アプリをダウンロード
42.85% Cant Get Enough Of You / Chapter 9: Chapter Eight

章 9: Chapter Eight

8

Hinatid ako pauwi ni Jaica. Pero wala ako sa sarili ko. Iniisip ko ang mga sintomas sa katawan ko. Imposible naman na mabubuntis ako. We had only two nights making love. Wala sina Mama at Papa kaya naisipan kong dumaan sa drugstore para bumili ng PT.

"Reena!" nagulat ako sa tumawag sa akin. Agad kong binulsa ang binili ko.

"Nakauwi kana pala?" bati ng kababata ko na si Jaypee. Kapitbahay namin sya at isa sya sa dumalo sa kasal.

"Oo, nung nakaraan pa. Bakit nga pala hindi kita nakikita?" tanong ko.

"Sa Cebu ako nadestino kaya madalang na ako umuwi dyan. Mukhang okay kana? You seem happy." nagulat ako sa sinabi nya. Masaya? Kung alam lang nila.

"I guess." ngumiti ako. Tinapos ko na ang maikling kamustahan namin. Agad na akong bumalik sa amin. Pagkauwi ko, nagkulong ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang maliit na kahon na may laman directions paano gamitin ang PT. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung susubukan ko, what if its positive.. Bibigyan ko nanaman ng panibagong problema sina Mama at Papa dahil sa pagiging mapusok ko. Pero andito na, kailangan ko harapin at hindi ito basta basta matatakasan ko lang.

Hawak ko sa mga kamay ko ang PT. Naguguluhan na ako.

"Leandro.. Kailangan kita ngayon.." I whispered .. Hindi ko namalayan nakatulog ako.

Inabutan na ako ng kinabukasan. At dahil gumising ako ng maaga para ipagluto sina Mama ng breakfast. Sinubukan ko na din gamitin ang PT.

Naglakas loob na ako kahit na 50/50 ang chance na buntis ako.

Pero kung totoo nga, kailangan ko itong panindigan.. Kahit na yun ang pinagkait sa akin ng mga lalakeng minahal ko.

Pumasok ako ng cr. Umihi ako at tulad ng nakalagay sa directions, kukuha ako ng kaunti at ilalagay sa bilog na butas. Saka mag appear kung two lines buntis ako at kapag single line, negative.

Hinintay ko na mag appear lang ang isang linya pero unti unti ng lumulutang ang pulang linya.

Tuluyan na akong nanlumo sa nakita.

I am pregnant..

Paano ko ito sasabihin kina Mama?

Na nabuntis ako ng isang lalakeng iniwan ako sa barko? Ano nanaman katangahan ang ginawa ko?

Hindi ako makalabas ng cr. Gusto ko nalang magkulong sa kwarto. At para na din akong nanghina sa nalaman ko.

Ring!

Nagulat ako ng tumunog ang phone ko.

Nasa study table ko sya. Kinuha ko yun. Nabasa ko pa ang text ni Jaica. Naalala ko na mag apply kami ulit ngayon. Pumayag na ako. Gusto ko kasing sandali makalimutan ang problema at malibang. Agad na akong naligo ng replyan ko sya. Then naghanap ako ng maisusuot kong formal attire.

Pagbukas ko ng closet, nakita ko ang isang dress na naka hanger. Kusa nalang naluha ang mga mata ko. I saw the dress Lean bought for me. Parang nagflashback sa akin ang mga nangyari at ngayon ang bunga ng isa ko nanaman pagkakamali. Kung mag kakaanak na nga ako, paano ko sya bubuhayin ng mag isa? Walang ama na kinikilala. Hindi iyun ang pinangarap ko. I want a complete family for my kid like I have. Pero paano pa nga ba matutupad yun ngayon?

Matapos ko magbihis umalis na ako ng bahay. Pinuntahan ko si Jaica sa Sm Megamall. Dun kami magkikita at mag aapply. Sa daan na din ako nag ayos. Hinawakan ko ang tyan ko habang sakay ako sa bus. Kung ako lang ang bubuhay sa kanya, dapat ngayon palang mag sikap na ako, makahanap ng trabaho. Tama.. Oo at lalaki sya na walang tatay pero di ako magkukulang ng pag aaruga sa kanya. Pinalakas ko ang loob ko.. Alam ko hindi ko ito maitatago kina Mama ng matagal, dapat sabihin ko na din bago nila madiskubre sa iba.

Bumaba ako ng bus saka dumiretso sa entrance ng mall. Hinanap ko si Jaica na nasa tapat ng Jollibee at naghihintay. Nakita ko sya doon at may kausap. Hindi ko alam na may kasama sya.

"Sa wakas. Dumating kana." salubong nya sa akin. Humalik lang sya sa pisngi ko pero nasa lalakeng kasama nya ang atensyon ko.

