アプリをダウンロード
87.79% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 187: Kumikilos Na Sila

章 187: Kumikilos Na Sila

Natakot ang lahat ng marinig nila ang malakas na sigaw ni Anthon.

Galit na galit ito.

Beth: "Pero... dito ko lang talaga iniwan ang bata!"

Mangiyak ngiyak na paliwanag nito.

Nilapitan sya ng asawa nyang si Rod para aluin.

Rod: "Naniniwala ako sa'yo!"

Inakap nito ang asawa dahil pareho silang natataranta sa nangyayari.

Naawa man ang lahat kay Beth pero walang lumapit sa kanya maliban sa asawa nyang si Rod. Ayaw nilang madamay sa galit ni Anthon.

Enzo: "Rod paupuin mo muna ang asawa mo para kumalma!"

Saka nilapitan nito si Anthon.

Enzo: "Pare huminahon ka at kumalma ka, kailangang kumalma ka!"

Tiningnan nya lahat ng tao sa paligid at lahat sila ay nagbubulungan.

Enzo: "Pwede bang bawasan natin ang tao dito! Yung mga hindi involve pwede ng umalis o pumunta sa kabila para madali tayong makapag isip ng solusyon!"

Napansin nyang shock pa din ang pamilya ng biktima kaya si Enzo na ang nagkusa.

Pero natauhan si Lando ng biglang pinaaalis nya ang mga tao.

Lando: "Teka sandali, hindi pa sila pwedeng umalis dahil lahat ng tao dito suspect!"

Enzo: "Pulis ka?"

Lando: "Oo at kapatid ako ni Yasmin!"

Enzo: "Good! Gawin mo ang dapat mong gawin pero kailangan nasa kabila sila at maiwan lang ang mga kapatid hipag at pamangkin ng biktima dito!"

Anthon: "Teka! Huwag, huwag mo itong irereport! Baka kung anong gawin nila sa anak ko!"

Lando: "Bakit may iba ka bang solusyon? Kakalat ang nangyari at malamang magpuntahan lahat sila dito!"

Anthon: "Kaya nga ayokong ireport mo dahil ayaw kong kumalat!"

Enzo: "Lando?"

Lando: "Oo, Bakit?"

Enzo: "Ang ibig sabihin ni Anthon, sa huwag mong ireport ay huwag mong palabasin dito ang nangyari at baka umabot sa media!

Kaya ko pinahihiwalay ang ibang tao sa pamilya para hindi na ito kumalat.

Pwede mo kang humingi ng tulong sa mga kasama mo pero kailangan nating gawin ng tahimik ito. Dahil pag kumalat, may posibilidad na malalagay sa alanganin ang lahat ng kinidnap!"

Lando: "Teka sino ka ba?"

Pero hindi na nasagot ni Enzo si Lando dahil tinatawagan na nito si Miguel.

Enzo: "Pare, may problema!"

Miguel: "Alam ko na, natawagan na ako ng mga tauhan ko at kilala ko na rin kung sino! Papunta na ako!"

Habang tinatawagan ni Enzo si Miguel, tinatawagan din ni Anthon si Gene.

Anthon: "Bro, may problema ako at kailangan kita! Kinidnap nila ang anak ko at ang asawa ko pati si Issay!"

Gene: "Sige may papuntahin ako dyan para makatulong!"

Anthon: "May isesend ako sayo, paki trace!"

Enzo: "Pre, ihahatid ko lang si Nelda!"

Nelda: "Teka, hindi ako papayag na kasama ka!"

Anthon: "Oonga Pre, pamilya ko 'to kaya problema ko 'to!"

Enzo: "Pamilya na ang turing ko kay Issay! Kaya hindi ko sya pwedeng pabayaan!"

Nelda: "Naintindihan ko, magiingat ka! Pakiusap!"

*****

"Boss, nakuha na namin, nagawa na namin ang pinaguutos nyo at pabalik na kami!"

Nag report ang lalaking nasa harapan, katabi ng driver.

"Magaling! Bilisan nyo!"

SSCCHREEECH!!!

Biglang napahinto ang van na sinasasakyan nila Issay at Yasmin at kasunod nito ay bigla ring naphinto ang kasunod na van.

"Anong nangyari? Bakit bigla kang huminto?"

Sabi ng lalaking nasa likuran ng driver.

"Pumutok ang dalawang gulong natin, sa una at sa huli!"

Kinabahan sila. Imposibleng nagkataon lang ito.

Nakiramdam ang lahat, walang kumikilos.

Si Issay tahimik din nakikiramdam.

'Mukhang kumikilos na sila!'

Ang mga shadow guard nya ang tinutukoy nya.

"Hello? .... HELLO??!!!"

Nagulat silang lahat ng biglang may mag hello.

Yung lalaking kausap kanina ang boss nila mas lalong kinabahan. Nakalimutan nyang kausap pa nya ang boss nya at hindi pa nito pinapatay ang cellphone.

"He...hello .... Bo...boss...."

"Anong nangyari?"

Ramdam nya sa boses ng kausap ang takot.

THUG! THUG!

Sabay sabay silang napatingin sa bintana ng van. May kumakatok.

Isa sa mga kasamahan nila sa isang van.

Binuksan nila ang pinto.

Pero....

Pagbukas ng pinto, hindi na nakapag salita dahil natumba na ito. May bumaril na dito.

Nagulat sila pare pareho ng makitang natumba ang kasamahan nila at nakita nila na papalapit ang bumaril dito.

Gumanti sila ng putok, pero mabilis itong kumilos at habang papalapit sya, bumabaril ito.

Tinamaan ang tatlo sa armadong lalaki at nagulat sila ng biglang sumabog ang van na back up nila.

"Bilis! Bilisan nyo, isara nyo na ang pinto!"

Sigaw ng driver

At pina andar na nito ang sasakyan kahit na pagewang gewang ang andar dahil hindi ito pantay.

Ang tanging nasa isip ng lahat ay makaalis dito.

Patuloy pa rin ang pag baril ng tatlong shadow guard at sa bawat putok ng mga ito, may tinatamaan. Kaya bago sila nakalayo walo na agad ang naitumba nila.

Buti na lang at dumating ang isa pa nilang backup na van at sila ang humarang sa mga shadow guard kaya nakalayo ang mga ito.

Nang maka layo, nakahinga sila ng malalim. Alam nilang hindi nila basta basta pasasabugin ang van na ito tulad ng ginawa nila sa isang van dahil n andito ang kailangan nila.

Pero Kinakabahan pa rin sila. Mahirap makalayo pag may problema ang mga gulong kaya kailangan nila ng backup.

Pilit na inaabot ng driver ang cellphone na nasa kamay ng kasama nya na isa sa napatay ng shadow guard.

Ito rin ang pinaka leader ng grupo kaya sya lang ang kinakausap ng Boss.

At ng makuha na ang phone, agad nitong tinawagan ang nagiisang contact na nasa phone.

"Hello Boss?"

"Sino 'to?"

"Ako po ang driver at kailangan namin ang backup!"

"Sa susunod na kanto nagaantay ang backup!"

At galit nitong ibinaba na nito ang phone. Hindi na nito tinanong ang kausap dahil nadinig nyang lahat kanina.

"Bakit nagka ganito? Bakit maraming nalagas sa mga tauhan ko? Iniwasan ko na nga si Isabel pero ganito pa rin ang kinalabasan!"

"Saan ako nagkamali ng kalkulasyon?"

Hindi pa rin nya alam na kasama nila si Isabel kaya pag dating nila sa hideout, laking gulat nya ng makitang dalawa ang dala nila.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C187
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン