Chapter 42: Arcade Boys
Santiago's Side
Sunday, my reading day, pero nandito ako sa bahay ni RJ, nakikinig sa walang sense na usapan ng mga kaibigan ko. Buti na lang at nagising na ang maya-ari ng bahay na 'to. Tinext kami kagabi na pumunta ng 10 AM, pero 10:30 AM na nagising ang gago.
"RJ!" sigaw ni Suho habang bumababa ng hagdan si RJ.
I smirked.
"Nice pajamas, Jay. Grapes." I said.
"Shut up, Santiago." walang gana siyang umupo sa sofa habang nakatutok sa phone at parang may hinihintay.
"What's up, dude! Bakit mo kami pinapunta dito sa bagong bahay mo?" Sabi naman ni Karl na tumabi kay RJ para makitingin din sa phone na tinititigan ni RJ. I wonder what's with it, pero di ako tulad ni Karl na gustong laging updated. Daig pa'ng mga babae sa sobrang tsismoso.
"Tsk, alis nga dyan, Karl."
"Masama ba ang gising natin, Jay?" Sabi ni Karl na tumatawa.
Tumawa rin si Suho, "Baka may nakaaway na naman? Si seatmate ba?"
"Baka problemang babae." Sabi naman ni Lei na tablet na naman ang kaharap habang nanunood ng Anime. "Kunot na kunot ang noo eh. Hindi ba nagreply--"
"HINDI AH. TSH." napatingin naman ako kay RJ na sumigaw. Hinagis niya na lang bigla yung cellphone niya sa table at dinuro-duro si Lei. "Bakit ba kasi gan'on ang mga babae, ha, Lei? Sinabi ko namang mag-text o tumawag siya kahit anong ginagawa niya, bakit ni hindi man lang tumawag o
ㅡ AISH!"
"Ah. May gusto rin sa'yo yon. Gan'on din kasi ang Honey ko sa akin eh, di nagtetext." Tumango-tango pa si Suho na parang siguradong sigurado sa conclusion niya.
"Gago, 'di ka gusto n'on!" Sumingit naman si Karl. "Alam mo RJ, dude, tingin ko si Ra ay tipo ng babae na--"
"Gago ka ba? Unang beses pa lang kayo nagkikita ni Baichi may tawag ka na agad sa kanya? May pangalan siya. Okay?"
Tumawa lang si Karl at nagpatuloy, "Basta dude, si Ayra ang tipo ng babae na Pilipina. Hindi yan katulad ng ibang mga babae mo na unang magtetext o tatawag. Dapat talaga ikaw ang magpi-firstmoves. Ano ka ba naman pre, parang 'di ka lalake!" Lumayo pa si Karl na parang nandidiri kay RJ. Lumipat siya at tumabi kay Lei.
"Palibhasa ikaw, puro babae alam mo." Napatingin si Karl kay Lei na ipinagpatuloy na ang panonood.
"Hoy ikaw na Intsik ka--"
"Japanese."
"Psh. Walang galang 'tong Lei-baging bata na 'to."
Umiling-iling na lang ako habang pinapanood sila. Nang biglang tumingin sa akin si RJ. Umangat ang kilay ko.
"What?" I said. Tumingin din si Karl sa akin.
"Wag ka nga dyan kay Santi magtanong tungkol sa babae! Baka walang ibang isagot yan sa iyo kundi Blackhole Galaxy, Universe, Alien bullshits---" nag-cross arms siya. "Tignan mo, sa sobrang mangmang niya sa babae, ayan nasapak n'ong Dora. Doon ka magtanong sa pinakagwapo sa ating lima."
"Huh." Tumawa si RJ. "Hindi ko nga alam sagot. Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko."
Mas lalo ko silang tamad na tinitigan. Nagpop up sa utak ko si Louella, pati ang pagkakita namin kay Ayra sa Arcade.
Flashback
Life would be so much easier when it is cliche.
Ayon yan sa binabasa kong libro. I don't know why the hell did I ever read this book, but I'm so damn tired reading acads, so I tried reading this one. Ipinatong ko sa isang Science Discovery para hindi makita ng lahat na sinusubukan kong basahin ang mga ganito.
I turned the page, while leaning my back on my chair. Mag-isa lang ako sa table na 'to sa Garden. When suddenly some douche grabs my shoulders from the back.
Agad kong isinara ang libro.
''Dude!''
''Fck you, Karl.'' sabi ko dahil sa gulat. Tumawa pa ang gago habang umuupo sa upuan sa harapan ko. Tinago ko ang libro dahil baka makita pa yon ng gagong 'to.
''Hahaha. Ew, Santi. Don't know you want to fuck me, huh?'' Tumawa nanaman ang gago, pero nakatingin lang ako. Ayoko ng paligoy-ligoy. Gather your shits, man. ''Dude, hahaha! Kaya ako nandito kasi... Guess who's back?'' Tumaas baba ang kilay niya.
I made my stare longer.
''Guess who's back my ass.'' I said.
''Si RJ, dude! Si Richard Jaydee Lee! Nagbalik na from Korea!''
''Alam ko.'' Nawala ang malaki niyang ngiti.
''What?''
''Last week pa,'' nilagay ko na ang libro sa bag ko, at tumayo para iwan si Karl doon. Sumunod naman siya sa likod.
''Ibig sabihin nauna mo pang malaman kaysa sa amin ni Lei at Suho?! RJ's so fucking unfair, huh.''
Umiling-iling na lang ako at di na namansin hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Alam ko na rin ang ipinunta ni Karl sa akin. Nag-drive ako at idiniretso ang sasakyan sa pinakamalapit na Mall.
''Bugbog talaga sa'kin ang RJ na yan. Pati itong meet-up sa Mall, alam mo na? Eh ako kanina ko lang nalaman! Gago talaga!'' Reklamo ni Karl hanggang makarating kami ng Foodcourt.
Pagdating d'on, si Lei pa lang ang tao.
''Where's Jay?" I asked.
"At Suho?" Sabi naman ni Karl.
Inalis ni Lei ang earphone niya at pinause ang pinapanood niya. Pero binalik niya rin yon agad.
"Late as usual. Si Suho susunod na lang daw yata."
"Ikaw, Lei, kailan mo pa nalamang umuwi na si RJ from Korea?"
"Last week," sagot niya na di man lang tumitingin.
"Gagong RJ talaga."
Umupo kami doon sa Foodcourt. 15 minutes nang nakalipas, wala pa sila RJ. I'm so fucking bored. Hindi ko rin mapagpatuloy ang pagbabasa dahil baka asarin ako ng mga 'to... when suddenly someone caught my attention.
"Brad, Santi, pahiram nga ng cellphone mo. Magseselfie lang ako."
Tinignan ko lang si Karl na nasa gilid ko at hindi sinagot. Tinignan ko ulit yung babae na nasa Jollibee. Para rin siyang may hinihintay.
"Woah, Santiago, didn't know you're fan of pocket books, huh?"
Lumaki agad ang mata ko sa sinabit ni Karl. Hawak niya na yung pocket book, saka yung bag ko.
"Isulat ko na ba pangalan niya sa Death Note kuya Santi?" Sabi ni Lei.
"No. I'll ripped his throat using my own blade." Kinapa ko pa sa bulsa ng Leather Jacket ko ang maliliit na keychain ko na may kutsilyo at heart na tracker.
"Woah, woah! Joke lang dude," He raised his two hands. "Hahaha, di naman kita pinagtatawanan ah? Na nagbabasa ka pala ng 'This is love story baby just saaay yeees~ʹ Yung totoo, dude, bakit ka nagbabasa niyan?"
Di ako sumagot. Hell, I really want to ripped his goddamn throat.
"Gusto mo nang magka-love life? Ayan oh, maraming babae dito. Banggain mo lang 'yan eh. Ayun oh. Tignan mo yung babaeng naka-pink jacket--"
Tinignan ko naman yung tinuro niya. Yan ang babaeng tinitignan ko kanina.
"Maganda. Maputi, pero kapag binangga mo yan katulad ng nasa pocket book na 'to? Magagalit yan, pero kahit gan'on, mapopogian pa rin siya sa'kin."
Hindi ako nagsalita. Non sense.
"Ano, Santi?"
"I'll bet 5,000." Sabi ni Lei. "Magagalit yan, lalo na kapag tinapunan ng kape."
"Oh, ako rin, 1000 pesos. Magagalit yan."
"Barat mo, Karl. Naghihirap ka na ba?" Tinabi na ni Lei ang phone niya at hinarap kami.
"Oo, atleast gwapo." Umirap si Karl para tignan ako. "Ano, pre?"
Tinignan ko silang dalawa na inaabangan ang sagot ko. I sighed. Boring din naman, so I need a game.
"Deal."