Nandito lang ako sa sala ni Dong Min, paikot ikot minsan tumitingin ako sa intercom para makita kung may mga media pa pero ni isa parang hindi sila nababawasan at nadadagdagan pa.
"Umupo ka nga nakakahilo kang tignan" malamig na sabi ni Dong Min.
"Bored ako, wala bang pwedeng gawin dito?" nakapalumbaba kong sabi.
"Wag mo kong idamay, busy ako" sabay tingin niya ulit sa laptop niya. Nakiusyoso naman ako sa ginagawa niya at tumabi sakanya.
"Ano yan?" sabay nguso sa laptop niya.
"Company reports" at tumipa ulit siya sa keyboard.
"Balak mo palang ipagpatuloy yung company ni Uncle?" tanong ko habang pinaglalaruan ang paa ko.
"Wala naman akong choice, ikaw ba hindi mo itutuloy yung sa Dad mo" biglang lingon ni Dong Min at biglang kinuha ang ulo ko at inilagay sa kayang hita.
Hindi ako sanay na ganito siya sakin ngayon, parang mas sanay ako na malamig ang pakikitungo niya sakin, hindi ko maikilos ang katawan ko at pakiramdam ko ay pulang pula na ang aking mukha.
"Alam mo namang ayoko sa Company ni Dad diba, kaya rin ako napilitang mag artista para hindi nila ako pakialaman " mula dito sa baba ay nakatingin ako sa kanyang mukha, gusto ko siyang hawakan.
Hindi ko namalayan na kusa na palang gumalaw ang aking kamay at bumalik lang ako sa aking sarili ng makita ko siyang nakatingin sakin ng masama habang hawak ang kanyang pisngi.
"Anong binabalak mo?" tanong niya sakin.
"Ha ha ha wala wala wala" sabay bangon ko. Ang awkward lang ng tawa ko kasi hindi ko alam ang sasabihin sakanya.
"Gawin mo lang yung gusto mong gawin pag nandito ka sa bahay ko walang pipigil sayo" sabay itinutok niya ang pisngi niya sakin. Sa hindi malamang dahilan dahan dahan kong itinaas ang aking kamay at pinisil ang kanyang pisngi.
"Aray!" sigaw ni Dong Min.
"Ang lambot" at tinitigan ko ang aking kamay na pumisil sa kanyang pisngi.
"Happy?" tanong niya habang hinihimas ang kanyang pisnging namumula.
"Salamat!" sabay ngiti kong matamis sakanya.
"Ai, pansamantala lang to pero sana maging masaya ka" iyon lang ang sinabi niya at bumalik sa laptop niya.
Iniisip ko bakit pang samantala lang pero may tiwala ako na for the good ang lahat, kahit ano pa mang dahilan niya nandito parin ang tiwala ko sakanya.
"Sige edi susulitin ko na" pagkasabing pagkasabi ko nun ay agad kong inapuhap ang pisngi ni Dong Min at agad pinag kukurot ito.
"Ai, tama na mashakit!" bulol niyang sabi dahil hanggang ngayon pisil ko parin ang kanyang pisngi tumigil naman agad ako dahil masakit na ang aking kamay.
"Hayst, nakakamiss yung ganito" sabay sandal ko sa upuan.
"Alam ko" bigla naman siyang umalis sa sofa at umakyat ng kwarto, ako naman ay bumalik sa intercom at tinignan ang mga media sa labas.
"O tignan mo to nang may magawa ka" sabay bagsak niya sa isang pile ng photobooks at agad akong tumakbo pabalik sa sofa.
"Childhood memories?" tanong ko sakanya at agad naman siyang tumango at bumalik sa laptop.
Una kong binuksan ang photobook number 1, ito ang unang araw na nagkita kami, mahilig kasing kumuha ng litrato ang magulang namin kaya naman kumpleto kami sa lahat ng memory.
"Hahahaha" hagalpak ako ng tawa ng makita ko ang litrato namin sa park ito kasi ay nung nadapa si Dong Min, hindi lang dapa dahil subsob talaga ang mukha niya. Naalala ko nung umpisa ay hindi niya ko kinakausap hanggang sa bigla niya kong hinatak papunta sa garden namin at doon kami nag kwentuhan ng kaming dalawa lang.
Picky siya sa kausap niya dahil pag ako lang ang kausap niya mas madaldal pa siya sakin pero pag may dadating na ibang tao ay agad siyang tatahimik.
"Tuwang tuwa ka ha" nagulat ako dahil bigla siyang sumingit sa gilid ko at isinandal ang ulo sa aking balikat.
"Naalala ko lang kasi yung kabataan natin, kung paano mo ko kausapin, awayin at higit sa lahat kung paano ka mag lambing" pagpapaliwanag ko sakanya bigla naman siyang bumangon sa pagkakasandal at pumunta ng kusina.
Nakita ko rin ang litrato namin sa first school, nakiusap siya kay Auntie Veronica, siya ang mama ni Dong Min, na maging mag kaklase kami dahil ayaw niyang mapahiwalay sakin.
Noon, kami ang tinatawag na ultimate couple dahil hindi kami humihiwalay sa isa't-isa at pag may babaeng lumalapit kay Dong Min agad akong humaharang at inaaway sila naiinis kasi ako pag may kumakausap sakanyang iba gusto ko noon ako lang si Dong Min naman ayaw niyang may lumalapit na lalaki sakin naalala ko pa noon maraming nag bigay ng chocolate sakin nung valentines day ang ginawa niya kinuha niya lahat at itinapon ito.
"Kumain ka muna" inabot sakin ni Dong Min ang isang pares ng Bagel na may cream cheese isa ito sa mga paborito naming agahan.
"Dong Min, nasaan na si Beatrice?" si Beatrice ang isa sa malalapit naming kaibigan kung tutuusin ay apat kaming magkakalapit ako, si Dong Min, Beatrice at Terrence at simula ng mawala si Dong Min nawalan narin ako ng impormasyon tungkol sakanila.
"Malay" walang gana niyang sagot.
"Noong nawala ka saan ka pumunta?" ng tanungin ko iyon ay agad siyang napatigil sa pagkain.
"Sa malayong lugar kung saan hindi mo ko mahahabol" bigla siyang lumapit sakin at umupo sa aking tabi.
"Ganoon mo ba kagustong lumayo sakin?" nacurious na ko sa mga bagay bagay.
"Ayokong lumayo sayo, alam kong alam mo iyon" nalungkot ako sa sagot niya dahil totoo alam ko sa sarili ko na ayaw niyang lumayo sakin.
"Pero bakit ba kailangan mo kong layuan?" nagulat ako ng bigla niyang niyakap ako sa likod.
"Sa ngayon hindi mo pa kailangang malaman pero balang araw malalaman mo rin" huminga ako ng malalim at isinarado ang photobook.
Pinapakiramdaman ko ang yakap ni Dong Min ngayon, sana hindi matapos ito sana lagi kaming ganito at lagi siyang malambing at walang nililihim sakin tulad ng mga bata pa kami pero sabi nga nila may tamang oras ang lahat ng bagay siguro nga ay hindi pa ito ang tamang oras para malaman ko ang lahat ang hiling ko lang kapag dumating na ang tamang oras sana'y maintindihan at maunawaan ko ang lahat.
"Sana pag nalaman mo na ang lahat wag kang magbago at maintindihan mo parin ako" bigla niya akong hinarap sakanya at hinawakan ang magkabilang braso ko. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata at tila'y nangungusap ang mga ito.
"Dong Min, kilala mo ko hindi ba? Lahat iintindihin ko sa abot ng makakaya ko pero sana pag hindi ko naintindihan wag mo kong sukuan" sa pagkakasabi kong iyon ay agad niya kong niyakap ng mahigpit kaya naman niyakap ko siya pabalik.
"Anong gusto mong kainin bibili ako" bigla siyang kumalas sa yakap at tumayo.
"Magpadeliver ka nalang kahit fried chicken okay na sakin" agad naman niyang kinuha ang kanyang cellphone at tumawag.
"Min, tugtog ka naman" magaling kasi si Dong Min tumugtog ng piano siya rin ang nagturo saking tumugtog. Nakita ko siyang dumiretso sa grand piano malapit sa bintana at itinaas ang takip ng keys at nagsimulang tumugtog tinabihan ko naman siya at sinalihan ang kanyang pagtugtog.
Tinugtog namin ang isa sa mga paborito naming tugtugin ng mga bata kami ito ay River Flows in you habang tinutugtog namin ito ay sinabay ko na rin ang pag kanta, napaka ganda kasi ng mensahe nito tungkol ito sa isang tao na nanghihingi pa ng panahon para kumapit pa sakanya yung taong mahal o mahalaga sakanya.
*Ding* *Dong*
Tumayo agad si Dong Min at ako naman ay nagpatuloy sa pagtugtog maya maya bigla siyang sumenyas na kumain na kami. Tinigil ko ang pag tugtog at pumunta sa lamesa.
"Wow, jollibee!!" napa palakpak ako sa sobrang tuwa ang tagal ko na kasing hindi nakakakain nito.
"Ginugutom ka ba sa pag aartista?" biglang tanong ni Dong Min, napatigil naman ako sa pagkain at hinarap siya.
"To be honest, hindi ko alam kung kailan ang huling kain ko nito, puro kasi veggies or apple lang kinakain ko bawal ang artificial dapat lahat fresh and organic foods lang" pagpapaliwanag ko at agad kumain nakita ko naman siyang pailing iling nalang.
Hindi talaga biro ang lahat akala ng iba pag nag artista ka puro pag papaganda ng itsura at mukha lang pero sa totoo lang sobrang hirap simulan na natin sa training, isipin mo sa loob ng 3 buwan o higit pa isang sayaw lang ang ginagawa mo ng paulit ulit kahit kabisado mo na ito dapat ayusin parin ang pustura at facial expressions na aakma sa tugtog.
"Buti titigil ka na" biglang bulong ni Dong Min " Titigil lang naman ako dahil sayo" bigla siyang tumingin sakin na parang nagtataka.
"Nang mabalitaan ko na bumalik ka sa school akala ko susundan mo ko pero ilang years wala kang paramdam kaya ikaw ang sinundan ko" nahihiya akong aminin pero iyon ang totoo inisip ko na susundan niya ko sa pag aartista dahil nasanay ako noong bata kami na lagi siyang nakasunod sakin kahit saan man ako pumunta.
"Sorry" iyon lang ang salitang sinabi niya at nagligpit na ng hapag kainan ako naman ang naghugas.
Binuksan ko ang aking telepono at nanigas ang aking katawan sa pangalang lumabas dito.
"Sino yan?" biglang tanong ni Dong Min hinarap ko naman sakanya ang screen ng cellphone ko at inagaw niya ang telepono at ni loud speaker ito.
" Ainsleigh Kim! Ano nanamang kahihiyan ang pinag gagagawa mo?! wala ka nang ibang ginawa kundi bigyan ng kahihiyan ang pamilya natin!! You are such a disgrace!!! " sigaw ng Daddy ko sa telepono.
Ayokong marinig ni Dong Min ang sasabihin ni Dad pero huli na hawak niya ang telepono at rinig na rinig lahat ng nakakahiyang sinasabi ni Dad parang gusto kong lumubog sa pwesto ko ngayon sa kahihiyan.
Naisip ko bigla ang binanggit ni Dong Min tungkol sa company ni Dad, wala na siguro akong takas dahil titigil na ko sa pag aartista isa nalang ang kapupuntahan ko iyon ay sundin ang magulang ko.
Sumenyas si Dong Min na wag akong magsasalita at tumingin siya sa nakayukom kong palad.
"Uncle, si Dong Min ito" ma autoridad niyang sabi, bigla namang nanahimik ang kabilang linya.
"Nasan ang batang yan?" tanong ni Dad, " Nagpapahinga siya ngayon sa bahay ko dahil stress siya sa mga media..." at pinaliwanag niya ang nangyari, naramdaman ko naman na huminahon si Dad sinabi pa ni Dad na iterminate ko na agad ang kontrata kahit siya ang magbayad ng cancellation fee pero agad akong umiling.
Ayokong magkaroon ng utang na loob kay Dad lalo na't ako ang may kagustuhang mag artista. Ayaw din nila akong pumasok sa ganitong mundo pero ako lang talaga ang nagpumilit sa lahat.
"Uncle, you don't have too malaki na si Ai alam niya ang ginagawa niya and one day maayos din ang lahat" kilala talaga ako ni Dong Min kahit saang angulo kaya he knows what I want at natapos na ang paguusap nila.
"So ano ng balak mo?" ayun lang ang tanong ni Dong Min.
"Wala naman na kong pagpipilian, Min. Itutuloy ko ang business ni Dad pero aayusin ko muna itong gulo na to" sabay patay ko ulit sa cellphone ko. Mabuti pang 1 linggo kong hindi buksan ito dahil kung sino sino na ang tumatawag.
Natapos ang isang linggo, ganito ang nangyari sa amin papasok si Dong Min sa school ,papahiramin at tuturuan niya ko sa mga leksyon sa classroom hanggang umabot ang linggo at natahimik narin ang media at unti unting nawala sa harap ng condo ko at makakabalik na ko sa bahay.
Ano na kaya ang mangyayari pagkatapos nito, paglabas ko ng bahay niya babalik ba kami sa dating hindi kami close o mananatili kami sa kung ano kami ngayon. Sana'y hindi matapos ito, kung pwede lang na sakanya na ko tumira ginawa ko na pero dapat ko munang linisin ang pangalan ko para hindi siya madawit sa gulo.