アプリをダウンロード
18.79% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 23: Heart Ring

章 23: Heart Ring

Ayradel's Side

Kinabukasan ng hapon nang mapagdesisyonan kong sundan si besty sa Guidance Office. Tinotoo niya talaga 'yong sinabi niya kina Jully na siya mismo ang pupunta sa guidance councilor which is 'yong tito nga nitong tatlo. Bago pa ako pumunta ay pinabaunan pa ako ng salita ni Jully;

"Masyadong ma-pride ang kaibigan mo no?" aniya pero hindi ako nagpatinag sa pagliligpit ng ng gamit ko. "Ayan, bye bye Luisa na tuloy."

Hindi pa rin ako umiimik.

"Hoy. Hindi ba kita kinakausap?"

"..."

"Aba-" napalingon ako kung bakit biglang natigilan si Jully. Ngayon pala ay hawak na ni Lee-ntik yung braso niya na mukhang ipanghahawak niya sana sa akin. Napaangat ako ng tingin sa mukha niyang blanko pa rin.

"R-Richard?" Jully.

"Next time, you are not allowed to even touch her again." aniya. Nalaglag ang panga naming lahat sa sinabi niya. Para rin akong nabingi dahil dito. "Naintindihan niyo?"

"A-anong ibig sabihin nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Jully. "Diba sabi mo you don't like her? Sabi mo sa amin!"

Pero imbis na sagutin ay binitawan niya na ang braso ni Jully sabay tapon ng tingin sa akin. Parang napaso ako kaya agad akong tumungo.

"Saan ka pupunta?"

"Ha?"

"Saan ka pupunta?" tanong niya ulit sa akin sabay pasada ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya 'yong tungkol kay besty o hindi. Ayokong gamitin ang pangalan niya kaya naman napagdesisyunan kong huwag na lang. Siguro naman ay maiintindihan kami ni Mr. Dodge? Hindi niya naman siguro iki-kick out si besty ng walang matinding dahilan hindi ba?

"W-wala... s-sa library lang. A-Ahm, sige, bye!"

Umalis na napapahiya sina Jully samantalang distracted pa rin ako sa ginawa niya para sa akin. Himala 'yon ah? Ang iniisip ko wala siyang pakialam e.

Umiling-iling na lang ako at pinagpatuloy na ang paglalakad. Mabuti na lang at hindi niya ako hinabol, hays. Nang makarating ako ng Guidance Office ay dahan-dahan akong pumasok dito, at dahil sliding door ito't di lumilikha ng ingay ay nakagawa ako ng maliit na puwang para silipin si besty.

"Isinumbong na nga rin sa akin ni Jully," sabi ng lalaking Guidance Councilor. Ngumisi ito. "Ang lakas naman ng loob mong ikaw pa mismo ang magsasabi nyan sa akin."

"Napaka-sumbungera naman pala talaga ng pamangkin mo e, no. Ang sabi ko ako na ang pupunta dito mismo e. Hindi na makapaghintay ang makati niyang dila?" Kahit nakatalikod ito, alam kong ngumisi at nagcross arms pa si besty habang nakatayo sa harap n'ong councilor.

"Ms. Moya!"

"What? Truth hurts?" humalakhak pa siya.

Kumuyom ang panga ni Mr. Dodge. "Ingat-ingatan mo 'yang dila mo, baka nakakalimutan mo kung sino ako't putulin ko yan!"

Naramdaman ko ang pagngising muli ni besty.

"Oh, please do it if you can. My pleasure-"

"GO. TO. DETENTION. ROOM. NOW!" napatayo na ito at mariing hinampas ang lamesa na nakapagpaatras sa akin. "Sisiguraduhin kong ito na ang huling araw mo sa eskwelahang ito!!!" Narinig ko ang paghissed ni besty bago niya tinalikuran si Mr. Dodge...

...at bago niya ako tuluyang nakita.

"Besty." natigilan si Lui. Napatingin din sa direksyon ko ang guidance councelor. Nilunok ko ang takot bago ko tuluyang binuksan ang pintuan at nakatungong hinarap si Mr. Dodge.

"S-Sir," sabi ko at pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko. "It was my fault po. Walang kasalanan si Ms. Moya dito. Saka sina Jully ho ang unang nambully, pinagtanggol niya lang ako."

Naramdaman ko ang hindi makapaniwalang titig sa akin ni Besty. Please, Lui, let me help just now. Hindi naman ako mapapatalsik ng school sa isang beses na detention. I had a good record in this school after all, kaya I'm wishing this would not affect my grades.

"Really, eh? Ang masunurin at mabuting estudyante na si Ms. Bicol?" inikot nito ang kanyang upuan. "You know, you don't have to be always good. Alam mo kung bakit...?" napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. "People around you, like Ms. Moya, will take you for granted."

"Sir-" aniko.

"Bakit, hindi ba totoo? Sa sama ng ugali mo magiging kaibigan mo si Bicol? O baka naman naggagamitan kayo? Ikaw para sa grades, at si Bicol para may poprotekta sa kanya?!"

"How dare you!-" sasabog na sana sa inis si besty nang matigilan kaming lahat.

"Isang Guidance Councelor... na dapat nagdidisiplina sa mga estudyante..." Napaatras ako't nagitla sa ibang boses na sumingit sa usapan namin. Nilibot ko ng tingin ang office saka ako napatingin sa pintuang bumukas at sa bagong dating. Suot niya ang kanyang ngisi, at ang ma-autoridad na aura. Kahit kaedad lang namin siya ni besty ay halatang mas mataas ang estado niya sa amin. "I can't believe na sa iyo ko pa mismo narinig na huwag masiyadong magpakabait ang isang estudyante? That's new, huh? Hindi ba't dapat ikaw ang nagsasabi sa amin na magpaka-bait kami?"

Tinapunan niya ako ng saglit na tingin bago ibinalik iyon kay Mr. Dodge na ngayon ay laglag ang panga.

"W-What are you doing h-here Mr. Lee?"

"Hmm. Wala naman. Nandito lang naman ako para kay Alfred Lee, remember? Parang ano nga e. Parang... gusto ko na rin tuloy magpakasama, tsk tsk." umiling iling pa ito at lumapit sa table ni Sir.

Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa lamesa para magkaharap sila nito. "You know, I am observing this school for the DepEd Secretary. Akala ko pa naman mababait ang nagtatrabaho dito. Paano kaya kung ipaalam ko 'to sa mismong principal, at sa mga nakatataas pa? Galing pa naman ako kay Mr. Lupac bago ako pumunta rito."

"W-what do you mean?" takot na tanong ng matanda.

"Para maging fair... Aalis ka ng school na 'to... o makakarating ang lahat ng ito kay Alfred Lee?" aniya sabay wagayway ng kanyang cellphone na ngayon ay kasalukuyang nagrerecord pa rin ayon sa screen.

Nagitla ang matanda, ngunit kalaunan ay ngumisi siya. Hilaw na ngisi.

"A-akala mo matatakot mo ako?" Humalakhak si Mr. Dodge pero halata mo pa rin ang kaba dito. "B-baka nakakalimutan mong hindi kayo okay ng ama mo?"

ngumisi si Richard.

"That's clear as crystal, but I'm still his son. Compare to you, babalewalain niya ang away namin para sa ikabubuti ng isang eskwelahan." Bubuka pa sana ang bibig ni Mr. Dodge nang magsalita muli si Richard. "Anyway..." aniya at tumalikod. Laglag lamang ang panga namin ni besty na tinitignan siya. Mukha na siyang professional sa gawi't kilos niya. Bigla siyang naging mature sa paningin ko. "I won't tell Alfred Lee about this, hindi ko rin patatalsikin ang tatlo mong pamangkin. Pero ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa school na 'to. Dahil once na makita pa kita kahit mamaya... Sisiguraduhin kong kahit pagiging janitor hindi ka tatanggapin kahit saan. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Dodge?"

Dahan-dahan niyang inalis ang tingin kay Mr. Dodge na nanginginig na ang tuhod ngayon. Saka niya ako nilingon.

"Tara," aniya,

Hindi ko tuloy alam kung may karapatan ba akong hawakan ang kamay niyang nakalahad. Pakiramdam ko ang layo ng agwat namin sa isa't isa. Parang hindi kami magka-level, ngunit nagitla na lang ako nang siya na rin mismo ang kumuha sa kamay ko at ang nanghila sa akin palabas ng Guidance Office.

Sumunod sa paglalakad namin si besty na taas-kilay pang nilisan ang office. Pinakiramdaman ko ang paghawak ni Richard sa kamay ko.

Fudge, bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Tss." aniya pagkalabas pa lang ng building. Napatalon ako sa gulat ng dahil doon. "Sabi ko nga ba! Buti sumunod ako sa 'yo! Ang tapang niyong dalawang pumunta sa office ng gunggong na 'yon, hindi niyo ba kilala 'yon? Bukod sa pagiging guidance councilor, may maliit na private school din 'yon na paga-ari malapit sa Lee University! Makapangyarihan rin kahit papaano 'yung gunggong na 'yon! May laban ba kayo doon? Ni hindi niyo man lang ako sinabihan! Ha Baichi? Bakit hindi mo ako sinabihan?! Nasa tabi mo lang naman ako palagi! Paano kung manyak pala ang hayup na 'yon at ginawan kayo ng masama sa office niya?!"

"AHHHHH RICHARD THANK YOU!!!!"

Natigil si Richard nang tumalon talon si besty at parang mumurderin na ang katawan niya sa kakayakap dito at sa kaka-thank you. Mabuti na lang at walang masyadong tao at estudyante dahil lahat ay nasa kanya-kanyang room. Ayon sa orasan ko kanina ay malapit na ring mag-uwian.

"GRABE! ANG COOL MO KANINA, ALAM MO BA 'YON?!" ani ni besty habang parang kumikinang ang matang tinititigan si Richard.

Nilingon ako ni Richard pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"T-tss... Maliit na bagay." aniya. Straight lang ang mukha ni Lee-ntik habang hawak ni besty ang dalawang kamay niya.

"Biruin mo mawawala na rin ang walang kwentang Guidance Councelor na 'yon dito sa Tirona? Ibig sabihin mawawala na rin yung tatlong haliparot sa Section A waaaaaaa-"

"Honeyyyyyyy!" napalingon kami sa kakarating lang at pagod na pagod na si Suho. Napadpad ang tingin niya sa kamay ni Lui at Lee-ntik. "Nabalitaan kong na-guidance ka raw. P-p-pero... A-anong ibig sabihin nito? RJ... kaibigan kita diba? Bakit kayo magkahawak ng kamay at...?"

"Suhooooo!" nagitla ako nang sugurin ng yakap ni besty si Suho na ngayon ay tulalang-tulala at namumula na. Dahil siguro sa gulat. "'Lika, ililibre kita ng Mais dyan sa labas! Alam mo ba muntik na akong mawala sa school na 'to mabuti na lang~"

Hindi ko alam kung nakangiti ba ako o nakangiwi habang pinagmamasdan ang papalayong likod nina besty at Suho. Lumingon pa ulit si besty sa akin, saka siya nag-heart sign na para bang plinano niya talagang iwan kaming dalawa ni Richard.

Psh.

Tumikhim naman si Richard sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ahm..." hindi ako makaisip ng dapat kong sabihin. Should I say thank you too? Nahihiya ako!

"Still, dapat talaga ay sinabihan mo ako. Tss." aniya.

"Sorry. A-ayoko lang namang gamitin ka, o 'yong pangalan na meron ka."

Tinitigan niya ako ng straight sa mata. Hindi namna siya nagsalita ulit kaya medyo nailang ako. "A-and by the way..."

"Don't thank me. Ginawa ko lang 'yon para kay Fern..." aniya habang malayo na ang tingin, na sa tingin ko ay kina Suho at besty pa rin. "Alam mo naman, may gusto si Fern kay Luisa kaya hindi ko hahayaang makick siya sa school na 'to, okay? Wala namang ibang dahilan kung bakit ko 'yon ginawa, kaya wag kang magisip ng kung ano-ano diyan."

Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya. Napalingon tuloy siya habang kunot ang noo.

"Mwo?" (trans: What?)

"Ah, okay." Sagot ko lang. Nakakaewan kasi e, ang dami niyang sinabi. Sabi niya pa huwag akong mag-thank you. Edi wag!

"'Yon lang?!" Sabi niya.

"Ha?" naiwang nakaawang ang bibig niya nang biglang magring na naman ang cellphone niya. Nakaharap pa rin siya habang sinasagot iyon at paminsang-minsang tinatapunan ako ng tingin. Hindi tuloy ako makaalis dahil sa pagtingin tingin niya sa 'kin.

"Ma, ano ba namang iniisip niyo? Nandito nga ho ako. Opo sa school po! Aish! Psh. Arasseo!!!" saglit niya akong tinignan saka tumikhim. "Opo. S-Saranghae. Bye!" aniya, bago muli nalipat sa akin ang atensyon niya nang ibaba niya na ang tawag.

He cleared his throat at akmang magsasalita.

"Pwede bang minsan, bawas bawasan mo yung page-alien language mo? Pilipino ako at nasa Pilipinas ka na. Malay ko ba kung minsan, sinusumpa mo na pala ako." bulong ko at ngumuso.

"Ha?"

"Ano 'yong jinja, mwo, at iba pang pinagsasabi mo dati? At anong lenggwahe ba 'yon?"

"Korean."

Tumango-tango ako. "May lahi ka pala?"

"Hindi ba halata? Tss. Si Alfred Lee ay Korean, pero hindi naman ako sa Korea lumaki, so..." he shrugged. "'Yong 'jinjja', really 'yon and expression. Yung 'mwo' ay what..." dugtong niya pa.

"Eh, ano yung Saranghe ba 'yon?" tanong ko. Iyon kasi yung narinig ko kanina sa kausap niya sa phone. Bigla naman siyang natigilan at ilang segundo pa bago siya nakasagot. Namula ang buong mukha niya lalo naman ang tenga niya.

"T-Thank you 'yon, sa english." sagot niya at namumulang nagiwas ng tingin. Tumingin siya sa malayo na nagpakunot sa noo ko.

"Ahh..." sagot ko na lang. Saranghae is thank you.

Nilingon niya ulit ako. He raised his brow kaya nagkaekspresyon tuloy ako na parang nagtatanong ng 'bakit', pero irap lang ang natanggap ko mula sa kanya.

"Psh." he hissed na para bang inis na inis siya sa di malamang dahilan. "Sige, alis na ako. Bahala ka diyan!"

Napaawang ang bibig ko habang marahan na ginugulo niya ang buhok niya at naglalakad paalis.

"R-Richard Lee!" sigaw ko bago pa siya tuluyang humakbang palayo. I took all the courage to say the word since I'm not comfortable. Ilang beses nag-awang sara ang bibig ko.

"Ahm-...." kinagat ko ang labi ko. "S-saranghae." sabi ko sabay dumaloy ang init sa pisngi ko. "Kanina. 'Y-yong ginawa mo para kay besty. K-kung hindi dahil s-sa iyo b-baka na-kick out na siya."

Napatigil siya at unti-unting nilingon ako, suot ang isang ngisi. Napatungo naman ako sa sobrang kahihiyan. Bakit ba parang unti-unti siyang bumabait sa paningin ko? Hays.

"Akala ko wala ka nang balak mag-thank you." aniya na ngiting-ngiti. "Nado Saranghae."

Bago siya tuluyang naglakad palayo. Bago ako naiwang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako ngayon, siguro dahil first time na di ako nainis sa kanya.

Agad kong sinampal-sampal ang pisngi ko para maging normal iyon. Ngising-ngisi lang ako habang nilalakad ang daan patungo sa bahay namin. Dala-dala ko iyon hanggang sa buksan ko ang gate ng aming bahay at pumasok dito.

"Ma, dito na po ako," I put down my bag on the couch, saka tinungo ang kusina para sana uminom. "Ma-"

"Surprise!"

Napaangat ako ng tingin dahil sa malalim na tinig na nagsalita. Agad na nanlaki ang aking mga mata at pakiramdam ko hindi kaagad nag-sink in sa akin ang lahat.

"Papa?" I took a step closer. "Hala! Papa ikaw ngaaaaa!" saka ko sya sinugod ng yakap. Humalakhak si papa at si mama na nasa likuran lang niya. I wiped the tears of joy.

"Daya mo, pa, di ka man lang nagsasabing uuwi ka na pala!" I sniffed at kumalas sa pagkakayakap. Hinaplos ni papa ang buhok ko at ngumiti.

My father is sweet, so comfortable to be with. He loves my mama so much, syempre pati ako, kaya naman napakaswerte ko sa tatay.

"Eh 'di hindi na surprise 'yon?" humalakhak siyang muli habang nakapout lang ako.

Nagkwentuhan lang kami noon nila papa, saka naman nagsidatingan sina Besty, at Ella.

"Hiiiii tito!" nagbeso sila kay papa pagkatapos ay umupo agad, kumuha ng plato't kutsara pati pagkain.

"Kamusta naman po sa Korea tito?" tanong ni besty.

"Grabe Ella, besty, nadetect nyo agad na may handaan dito ah?" singit ko bago ako tumabi sa kanilang dalawa.

Si besty parang kanina lang nasa school din 'to ah! Napakabilis talaga!

"Naman!" ani ni Ella habang puno agad ang bibig. Tinignan ko siya ng masama dahil alam naman niyang mainit ang mata ni mama sa mga proper na pagkain.

"O Ella, Luisa, magdasal muna bago kumain." pagpapaalala ni mama bago naghain ng baging putahe sa lamesa.

"Ay sorry po. Hihi."

"Haha! Kamusta sa Korea? Ayun, ang daming koryano!" Nagsitawanan kaming lahat sa sinagot ni papa sa tanong ni besty.

"Malamang tito, alangan namang puro Arabo yung nando'n?"

"Luisa, ginaganyan mo ang tito mo ah? May pasalubong pa naman ako sa 'yo!"

Agad na nanlaki ang mga mata ni besty bago medyo lumapit kay papa. "Joke lang, tito naman eh!"

Tumawa lang kami at nagkwentuhan habang kumakain- na ngayon na lang yata nangyari, simula n'ong nagpasya si papa na magtrabaho sa ibang bansa 2 years ago. Si mama kasi ay may pagkaseryoso minsan. Kapag kasama namin siya, mas madalas na tahimik, hindi katulad ng kay papa na puro tawanan.

Maya-maya pa'y binuksan na ni papa ang package na dala niya. May regalo ngang iba't ibang klase ng pampaganda galing Korea si papa kay Besty; Percy Jackson books para kay Ella; Jewelry set para kay mama; at sa 'kin ay hindi ko pa binubuksan.

Maliit na box lamang iyon na sa tingin ko ay alam ko na. Binuksan ko iyon upang makumpirma ang nasa isip ko.

"Wow!" ani ni besty at Ella nang buksan ko iyon. Maging ako ay agad na kuminang ang mata.

"For my Queen," sabi ni Papa pagkatapos ay isinuot kay mama ang kwintas na may pendant na crown. Ngumiti naman ng matamis si mama at marahang humalik sa pisngi ni papa.

"Ayieee, ang sweet namaaan!" pangaasar nina Ella at Lui.

"Grabe parang 'yong ending lang ng librong binasa ko," komento naman ni Ella na kunwari pang naiiyak. I smiled. Bago ako binalingan ni papa. Kinuha niya ang bagay na nasa maliit na box.

"And for my Princess." sinuot iyon ni papa sa daliri ko.

Pinagmasdan ko ang singsing. May design itong heart sa gitna, at pattern na nagpaganda lalo dito. Simple lang, pero eligante.

"Saranghae papa." I smiled at halata sa mukha ni papa ang pagkabigla.

"Aba may alam ka palang Korean word ah!" napatawa kami, "Nado Saranghae."

I would say, I'm so lucky with what I have right now. Wala na yata akong mahihiling pa.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C23
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン