アプリをダウンロード
95% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 76: ♥ CHAPTER 108:5 ♥

章 76: ♥ CHAPTER 108:5 ♥

Napatingin kaming lahat kay Ms. Freud. Nakayuko ito at matagal na natahimik na parang nag-iisip hanggang sa unti-unti siyang tumingala at tinignan kami, "There's someone who knew about our plan. Baka may ginawa silang hindi maganda sa kanya. We managed to open the wall pero biglang naputol ang access. Hindi na rin ako makakalabas dahil naputol ang koneksyon ko kay Lim" saad nito na ikinagulat namin.

"Ms. Freud, what do you mean na baka may ginawa silang masama sa kanya?" tanong ni Dave.

"Nabuksan ang wall dahil sa koneksyon namin ni Lim mula dito at sa Heaven's Ward, pero biglang nawala ito kaya muling nagsara ang wall. Isa lang ang ibig sabihin noon..." napatingin ito sa wall at muling nagsalita, "May nangyari sa kanya sa Heaven's Ward High kaya naputol ang koneksyon namin sa isa't-isa at hindi tayo makakalabas dito hanggat hindi siya mismo ang pumupunta dito but destroying that wall needs the access inside this academy" saad niya.

"Then, paano kayo muling magkakaroon ng koneksyon ni Mrs. Lim?" tanong ni Icah kaya tinignan niya ito.

"The connection between Heaven's Ward High and Curse Academy can only be gained through the audio room and Mr. Wilford's office, without the audio room hindi tayo makakakuha ng koneksyon sa labas"

"Then let's check again the audio room and try to contact Mrs. Lim" saad ni Dave. Tinignan siya ni Ms. Freud at tila malungkot ito.

"That's the problem" sagot nito na ipinagtaka namin.

"Why?"

Matagal niya kaming tinignan bago nagsalita, "The audio room is gone" mas nabigla kami sa sinabi nito at nagkatinginan kami na parang hindi makapaniwala.

"P-paano natin makokontak si Mrs. Lim?!" tanong ko.

"We can't contact anyone outside this academy unless they will be the one to contact us by getting inside this campus" sambit niya.

"Is it possible na mabuksan ang wall without getting access here?"

"It's possible but it would take a lot of time. At tanging si Mr. Wilford lang ang makakagawa noon, I just don't know kung kayang buksan ni Lim ang wall ng hindi nagkakaroon ng access mula dito sa loob"

"Kung alam ni Mrs. Lim kung paano buksan ang wall without getting access from here, hindi ka niya kakausapin na pumasok dito para tulungan siya. It only means, kaya niya lang buksan ang wall kapag may koneksyon siya sa loob. Kaya nga pinapasok ka niya dito, am I right Ms. Freud?" pahayag ni Julez kaya napaisip kami.

"You're right" sambit ni Ms. Freud at napayuko ito na parang nag-iisip.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ng isang estudyante kaya napatingin kami kay Ms. Freud. Matagal itong nag-isip bago muling tumingala, "It all depends on her. We just need to wait for Lim to help us. Siya na lang ang pag-asa natin" saad niya.

"Pero hindi na tayo dapat na mangamba dahil may mga nakalabas naman hindi ba? Ibig sabihin, tutulungan nila tayong makalabas. Kailangan lang nating maghintay ng tulong galing sa kanila" sambit ng isang estudyante pero parang hindi kami kumbinsido sa kanya. May mali.

"Tama. Kailangan lang nating maghintay na may dumating na tulong" saad naman ng katabi nito. Napansin kong tila hindi mapakali si Ms. Freud kaya hinawakan ko ang balikat niya at napatingin siya sa akin, "Ms. Freud, is there something wrong?" tanong ko kaya tumango siya at tumayo, "For now, let's just all find a place to rest. I assure you na wala ng sasabog pang bomba. Let's all rest at huwag na munang isipin ang nangyari" saad nito. Nag-umpisa siyang maglakad kaya nagkatinginan kami. Hindi pa man ito nakakalayo ay muling tumigil sa paglalakad at humarap sa amin, "Huwag kayong magpakampante sa anumang tulong na darating. Sometimes it's not a help but a disaster" pahayag nito na ipinagtaka namin. Nag-umpisa na siyang maglakad kaya't sumunod na rin kami sa kanya dahil siya na lang ang makakapitan namin.

To be continued...


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C76
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン