アプリをダウンロード
64.91% Skinned and Murdered / Chapter 37: Kabanata Pito [3]: Angil ng Sugatang Buwaya

章 37: Kabanata Pito [3]: Angil ng Sugatang Buwaya

ISANG LINGGO ANG LUMIPAS at nanatili si Kariah at Tobias sa boarding house ng babae upang magtago, sa pitong araw na nagdaan ay unti-unti namang naghilom ang kaniyang mga sugat, pero hindi ang mga sugat niya sa puso na muling nadagdagan at 'di man lang nalunasan. Nag-iwan ng bakas ang mga sugat na napilat na magiging palatandaan sa kaniyang malaking tungkulin—ang tuluyang burahin sa mundo ang Black Triangle. Ngunit sa kabila nito ay nagdadalawang-isip pa rin siya at nagsimula nang kuwestyunin ang kapasidad ng sarili, labis pa rin siyang nanlulumo sa kamatayan ng lalake at wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang sarili, nag-aalangan na rin siyang magawa ang tungkuling ngayong wala na si Steve at hindi niya natitiyak kung maipagpapatuloy pa niya ang paghihiganti.

Hindi niya rin maiwasang hindi matanong ang sarili, naisip na kung sana hindi siya nanghina no'ng gabing yun, maaaring mabibigyan pa ng sapat na oras si Steve upang makalayo sa kuwartong yun. Kung sana ay nilakasan pa niya ang sariling loob ay paniguradong lapnos lang din ang natamo ng lalake. Kung kaya't sa puntong ito ay ayaw niyang isipin na ang katagang "everything happens for a reason", dahil sa nagdaang taon para sa kaniya ay purong pasakit at wala man lang siyang naranasang tuwa; hindi niya alam kung ano nga ba ang pinaplano para sa kaniya ngayong labis na siyang pinagmamalupitan ng panahon; hindi niya maalala kung kailan siya tumawa ng malakas at mabibilang lang ang ngiti niyang tunay.

Kung may pinaplano nga sa kaniya ay batid niyang kamatayan na ito, dahil sa hirap ng dinanas niya at siya na lang itong natitira ay ramdam niyang sa hukay pa rin ang hantungan niya; hindi na siya umaasa pang magiging maayos ang lahat matapos ito ngayong marami na siyang napatay, at umaasa pa rin siya na marami pa siyang papatayin na idaragdag niya sa hukay bago siya mamatay.

"Kariah? B-Ba't gising ka pa?" tanong ni Tobias nang magising ito, agad naman nitong kinapa mula sa ilalim ng unan ang relos at tinignan kung anong oras na ba, "Alas dos na ng madaling araw, matulog ka na."

Natigil naman siya sa malalim na pag-iisip at mabilis na pinahid ang mga luha habang siya ay nakatalikod, "Hindi ako makatulog Tob'," mahinang sagot niya at dahan-dahang hinarap ito, nagkatitigan lamang sila at tipid siyang nginitian ng lalake saka nito muling ipinikit ang namumulang mata, "Binangungot na naman ako." Dugtong niya.

Nanatili pa ring nakapikit ang lalake ngunit niyakap naman siya nito ng mahigpit, isiniksik siya nito sa matipunong dibdib at doon malaya niyang naririnig ng marahang pintig ng puso nito, "Nandito lang ako." Sagot nito at muling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nila.

Yumakap na lang din siya pabalik at saka malalim na napabuntong-hininga, sa katahimikan ay 'di niya inaasahang maisip na may Tobias pa palang nag-aalala para sa kaniya, nakalimutan na naman niya ang pangako ng lalake na hindi siya iiwanan nito. Hindi man ito kagaya kay Steve kung mag-alaga, pero pinakalma ng lalake ang kaniyang sarili sa tuwing siya ay nilulunod ng takot, at pinapalagay nito ang kaniyang loob.

Ngunit ang katahimikan at kapayapaan ng madaling araw ay ginambala nang biglang bumukas ang kanilang pinto kasunod ang kaguluhan. Agad siyang napabalikwas ng bangon kasabay ang lalake, akmang huhugutin na sana niya ang baril sa ilalim ng kaniyang unan pero sadyang huli na ito nang makita niyang binaha ng mga pulis ang kaniyang silid. Bigla siyang nanginig sa takot sa nakita, pinagpawisan siya ng malamig at saka nahirapang huminga sa katotohanang natagpuan nito ang kaniyang pinagtataguan.

"H-H'wag kang manlaban K-Kariah, papatayin ka nila." Narinig niyang bulong ni Tobias mula sa kaniyang likod na namumulta at hindi mapakali.

"Itaas ang inyong mga kamay!" sigaw ng pulis na agad nilang sinunod.

"Kariah Centinales at Tobias Zamora hinuhuli ka namin sa salang pagpatay…"

Parang nabingi siya sa kaniyang nakita at narinig, hindi siya makapagsalita at nablangko na lang ang kaniyang isipan. Sunod niyang namalayan ay ang pagsugod ng mga pulis na dumampot sa kanila ni Tobias, hindi na niya halos marinig ang mga pinagsasabi ng mga otoridad at naramdaman na lang niyang marahas siyang pinadapa sa kaniyang higaan at pilit na inilagay ang kaniyang kamay sa likod, ilang saglit pa ay naramdaman na lang niya ang malamig na posas na pumulupot sa kaniyang magkabilang pulupulsuhan at ang mararahas na kamay na dumadampi sa kaniyang nakalantad na balat.

Parang papel ang pakiramdam niya sa puntong yun at walang ibang umaalingawngaw sa kaniyang isipan kung hindi ang pagkatalo niya. Nagpatangay na lang siya at hindi na nanlaban pa, kahit nakapanloob lang siya ay hindi ito alintana sa kaniya sapagkat ang isipan niya ay natuon sa katotohanang dito na magtatapos ang istorya niya. Hanggang sa nakalabas na rin siya ng sariling boarding house at kitang-kita niya ang mga nagkagulong mga kapit-bahay niya na kahit walang sinasabi ay natatakot sa kaniya at itinatakwil ng mga ito; lahat ay titig na titig sa kanila at hinuhusgahan, kalakip din ito ang media na pilit silang kinukunan ng video upang ibalita. Nakapaa lamang siya habang nilalakad nila ang sementadong daan palabas at hindi niya ramdam ang lamig at talas ng iilang mga batong nagkalat sa daan, sa halip ay mistulang namanhid ang kaniyang katawan at wala talaga siyang nararamdaman.

At ilang metrong lakaran pa ay nakalabas din sila sa gate at ipinasok silang dalawa sa loob ng container van, itinulak sila't sunod-sunod silang nagsibagsak sa malamig na sahig nito. Hindi pa sila nakakakilos nang sumara ang pinto at agad namang lumukob ang kadiliman sa kanilang kinalalagyan. Ilang saglit pa, kasabay ng pagkabuhay ng makina ng sasakyan ay nagliwanag naman sa loob ng pulang liwanag mula sa dalawang bumbilya na nasa kisame. Nang saktong tumakbo na ang sasakyan ay agad silang napabangon at nagkatinginan; walang nagsalita, tahimik lamang si Kariah na tinitignan si Tobias na naka-boxer's brief lang at nanlulumong napayuko. Kahit hindi sinasabi ng lalake ay alam niyang dismayado ito at natatakot sa sunod na mangyayari, bagay na ikinabahala rin niya.

"K-Kailangan nating l-lumabas dito Tob', a-ayoko pang makulong." iyak niya nang maglakas-loob siyang subukang kausapin ang lalake, "T-Tumayo ka."

"Hindi na tayo makakatakas pa 'Riah, tignan mo ang sitwasyon natin."

"Kailangan din nating sumubok."

"Para saan pa?!" bulyaw nito na nanlilisik ang mga mata at litaw na litaw ang mga ugat sa leeg at noo nito, "Para saan pa, ngayong hawak na nila tayo?"

"Para sa hustisya ng pamilya ko!" sigaw niya pabalik at muling nagbagsakan ang mga luha ng kaniyang mata.

"Kariah wala na! Matapos ito ay papatayin na nila tayo! May kapit ang Black Triangle sa gobyerno kaya hindi na tayo sisikatan pa ng araw. Malalaman na lang ng lahat kalaunan na nanlaban tayo at itatambak nila ang ating bangkay sa sapa."

"H-Hindi!" iyak niya at paulit-ulit na hinampas ang ulo sa kinasasandalang metal na dingding.

"Kung tatakas ka Kariah, bilisan mo. May limang minuto na lang tayo bago makarating sa presinto."


クリエイターの想い
XenontheReaper XenontheReaper

XN: Kariah (n.) /Ka-ra-ya/.

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C37
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン