Huwebes ng madaling araw. Naalimpungatan si Charisse sa lakas ng katok sa may pintuan ng kanyang kwarto. "Ano ba? Sino ba yan? Ang aga aga eh...." Sabi niyang dahan dahang bumangon. Hindi pa rin tumigil ang pagkatok. "Sandali." Sabi niyang paika ikang mag lakad. Nakapikit pa.
Pagkabukas ng pinto, sumalubong sa paningin niya ang pawis na pawis na si BJ. Oo nga naman, silang dalawa lang naman sa bahay so sino pa bang ibang kakatok? Nagtataka siyang tiningnan ang amo. Pupunas punas pa siya. "Ano pong nangyari sa inyo?" Nagtataka niyang tanong.
Mabigat ang paghinga ni BJ. Bakas sa mukha ang matinding pag-alala. "May contact ka ba nina mommy? Maaari mo ba silang tawagan para sa akin?"
"Ho!?" Nagulat naman siya sa pakiusap nito. "Sa ganitong oras? Seryoso po kayo?"
"Huwag ng maraming tanong, sumunod ka na lang." Sabi nitong hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha.
"Sir saglit lang po, lilinawin ko lang. Hindi po kami nag-uusap ng mga magulang ninyo, tsaka di ba po dapat kayo yung may contact sa kanila?"
Nanlumo si BJ. Napahaplos sa buhok. "Huli kaming nagkausap ni Dad nung dumating ako dito. Pagkatapos nun, hindi na. Hindi ko na sila ma-contact. Lahat sila, pati mga kapatid ko." Paliwanag nito.
"Lalo na po ako sir, ni hindi ko sila nakita."
"Paano ka kumukuha ng panggastos natin dito?"
"Kay Ruby po yun galing sir."
Napahilamos ng kamay niya si BJ. "Paano ba? Paano ba?"
"Sir ano po bang nangyari?" Curious na tanong niya.
"I had a very bad dream. May masamang nangyari sa mga magulang ko."
"Ha!?"
"I need to talk to them. Now! I want to know what's going on!" Hysterical na sabi nito.
"Sir wait lang ha. Relax muna. Hingang malalim."
"How could you say that? How can I relax? Nasa panganib kami tapos andito ako at nagtatago."
"Sir pinoprotektahan lang po kayo ng mga magulang ninyo kaya kayo nagtatago. Tsaka po sabi nila ang panaginip raw ay kabaliktaran ng totoong pangyayari." Trying hard siyang pakalmahin ito. Ngunit buntong hininga lang ang tugon nito. "Sir.."
"Hindi pa rin ako makakampante hangga't hindi ko nakakausap ang mga magulang ko." Matigas na sabi nito.
"Paano nga po natin gagawin yun sir?"
"You find a way! Try!"
"Hala!" Napapikit si Charisse. "Sir Sungit saglit po. Madaling araw pa po ang sungit nyo na. Pwede po bang hintayin nating mag-umaga at saka tayo hahanap ng paraan? Wala tayong makukuha ngayon at madilim pa po." Suhestiyon niya. Tumingin ito sa kanya. "Ok po sir?"
"Fine! But make sure na magawan mo ng paraan."
"Yes sir! Tulog na po kayo ulit." Sabi niya dito na nakangiti.
Matagal nang nakaalis si BJ pero nakatayo pa rin siya sa may pinto. Hindi niya alam ang gagawin. Paano niya mahahanap ang mga magulang nito? Naisip niya si Ruby ngunit nung isang araw pa siya tumatawag dito at hindi rin niya ma-contact. "Haaay, paano ba?" Pinipisil niya ang sentido habang naglalakad pabalik sa kama niya.
"Ano ba yan? Paano pa ako makakatulog nito?" Pagmamaktol niya.
At hindi na nga siya nakatulog. Tiktilaok ng manok na ang naririnig niya. Masakit na rin ang likod niya sa kakahiga ngunit hindi siya dinalaw ng antok. Minabuti niyang bumangon na lang at magkape.
Busy ang utak niya kakaisip kaya hindi niya napansin na pumasok si BJ sa kusina.
"Ipagtimpla mo rin ako ng kape." Sabi nito.
Muntik na siyang masamid sa kape. "Sir!"
"I said I need coffee." Sabi nito sa umupo sa kabilang dulo ng mesa.
"Ok po." Sagot niyang tumayo at nagtimpla ng kape. "Hindi rin siguro ito makatulog." Naisip niya.
Alalang alala nga ito sa parents niya. Nang matapos magtimpla ay inilapag niya sa harap ni BJ ang kape. "Sir, di makatulog? Nakakadagdag po ng nerbiyos yung kape."
"Oh really? Then bakit mo ako pinagtimpla?"
"Sabi nyo po eh. Di ba nga po, obey and never complain?"
"Huh! Natuto ka nga, di ka naman magaling sa timing." Sabi nito na napapailing.
"At least po natandaan ko."
"Whatever." Sagot nito na tumayo. "Ay teka." Bumalik ito sa pagkakaupo. "May naisip ka na ba kung paano natin makakausap ang mga magulang ko?"
"Wala pa nga po sir eh." Malungkot na sagot niya.
Buntong-hininga lang ang sagot nito. Nag-iisip.
"Subukan ko na lang po kayang tawagan ulit si Ruby?"
Tumaas ang kilay nito. "Si Ruby?"
"Baka po may balita siya sa parents nyo. Kaya lang hindi ko na rin siya ma kontak simula nung nagkita kami dito. Baka nga nagpalit na ng number yun."
"Wala bang ibang paraan?"
"Ay sir yung kuya ko pala."
"Kuya mo!?"
"Opo si kuya." Sagot niyang biglang nagliwanag ang mukha. Bakit ba hindi niya kaagad naisip yun?
Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya si BJ.
"Si kuya Renante po."
"Magkapatid kayo?" Takang tanong nito.
Tumango lang siya habang nakangiti. Hindi siguro nito akalain na magkapatid sila ng family driver nila.
"Good. Sige, tawagan mo na."
"Po? As in ngayon na?"
"Di ba yun ang sabi ko?"
"Sir tulog pa po yun. Ganito na lang sir, text ko muna siya para ma check niya ang mga magulang ninyo. Tapos, tatawag tayo mamaya pag nasa trabaho na siya. Ok po?"
"Fine. May magagawa pa ba ako?" Sabi nitong hindi talaga convinced. Nagkibit balikat ito at sumandal sa upuan.
"Sir sabi ko nga po, ang panaginip ay kabaliktaran ng totoong pangyayari."
"Sino namang nag sabi sa'yo nyan?"
"Sila! Yung....basta po yun ang sabi nila eh."
Umismid lang ito. "I don't believe that."
"Ay wala na po akong magagawa diyan sir."
"Just call your kuya and let me know." Sabi nito sabay tayo.
"Alis na po kayo sir?" Pahabol niyang tanong.
"Mukha ba akong magste-stay?" Baling nito.
"Hindi naman po. Tanong ko lang po kung ano gusto nyong breakfast."
"Don't bother. Wala akong ganang kumain."
"Ay hindi po pwede sir magkakasakit kayo nyan."
"I don't care. Good news ang kailangan ko." Sabi nito at tuluyan ng umalis.
Napapailing na lang si Charisse. "Ang tigas talaga ng ulo. Hindi na marunong makinig, hindi pa marunong mag-please. Hmp!" Bulong niya sa sarili. "Porket siya yung boss."
Nakahinga naman ng maluwag si BJ nang malamang nasa maayos na kalagayan ang mga magulang. Yun nga lang, hindi niya pwedeng makausap. Though naiintindihan niya pero hindi pa rin siya mapalagay. Gusto na niyang umuwi at tumulong sa mga ito ngunit hindi siya pinapayagan.
Kaya wala siyang choice kundi tumira sa lugar na ito at magtago.
"Hanggang kailan pa ba?" Naitanong niya. Tanong na may kasamang pait.