アプリをダウンロード
87.71% Skinned and Murdered / Chapter 50: Kabanata Sampu [1]: Katapusan

章 50: Kabanata Sampu [1]: Katapusan

"Sino ang nag-utos sa inyo?! Sino ang taong nasa likod ng lahat ng ito?!" asik ni Kariah at idinampi sa pisngi ni Luke ang hawak-hawak na patalim, nanginginig ang kaniyang kamay at kating-kati na itong gilitan ang leeg ng lalake.

"H-Hindi ko s-siya k-kilala, w-walang nakakakilala sa kaniya."

"H'wag kang magsinungaling!" bulyaw niya rito at saka marahas na hinila ang kuwelyo nitong nabahiran na ng dugo.

Gamit ang kutsilyo ay walang pag-aalinlangan niyang pinunit ang damit nito, tinastas niya ang manipis na tela hanggang sa tuluyang tumambad ang hubad na katawan ng lalake. At hindi nga naman siya nagkamali, sa dibdib nito ay naroon ang kaniyang hinahanap na tattoo, ang itim na tatsulok na matagal na niyang tinataniman ng galit. Saglit lamang niyang binalingan si Tobias at sa isang tingin lang ay naintindihan naman nito ang nais niya na hawakan ng maigi ang lalake upang 'di matumba kung sakaling magwawala, saka nalipat nito kay Luke na pawisan at humahalo na sa dugo ng pisngi at ilong nito ang butil-butil na pawis buhat ng takot.

At sa hudyat niya ay marahan niyang idinampi ang matulis na dulo ng patalim sa paligid ng tattoo, sa isang tulak pa ay agad na bumaon ito at napaigik ang lalake sa hapdi, "Para sa buhay ng ina ko," aniya at hiniwa pababa ang balat kasabay ng paggapang ng dugo animo'y hinahabol ang kaniyang patalim, "para sa 'king ama," dagdag niya at nilaslas ang balat pakanan kung kaya't napasigaw na lang ang lalake sa sakit na hatid nito, "para kay Mikael," tiim-bagang niyang pahayag nang manlumo sa sinapit ng kapatid at saka ginuhit ang hiwa paitaas ang balat ng lalake.

"Hayop ka!" sigaw ng lalake sa kaniya nang tumigil siya sa paghiwa at hinayaang umagos ang malapot na dugo nito mula sa sugat pababa sa suot-suot na pantalon.

"At ito'y para sa 'kin." asik niya at saka humiwa pakaliwa na kumunekta sa guhit ng hiwa sa unang nahiwa na bahagi, marahas naman ang pagpupumiglas ng lalake dahil nga sa napakahapdi talaga nito, lalo na't napakababaw ng sugat at balat lang talaga ang pinupuntirya ng babae.

At nang magtagpo ang hiwa ay nakagawa na rin ng parisukat na sugat si Kariah sa dibdib ng lalake---sa paligid ng tattoo, hinila niya ito at saka dahan-dahang hiniwa mula sa ilalim upang tuklapin ang balat paalis. Labis na  itong nagdurugo, bagay na nagpapadulas sa balat na hawakan, idagdag pa ang pagpupumiglas ng lalake at mabilis na pagbaba at pag-angat ng dibdib ay mas lalo siyang nahirapan. Pero pursigido naman siya sa pagtapyas nito paalis sa katawan, dinahan-dahan niya ang paghiwa ng kumakapit na laman nito upang madama talaga ng lalake ang sakit at nang makita niya rin ang paghihirap sa mukha nito.

Sa kabilang dako naman ay parang mawawalan na ng malay ang lalake sa tindi ng sakit na nadarama, kahit kaunti lamang ang ginagawang sugat ng babae pero ang ideyang nakikita niya ang pinaggagawa nito at binabalatan siya ay naghahatid talaga sa kaniya ng kilabot kalakip ang 'di mawaring sakit. Pero ininda lamang niya ito kahit na nagtatalo na ang dilim at liwanag sa harap ng kaniyang paningin, bagkus ay nagpakatatag siya sa harap ng babae at dinaing ang lahat ng sakit. Nagtitimpi lang siya at naghintay ng tamang pagkakataon bago umatake, alam niyang napakahigpit pa ng kaniyang sitwasyon pero para sa kaniya ay may tsansa pa rin siya laban sa dalawa. Sa ngayon ay kailangan niya munang tiisin ang lahat at pilitin ang sarili na magkamalay sa lahat ng gagawin ng babaeng nagngangalang Kariah.

"Tangina mo!" asik ni Luke nang tuluyang napunit ni Kariah ang balat nito; daing ito nang daing sa sakit ng nadarama.

Nginitian lang din naman ito ni Kariah bilang sagot at saka ipinakita sa lalake ang nanlalambot na balat, nanlilisik naman siyang tinitigan nito at saka dinuraan sa mukha. Pero mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas, muntikan na sana niyang mabahiran ng nagdurugong laway sa labi o kaya'y sa pisngi. Saglit niyang ibinulsa ang balat nito at saka seryosong hinarap ang lalake, umaasang bibigyan na siya ng magandang sagot nito ngayong ginawa na niya ang kaniyang parte.

"Sino ang nag-utos sa inyo?!"

"W-Walang n-nakakakilala s-sa kaniya, gumagamit s-siya ng iba't ibang t-tao p-para sa pagpapadala ng m-mensahe." Sagot nito na iniinda ang hapdi ng sugat sa dibdib   na napapatakan ng pawis.

"Nagsasabi siya ng totoo Kariah, walang nakakakilala sa pinuno; sa tuwing tumatawag ito sa 'min o nag-iiwan ng mensahe ay ibang tao ang humaharap sa 'min." singit ni Tobias na sinusuportahan ang pahayag ni Luke.

"Kung ganon, wala ka nang silbi pa para sa 'kin." Aniya na dismayado sa nakuhang sagot.

"Patayin mo na siya Kariah, paniguradong paparating na ang iba niyang kasamahan matapos ang sinapit nina Marvin at Johan."

Dahil dito'y wala nang pinatagal pa si Kariah at walang pagdadalawang-isip na sinaksak si Luke sa tagiliran, parang papel na napunit ang laman nito at dumulas lang papasok ang patalim; ramdam niya ang laman-loob nitong napakalambot sa loob kalakip ang dugong malapot na bumubuluwak palabas. Nanlilisik ang mga mata ng lalake at tiim-bagang nitong iniinda ang tindi ng sakit sa katawan, sa pinapakita nito ay mas lalo siyang naengganyo at marahang inikot-ikot ang patalim sa loob ng kalamnan nito upang mas lalo itong pahirapan

"P-Puta ka!" asik nito na hirap sa paghinga dulot ng patalim.

Iniwanan niya ang patalim na nakabaon sa loob pa rin ng katawan nito at saka kinapa ang bulsa ng kaniyang suot-suot na jacket kahit na balot na balot ang kaniyang kamay. Hinugot niya palabas ang preskong balat na pagmamay-ari ni Luke kalakip ang apat pang balat na kinuha niya no'ng nakarang mga araw na natuyo na at nagsimula nang mangitim. Buong-lakas at mariin naman niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalake gamit ang kabilang kamay at mariin itong pinisil upang buksan ang bibig nito, saka walang pagdadalawang-isip niyang isiniksik ito sa loob ng bibig ng lalake na marahas ding nagpupumiglas sa pandidiri. Pero hindi talaga ito nakakagalaw pa masyado sapagkat kahit simpleng paghinga lang nito ay kumikirot na ang kaniyang buong katawan; mas lalong ramdam nito ang pagkapunit ng lamang-loob gano'n na rin ang sakit na nangingibabaw sa kaniyang sistema.

"Kainin mo 'yang hayop ka! Lunukin mo!" bulyaw ni Kariah habang todo-tulak ng laman patungo sa lalamunan ng lalaki, pero hindi niya ito tuluyang napasok pa nang biglang kagatin ni Luke ang kaniyang daliri.

Malakas siyang napahiyaw nang madama ang talas ng ngipin ng lalake na bumabaon sa kaniyang daliri, bago pa man magtagpo ang ngipin nito at maputol ang daliri niya ay mabilis niyang inikot ang patalim sa sikmura nito at sinapak din ito, sa sakit na nadarama ay muli itong napasigaw na nagtulak sa lalake upang bumitaw. Sa galit ni Kariah ay marahan niyang hinugot ang patalim at saka puwersahang ibinaon pabalik, kung kaya't malakas itong napahiyaw na umalingawngaw sa buong palapag; nakakabingi man ito para kay Tobias, pero ang palahaw ni Luke ay parang musika sa tainga na umaaliw kay Kariah. At agad namang sinuka ng lalake ang mga balat na muntikan na nitong malunok, ubo ito nang ubo at dumura ulit ng pinaghalong dugo at laway, saka napapadaing ulit nang mangibabaw ang sakit ng patalim na pinupunit pa ang kaniyang bituka.

"Alam mo ba ang pangalan ng mama ko?" tanong ni Kariah at dahan-dahan na namang hinugot ang patalim.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C50
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン