アプリをダウンロード
33.33% Come See About Me (Tagalog) (Yaoi) (BL) / Chapter 7: Chapter 7: It's time to say GOODBYE.

章 7: Chapter 7: It's time to say GOODBYE.

I couldn't recognize my hands anymore. They look way too far from how they looked like before. Bruises were all over, my hands looked burned.

I managed to finish the golden sprocket. That's the second one. I couldn't believe I could do this. I put the second piece beside the first one..

I turned to look for the sketch book. I didn't know why but the book is glowing. I have to flip to the next page to see how the third sprocket is designed.

And so I did…

SPEAK NO MORE WORDS…

As soon as I finished reading the sentence, my tongue stuck to my palate. That prevented me from being able to make even a single sound..

I cried realizing I didn't and won't be able to tell him I love him anymore.

I closed my eyes and wished I could have much more energy. I felt being transported and was a bit surprised I'm already inside the third room..

Chester's still lying in bed..

On his chest is another unfinished sprocket piece.

++++++++++++++++

   

Maaga akong nagpunta sa apartment para asikasuhin si Chester bago siya pumasok. Pwede na talaga akong barilin sa Luneta sa ginagawa kong pagpapaka-martyr.   >.<  

Naabutan ko siyang natutulog pa kaya ginising ko siya. Agad itong pumasok sa banyo para maligo. Nagmamadali siya at baka ma-late na siya sa school. Kumuha ako ng uniform mula sa closet niya. Inilapag ko iyon sa kama. Napansin ko doon ang cellphone ni Chester. Kinuha ko iyon para maitabi sa clothes niya. Hindi sinasadyang napindot ko ang home button.

2 unread messages from Kim.

Hindi ko rin alam na nagpalit na pala siya ng network. Sun Cellular kami pareho dati pero Globe na si Chester ngayon. Wala man lang siyang sinasabi sakin. Ibinaba ko na ang cellphone ni Chester sa kama. Nasasaktan na naman ako.   T.T  

Nakakainis, hindi pa ako nasanay masaktan. Sana ay dumating yung araw na hindi na ako nakakaramdam ng sakit.

Lumabas na si Chester sa banyo at nagbihis. Naupo siya sa kama habang nagsusuot ng sapatos. Kinuha niya ang cellphone niya.

Tumayo naman ako para iligpit yung mga pinagbihisan niya. Matagal siyang hindi kumikilos sa pagkakaupo at nakatitig lang sa kanyang cellphone.

"Baka ma-late ka na niyan. Bilisan mo nang magprepare." sabi ko.

"Ginalaw mo ba 'tong cellphone ko?" nakatingin siya sakin.

"Hindi. Why?" I said while trying to act as if walang namumuong tension sa pagitan naming dalawa.

Tumalikod ako para dalahin ang mga pinagbihisan niya sa lalagyan ng maruruming damit.

"'Wag mo nang papakialaman ang cellphone ko." medyo mataas ang boses. Tumayo siya at hinarap ako.

Napayuko ako para lang maiwasan ang matalim niyang tingin. Ipagtatanggol ko ba ang sarili ko? Subukan ko?

"Ano bang masama dun? B-boyfriend naman kita." I stammered. Hindi ko kasi alam kung boyfriend ko pa nga siya.

"Nagpapatawa ka ba?" sabi niya sabay talikod.

Nagpatuloy na siya sa pagbibihis at kinuha ang school bag bago lumabas ng kuwarto.

I just noticed myself crying..

++++++++++++++

Mabilis na lumipas ang mga araw. Malapit nang magsemestral break. Hindi naman ako masyadong excited sa sem break na iyan dahil pupunta pa din kami sa school para magpractice ng mga sayaw. Three songs nga yung pinapachoreograph sakin ni Ms. Gwen eh.

Finals na din. And with my current state of mind, I'm a fucking mess. Napapabayaan ko na ang pag aaral ko. I noticed ang dami ko nang absences and lates. This is not me.

"Momo, are you okay?" Nadinig kong sabi ni Ma'am habang nagsasagot kami ng finals exam. I don't know what's gotten into me pero hindi ako makapagconcentrate sa exam.

I was thinking about Chester. I was thinking about how much I love him. I was thinking about what else I could do to prove him he's everything to me. I was thinking about how far this relationship can go.

I was thinking too much, I didn't notice I'm already crying.

Napatingin tuloy sakin lahat ng classmates ko, pati yung mga nagkokopyahan ay nabaling ang attention sakin.

Pinunasan ko agad ang luha ko at ngumiti kay teacher.

"W-wala po Ma'am, ang hirap po kasi ng exam, nakakaiyak po tuloy ehe he he.." >.<  

I tried to answer the exam as fast as I could. And went out of the classroom before anyone else did.

++++++++++++++++

Another day.. Nagpunta ako sa gym para mag-practice. Naabutan ko dun si Billy. Nandun na rin sila Kim at Chester.

Inutusan kami ni Ms. Gwen na magpartner-partner. Partners sila Kim at Chester. Si Dex naman ang partner ni Katie (nevermind). Si Billy ang naging partner ko.

Masaya rin namang kasayaw si Billy. Magaling siya at enjoy kasabayan.

Ayun, best couple daw kami ni Billy sabi ni Ms. Gwen.   ^^,   

Hehe. Tuwang-tuwa talaga si Ms. Gwen sa chemistry namin sa pagsasayaw. Mukha namang masama ang timpla ni Chester habang nagpa-practice. Iniwasan ko na lang na mapatingin sa kanilang dalawa ni Kim.

++++++++++++++++

Then I was back in the same dream..

I watched Chester sleep.  I miss him so much…

I couldn't speak, I couldn't talk to him. I took my pen from my pocket and held his right hand. I drew a watch on the back of his wrist. It was so hard because of my injured hands.

I was not able to stop the tears from falling…

I suddenly felt dreadful of finishing the third sprocket for unknown reasons…

I kissed him on the cheek and took the third piece from his chest. This one's made of clear glass crystal.

++++++++++++++

Sumunod na araw. Same place, sa apartment ni Chester. Kasama ko si Dex habang nagre-review kami para sa exam namin bukas.

Dumating si Chester. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Kasama rin nila si Kim.

May dala silang mga alak at pulutan. Agad na pumunta ang lahat sa likod bahay para doon magset-up ng puwesto nila para sa inuman. Tumuloy naman si Chester sa kusina.

Ang laki ng ipinagbago niya. Hindi siya mahilig sa inuman noon. Tinawag niya ako at pinaghanda ng mga gagamitin nila. Ibinigay niya sakin ang isang bote ng alak para ilagay iyon sa pitsel. Dinala ko iyon sa likod bahay. Gusto akong tulungan ni Dex pero sabi ko, "Kaya ko na 'to." Bumalik siya sa loob ng bahay.

Pinatawag ako ni Chester sa malapit na resto para magpa-deliver ng iba pang pagkain.

Napaka-ingay nila habang nag-iinuman. Nandoon lang ako sa kitchen para kung may kailangan sila, ako na ang magbibigay sa kanila. Sabay nagrereview na din ako.

"Napakamaasikaso naman ni Momo. Ang swerte mo talaga sa kanya." narinig kong sabi ni Kim kay Chester.

Alam kong gusto lang niya akong inisin. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin.

"Alam na ba niya ha?" tanong naman ng isa pa nilang kasama. Si Ed. Kilala ko na siya ngayon. Medyo napapadalas kasi ang punta ni Ed sa boarding house nitong mga nakalipas na araw.

"Anong sinasabi mo dyan? Uminom ka na nga lang!" sagot naman ni Chester.

Pumasok ako sa loob ng bahay dahil dumating na ang ipina-deliver ko. Agad ko iyong inihanda para mailabas sa kanila. Naglabas din ako ng mga extrang baso para magamit nila. Inilagay ko sa tray ang mga iyon para madaling buhatin.

Mukang lasing na sila. Papalabas na ako nang marinig ko na lalong napalakas ang sigawan ng mga nag-iinuman. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Gusto ko nang puntahan si Dex. Nakakahiya kasi sa kanya, iniwanan ko siyang mag-isa sa loob ng bahay.

Malapit na ako sa mga nag-iinuman nang makita ko sila..

Nakatayo sila Chester at Kim habang naghahalikan..

Ang iba naman ay nakatayo rin, sinasabayan ng sayaw ang malakas na tugtog. Parang wala lang sa kanila ang ginagawa nila. Nagkakantiyawan ang mga lalaking kainuman nila.

Hindi kinaya ng isip ko ang nakikita ko. Nanginig ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak sa tray. Agad iyong nalaglag sa semento at lumikha ng malakas na ingay ang pagkabasag ng mga baso.

Nakita ko na napapikit nang mariin si Chester pagkarinig ng mga nabasag.

"Ano ba yan?! Ang laki-laki mo na, nakakabasag ka pa ng mga gamit!" sigaw sakin ni Chester habang umuupo ako para ligpitin ang mga naibagsak ko. Tumahimik silang lahat habang nakaupo ako doon. Wala na akong madinig.

Tumutulo na ang luha ko sa halo-halong emosyon. Napakabigat ng pakiramdam ko. Nanghihina ang buo kong katawan at feeling ko ay tumigil ang oras..

Binasag ng boses ni Kim ang katahimikan.

"A real loser." sinundan pa niya iyon ng pagtawa.

Hindi ko na lang siya pinansin. Wala yung sinabi niya na yun sakin kumpara sa nakita ko. May humawak sa braso ko at pinilit akong patayuin. Hindi ko na nagawa pang kilalanin kung sino iyon. Wala na ako sa sarili ko.

Dinala niya ako sa loob ng apartment. Pinaupo ako sa sofa at binigyan ng isang basong tubig. Pinunasan din niya ang mga luhang wala na yatang sawa sa pag-agos.

Medyo nahimasmasan na ako pagkainom ng tubig. Si Dex pala ang nagdala sakin sa salas.

"Bakit hinahayaan mong gawin niya sayo ang lahat ng iyan? Maawa ka naman sa sarili mo.."

Napahagulgol na ako dahil sa sama ng loob. Yumakap na ako kay Dex. Kailangan ko na ng makakapitan. Parang hindi ko na kaya ang mga nangyayari.

Sobrang mahal ko siya pero sobrang sakit din ang nararamdaman ko ngayon.

"Look at you.." narinig kong sabi ni Kim habang papalapit samin ni Dex.

"Nakakalungkot ang nangyayari sayo, friend. Dapat kasi, hindi mo na ako kinalaban noon."

Encyclopedia talaga siya! Volumes 1 to 12! Ang kapal!!

"Ano pa bang kailangan mo?" tanong ko.

"Hoy, tigilan mo nga itong isa. May kalalagyan ka sakin."

Pero hindi pinansin ni Kim si Dex.

"Ikaw ang may kailangan, kailangan mo nang umalis sa apartment na'to."

Napatingin ako sa mga mata ni Kim.

"Hindi ka na kailangan dito. Hindi ka na kailangan ni Chester."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mag-empake ka na. Break na daw kayo. You two are over. "

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nadinig ko. Matagal bago na-absorb ng utak ko ang mga sinabi ni Kim.

++++++++++++++++

Hindi ko pa matanggap. Kahit na nasasaktan ako. Kahit na nahihirapan ako. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong wala sa bahay na 'to.

Si Kim na ang papalit sa akin? Na si Kim na ang laging kasama ni Chester?

Love isn't supposed to hurt. That means, hindi talaga ako mahal ni Chester. Kung mahal niya ako, hindi niya magagawang saktan ako nang ganito.

You know what hurts so much?

It's when someone you truly love made you feel special yesterday, but made you feel that you are the most stupid person today.

He promised to take care of me, but he hurt me. He promised to bring me joy, but he brought me tears. He promised me his love, but he gave me pain.

Me? I promised him nothing, but I gave him everything.

   

+++++++++++++

The morning after. Nagpunta ako sa rooftop ng school building namin.

"Ayan maayos na.." sabi ko sa sarili ko habang ibinabalik ko yung fire extinguisher sa lalagyan na nakasabit sa pader.

Nagulat pa ako nang may biglang magsalita sa likod ko.

"Alin ang maayos na?" dumating na pala si Dex.

"Ayy kabayong kinalbo!! Nandito ka na pala! "

"Alam kong mukha akong kabayo, pero hindi naman ako kalbo!! Alin ang maayos na?!"

"Gusto ko sanang sabihing mukha mo, pero wala pa ding pinagbago." sabi ko na lang.

"Ang meanie mo talaga!" sabay simangot sakin.

"Ginalaw mo 'yang fire extinguisher no?!"

"So?! Tinesting ko lang kung gumagana."

"Oh my. Lagot ka sa guard. Isusumbong kita!" sabi ng baklang bwiset.

"What?! Pitikin ko pancreas mo, you like?! Dapat nga magpasalamat sila sakin kasi sinagip ko ang building na ito sa sunog." sabay lakad ko palayo sa kanya.

"At sa paano naman?" tanong ng bading.

"Pulis ka ba? Dami mong tanong ah."   

Nakita siguro ni Dex yung foam ng fire extinguisher sa floor.

"Wala namang apoy dito kanina ah.."

"May sigarilyo dyan kanina. May sindi pa kaya ginamit ko yung fire extinguisher!" sigaw ko sa kanya.

O_____O   ←   mukha niya.

"Hindi mo na lang tinapakan?!"

"Haay naku ang dami talagang mga pasaway na students dito. Sa rooftop pa nagyoyosi." sabi ko na lang. At pagkatapos ay sumipol pa ako.     ( = .=)  

Naupo ako sa floor at nagcheck ng facebook sa cellphone ko.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito ha?"

"Eh kasi…" kinuha ko yung whisky na dala ko sa bag. Nanlalaki ang mata ni Dex nang makita niya yung alak.  xD   

"…nagdala ako ng alak.. Iinom tayo."

"Ansabe mo sa mga pasaway na nagyoyosi dito?"    -_____-

"Wala. Ayaw mo ba? Edi 'wag ka uminom. "  basta iinom ako. Haha.

"Sinabi ko bang ayaw ko ha!" sabi ng baliw na si Dex.    xD  

"Eh anu pang hinihintay mo diyan? 'Wag ka na mag-attitude at bumili ka na ng ice."

"Katulong mo ako? Maka-utos ka.."

"Magkano gusto mong sweldo?!"

"Abnoy!" at tumawa pa ang bading.

Haha.. At pagkabili ni Dex ng ice, ayun nag-inuman kami hanggang sa malasing kami. Kahit papaano, nakalimutan ko ang problema ko.

Bigla kaming natahimik habang nag-iinuman. Napansin kong nakatitig sakin si Dex.

"Alak is not the solution.. But at least, you forget the question.." bigla kong sabi.    xD  

"Lasing!" sabay turo sakin ni Dex. Saka ito tumawa nang tumawa.

-_____-   ← mukha ko.

Baliw talaga ito pag nakakainom.

++++++++++++++

Back in the fifth room, I started working on the crystal piece. I worked non-stop just to finish this one as fast as I could…

I was singing at the back of my head but no sound can be heard. I focused on every detail. I made sure every angle is perfect. It was hard carving a crystal piece. One wrong move and the piece will break into smaller pieces.

After hours of hardwork, I got the last piece finished.

It was very beautiful..

But it took much of my energy. I've never felt as exhausted as this before. I brought the pieces out of the room so I can try them on the incomplete machine.

As I entered the common room, I saw orbs on the ceiling. They're suspended mid-air.

Then I was standing right in front of the booth door..

I was so scared…

+++++++++++++++

The next day, pumunta ako sa apartment. Alam kong wala doon si Chester dahil may pasok siya nang time na yun. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimulang ilagay iyon sa malaking bag na dala ko.

Nagdecide na akong umalis. Buong magdamag ko itong inisip. Mahirap ang desisyong ito pero hindi ko na talaga kaya ang sama ng loob.

Pagka-empake ko, itinago ko muna ang bag sa ilalim ng kama para hindi makita ni Chester. Ayaw kong malaman niya na aalis na ako ngayon.

Bumalik ako sa school para magpractice ng sayaw. Nakausap ko si Dex. Sinabi ko sa kanya ang balak ko. Sinuportahan naman niya ang decision ko. Dapat daw ay noon ko pa ginawa.

Hindi naman ako nagsisisi sa mga nangyari sakin nitong mga nakaraang araw. Ang mahalaga sakin, ginawa ko yung part ko sa relationship namin. Kahit na sobrang nasaktan ako.

At nasasaktan…

Gabi nga pala ang hospital duty ko ngayon. Three nights akong hindi uuwi sa San Ildefonso. Pero since aalis na nga ako sa apartment, sinabi ko kay Dex na sa bahay na lang nila ako makikitulog. Payag naman siya.

"Sige, pagkaalis mo sa apartment, itext mo lang ako. Sabay na tayong uuwi samin." sabi ni Dex.

Ang laki na talaga nang utang na loob ko kay best.

+++++++++++++++

Pagdating ko sa apartment nung hapon na yun, nagulat ako nang makita kong nandun na si Chester. Kelangan ko pa tuloy humanap ng tiyempo para mailabas ang inempake kong mga gamit. Super bigat pa naman nun. Andun kasi yung mga books ko at mga damit.

Nakita ko si Chester na namimili ng damit. Hindi ko napigilang malungkot dahil ito na ang huling araw na magkasama kami. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatalikod siya sakin. Gusto kong tandaan ang kanyang itsura sa malapitan dahil alam kong pagkatapos ng gabing ito, hindi na magiging tulad ng dati ang lahat.

Hindi man lang kami nagka-ayos. Mahirap para sakin ang iwan siya nang puno ng sama ng loob ang dibdib.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya habang nakatalikod. Naglakas loob akong gawin ito sa huling pagkakataon.

"Mahal na mahal kita.." sabi ko sa mahinang boses.

Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim.

Hindi man lang siya sumagot. Para akong napahiya sa ginawa ko. Bumitiw na ako at lumakad palayo sa kanya. Iniikot ko ang paningin ko sa kuwarto.

Yung mga stars. Yung bonnet. Yung computer. Itong kama. Si Miley at Taylor.

Lahat..

Mami-miss ko ang bahay na 'to. Dito ako naging masaya.

Dito rin ako naging sobrang lungkot…

Lumabas ako at umupo sa upuan na katabi ng fish bowl.

"Miley, Taylor. Papakabait kayo dito ha. Wag kayo magkakasakit." bulong ko.

"Hindi ba kayo napapagod kakalangoy?.."

….

….

….

Syempre hindi sila sumagot.  =______=  

Naalala ko pa tuwing pinapakain namin ang mga isda. Mukha silang masaya kasi may nag-aalaga sa kanila. At masaya din kami.

Ang dami-dami kong iniisip kaya medyo nagulat ako nang nagsalita si Chester.. Sinundan pala niya ako.

"Magbihis ka, sasama ka sakin sa college event namin." sabi niya habang nakatalikod pa rin sakin.

"Bakit ako ang isasama mo?" tanong ko. Naguguluhan na naman ako.

"Eh sino pa ba ang pwede kong isama?"

Medyo napahiya pa ako sa sagot niya sakin.

