"Kuya payag na ko"
sabi ko kay kuya siguro ito ang tanging paraan para sumaya na
ako.
"payag saan lil sis?"- tanong niya saka kumunot ang noo niya, cla vince naman naghihintay sa susunod kung sasabihin.
" payag na ko sa arranged marriage"
pagkasabi ko nun, kita sa mga mukha nila ang pagkagulat at pagtataka. Sino ba naman ang hindi magugulat, ako tong hindi mapapayag sa kasal tapos out of the blue papayag ako.
"seryoso ka ba? ano ba talaga nangyayari sayo, unang una bigla bigla ka na lang nag aayang magbakasyon which is nakakagulat kasi that's not even your thing at pangalawa..."
"pumapayag ka ng magpakasal? sabihin mo nga mamamatay ka na ba? may sakit ka ba? sinasapian ka-- aray"
binatukan ko nga, kung anu ano sinasabi eh
"kung anu ano sinasabi mo eh, hindi pa ko mamamatay o may sakit o sinasapian OK. gusto ko lang makamove on"
sabi ko sa kanila at natahimik naman si kuya
"kung yan ang gusto mo susuportahan kita lil sis, pero once na pumayag ka na sa kasalan wala ng bawian yan, alam mo namang di biro magpakasal kesyo arranged marriage lang yan, isipin mo mabuti baka pagsisihan mo yan"
sabi ni kuya na halatang nag aalala siya, pero buo na desisyon ko.
"payag na talaga ako kuya wala ng bawian"- sabi ko sa kaniya at tumango pa ko para makumbinsi ko siya
" ok sabi mo yan ha, basta pag gusto mo pa umurong sabihin mo lang alam mo namang di ka namin pinipilit sa ayaw mo"
napangiti na lang ako sa sinabi ni kuya
"the best ka talaga kuya"
sabi ko sa kaniya saka siya niyakap, niyakap naman niya ko pabalik.
"Sali kami" - singit ni ian kaya ayun nakisali na sila bago pa ko makasagot.
"GROUP HUG" - sigaw namin kaya napatingin naman yung mga tao samin, nandito pa naman kami sa restaurant.