アプリをダウンロード
22.8% Skinned and Murdered / Chapter 13: Kabanata Dalawa [4]: Unang Atake

章 13: Kabanata Dalawa [4]: Unang Atake

Hawak-hawak ang piraso ng balat ng lalake ay isinilid niya kaagad ito sa isang resealable plastic bag at sinigurong nakasara ito bago ipinasok backpack upang itago.

Pinabayaan niya muna ang lalake na indahin ang natitirang sakit sa katawan at tinignan ang butcher's knife na nakasalang sa apoy. Napansin niya kaagad na nagbago na ito, napakatingkad na ng kulay nitong pula na nakakamanghang tignan.

Walang pagdadalawang-isip niyang itinabi ang bitbit na cutter sa lababo at dali-daling hinawakan ang hawakan ng butcher's knife at inalis ito sa apoy. Sa kabila ng pagbabaga ng kutsilyo ay konting init lamang ang nararamdaman niya sa hawakang gawa sa kahoy.

Nang ipakita niya ito sa lalake ay naipinta ang 'di maipaliwanag na hitsura sa mukha nito; lubos itong nagimbal at parang naiiyak na sa takot na baka kung ano na namang pagpapahirap ang gagawin sa kaniya.

Ngunit, sa kabilang dako ay ikinatuwa naman ito ni Nevada. Walang mapaglalagyan ang galak ng puso niya na makitang naghihirap ang lalake ngayon sa harapan niya, bagay na gustong-gusto niya talagang gawin noon pa.

"Natatakot ako para sa 'yo at baka maubusan ka ng dugo." Aniya sa lalake may halong pekeng pag-aalala, "Kaya h'wag mo munang bitawan 'yang sandok sa bibig mo.

Umungol ito at bayolenteng nagpumiglas nang ipresenta niya sa lalake ang kutsilyong nagbabaga pa. Umiiyak pa rin ito at marahas na umiiling, batay sa aksyon nito'y parang alam ng lalake ang susunod niyang gagawin.

"Madali lang 'to," bulong niya sa lalake at saka pabiglang inilapat ang nagbabagang butcher's knife sa binalatang dibdib nito.

Umusok ang dibdib ng lalake at ramdam niyang marahang lumubog ang kutsilyo sa balat nito, animo'y tinutunaw nito ang kaniyang balat at dumidikit na sa bakal.

Hindi na nakayanan pa ng lalake ang matinding sakit at kumawala ang nakakabinging sigaw niya dulot ng napakahapding pagpaso ng nagbabagang kutsilyo sa dibdib niya, nabitawan niya ang sandok na kagat-kagat at napahiyaw ng buong lakas.

Biglang naalarma si Nevada at agad niyang niresolba ang nangyari; malakas niyang sinuntok ang leeg ng lalake gamit ang malayang kamay at pinuntirya ang gitnang bahagi nito. Tumahimik nga ang lalake't napatigil ito sa paghiyaw nang mistulang nabulunan ito, panay ito sa pag-ubo animo'y may gustong iluwa.

Nang masigurong 'di na sisigaw pa ang lalake ay dahan-dahan niyang inalis ang nakalapat na kutsilyo sa dibdib nito. Batid niyang kumapit talaga ang balat nito sa kutsilyo 'pagkat ramdam niyang may nasama sa kaniyang paghila. Sumigaw ulit ang lalake sa sakit na nadarama, ngunit iba na ang tono nito; naging mas magaspang ang putol-putol na boses nito at parang nahihirapan na ang lalake sa pag-usal.

Ibinalik niya kaagad ang kutsilyo sa pagkakasalang sa apoy at hinayaan ito na muling uminit. Kinuha naman niya ang basahan na nakasabit sa ibabaw ng lababo at mabilis itong ipinasok sa nakangangang bibig ng lalake.

Pwersahan niyang napuno ng basahan ang bibig ng lalake at ito'y halos masuka dahil sa pagtulak niya. Ang mga mata nito'y namumugto dahil sa kakaiyak at sa pakiramdam na may malaking bagay na nakasilid sa sariling bibig at lalamunan.

Nang tignan niya ang dibdib ng lalake'y nag-iwan ng pamumula ang gitnang bahagi nito dulot ng natuklap na balat. Sa paligid naman nito'y nangingitim na ang balat at nagsimula na rin itong mamaga. Sa sinapit ng dibdib ng binata ay natitiyak siyang bahagyang nabura ang bakas ng simbolong sumira sa buhay niya.

"Ngayon, kung ayaw mong maragdagan 'yang sugat mo sa dibdib. Kailangan mo akong bigyan ng sapat na impormasyon." Utos niya sa lalake saka tinalikuran ito.

Tinungo niya ang sariling bag sa lababo at kinuha mula sa loob ang isang kwaderno at ballpoint pen bilang panulat. Dinala niya ang mga ito pabalik sa binata at inilapag sa mga hita nito na walang tigil sa panginginig.

"Kakalasin ko ang duct tape ng sa mga braso mo dahil isusulat mo ang nararapat na sagot sa bawat tanong ko." Aniya, "Kung susubukan mo namang manlaban sa 'kin, natitiyak kong unang babaon ang bala ng baril ko sa ulo mo." Banta niya.

Malakas na tumango ang lalake't humihikbing na pumayag sa plano niya. Iyon na ang naging hudyat para sa kaniya upang kunin ang cutter sa lababo at gamitin ito sa paghati ng nakabalot na duct tape sa braso ng lalake.

Napaungol ang lalake sa hapdi nang biglaan niyang inalis ang duct tape, ramdam na ramdam nito ang panandaliang hapdi at kati na dulot ng pagkabunot ng mga balahibo sa braso. Ngunit may nagpaiwang hapdi pa rin sa kamay ng lalake at iyon ay ang naiwang bakas ng napakahigpit na pagkakabalot ng duct tape.

Bago pa man siya maunahan ay hinugot niya kaagad ang baril mula sa holster at itinutok ito sa ulo ng lalake, "Sino ang lalakeng kumukuha ng video sa 'kin ng gabing iyon?" Tanong niya habang pilit na inaalala ang bangungot ng nakaraan.

Nanginginig na iginalaw ng lalake ang sariling kamay at pinulot ang panulat, inalis niya ang takip nito at saka binuklat ang kwaderno. Sa unang pahina nito'y inilapat niya ang dulo ng panulat at sinimulang isulat ang mga pangalan na hinihingi ng babae.

Tutok na tutok si Nevada sa pahina ng kwaderno kung saan kasalukuyang isinusulat ng lalake ang sagot. Iilang letra na rin ang naisulat nito nang mabasa niya ang unang bahagi ng pangalan na ibinunyag. Sa kaloob-looban niya ay bigla siyang nakadama ng nag-iinit na galit, 'di niya mapigilan ang sarili na paulit-ulit na murahin ang kung sino man itong taong naging parte sa pagsira sa buhay niya.

Ilang sandali pa'y matagumpay ring naisulat ng lalake ang isang pangalan sa kabila ng paghihirap dulot ng pinasong dibdib. Mistulang nakahinga na ito ng maayos nang magawa niya ang inuutos ni Nevada.

"Sino ang lider ng Black Triangle?"

Biglang napatigil ang lalake at mistulang nagulat ito sa tanong niya. Napansin niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa panulat at napatingin sa kaniya ang lalake na may 'di maipaliwanag na hitsura; para bang nag-aalinlangan ito at kinakabahan.

"Huling ulit ko na lang 'to," aniya, "Sino ang lider ng grup---"

Imbes na makakuha ng sagot ay bigla siyang inatake ng lalake; gamit ang panulat na hawak nito ay sinubukan siyang saksakin sa sikmura nang makakuha ito ng pagkakataon. 

Ngunit ito'y pumalya nang maagapan niya ang atake ng lalake; nagawa niyang umilag at umatras sa distansyang 'di aabutin ng kamay na may hawak na panulat. Dulot ng nabigong atake, sa kakaabot nito kay Nevada ay nawalan siya ng balanse at kasama ang upuan ay bumagsak siya't sumalampak sa sahig.

Napailing si Nevada sa inis dulot ng inaksyon nito. Hindi na siya nakapagpigil pa't ikinasa ang baril na hawak at direktang itinutok sa kaliwang mata ng binata. Ang daliri niya'y nakaabang na sa gatilyo ng baril at sabik na sabik nang kalabitin ito.

"Jansen?"

Napatigil siya nang biglang umalingawngaw ang boses ng babaeng kumakatok mula sa labas ng apartment. Nang balingan niya ng tingin ang lalake ay mas nagsimulang alisin nito ang nakasiksik na basahan sa bibig niya, animo'y nabuhayan ng loob nang marinig ang taong may maaaring tumulong sa kaniya.

"Pasensya na, mukhang mamadaliin ko na lang 'to." Bulong niya kay Jansen na umuungol.

Buong-lakas niya itong sinabunutan saka paulit-ulit na inuntog ang ulo sa malamig na sahig. Doon lamang siya tumigil nang mapansing hinang-hina at hilong-hilo na ang binata; tumigil nga ito sa paghila ng basahan mula sa bibig at malalim lamang itong napapasinghap ng hangin.

Habang hindi pa nakakagalaw si Jansen ay agad niyang hinila ang slide ng baril. Tumilapon palabas ang nakaantalang bala nito at hinayaan lamang niya itong gumulong kung saan. Dulot ng limitadong oras ay mas pinili niyang iligpit ang baril pabalik sa holster.

"Jansen, nandiyan ka ba? Natutulog ka na naman. Pagbuksan mo 'ko rito!" Sigaw ulit ng babae sa labas na halos sirain na ang pintuan sa pagkatok.

Dali-dali naman niyang inabot ang iniwanang cutter sa lababo at dinaluhan ang lalakeng umiiyak. Walang pagdadalawang-isip niyang idinantay ang dulo ng patalim sa kaliwang bahagi ng leeg ng nito at ibinaon ng iilang sentimetro. Bumulwak ang dugo't nagsigapangan ito pababa ng leeg nang mas ibaon pa niya ilang pulgada ang cutter. Hanggang sa mapansin niyang naibaon na niya ng buo ang kulay pilak na parte ng patalim ay ro'n lamang niya ito binitawan at hinayaan sa leeg ni Jansen.

Tumayo siya na hawak-hawak ang kwaderno at pinabayaan lamang niyang maghingalo ang binata habang ibinabalik niya sa backpack ang kwaderno at iilang gamit niya. Naririnig niyang panay ito sa pag-ubo ng may garagal na tunog dulot ng dugong kumakalat at lumabas sa bibig nito. Ipinagsawalang-bahala lamang niya ito at tinungo ang cabinet sa ilalim ng lababo at binuksan ito upang maghanap ng kung anong bagay na pwedeng gamitin niya.

"Jansen? Lumabas ka na nga! 'Yong sapatos mo narito sa labas kaya pakiusap h'wag mo na akong patagalin pa rito. Palagi na lang ganito, Jansen. Nakakainis na." Bulyaw ng babae sa labas na halatang galit na galit na.

Saktong may isang container naman na kumuha sa kaniyang pansin at iyon ay agad niyang inilabas. Dali-dali niyang binuksan ito at ibinuhos ang laman na gas sa katawan ni Jansen. Batid niyang malapit na itong malagutan ng hininga dahil bilang na lang ang malalalim nitong pagsinghap at nakapikit na rin ito.

Nang mabasa niya ang buong katawan ng lalake ay agad niyang sinilaban ito gamit ang lighter na dala-dala. Isang kurap lang ay biglang binalot ang katawan ng lalake ng apoy at sinimulan na siyang kainin nito.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C13
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン