アプリをダウンロード
52.38% Cant Get Enough Of You / Chapter 11: Chapter Ten

章 11: Chapter Ten

"Kinakabahan ka nu?" asked Jaica matapos ng meeting. Nasa isang fastfood kami at kumakain.

"Kinabahan sa meeting? Hindi ah." natawa kong sagot.

"Gaga, bukas. Kinakabahan kang harapin si Leandro nu?" huminto ako sa pagkain.

"Halata ba?" Natawa si Jaica at sumimangot ako.

"Oo. Sasamahan naman kita. Ano bang kinakatakot mo?"

"What if may pamilya na sya? Kaya hindi nya na ako binalikan?"

"Sa tingin mo ba meron?" sandali akong napaisip sa tanong nya. Kung meron, paano na? Wala na ba talagang pag asa na maging masaya kami ng anak ko?

"Bahala na bukas.. Kung ano man ang sasabihin nya tatanggapin ko.." ngumiti si Jaica.

"Tama yan. Relax ka lang. Okay.." hindi ko alam kung mananatili akong maging kalma. Kahit ba na matagal kong pinagdasal ang pagkikita namin. Heto, kung kailan ilan oras nalang ang hihintayin ko, para naman binibiyak ang dibdib ko.

Umuwi na ako, after namin kumain ni Jaica. Dumaan muna ako ng mall para sandaling bilhan ng ilan gamit ni Lenard sa school saka ako umuwi. Nagpagabi na akong bumalik sa bahay.

"Mama!!" sigaw ng anak ko ng makita palang nya ako sa pintuan. Tumakbo sya saka niyakap ako ng mahigpit na halos lumaylay na sya sa leeg ko.

"Wait lang Baby. May dala si Mama.." sabi ko sabay abot sa kanya ng paper bag.

"Wow! New pencils and notebooks!" galak nyang sinabi at kinuha ang dala ko. Nagmano ako kay Papa na nasa sala at nanonood ng tv habang si Mama nasa kusina at nagluluto na. Naaamoy ko na ang piniritong tilapia sa kusina.

Si Lenard naman nasa mesa at nagbabasa. Kalat kalat pa ang mga gamit nya sa school.

"May assignment ka ba?" I asked him ng balikan ko sya.

"Tapos na po ako Mama!" ngumiti ako at hinagkan ko ang bata. Kahit papaano nababawasan ang pagod ko dahil sa pagiging independent nya. Kapag uuwi ako ng pagod hindi ko na iniintindi ang mga assignments at projects nya dahil tinatapos nya na agad. Kapag exams naman, nagrereview na sya agad.

"May activity ba sa school nyo next week? Nagtext sa akin ang teacher mo. May babayaran daw kayo?" tumango sya.

"Meron po. Buwan ng wika po." binuksan ko ang wallet ko at may laman pa para pambayad ng costume nya. Naupo ako at sandaling nagsalin ng tubig sa baso.

"Sige. Magbabayad ako sa Friday." pinagmasdan ko ang anak ko habang inaayos nya ang mga gamit nya.

"Nga pala Mama!" nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw. He looks excited.

"Bakit?" Agad kong tanong.

"Nakita ko po si Papa!" Halos masamid ako sa iniinom sa sinabi nya. Biglang lingon naman nina Papa at Mama sa amin.

"A-ano? Nakita mo si P-Papa mo?" Nanginginig kong tanong.

"Opo!"

"Saan? Saan mo nakita?"

"Sa magazine po." naguluhan ako sa sinagot nya. Saka huminga ng malalim, lumingon ako kay Papa na nakikinig sa amin.

"Sa magazine? Baka naman namalikmata ka lang."

"Hindi po!" sa tono nya para talaga nyang nakita ang tatay nya. I know Lenard, if he said something, its true.. Kapag nakita nya, nakita nya. Paano magkakamali ang anak ko sa nakita nya?

"Kanino yun magazine?"

"Kay Mam Sandra po." nagulat ako. Si Sandra ang homeroom teacher nya.

"Anong sinabi mo nung nakita mo ang Papa mo sa magazine?"

"Sinabi ko po na tatay ko yun.. Nagulat po sila. Tapos po sabi nila tatay ko daw artista daw ba? Sabi ko hindi." napahawak ako sa noo ko. Malaking problema ito. Lalo at unti unti ng lumalabas ang totoo.

"Okay.. Umm-- next time you see your Daddy on a magazine, newspaper or anything.. Don't tell it to anybody, sa akin lang o kaya kina Mommy La at Daddy Lo. Okay." tumango ang bata, at nakahinga ako ng maluwag.

Nacurios tuloy ako kung saan magazine nakita ni Lenard ang Tatay nya. Sa tono nya kanina hindi talaga sya nagkakamali na nakita nya ang ama nya. Pero hindi magandang pahiwatig yun, dahil anytime maari nyang malaman na lahat ng sinasabi ko kanya isang kasinungalingan lang.

Umakyat ako ng kwarto para magbihis. Humiga ako sandali para ipahinga ang utak ko. Pumikit ako.

"Leandro..

Hindi ko namalayan nakatulog ako. Hindi na nga ata ako nakapagbihis at pag gising ko yun pa din ang suot ko. Nagising nalang ako sa pagtakbo ng anak ko sa kwarto ko. Nagpaalam sya at ramdam ko ang paghalik nya sa pisngi ko. Saka lang ako dumilat at oo, ngayon araw ako babyahe ng Makati para harapin na si Leandro at ang naiwan nyang obligasyon sa anak ko.

Tumayo ako para maligo at maghanap ng susuutin. Sandali pa akong nagtagal sa pag iisip dahil hindi ko alam anong susuutin ko.

"Bahala na. Kahit ano nalang. Kakausapin ko lang naman si Leandro. Hindi ako kailangan magpaganda!" Nanguha ako ng isang pair ng jeans at blouse sa closet ko. Saka pumasok ako sa loob ng bathroom.

Magkikita kami ni Jaica sa Ayala. Para kasing hindi ko kakayanin harapin sya ng mag isa kaya minabuti ko ng isama ang kaibigan ko. At least may resbak ako.

Sandali akong naligo at nagbihis. Nagdala lang ako ng isang shoulder bag saka lumabas na ako ng kwarto ko. Nasa sala si Mama at naglilinis. Nagpaalam lang ako bago umalis. Si Papa kasi nasa pasada na.

Nagsuot lang ako ng plain doll shoes then tumuloy na ako. Sumakay ako ng bus papuntang Makati. Halos isang oras ang byahe ko papuntang Ayala. Nagtext na si Jaica na naghihintay na sya sa akin. Habang ako naman, natutuliro na.

Sumakay nalang ako ng taxi matapos ako ibaba ng bus. Nagpahatid ako sa Ayala Hotels na malapit lang sa Imperial.

"Dito na po tayo Mam." paalala ng driver saka ako nagbayad at bumaba. Kitang kita ko sa harapan ko ang mataas na building ng Ayala. Halos malula ako habang nakatayo ako sa harapan nito. Dahan dahan akong lumakad papasok sa loob para hanapin ang kaibigan ko. Then nakita ko kaagad si Jaica sa may lobby at naghihintay.

Agad nya akong sinalubong. Sabay niyakap. Panandalian nawala ang kaba ko.

"You're ready?" dahan dahan akong tumango na parang hindi sigurado. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Para bang sasabog ako anytime. Inakay ako ni Jaica palabas na muli ng Ayala. Lalakad kami papuntang Imperial na halos katabi lang na gusali.

"Mr. Imperial! Mr. Imperial!" nagulat kami ni Jaica sa kasalubong namin. Isang grupo ng mga reporter ang nakapalibot sa isang lalakeng naka all black suit at nakasalamin itim. Pinagkakaguluhan sya ng mga kumukuha ng interview sa kanya habang hinaharang naman iyun ng mga kasama nyang bodyguard.

"Pwede, maghintay nalang kayo sa presscon nya!" Sigaw ng isang babaeng naka pencil skirt na itim at off shoulder na blouse. Sa itsura nya, mukha syang secretary.

Natulala ako habang pingmamasdan ko ang lalakeng nakasalamin. Sa wangis ng mukha nya. Sa tangos ng ilong nya, at postura ng pangangatawan. Hindi ako pwedeng magkamali!

Si Leandro yun!

"Jaica!" napakapit akong mahigpit sa kaibigan ko.

"Bakit?" nagtataka nyang tanong.

"Its Leandro." sabay turo ko sa lalakeng naka all black suit. Hindi ako pwedeng magkamali.. Sya yun. Ang kulay ng buhok nya na hazel brown walang pinagbago.. At gayundin ang, tangos ng ilong nya, ang katawan nya, at ang mga labi nya. Sya yun!

"I need to talk to him!" Pagpipilit ko kay Jaica. Hinatak ko sya para sundan ang isang pulutong ng tao na papuntang elevator. Hinahabol ng paningin ko si Leandro at hindi ko sya pwedeng pakawalan.

"Reena! Paakyat sila ng second floor!" Sigaw ng kaibigan ko ng makita namin sumakay sila ng elevator at naiwan ang mga paparazzi na hinarang ng mga guards.

Mabilis kong hinila si Jaica pasakay ng isang elevator paakyat ng ikalawang palapag. May iilan kaming nakasabayan empleyado.

"Kakausapin mo na ba sya?" bulong ni Jaica sa akin. Mabilis akong tumugon. Ito na ang pagkakataon ko para malaman lahat ng kasagutan sa bigla nyang pagkawala at hindi man lang pagpaparamdam ng limang taon. Limang taon na nagdusa at nangulila ang anak ko ng walang kinikilalang ama. Obligasyon nya kami.

Huminto ang elevator at mabilis kaming lumabas saka namin hinabol si Leandro. Nakarating kami sa isang kwarto. Parang isang opisina.. Natanaw ko sa malasalamin pader si Leandro na naupo saka hinubad ang coat nya. Sinampay nya yun sa may couch na inuupuan nya.

"Wag mo sabihin! Papasok tayo dun!" tanong ni Jaica sa akin.

"Of course!" Halatang nagulat sya sa sagot ko. Desperada na ako para sa anak ko. Kailangan nya ng ama!

"Lets go!" Hatak ko si Jaica na tumatangging pasukin namin ang loob. Pero nagpumilit na ako at basta kaming pumasok na hindi man lang kumatok.

"Leandro!!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan. At isang lalake ang nakadekwatrong nakaupo sa couch habang iniinom ang isang basong may laman tequila. Nakatingin sya sa akin.

Muli ko nanaman nakita ang asul nyang mga mata na parang asul na ulap. Limang taon ko syang hindi nakita pero sobra ko syang namiss. Wala syang pinagbago, sya pa din si Leandro.. Ang lalakeng minahal ko, at mahal ko pa din.

"WHO ARE YOU!!" Nagulat ako sa biglang pagtaas nya ng tono ng makita ako. Nasa likuran ko lang si Jaica na umaatras na dahil sa bigla namin pagpasok ng walang paalam.

"Hindi mo na ako nakikilala?" Mabilis kong tanong sa kanya. Imposible na hindi nya ako makilala.

"Wala akong kilalang tulad mo!" sunod pa nyang singhal at nagsalubong na ang kilay nya. Parang hindi si Leandro ang nagsasalita. Parang ibang tao.

"Its me Reena! Yun nakilala mo sa Star Cruise 6 years ago!" pagpupumilit kong pagpapaalala sa kanya na minsan may nakilala syang babae at minahal nya.

"Wala akong kilalang REENA! Just get out or ayaw nyong ipadampot ko kayo sa guards!" Nagulat si Jaica at agad na akong hinatak. Nagpumiglas ako.

"Umalis na tayo Reena!" Bulong nya.

"No! He should know na may anak sya! At may responsibilidad sya sa anak nya!" sigaw ko at muling lumapit kay Leandro.

"What the fuck! You're still here!!" sigaw nya at hindi ako nagpatinag.

"LEANDRO! May anak ka sa akin!! Dapat mong panindigan si Lenard!!" sigaw ko sa kanya at natigilan sya. Sandali syang nag isip.

"Please.. Accept your kid. He needs you.." pagmamakaawa ko.

"Wala akong anak!" sagot nya.

"Paanong wala! We had make love! You and I did it on the cruise!!" pagpapaalala ko at inakma ko syang hinawakan sa braso nya.

"I'm not Leandro!!" nagulat ako sa sigaw nya. Bigla ko syang nabitawan. Hindi sya si Leandro? Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali.. Ang kaharap ko ngayon ay sya.. Si Leandro .. Ang lalakeng minahal ko sa barko..

"Reena. Halika na.." hinila ako ni Jaica. Hindi ako makapagsalita. At hindi mawala ang titig ko sa lalakeng kaharap ko. Paano nya nasabing hindi sya si Leandro?

"Ikaw si LEANDRO!!" Sigaw ko sa kanya. Lalo syang nanggalaiti sa sinabi ko at binato nya ang basong may laman alak. Nagulat kami ni Jaica.

"I'm not the fucking LEANDRO you know!! He's dead!! My brother is DEAD!!" nabingi ako sa sinabi nya. At parang nagkagulo gulo ang utak ko. Kusang umagos ang luha sa mga mata ko at parang nanlambot ako. Nakatingin pa din ako sa lalaking nagsasabi na hindi sya si Lean at sinabi nyang patay na ito. How?

"Lets go.." hinatak ako ni Jaica paalis sa kwartong yun. Saka mabilis na sumakay ng elevator.

Is it true? Leandro is dead?

Bumuhos ang luha ko habang nasa elevator kami. Niyakap ako ni Jaica at pinunasan ang luha ko. Ang buong akala ko buhay sya. Pero sino ang lalakeng nakausap ko kanina? Magkahawig sila ni Leandro.. Para silang kambal..

---

"My god! What happened here!" gulat na sigaw ni Anna pagkapasok sa kwarto.

"Someone barge in." sagot ng lalakeng nakaupo.

"Who is it?" Nag aalalang tanong ni Anna.

"I think its Leandro's girlfriend from the cruise." nagulat ang babae.

"She found you.?" tumango ang lalake.

"Yes.. And she thought I was Leandro. Mukhang hindi nya alam na may kapatid si Lean."

"And then?"

"She said Leandro has a kid." Halos naspeechless ang babae sa narinig.

"My god! So its true! May anak si Lean. Tama ang sinabi nya."

"Malaking problema ang iniwan nya."

naiinis nitong tono.

"Bakit naman? Kapatid mo si Lean.. At  ngayon may anak sya dapat mo yun panagutan.."

Tok! Tok!

Nagulat ang dalawa sa kumatok.

"Mr. Liam Imperial? The presscon will start for about a minute.. Lets get you ready." tumayo si Liam sa kinauupuan nya.

"Okay. Lets go!" Lumabas na ito dala ang coat nya.. Naiwan lang mag isa si Anna.

"I need to know sino ang babaeng yun.." She said herself saka hinabol si Liam.

---

A/N:

Expect some errors and hope you enjoy :)

Dont forget to vote.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C11
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン