アプリをダウンロード
96.99% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 127: Not Her

章 127: Not Her

Ayradel's Side

Nagising ako dahil sa liwanag at dahil sa mumunting ingay na noong nagtagal ay lalong lumalakas...

Nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang umiikot ang buong paningin ko noong sinubukan kong dumilat, ngunit kahit ganoon ay naging mas malinaw pa ang ingay na aking naririnig.

"This is all your fucking fault!" sigaw na tinig na isang lalaki. Sigurado akong si Richard iyon. "Ikaw ang dahilan kung bakit napunta sa lugar na iyon si Ayra!"

Sinubukan kong unti-unting igalaw ang aking hinliliit.

"I'm sorry, I'm sorry..." sabi ng tinig na sa tingin ko ay si Jayvee. Ginawa ko ang lahat para makita kung anong nangyayari.

Hawak ni Richard si Jayvee sa kwelyo habang nakasandal ito sa pader. Si besty ay nakatayo lamang malapit sa kanila, habang si Suho naman ay sinusubukang pigilan ni Richard.

"Hindi ako ang nagtulak kay Ayra," sabi muli ni Jayvee.

"Sinungaling ka!"

"Si Jae Anne!"

Natahimik silang lahat ng ilang sandali. Gusto kong magsalita kaso nga lang ay hindi ko magawang biglain ang sarili ko.

"Jae Anne have my phone, kahapon pa 'yon nawawala sa akin. Hindi ako ang nagtext kay Ayra na makipagkita kung hindi si Jae Anne..." lalong idiniin ni Richard si Jayvee sa pader.

"Richard..." hinahabol ko ang aking hininga noong sinabi ko iyon... para bang nagamit ko ang lahat ng lakas ko.

Agad na nabitawan ni Richard si Jayvee nang marinig iyon. Lahat sila ay nagsipuntahan sa harapan ko nang makitang gising na ako.

"Besty..." sabi ni Lui.

"Ayra..." naga-alala ngunit masaya ring sinabi ni Richard. Biglang nawala ang galit na nakikita ko sa kanya kanina. Napalitan iyon ng saya. "Gising ka na. Thanks, God." dugtong niya habang hinahalikan ang likod ng palad ko.

Dumating si besty na may dala nang baso ng tubig. Inalalayan niya ako upang mainom iyon agad.

"Salamat sa Diyos at nagising ka na, besty. I texted Tita Myra already, I'm sure papunta na rin sila ngayon. " sabi ni Lui nang ininom ko na 'yong baso ng tubig na ibinigay niya.

Marahan akong ngumiti at napatingin kay Jayvee na ngayon ay nasa bandang pintuan pa rin kung saan siya kinwelyuhan ni Richard kanina.

Naalala ko ang nangyari noong bago ako malunod. Yes, Jayvee texted me na makipagkita sa kanya.

__________

"Bakit ikaw ang nandito?" tanong ko kay Jae Anne nang siya ang sumipot imbis na si Jayvee. Ngumisi siya habang naglalakad palapit sa akin.

"Hindi ka pa nasanay. I did this too noong highschool pa tayo, don't you remember?"

Naalala ko 'yong nagtext rin sa akin si Jayvee para makipagkita sa Park na malapit sa amin. But I ended up seeing them fighting. Doon ko nalaman na ginamit lang pala ako noon ni Jayvee, na para sa akin matuon ang atensyon ni Richard at hindi kay Jae Anne na totoong mahal niya.

"Oo nga naman, bakit hindi ko naalalang kahit kailan ay tuso ka." nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Ano na namang kailangan mo, Jae Anne?"

____________

Napahawak ako sa ulo habang inaalala ang nangyari noong araw na iyon. Agad namang dumalo sa akin sina Richard.

"Ayra..." naga-alalang sabi niya.

"Besty..." sabi rin ni besty.

Ngumiti ako ng marahan para ipaalam sa kanilang huwag silang mag-alala. "Okay lang ako... medyo masakit lang sa ulo."

"Magbabayad talaga ang Jae Anne na 'yan." galit na sabi ni besty.

Kunot ang noong tinignan ko siya. "Bakit, besty?" sabi ko. "Bakit magbabayad si Jae Anne?"

"Besty, hindi mo ba matandaan? Si Jae Anne ang may gawa sa iyo nito. Tinulak ka niya sa swimming pool hindi ba?"

Marahan akong umiling-iling na siyang ipinagtaka nila.

"Hindi niya ako itinulak, besty." sagot ko, saka ko muling binalikan ang araw na iyon...

___________

"Ano na namang kailangan mo, Jae Anne?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot agad, bagkus ay tumungo siya at marahang ngumisi. Dahil doon ay parang kinilabutan ang buong pagkatao ko. Kumabog ng napakalakas ang dibdib ko.

Parang natigil ang mata niya sa bandang paanan ko.

"Ayra, huwag kang gumalaw-"

Nang akma siyang lalapit sa akin ay nakapagdulot iyon ng matinding kaba sa akin kaya napaatras ako ng hindi ko inaasahan. Sa pagatras ko ay nasa edge na pala ako ng swimming pool. Na-out-of-balance ako kaya tuluyan na akong nahulog sa pool.

____________

Tinignan ko ang mga nalilito nilang mga mukha.

"That's what I wanna say earlier..." sumingit si Jayvee sa usapan. Napatingin kami sa kanya. "Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Ayra ay agad kong hiningi ang kopya ng CCTV footage. Kakabigay pa lang rin sa akin nitong kaninang madaling araw. At nalaman kong iyon nga ang nangyari." aniya. "I don't have my phone so I sent it on your email, Richard."

Inilabas ni Richard ang phone niya at ni-click ang sinasabi ni Jayvee na video.

Doon sa video ay tumugma ang kinwento ko, ngunit noong mahulog ako sa pool ay napaupo sa takot si Jae Anne na para bang hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Tumingin siya sa paligid at saka tumakbo palayo.

Hindi ko alam kung bakit parang kinurot ang puso, hindi dahil sa galit dahil hindi niya ako tinulungan, pero dahil sa awa sa kanya. Malamang ay iniisip niyang siya talaga ang pagbibintangan dahil sa nangyari sa akin.

"I want to see her." iyon ang nasabi ko matapos makita ang video. Hinarap ako ni besty na hindi makapaniwala.

"Why, besty? Kahit pa hindi siya ang tumulak sa iyo, hindi ka pa rin niya tinulungan. You see? She ran away. Hinayaan ka lang niyang malunod. Paano pala kung hindi ka kaagad nakita ni Richard?"

"Alam ko, but I also know she's hurting. Naaalala ko na sinabihan niya pa akong huwag akong gumalaw, siguro nakita na niyang nasa edge na ako ng swimming pool. Hindi niya naman intensyong mahulog ako. Siguro ay natakot lang siya kaya siya tumakbo palayo."

Tinignan ko ang nanahimik na si Richard. Kinausap ko siya gamit ang mata, na sana ay pumayag siya sa gusto ko.

"All right," aniya, na para bang sinasabing wala siyang hindi kayang payagan basta ako ang may gusto. "I'll let you see her, with us."

Ngumiti ako sa sobrang saya. Ngumiti rin ako kay Jayvee na para bang nabunutan ng tinik noong bumuntong-hininga.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C127
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン