アプリをダウンロード
40.35% Skinned and Murdered / Chapter 23: Kabanata Apat [4]: Ang Pagsapi

章 23: Kabanata Apat [4]: Ang Pagsapi

HINDI PA SUMISIKAT ANG ARAW at makulimlim pa rin ang kapaligiran, yakap-yakap ang sariling katawan na balot na balot ng jacket ay dinama niya ang kapayapaan ng madaling-araw at ang lamig ng panahon na nanunuot sa laman. Nakaupo lamang siya sa isang pahabang upuan na direktang nakaharap sa mga malawak na lawa habang nililibang ang sarili sa pinapakinggang kanta.

"T-Tashia,"

Dahil sa mahina naman ang volume ng kaniyang pinapakinggan ay agad siyang napatingin sa kaliwang gawi kung saan nagmumula ang boses ng lalakeng tumawag sa kaniya, at gaya ng inaasahan niya ay naroon si Tobias na nakatayo't may suot-suot na itim na jacket na may disenyo at tatak na Black Triangle. Nang pansinin niya ito nang maigi ay napuna niyang puyat na puyat ang lalake base sa laki ng eyebags nito at matang matamlay, pero ang mas nakakakuha talaga ng kaniyang pansin ay ang medical bandage na nakatakip sa ilong nito na marka ng kaniyang ginawa kahapon,

"Mag-isa ka lang ba?" tanong niya matapos alisin sa magkabilang tainga ang earphone.

"Oo," sagot naman nito at seryoso siyang tinitigan.

"Kung gano'n, maupo ka rito sa tabi ko." Alok niya sa lalake, "Basta't siguruhin mo lang talaga na walang nakasunod sa---."

"Wala Tasiah, alam kong seryoso at sigurado ka sa pagbabanta ng buhay ng pamilya ko, saka biniyak mo pa 'tong ilong ko." Pagputol nito sa pahayag niya at agad na inukupa ang bakanteng bahagi ng upuan upang tumabi, "Ayoko ng mas malala pa ro'n."

"Mabuti naman. Heto," saad niya at inabot sa lalake ang folder na may lamang mga dokumento kalakip ang panulat, "Nariyan ang mga larawan at pangalan ng mga miyembro na nakuha ko sa Facebook page n'yo, pati na rin ang mga nagkokomento at mga naka-tag sa bawat larawan. Gusto ko lang kumpirmahin at markahan mo kung sino-sino riyan ang nasa gabing yun; yung mga gumahasa at naglibing sa 'kin." Nanginginig niyang utos habang pinipigilang bumagsak ang nagbabadyang luha sa mga mata niyang umiinit.

"S-Sige," tinanggap naman ito ng lalake binuklat kaagad ang folder saka sinimulang basahin ang nilalaman, pero sandali itong natigilan at napatingin sa kaniya matapos makita ang marka sa mukha ng kakilalang si Jansen, "I-Ikaw ba ang pumatay sa kaniya?"

"Oo, pati na rin si Joshua at Emil." bunyag niya at pinahid ang nanunubig na mata at saka napatikhim upang pawiin ang panunuyo ng lalamunan at alisin ang kung anong bumibikig dito.

"P-Pero buhay pa si Emil."

"Hindi na siya magtatagal pa, malalagutan na siya ng hinginga bago pa man siya makakaapak sa labas ng ospital." Aniya habang iniisip kung anong pinakamagandang paraan ng pagpatay, "Ikaw? Isa ka rin ba sa gumahasa sa 'kin, Tobias?" tanong niya't mahigpit na hinawakan ang patalim na nakakubli sa hibilya ng kaniyang sinturon.

"Hindi," diretsong sagot nito.

"Paano ko naman masisiguro yun?"

"Dahil hindi ako kasing-sama nila, hindi ako demonyong hinahanap mo Tasiah." Seryosong saad nito at tinitigan siya sa mata upang patunayang hindi siya nagsisinungaling.

"Sige na simulan mo na 'yan. Hindi natin kontrolado ang oras at marami pa akong itatanong sa 'yo." Tanging nasabi niya at binitawan ang patalim bilang pagtitiwala rito.

Agad namang sumunod ang lalake at masusi nitong kinilatis ang mga mukha na nasa papel, tahimik nitong inalala ang mga kaganapan sa gabing tinanggap na sila ng grupo; binalikan niya ang kaganapan kung kailan biglang dumating ang isang babaeng walang kamalay-malay sa seremonya na kalaunang pinagpyestahan ng mga kalalakihan.

"Maliban sa pagbebenta ng droga, ano pa ba ang ibang trabaho ng Black Triangle?" tanong ni Nevada sa kalagitnaan ng kanilang pananahimik.

Saglit namang natigil ang lalake, "Gaya no'ng sinabi ko sa 'yo, nagbebenta kami ng droga. Kaming mga baguhan sa grupo ang inuutusang maghatid nito sa kaniya-kaniyang buyers rito sa syudad o sa karating lungsod, at inuutusan din para sa mga community service. Kumbaga, kami ang utusan." Ani nito at nagpatuloy na sa paglalagay ng ekis sa mga larawan, "Samantalang yung mga matataas sa 'min ay sila ang tumatanggap ng maruruming trabaho; pagpatay, proteksyon ng mga malalaking tao rito sa syudad ng Brisven, at pagpapatakbo ng negosyong droga at armas."

"Para saan ang community service?"

"Mas mahirap raw kung itatago namin ang grupo, kung kaya't napagdesisyonan ng lahat na isapubliko ito at gumawa ng mabubuting bagay; paglilinis at pag-aayos ng mga paaralan bago ang pasukan, paglilinis ng baybayin, outreach programs, upang takpan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng ilegal na mga transaksyon dito."

"Nasabi mo sa 'kin kahapon na protektado kayo ng gobyerno, sino-sino o ano-ano ang konektado sa grupo n'yo?"

"Ang punong-lungsod, si Mayor Wesley Aranyes,"

"Sino-sino pa?"

"Siya lang," sabi ng lalake, "At kontrolado niya ang lahat ng sektor,"

Sa pinahayag ng lalake ay nasabi niyang hindi pala puwedeng magpadalos-dalos lalo pa't parang lahat ng tao ang kalaban niya, mistulang napapaligiran siya ng daan-daang mga mata ng Black Triangle, "Kilala na ba nila ako?" tanong niya't saglit na binalingan ng tingin ang lalake.

Napatingin din ito sa kaniya kung kaya't nagtagpo ang kanilang mata at nagkatitigan, "Ang grupo ay naalarma na dahil sa natunugan na nila na iniisa-isa mo ang mga miyembro, kung kaya't mas naging maingat na ang lahat at iniimbestigahan na ang mga nangyari. Pero kagabi ay naghinala sa 'yo si Wayne nang makita niyang namamaga yung ilong ko, lalong-lalo na sa kung paano ka nakapasok gayong mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng ibang tao sa bahay."

"Ah yung lalakeng matangkad ba? Oo, sinundan niya ako kagabi. Pero napatay ko na siya bago pa niya ako maunahan."

Napatigil ang lalake, "P-Pero hindi ka niya ginahasa, Tasiah. Inosente siya…" nanlulumong turan nito nang manghinayang sa buhay ng kakilala.

"Masisira niya ang plano ko at ayokong mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Isa pa ay hindi rin siya inosente, miyembro rin siya ng grupo. Ikonsidera mo na lang na collateral damage si Wesley." Saad niya.

Walang masabi ang lalake sa pinahayag niya, napailing na lang ito at napabuntong-hininga, "Heto na, minarkahan ko ang lahat ng nanggahasa sa 'yo at yung mga 'di mo nasali ay inilista ko na rin diyan." Tiniklop na rin nito ang folder at ibinalik sa babae, "Siguro naman 'di mo na itutuloy ang pagbabanata mo."

"Oo, totoo ako sa mga salita ko. Salamat." aniya at tinanggap ang folder, "Narito rin ba ang pumatay sa pamilya ko?" tanong niya't tinignan ang mga minarkahan ng lalake.

"H-Huh? H-hindi ko alam na patay na ang pamilya mo Tasiah."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C23
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン