"Let's break up"
pagkasabi ni Justine nun umalis na siya
Napaupo naman si Grace at nag uunahan ang mga luha niya sa pagtulo
ang sakit sakit bakit ganun? bakit siya nakipagbreak? may nagawa ba ko? may pagkukulang ba ko? may mali ba kong ginawa? bakit? bakit?
BAKIT???
-
Sa kabilang banda naman pinipilit na gisingin ni vince c grace dahil umiiyak ito habang nananaginip, di na niya alam ang gagawin kaya hinalikan niya c grace at nung naramdaman niyang nagigising na ito nilayo niya yung mukha niya at unti unting nagising c grace habang naluluha pa rin dahil sa panaginip.
*cough*
Umubo c vince dahil mukhang di pa siya napapansin ni grace
"Vince? ano ginagawa mo dito?"
tanong ni grace kay vince habang pinupunasan niya yung luha niya.
Ngumiti naman si vince sa kaniya nang pilit
"Kakain na daw tayo ng dinner, mag-ayos ka na hihintayin na lang kita sa labas"
Pagkasabi ni vince nun lumabas na siya.
"sana ako na lang, hindi ko hahayaan na umiyak ka kahit maging rebound na ko basta maging ok ka lang" bulong niya sa sarili niya.
Bata pa lang sila mahal na niya si grace kaya lagi siyang nasa tabi nito halos tumira na nga siya sa bahay nila, at alam ng kuya ni grace ang tungkol dun at boto ito kay vince. Balak na sana niyang ligawan si grace kaya lang kailangan ng pamilya niyang pumunta ng abroad at simula nun wala na silang naging koneksyon ni grace. Ngunit kahit kalian hindi nagbago ang pagmamahal niya dito.
*dinner*
Tahimik silang lahat habang kumakain ang maririnig mo lang ay ang mga tunog ng mga kubyertos at halos marinig mo na rin ang bawat pag alon ng dagat sa katahimikan nila.
Pagkalabas kasi ni grace kwarto nakita nila na wala ito sa mood kahit na si vince halata nilang wala rin ito sa mood. Hanggang sa matapos ang dinner walang umimik ni isa sa kanila.
-
Bakit kaya ganun, kahit anong gawin mo kahit anong pilit mong kalimutan ang isang tao hindi mo magawa kahit na kaya mo naman. Parang may pumipigil sa iyo kahit nasasaktan ka na ng sobra di mo siya magawang kalimutan.
dahil mahal mo siya
Pero kahit ganun di ko pinagsisisihan yung mga nangyari, di ako nagsisisi na nakilala ko siya, na minahal ko siya at siguro panahon na para maging masaya ulit ako.
Parang ako na lang naman ang nahihirapan eh, hindi alam nila kuya na gusto kong magbakasyon hindi dahil sa gusto kong magrelax. Gusto ko magbakasyon dahil gusto kong mahanap ang sarili ko, gusto kong mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong ko.
Kahit alam ko naman na yung sagot, na may iba na siyang mahal, na masaya na siya at hindi ako ang dahilan. Habang ako nagdurusa pa rin, siya masaya na sa iba.
Nung minsang nagbukas ako ng fb ko may hindi ako sinasadyang nakita, nakatag siya sa isang post ng hindi ko kilalang babae, nakabackhug siya sa babae at nakahalik pa siya sa pisngi nito. Akala ko namisunderstand ko lang yung picture, na wala itong ibang meaning pero...
Pero nung nakita ko ang caption, bigla na lang ako naluha at hindi ako makahinga.
Akala ko mahal pa niya ko, akala ko lang pala.
Tinignan ko ulit baka namamalikmata lang ako at baka hindi iyon totoo pero nandun pa rin eh.
"Happy 3rd monthsary baby, i love you"
Yan ang caption niya at ang mas masakit pa.
Nakita ko yung comment niya sa post nung babae na
"i love you too baby"