong huling limang oras!"
"Maraming nagbabantay sa pantalan kaya hindi yun makakalabas ng pantalan ng basta basta at mag dadalawang isip din yun na bumalik sa siyudad dahil nagdoble at naghigpit na ang mga check point kaya malaki ang posibilidad na nasa lugar na yan pa ang bata!"
Enzo: "Sige gagawin namin!"
Ipinaliwanag ni Enzo ang lahat kina Anthon at Lando ang sinabi ni Joel.
Enzo: "Kailangan nating maghiwahiwalay para mabilis!"
Lando: "Marami ang resort dito pero iilan lang ang may surveillance camera!"
Anthon: "Ipa check mo na sa iba ang mga walang surveillance! Doon na tayo sa meron!"
Inuna nila ang tatlong malaking resort pero wala silang nakitang kakaiba.
Sa ika tatlong resort na mas maliit sa nauna may napansin si Anthon.
Isang magasawang foreigner na may dalang baby girl na nag checkout. Wala pa daw tatlong oras itong nag checkout.
Ang sabi sa resort biglaan ang pag checkout nito. Wala pa daw itong 24 oras na naka check in kaya tinanong nila kung bakit.
Ang sagot ay need na daw nilang umalis dahil sa baby girl nila.
Pero ang ipinagtataka ng nagtanong e wala naman dala itong baby.
Foreigner kasi sila at madaling matandaan.
Malakas ang kutob ni Anthon na si baby Gab iyon. Hindi man nya nakita ang mukha nito dahil likuran lang ng foreigner ang nakita nila at nakalawit lang ang ulo nitong may sumbrero na pambabae at nakalawit din ang mga paa nito pero...
Anthon: "Sure ko yan! Paa yan ni baby Gab! Pareho kami ng paa!"
*****
Sa isang maliit na bahay malapit sa pantalan, may dalawang foreigner ang naroon. Dinala sila dito ng isang lalaking tutulong daw sa kanila para mailabas ng bansa ang bata.
Ito ang mga foreigner na tinutukoy ni Anthon na nakita nya sa surveillance.
"What's goin' on? I thought this will be a simple transaction?"
Natataranta na sa nerbyos ang babaeng foreigner sa dami ng mga sundalo at pulis sa paligid.
"Lucy calm down! Everything will be alright!"
"How can I calm down?
I told you not to accept this job!"
"But we don't have a choice ang you know that!"
At humagulgol na ito sa pagiyak.
"Shhh... Shhh!"
Inakap na nito ang asawa para pakalmahin.
Hindi sila ang totoong buyer. Inutusan lang sila para pick up-in ang bata.
Lalo itong natataranta kapag umiiyak ang bata.
Kaya may nilagay silang pampatulog sa gatas para makatulog na ito at hindi na umiyak.
Dinala sila ng tauhan ni Congressman sa bahay na ito para pakalmahin ang mga otoridad para isipin nilang nakalabas na ito ng bansa. Pero mukhang hindi kumagat ang mga otoridad dahil lalong naghigpit ang mga ito.
"Calm down both of you!" Help will be coming soon!"
Sabi ng tauhan ni Congressman.
"We need to go to a place. That's where the chopper is waiting for us to bring us to Boracay! From Boracay we will ride a small boat going to the ship, where Mr. and Mrs. Wilson is waiting!"
"See! I told you everything will be fine, so stop worrying!"
Pero hindi mawala wala ang nerbyos ng asawa nito.
Nagtataka na rin ang tauhan ni Congressman bakit ganito ang nangyari. Hindi nya alam kung anong nangyari bago dumating sa kanya ang bata, dahil ang trabaho nya ay asikasuhin ang buyer.
Hindi ganito dati mabilis nilang natatapos ang transaksyon, ngayon lang nangyari ang ganito.
'Anak ng ... kanino kayang anak itong pinakialaman ni Boss?'
Aminado syang kinakabahan na sya hindi nya lang pinapahalata sa dalawa. Hindi na rin kasi nya makontak si Congressman.
Ngunit gaya ng dating transaksyon nila, ang utos ni Congressman kahit anong mangyari dapat tapusin ang transaksyon.