"Sino sya?" I asked Jaica.

"He's a friend of mine from SunLife Insurances. Hiring sila at tutulungan nya tayong mag apply." natuwa ako sa magandang balita ni Jaica. Igagrab ko na yun para di na ako hirap maghanap ng trabaho. Sumama kami sa kaibigan nya na nagpakilalang Chris. Mabait sya, gwapo at fresh. Fresh dahil mas matanda kami ng tatlong taon sa kanya.

Dinala nya kami sa opisina nila sa Eastwood. May dala syang shuttle na syang sinakyan namin.

---

Ginabi na ako nakauwi dahil sa one day processing ng pag apply namin. Mabuti nalang hinatid pa ako ni Jaica pauwi. Inaatake nanaman kasi ako ng pagkahilo. Nakita ko na ang sasakyan ni Papa sa garahe kaya for sure nasa loob na sila. Hindi na pumasok pa si Jaica at nauna na din umuwi.

Pagkapasok ko sa loob. Nakita ko si Mama sa kusina.

"Nandito na po ako." matamlay kong paalam bago umakyat ng kwarto ko. Pero bago pa man ako makahakbang sa hagdan.

"May dapat ka bang sabihin sa amin Anak?" nagulat ako sa tinanong ni Papa. Lumingon ako sa kanilang dalawa. The way Papa looks at me, mukhang alam na nila.

Bumaba ako ng kusina. Nakaupo si Mama habang nasa gilid nya si Papa. Natatakot ako magsalita.

"Pa." malungkot ang mukha nya.

"Reena. Nakuha ko ito sa kwarto mo. Ipaliwanag mo sa amin.." nilapag ni Mama ang kahon ng PT sa mesa. Wala na akong kawala, maitatanggi ko pa ba?

"Sorry Ma." tumulo na ang luha ko. I've been a failure to them. At hanggang ngayon..

"Sino ang ama?" naluluha nyang tanong. Hindi na ako makapagsalita. Dahil hindi ko alam paano ko sasabihin na nagpakatanga nanaman ako sa pag ibig at naging mapusok. Hinayaan kong mahulog sa isang butas na hindi na ako makakaahon.

Naramdaman ko ang yakap ni Papa sa akin. Kahit hindi ako magsalita, alam na nya agad. Pero si Mama..

"Ano ka ba naman Reena! Pinayagan ka namin umalis dahil nasaktan ka! Pero yun gumawa kana nanaman ng problema! Ginusto mo na yun. Anak! Hindi ka namin pinagtapos para maging disgrasyada!" galit na si Mama. Pero ano bang maikakatwiran ko. Nagkamali ako. At dapat harapin ko ito.

"Tama na Clara. Hindi naman yun sinasadya ng anak mo." kalma sa kanya ni Papa.

"Kakalma! What if malaman ni Cora ito. Edi lalo pang tama na iniwan sya ni Joseph dahil lumandi na sya agad sa iba!" nagulat ako sa sinabi ni Mama. Masakit yun. Lalo at sa kanya nanggaling. Malandi nga ba talaga ang tawag sa babaeng nagmahal lang at nagtiwala? Malandi nga ba ako kaya nagbunga ito?

"Anak mo ang nasaktan.! Iniwan sya ng tarantadong lalake na yun!" sigaw ni Papa.

"Pero hindi pa din tama na makipagkalantaran sya sa ibang lalake na di nya kilala! Tapos ano nabuntis sya! Nagmumukha na tayong kahiya hiya!" naluha ako. Sumisikip na ang dibdib ko.

"Sino ang magiging ama nyang anak mo!" sigaw ni Mama. Hindi ako makasagot. Sino nga ba? Pangalan at itsura lang nya ang alam ko.

"Tayo ang tatayong pangalawang magulang ng bata! Hindi nya kailangan ng ama para masabing may pamilya sya!" katwiran ni Papa. Napalingon ako sa kanya.

"Rodolfo naman! Kailangan ng bata ang tunay nyang ama! Anong klaseng lalake ba yan na pinatulan mo! Walang paninindigan!" kung alam lang nila kung anong klaseng tao si Leandro. He's way too far unlike to Joseph. He's kind, gentle at wala naman syang alam na may anak kami dahil kung alam man nya, iiwanan nya pa ba ako?

"Makinig ka Clara! Mas kailangan tayo ni Reena para sa anak nya! Apo mo na yun dala nya. At wala na tayong pakealam sa sasabihin ng iba!" pakiusap ni Papa. Bumuntong hininga nalang si Mama. Pero I know galit pa din sya. Nag walk out sya. Pumasok sya sa kwarto nila ni Papa habang ako umiiyak pa din. Kalong ako ng ama ko.

"Reena.. Wag kana umiyak. Hindi ka disgrasyada. At yan anak mo hindi bunga ng disgrasya. Tandaan mo yan." paalala ni Papa. Tama sya. Dahil ito ay ginusto namin. At hinding hindi ko pagsisisihan na nagkaanak ako kay Leandro.

Pinagpahinga na ako ni Papa. Makirot ang puson ko kaya nahiga na muna ako. Kahit na tinanggap ni Papa ang pagkakamali ko, tama si Mama ginawa ko nanaman silang kahiya kahiya.

---

Parang isang telenovela ang buhay ko.

Hindi ako sinipot ng lalakeng pakakasalan ko, umalis ako at may nakilalang isang binata sa barko, we've fall inloved and now nagbunga ito. Pero naglaho sya. Hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya.. Para sa akin at para sa anak ko.

Naging maselan ang pagbubuntis ko.. Palagi ako nahihilo at nagsusuka. Kaya minabuti nina Papa na dalhin ako sa OB. Lagi ako nagpapacheck up every month. Minsan kasi may cramp bleeding ako. Lagi ko naman kasama si Jaica. Alam nya na ang nangyari sa akin and like every bestfriends do, sinuportahan nya ako sa gusto kong gawin.

Natanggap kami sa SunLife. Kaya kahit buntis ako ng limang buwan. Pinilit kong magtrabaho. Tulad nga ng sinabi ni Mama, kahihiyan ang dinulot ko. Kaya ng mabalitaan sa amin na buntis ako, nagsimula na din ang walang kamatayan chismis tungkol sa ama ng anak ko. Kung bakit wala sya? At sino sya?

Masakit sa akin na maging laman ng chismisan sa amin. Pero ano magagawa ko, this are the consequences.. At hindi ako pwede matinag dahil lang dun. Kailangan ng anak ko ng mas matatag na ina.

"Bilisan mo Jaica!" pagmamadali namin makarating sa OB. Ngayon ko na kasi malalaman ang gender ng baby ko. At talagang excited na ako.

"Wait lang buntis ha!" natawa ako kay Jaica. Pagkadating namin sa clinic, agad kaming sinalubong ng OB ko. Nagsimula ang check up at ultrasound ko. At awa ng Diyos kahit hirap ako sa pagbubuntis healthy naman ang baby ko.

"Just relax okay.." bilin ng OB ng itapat nya sa tyan ko ang isang hugis telepono na ginagamit sa ultra sound. Paikot ikot nya itong ginagapang sa tyan ko na para bang hinahanap ang baby ko. Sa isang monitor sa harapan namin, nakikita lahat ng nasscan ng ultrasound.

"Thats the heartbeat." turo ng Doctora sa monitor. Ngumiti ako at ganundin si Jaica.

"So ano na pong gender ng inaanak ko?" asked ng kaibigan ko.

"Well, your baby is uhh.." She paused and..

"Boy!" nagulat kami ni Jaica. Bigla nalang akong naluha sa narinig. Lalake ang anak ko.

"May ipapangalan kana ba kay inaanak ko?" Galak na tanong ni Jaica sa akin. Napaisip ako.

"Hmm.. Lenard.. Lenard.. Imperial.." Naexcite si Jaica sa narinig at ganundin ako.

Binigyan ako ng picture ni Doctora sa ultrasound ng anak ko. Nagalak akong ipakita ito kina Papa at kahit alam kong may tampo pa din si Mama. Hindi pa kami nag uusap simula ng malaman nya ang kalagayan ko at hinahayaan ko nalang tulad ng sabi ni Papa. Lalambot din daw yun.. Pag lumabas na ang anak ko.

"Papa!" sigaw ko ng makauwi ako. Nasa gate palang ako, tinawag ko na sya at sinalubong nya ako sa pinto.

"Magdahan dahan ka, baka naman madapa ka nyan!" paalala nya. Inaya ko sya sala at binaba ang gamit ko. Nasa kusina si Mama at nagluluto. Nilabas ko ang picture. At pinakita kay Papa.

"Papa. Alam ko na gender ni Baby! Its a boy!" matagal ng gustong mag anak ni Papa ng lalake kaya lang babae ang pinagbuntis ni Mama. Kaya I know na sobrang saya nya ng malaman na anak ang lalake ko. Para sa kanya may junior na sya.

"Clara! Tignan mo yun apo natin! Gwapo na agad sa picture palang!" natatawa ako sa excitement ni Papa. Nakita ko si Mama na tinignan ang picture at naluha sya. Ngumiti ako. Alam ko na masaya din sya. At kahit papaano, masaya na din ako. Na kahit wala si Leandro sa ngayon, may pamilya ako na gumagabay sa akin. At gagawin ko din sa anak ko.

Hopefully.. Mapalaki ko sya ng maayos.

---

A/N:

Salamat sa support and keep on reading and voting :)

Expect some error guys!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン