Kinagabihan.
Nicole: "Ate!"
Buong ngiti nitong sabi ng makita si Nadine.
Labis labis ang tuwa ni Nadine ng makita ang kapatid. Naluha ito at hindi agad nakapagsalita.
Nadine: "Bat ang laki ng pinayat mo?"
Bakas ang pagaalala sa boses nya.
Nicole: "Nag da diet ako eh!" Hehe!"
Pabiro nitong sabi.
Naluluha na rin sya ng makita ang ate nya lalo na ng madinig nito ang sobrang pananabik at pagaalala ng kapatid.
At biglang nyang nakitang sumeryoso ang Ate nya.
Nadine: "Ano ba kasing nakain mo at naisipan mong mag layas? Hindi mo ba alam na sobrang nag aalala sa'yo ang Papa ... "
Dirediretso ito ng pagsasalita nya.
Tahimik lang na nakikinig at pinagmamasdan ni Nicole ang ate nya. Ito ang unang beses na pinagagalitan sya nito.
Kung sya pa rin ang dating Nicole, malamang sinagot na nya at tinarayan ang ate nya. Pero ngayon masaya syang nakikinig sa ate nya at hindi sya nakakaramdam ng inis ni katiting.
Na miss nya talaga ang ate nyang ito.
Napatigil si Nadine sa pagsermon sa kapatid ng makitang nakangiti ito sa kanya.
'Haaay naku, kanina pa ako nagsasalita dito hindi naman pala nakikinig. Alalang alala pa naman ako sa kanya tapos ....'
Hindi napansin si Nicole na napapangiti sya habang sinesermunan ng kapatid kaya ng biglang huminto si Nadine, dun nya napansin nakangiti pala sya.
Nicole: "Na miss kita ate!"
Nadine: "Hmp! maniwala ako sayo! Ni hindi mo nga sineseryoso ang sinasabi ko, kanina ka pa nakangiti dyan!"
Nicole: "Anlaki kasi ng butas ng ilong mo pag galit ka! Hahaha!"
Nadine: "Aba loko to!"
Sabay hawak sa ilong nya at pinisil pisil.
Lalo naman syang tinawan ni Nicole.
'Loko talaga itong batang to!'
Pero hindi nya magawang magalit sa pangiinis ng kapatid dahil sobra nya itong na miss.
Mayamaya sumeryoso si Nicole.
Nicole: "Ate ..... sorry ha!"
Nadine: "Saan?"
Saka lang naalala ni Nadine kung para saan ang sorry ni Nicole.
Nadine: "Tapos na yun!"
Pero ramdam nya na may bumabagabag pa rin kay Nicole. Mukhang guilty pa ito sa nangyari.
"Dalawa lang tayong magkapatid Nicole, kaya hindi kita basta basta matitiis!"
Nicole: "Pangako babawi ako sa'yo!"
Nadine: "Wag mo ng isipin yon! Tapos na sabi yon!"
"Pero kung gusto mo talagang makabawi ipangako mo sa akin na hinding hindi ka aalis sa pangangalaga ni Ate Issay hanggang sa maka balik ako!"
Nagulat si Nicole sa sinabi ng ate nya pero hindi nya pinahalata.
Sa puso ni Nicole kahit ano hilingin ng kapatid gagawin nya para mapatunayan nyang sincere sya. Huwag lang nyang hilingin na manatili sya sa bahay na ito!
'Bakit ba ito pa ang hiniling nya?'
'Siguro malaki pa rin ang sama ng loob ni Ate Nadine sa akin kaya ito marahil ang parusa ko!'
'Haaay!'
*****
Sa baba.
Madam Zhen: "Kinakabahan ako dyan sa ngiti mo na yan!"
Issay: "Bakit po ba inaano ba kayo ng ngiti ko?"
Madam Zhen: "Hindi ako pwedeng magkamali sa ngiti mo na yan, may binabalak ka nuh?"
Issay: "Wala po, natutuwa lang ako at nagkausap na ang magkapatid!"
Madam Zhen: "Wag mong masyadong pahirapan yang bata ha, kilala kita!"
Issay: "Wag po kayong magalala,
hindi po ako kumakain ng tao!"
Pero ano nga ba ang dahilan ng mga ngiti ni Issay.
Una: dahil natulungan nya ang kaibigang si Enzo, para mabawasan ang pagaalala nito sa mga anak at ng maasikaso na ang asawa at negosyo nya.
May planong si Issay na pumasok sa hotel business at kay Enzo nya balak sumosyo pero hindi ito maasikaso ng kaibigan dahil sa nangyayari sa pamilya.
Pangalawa: para hindi na maistorbo ang pagaaral ni Nadine. Matagal ng gustong umuwi nito para hanapin ang kapatid pinipigilan lang ni Issay.
Hindi nya hahayaan na masira ang pagaaral ni Nadine dahil ito ang napipinto nyang magiging kapalit ni Belen sakaling maisipan ng huli na iwan ang pwesto nya. Alam nyang hindi nya mapipigilan si Belen sakaling makapagdesisyon ito kaya naghahanda na si Issay ng kapalit.
At ikatlo dahil sa tuwing nakikita sya ni Nicole ilag ito sa kanya. Ramdam nya ang pagiingat sa bawat kilos nito.
'Mukhang nagaalala ang bata na baka gantihan ko sya! Hehe!'
Kaya hindi nya hahayaang mawala si Nicole sa paningin nya at malay mo sa darating na panahon mapaamo nya rin ang ilag na batang ito.
Gaya ng pangako sa kapatid, hindi umalis si Nicole sa apartment ni Issay kahit na hindi sya kumportable dito.
Sa bawat oras na makikita nya si Issay, nakakaramdam sya ng takot,
takot na baka gantihan sya nito! Kaya ingat na ingat syang magkamali, ang mahalaga may matitirhan sya ngayon.
Kahit na nakatira sila sa iisang bubong hindi nya kinakausap si Issay, tango at iling lang ang sagot nito pag tinatanong sya. Ni hindi sya makatingin ng diretso kay Issay at pagngumingiti ito, lalo syang nakakaramdam ng takot na hindi nya maintindihan.
*****
Samantala..
Hindi makapaniwala si Belen sa binalita sa kanya ng duktor nya.
Doc: "Madam, buntis ho kayo ng tatlong buwan!"
Nagpunta sya sa ospital para sa kanyang annual check up pero hindi nya inaasahan na ito ang madidinig sa duktor nya.
Belen: "Pano nangyari yon?"
Nagbibiro ka ba? Ulitin mo!"
Doc: "E, Madam nangyayari po talaga ito pagnakikipagtalik kayo!"
Belen: "Basta ulitin mo!!"
Pagka ulit ganun pa rin ang kinalabasang resulta.
Belen: "Bakit ganun doc? Sabi sa akin ng ob-gyne ko nuong nakunan ako na hindi na ako pwedeng magkaanak tapos ngayon sasabihin mo ...."
Hindi nya naisip na mabubuntis sya kaya hindi sya nagingat.
Ang tagal nilang sumubok ng namatay nyang asawa pero hindi sila nakabuo at saka kwarenta y syiete anyos na sya hindi ba dapat nag me menopause na sya?
Doc: "Madam, totoong mahihirapan na kayong magkaanak dahil sa nangyari sa inyo nuon at isa pa sa edad ninyo, pero hindi ibig sabihin hindi na kayo maaring magbuntis! May matres pa po kayo at aktibo pa sya!"
Belen: "Hindi! Hindi maaring mangyari ito!"
Natataranta na sya.
'Ang weird nitong si Madam! Ano bang problema kung mabuntis sya? Nasarapan naman sya!'