"S-si Kim." sabi ko naman.

"May pasok siya ngayong gabi."

"May pasok din ako." sagot ko habang kunwari ay may tinitingnan ako sa cellphone ko.

"'Wag ka nang pumasok." utos niya.

Pumayag na rin ako. Hindi na lang ako papasok sa duty ko. Iniisip kong pagbigyan ang sarili kong makasama siya nang isa pang gabi bago ako umalis nang tuluyan.

Naligo siya habang namimili ako ng damit na isusuot. Nagmamadali akong namili ng damit na nasa bag kong nasa ilalim ng kama. Itinext ko si Dex na bukas na lang ako uuwi sa kanya.

Paglabas niya, tumapat agad siya sa salamin at nag-ayos ng buhok. Ako naman ang nagshower.

Habang naliligo, iniisip kong sana ay maging maganda ang gabing ito. Ito na kasi ang huli.

Paglabas ko ng bathroom, nakita ko siyang nakabihis na, nakaupo sa kama at mukhang malalim ang iniisip.

Naupo ako sa tapat ng salamin at nag-ayos ng sarili. Napansin kong nakatingin siya sakin. Parang may gustong sabihin. Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Ano nang nangyari sayo? May problema ba?" tanong ko, nakatingin pa rin kasi siya sakin.

"Ah, uhmmm wala.." at nagsimula na siyang magsuot ng sapatos. Bumalik ako sa harap ng salamin at tinapos ang pag-aayos ng buhok ko.

++++++++++++++++

Kumain muna kami sa Jollibee. Wala pa rin siyang imik. Tuwing titingin siya, sinusuklian ko siya ng tipid na ngiti. Masaya ako ngayon kasi hindi kami nag-aaway. Hindi nga kami masyadong nag-uusap pero okay na rin.

Okay na talagang umalis ako bukas.   :)

Sumakay kami ng tricycle papuntang school. Sa school gym gaganapin ang program.

Sobrang tahimik…     =___________=  

Awkwardddddd!!!!!!!!!!!    >.<  

Bago kami bumaba ng sasakyan, bigla niya akong tinanong..

"Aalis ka ba?"

Hindi man lang siya nakatingin sakin. Pero mukha siyang malungkot. Ngayon ko lang siya nakitang ganun.

"Huh?"

"Wala. Manong diyan na lang po sa gate." at bumaba na siya ng tricycle at nagbayad sa driver.

Kinabahan naman ako habang bumababa. Naisip kong baka nakita niya yung bag ko sa ilalim ng kama.

Pero bakit mukha siyang malungkot? Nah, I doubt it. No freaking way. Siguro ay matutuwa pa nga siya 'pag nalaman niyang balak ko nang umalis sa apartment. Pwedeng-pwede na niyang pauwiin dun si Kim. Nahihiya lang siguro siyang diretsuhin ako.. Idinadaan na lang sa pagtatanong.

Pumasok kami sa gymnasium. Sinalubong kami ng tugtugan at mga nagkakasayahang mga estudyante. Hindi ko naman kakilala ang karamihan sa mga estudyanteng naroroon dahil nursing student nga ako. Hiwalay kasi lagi ang aming mga programs.

Medyo susyal ang kasiyahan dahil may mga waiters pang nag-aabot ng mga kopita ng alak at juice sa mga gustong uminom.

Walang ganyan sa nursing events, strict kasi ang dean at mga clinical instructors namin.

Sandali kaming nagkahiwalay ni Chester dahil bigla na lang kaming nilapitan ng isang grupo ng mga lalaki at babae. May biglang umakbay sakin.

Si Billy.    -______-  

Nasulyapan ko naman na nagdilim ang anyo ni Chester habang nagpupumilit naman kumapit sa braso niya si Kim! Siyempre, mawawala ba naman ang baklang dragon? Magkakabit ang paningin namin ni Chester habang papalayo siya..

Kumuha ako ng alak sa tray ng nagdaang waiter. Kumalas ako sa pagkaka-akbay ni Billy sakin. Umikot-ikot ako para maghanap ng mauupuan. Nagtungo ako sa isang mesa at naupo. Walang masyadong nakakakita sakin at medyo malayo sa mga nagsasayaw sa gitna.

Nakita ko si Billy na papalapit sa mesa ko. Naupo siya sa harap ko. Ang kulit talaga ng isang ito, pero hindi naman ako naiinis. Ayos lang naman yung pagdikit-dikit niya sakin..

"Kumusta?" tanong niya sakin pagkaupo.

"Ayos lang. Sinong kasama mo?"

"Si cousin, Kim. Kasama ko din kanina si Ed, kaya lang biglang nawala. Mukhang nag-iisa ka yata? Saan nagpunta si Chester?"

"Pumunta dun sa gitna, kasama ni Kim." wala akong kaemo-emosyon habang nagsasalita.

Ayaw kong magmukhang kawawa sa harap ni Billy. Naubos ko ang alak sa kopita ko at humingi pa sa papalapit na waiter.

"Mukhang maglalasing ka ah. Sige, sasamahan kita."

Nagulat ako dahil hindi ko na maramdamang galit ako kay Billy. Kahit na kasali siya sa naging dahilan kung bakit kumplikado na ang relasyon namin ni Chester ngayon. Siguro dahil na rin sa lagi ko siyang kasama sa pagsasayaw.

"Momo, sorry sa mga nagawa ko sayo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari."

Nag-angat ako ng tingin para tingnan siya sa mga mata. Nakita ko ang sincerity sa mga sinasabi niya.

"Wala na yun. Nangyari na eh." Biglang bagsak ng luha ko.

"Fuck, I'm so sorry. Please don't cry."

Hindi na ako makapagsalita. Pinunas ni Billy ang mga luha ko.

"Salamat at pinatawad mo ako. 'Wag ka nang umiyak please."

Tahimik lang ako. Baka mapahagulgol ako 'pag nagsalita pa ako.

"Matagal na talaga kitang gusto, hindi ko lang masabi kasi baka galit ka pa sakin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong makitang uneasiness sa mukha niya habang sinasabi niya yun. Naisip kong napakasimple lang siguro ng lahat kung siya yung boyfriend ko. Hindi siguro ganito kakumplikado..

Hindi ako nagsalita.. Wala kasi akong maisip na sabihin.  >.<  

"Bakit natahimik ka? Baka hindi ka naniniwala sakin?" narinig ko pang tanong niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. Sa totoo lang wala akong maramdamang kahit na kaunting saya nang malaman kong gusto pala ako ni Billy.

"Ang totoo niyan, gusto na talaga kita noon pa. Nung unang nakita kita sa bahay, ininvite kayo ni Kuya Andrew. Nakakatuwa ka kasi. Parang medyo weird na parang ewan. Ang galing mo din sumayaw, mabait at masarap ka pang kasama. Ang cute ng personality mo. Simple pero may dating."

Medyo nakaramdam naman ako ng hiya sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung nambobola lang ba ito o ano.

Flattered ako sa naririnig. Pero hindi pa din ako nagsalita.

"Ikaw yung reason kung bakit sumali ako sa dance troupe."

"Gusto talaga kita kaya napapayag na din ako ni Kim sa mga plano niya." sabi pa niya.

"I didn't have any bad intentions, bigla na lang naging out of control ang mga pangyayari."

"Kumusta pala kayo ni Kuya Andrew? May communication pa ba kayo?" tanong ni Billiy sakin, napansin siguro niya na tahimik lang ako kaya nag-change topic.

Naalala ko si Iveler. Simula nang gabi na yun na nag-inuman kami sa bahay nila ay naging close talaga kami. Parang mag-kuya talaga ang naging turingan namin. Masaya ako nung mga time na nandito si Iveler, inalagaan niya talaga ako nang mabuti.

One month lang at bumalik na si Iveler sa parents niya sa US.

"Nakakapag-usap pa din kami online."

"I thought may something special between you and kuya Andrew dati eh."

Umiling-iling lang ako bilang pagsagot sa sinabi niya.

Nagkuwentuhan lang kami ni Billy habang nag-iinuman. Medyo naiinip na ako at parang gusto ko nang umuwi. Hindi man lang ako binalikan ni Chester. May dalawang oras na kami ni Billy sa mesa at medyo nahihilo na ako dahil sa iniinom namin. Pero kaya ko pa naman ang sarili ko.

"Tama na yan, baka hindi mo na kaya." sabi ni Billy habang nakatitig sakin 09494380727 .

Hindi ko siya pinansin. Itinuloy ko lang ang pag-inom. Sa sobrang lungkot ko ay gustung-gusto kong magpakalasing.

"Bakit ka pumapayag na ginaganyan ka ni Chester?" Pangalawang beses ko nang narinig iyon.

Napayuko ako at tuloy-tuloy na namang bumagsak ang mga luha ko. Masyado na akong nasasaktan. Hanggang sa huli ay sinasaktan pa rin ako ni Chester. Nandoon siya at kasama si Kim. Tumabi sakin si Billy at hinagod ang likod ko.

"Basta, kung hindi mo na kayang pakisamahan siya, nandito lang ako." narinig kong sabi ni Billy.

Nanghihinayang talaga ako sa lalaking ito. Napakabait niya pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Masaya pa rin ako na may isang tulad niya na masasabi kong kaibigan ko. Naappreciate ako.

Gumagabi na at kakaunti na lang ang natitira sa party.

"Sayaw tayo sa gitna." aya niya sakin.

Ngayon ay tumutugtog ang isang malamyos na awitin. Pang-lovers ang kanta. Nakita kong nagsasayaw sila Kim at Chester. Nakakapit si Kim sa batok ng hinayupak.

Sobrang naiinis na talaga ako kaya sumama na ako kay Billy sa gitna.

Ang lintik na Billy naman ay sa tabi pa nila Chester at Kim pumwesto!  >.<  

Pinilit kong huwag mapatingin sa gawi nila Chester habang nagsasayaw kami. Nakatingin lang ako sa balikat ni Billy.

Maya-maya lang ay nagkakatitigan na kami ng kasayaw ko.

"'Pag ayaw mo na kay Chester, sabihin mo sakin agad hah." sabi ni Billy. Parang nakakatunog na aalis na nga ako kay Chester bukas.

Hindi na lang ako sumagot, 'di ko alam ang dapat kong sabihin. Mga dalawang songs na rin ang nasasayaw namin ni Billy nang biglang lumapit si Chester saming dalawa.

"Ako naman kay Momo." matigas ang boses niya habang nagsasalita.

"Sure." sabay abot ng kamay ko, hindi man lang ako tinanong ni Billy kung gusto kong makasayaw si Chester. Pinisil ni Billy ang kamay ko at agad na tumalikod saming dalawa.

Humawak si Chester sa waist ko. Napilitan naman akong ipatong ang mga kamay ko sa magkabila niyang balikat.

Nagsimula kaming magsayaw pero nakayuko lang ako. Ayaw kong magtama ang aming mga paningin.

"Sino ang may sabi sayong pwede kang makipagsayaw kung kani-kanino?"

Hindi ako sumagot. Sumosobra na talaga siya at baka maubusan na ako ng pasensiya. Pinipigilan ko ang sarili para maging emotional. Pinilit kong maitago ang nararamdaman ko.

"Huwag kang magsasayaw kung hindi ako ang partner mo."

++++++++++++++++++

TO BE CONTINUED...

Author's Note: Hi! May nagbabasa pa po ba? Please please, paramdam naman kayo sakin lol. If you like my story, vote, put a star, post a review and leave comments. All comments and feedback are welcome and appreciated. Thank you!!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C7
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン