アプリをダウンロード
42.5% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 34: ♥ CHAPTER 81 ♥

章 34: ♥ CHAPTER 81 ♥

✿ Syden's POV ✿

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon at nasa kabila naman si Blake. Parehong maliit ang kamang tinutulugan namin kaya iisang tao lang ang magkakasya habang si Max naman, itinuloy ang pakikitulog sa kabilang kwarto dahil nga masikip na rito. Humingi nga ako ng tawad dahil kailangan niya pang gawin 'yon para lang may matulugan ako pero sabi niya okay lang naman daw 'yon kaya sa ngayon, dito na muna ako matutulog sa kwarto nila ni Blake.

Eh si Raven kaya? Nakatulog kaya siya dahil sa pag-aaway namin kanina. How about the Vipers? Nakakatulog kaya sila ng maayos dahil sa nangyaring gulo. Napansin ko rin naman sa Black House kagabi, na parang hindi sila naguusap-usap kagaya ng dati. Kasalanan ko ba lahat ng 'to kaya nagkagulo sila? Pero sa tingin ko, magiging maayos na rin sila lalo na't umalis ako doon. Sigurado namang sa akin nag-umpisa ang gulo. At ngayong wala na ako sa Black House, hinihiling ko na lang na sana maging maayos na sila. Na kahit nasaktan ko sila at nasaktan nila ako, hindi ko pa rin magawang hindi isipin kung ano ng ginagawa nila at kung nakakatulog ba sila, lalo na siya. Yung taong pinakanasaktan ko, noong gabing 'yon.

I hope he's okay that I am now gone from his sight.

Hindi ako makatulog sa mga oras na 'to dahil naiisip ko lahat ng nangyari. Kahit nasaktan nila ako, iniisip ko pa rin na sana magkaayos na rin ang buong grupo ngayong wala na ako sa Black House para guluhin sila.

Tinignan ko ang direksyon kung saan natutulog si Blake at nakikita kong maayos naman ang tulog nito. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Hindi ko rin naman alam ang gagawin ko dahil sa dami ng iniisip ko. Tumingin ako sa may bintana at nilapitan ko 'yon. Nakita kong may mga estudyante rin na pakalat-kalat sa labas at ang iba'y nagkwekwentuhan. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nagpapahinga pero baka naman hindi rin sila makatulog dahil sa lahat ng nangyari.

Lumapit ako sa may pintuan para lumabas. Bago ko ito isinara, sinigurado ko munang mahimbing ang tulog ni Blake para hindi ko siya maabala sa paglabas ko.

Tuluyan na akong naglakad papalabas ng building at tahimik lang ang paligid hanggang sa paglabas ko pero may mga estudyante pa rin na palakad-lakad. Nagtaka ako sa mga ito hanggang sa humangin ng malakas kaya itinuloy ko na ang paglalakad.

Kapansin-pansin ang building na nasa harapan ko ngayon dahil may mga ilaw sa bawat kwarto kaya ito ang kaisa-isang building na maliwanag ngayong gabi at nagbibigay liwanag sa gabi. Nakakapagtaka lang talaga kung bakit may mga estudyante ngayon at maliwanag ang building.

Habang tinitignan ko ang building, naisipan kong pumasok sa loob nito para malaman kung anong nangyayari o kung mayroon bang nangyayari sa loob.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang masusing tinitignan ang paligid para masiguro kong safe at walang mangyayaring masama sa akin.

Napatingin na lang ako sa lalaking lumabas sa isang classroom at nakilala ko kung sino 'yon. Tinignan ko ito ng maayos dahil gusto ko pa ring malaman ang katotohanan. Sigurado akong siya yung lalaking nakita kong nakaitim kanina at nagtatago siya sa ganoong katauhan para walang makakita sa kanya.

Dali-dali ko itong nilapitan at mula sa pagiging abala niya sa pagbabasa, natigilan siya sa pagharang ko at napatingin sa akin, "Julez, pwede ba tayong mag-usap?" matapang kong tanong dito, ganon rin naman ang mga tingin ko sa kanya. Sigurado akong siya ang nakita ko. Siya ang pumatay sa estudyante kanina, siya ang pumasok sa classroom na 'yon at siya mismo ang lumabas doon sa ibang anyo at pananamit, nagkukunwaring abala sa pagbabasa ng napakaraming libro, pero sa kabila ng lahat, may nakatagong sikreto.

"Nasaan ka kanina?" tanong ko dito.

Ibinaba nito ang binabasa niyang libro at iniayos niya ang salamin niya bago nagsalita, "Saan ba sa palagay mo?" tanong nito na mas ikinainis ko kaya inulit ko ang sinabi ko, "Nasaan ka nga?" tanong ko na medyo lumakas ang boses.

"Sa classroom" maikling sagot nito.

"Buong araw nagbabasa ka ng libro sa classroom niyo?" I don't believe him. Sabagay, sino bang kriminal ang aamin sa krimen na ginawa niya?

"Oo. Bakit ba ang dami mong tanong?" iritang saad nito kaya napangisi na lang ako habang nakatingin sa kanya. See? Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko ng maayos at parang naiirita na siya sa ginagawa ko. Because he is affected at pinapakita niya na wala siyang alam at higit sa lahat, hindi siya interesado.

"Have you ever killed someone?" I'll just do it straight to the point. Diretso pa rin akong tumingin sa kanya habang nakangisi.

Kailangan kong malaman kung iisa ba siya at ang Venom na 'yon.

Nakatingin lang din siya sa akin at umabot 'yon ng ilang segundo bago siya nakapagsalita, "Ano bang klasing tanong yan?" napansin kong naiirita pa rin ito sa tinatanong ko which makes me believe more na siya nga talaga ang killer.

Aalis na sana ito sa harapan ko pero hinawakan ko ng mahigpit ang damit niya at itinulak siya sa pader. Sinigurado kong hindi niya ako matatakasan at tinapatan ko ito habang matapang na tinitignan, "Just answer me" saad ko dito habang nakatingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang kalmado nitong ekspresyon na hindi man lang nagulat sa ginawa ko sa kanya. Napakagaling nga naman talagang magkunwari, playing innocent.

Hindi ako sinagot nito bagkus ay itinulak niya ako dahilan para mapalayo ako sa kanya, "Pwede ba tigilan mo ako?! Hindi ko sasayangin ang oras kong makipag-usap sa'yo!" sigaw nito sa akin. I knew. Kaya napangiti ako ng sobrang  sama habang nakatingin pa rin kami sa isa't-isa.

Sinamaan ako nito ng tingin bago niya ako tinalikuran pero hindi pa rin ako nagpatalo. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang totoo ngayong nahuhuli ko na siya. Nakatalikod na ito sa akin at bago pa man siya makahakbang, muli akong nagsalita, "Tell me, who's Venom?" sambit ko dito habang nakatingin sa kanya na kasalukuyang nakatalikod pa rin sa akin at hindi na niya natuloy pa ang balak niyang talikuran ako. Dahan-dahang humarap ito hanggang sa magtama nanaman ang mga mata namin at matapang na nakatingin sa isa't-isa, "Or maybe kaya hindi mo masagot ang tanong ko kasi ikaw at si Venom na pinaniniwalaan ng lahat...ay iisa" pahayag ko dito.

Bigla naman niyang hinawakan ng mahigpit ang damit ko at itinulak sa pader katulad ng ginawa ko sa kanya kanina, pero kahit na ganon ang ginawa niya, nakangiti pa rin ako habang tinitignan siya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya simula ng marinig niya ang mga sinabi ko, "Wala akong alam sa sinasabi mo" bulong nito sa akin at halatang nagtitimpi sa galit, "Marunong ka pa lang magalit?" sarcastic kong sabi sa kanya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. 

Pero hindi ko na nagawang magsalita pa ng biglang may humila kay Julez, hinawakan ng mahigpit ang damit niya at itinulak sa pader katulad ng ginawa ko sa kanya kanina. Nagulat na lang ako ng makita ko kung sino ang gumawa noon kay Julez. Nagsalubong ang mga kilay ko habang tinitignan si Nash na mahigpit na hinahawakan ang damit ni Julez. Anong ginagawa niya dito? Napansin ko na may sinabi si Nash kay Julez pero hindi ko 'yon marinig dahil mahina lang siyang nagsasalita habang galit na nakatingin si Julez sa kanya at nagpipigil ng galit. 

Pagkatapos magsalita ni Nash, pwersahang tinanggal ni Julez ang pagkakahawak nito sa kanya at tinignan niya ako ng masama bago siya tuluyang umalis. Hindi nito tinanggal ang tingin niya sa akin hanggang sa malagpasan niya ako at tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Napatingin ako sa direksyon na kinatatayuan ni Nash habang nagtataka pa rin ako sa biglaan niyang pagsulpot. Lumapit na lang ito sa akin kaya tinignan ko siya, "Whatever you are doing now, stop it" pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinignan niya ako ng masama, "Bakit?Alam mo rin ba ang tungkol sa kanya?" tanong ko dito at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Nilapitan niya ako ng husto kaya napaatras ako ng konti, "Curiosity kills Syden. Kaya kung ako sa'yo, manahimik ka na lang" sambit nito bago siya tuluyang umalis kaya wala akong nagawa kundi tignan siya sa pag-alis niya hanggang sa mawala rin ito sa paningin ko. Nagpasya na rin akong lumabas na ng building para bumalik sa kwarto at matulog dahil baka magising pa si Blake at mag-alala 'yon kung nasaan ako lalo na't gabing-gabi na. Pero habang naglalakad ako, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol kay Nash at Julez.

Base sa ekspresyon nilang dalawa ni Julez kanina ng magkita sila, tila galit na galit sila sa isa't-isa. Magkakilala ba sila? Baka naman kaya galit na galit si Nash kay Julez dahil alam nito ang sikretong tinatago ni Julez, kaya ba sinabi 'yon ni Nash kanina para hindi ako mapahamak kay Julez? 

Hindi ako sigurado kung tama ba ang hinala ko pero isa lang ang nasisiguro ko, si Julez ang killer. Pwedeng siya lang ang killer o baka naman may kasama pa siyang iba. But I could totally say that he, is actuually Venom. Halata namang affected siya sa mga tinatanong ko kaya ganon na lang siya magalit.

Nakita kong kumokonti ang tao na naglalakad sa building at unti-unti na ring namamatay ang mga ilaw sa mga classroom.

Pagkalabas ko sa building, napansin ko rin na iilang estudyante na lang ang naglalakad sa campus kaya itinuloy ko na rin ang paglalakad pabalik sa building kung nasaan sina Blake at Max at pagkarating ko sa kwarto, good to know na tulog pa rin si Blake at hindi niya namalayan na umalis ako kaya muli na akong nahiga para matulog pero biglang may pumasok sa isip ko.

May alam si Nash kaya nagkakaganon siya kanina, it's either he's just keeping me away from danger or hiding Julez identity from everyone kaya sinasabi niyang manahimik na lang ako.

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

✿ Dean Carson's POV ✿

Kasalukuyan akong umiinom ngayon sa may kusina. Nakaupo ng mag-isa at patuloy pa rin sa pag-inom kahit madaling araw na. Hindi ako makatulog at wala akong balak na matulog dahil sa tuwing pumipikit ako,lahat ng nakita ko, paulit-ulit na pumapasok sa utak ko kahit ano mang pilit na alisin ko. Tinignan ko ang mga kamay ko na patuloy pa rin sa pamamaga pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko. Kahit pilit kong kalimutan ang lahat, walang nagbabago.

Nakita ko na lang si Sean na kumuha ng baso at hinila yung upuan para umupo sa harapan ko. Nagsalin din ito ng alak sa baso at ininom 'yon ng diretso bago niya ito binaba at tumingin sa akin, "Why are you here?" tanong ko sa kanya. Kahit sinaktan ako ng kapatid nito, hindi ko siya idadamay sa mga bagay na hindi din naman niya ginusto.

"I couldn't sleep" tinignan nito ang hawak niyang baso at pinaikot-ikot 'yon gamit ang kamay nito. Nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya pero pinapatatag niya pa rin ang sarili niya. That girl is really lucky for having a twin-brother like Sean.

"Dahil ba sa ginawa mong pagpapalayas sa kanya?" tanong ko dito.

"I did that for a reason. But still, I feel so guilty. Pero kung hindi ko gagawin 'yon, hindi siya magtatanda at paulit-ulit siyang magpapaloko sa lalaking 'yon. Para sa kanya madali lang ang ginawa ko, pero hindi naging madali 'yon para sa akin. I just had to choose what's better for her"

I told her na ayaw ko na siyang makita o marinig ang boses niya, but it doesn't mean na gusto ko siyang palayasin sa Black House. I just don't want her to do something para subukang kausapin ako noong mga oras na 'yon, dahil hindi ko pa kaya.

"What makes you think na lolokohin lang siya ng ex niya?" tanong ko ulit sa kanya.

"Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan ko pa ang taong minsan ng sinaktan ang kapatid ko? Bigla niyang iniwan si Syden ng walang dahilan, at ngayon bigla siyang babalik! That's strange. Masakit lang sa pakiramdam na mas pinili ni Syden yung taong sasaktan siya kaysa sa mga taong proprotektahan siya" pahayag nito at nakita ko ang galit sa mga mata niya habang pinag-uusapan namin ang ex ni Syden.

"But you know what Dean, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa inyo. But on behalf of my sister, sorry for everything that she did to the group, especially to you. Lalo na't alam ko kung gaano mo siya kamahal" nagtaka na lang ako sa sinabi nito at uminom muna ako bago nagsalita, "Walang may gusto sa nangyari" naisip ko na lang na subukan muling kalimutan ang lahat, "Let's just respect everyone's decision and try to move on" saad ko dito bago siya uminom.

"What if my sister will ask for your forgiveness, papatawarin mo pa ba siya?"

tanong nito kaya pinilit kong ngumiti.

"Hindi pa sa ngayon, Sean. Hindi madaling kalimutan ang lahat" tumayo na ako para bumalik sa kwarto ko at sakto namang nakita ko si Nash na halos kakapasok lang. Nakita ko ang itsura nito na parang marami siyang iniisip at napapansin ko na siya nitong mga nakaraang araw na iba ang ikinikilos niya.

Pero tumigil ako at muling tumingin kay Sean, "But one thing I assure you..." tinignan ko siya ng diretso at ganon din naman ang ginawa nito, "If ever na mali ang desisyong pinili niya at lokohin lang siya ulit ng ex niya, ikaw man ang nagpalayas sa kanya dito pero kukunin ko siya pabalik sa ayaw at sa gusto niya" and that's how much I love her. Na kahit sobra na akong nasaktan, iniisip ko pa rin ang kapakanan niya.

To be continued...


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C34
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン