アプリをダウンロード
86.04% Bite Me (Sexy Monster Series #1) / Chapter 36: Moving on again

章 36: Moving on again

I SPEND MY next few days alone in my apartment. Napagalitan pa ako ni Mrs. Olaes, `yong may-ari ng apartment building dahil sa nasirang pinto ng kwarto. Sinabi ko na lang na ipapagawa ko `yon kahit na kulang na ang allowance ko. Manghihiram na lang siguro ako kay Sam.

Tinatanong ako ng dalawa kung bakit hindi na ako hinahatid o sinusundo ni Vlad. I did not answer any of their questions. Pero nang makita nila na palagi akong malungkot maybe it already gave them the clues. The two were truly concerned to me. Palagi nila akong inaayang lumabas, mag-mall, mag-movie, or mag-ktv. Sumasama naman ako para makalimot. Dahil sa tuwing naiiwan akong mag-isa sa bahay ay naalala ko lang sa bawat sulok niyon ang lahat ng memories namin ni Vlad. Every corner of that room. Lahat ng mga `yon ay may kadikit na memories. And hell. Everything is killing me slowly. Ang hirap mag-move on.

Years kong minahal si Jonathan at weeks lang kay Vlad pero bakit mas hirap na hirap akong kalimutan siya? I know the answer. It's because I loved him more than anyone else.

More than Jonathan.

Most of the time. Nakikita ko ang sariling tumutunganga sa harap ng closet ko. Wishing na baka isang araw ay lumabas doon si Vlad. But weeks have passed at walang Vlad na lumabas. I always found myself crying every night. And it tortures me. Pero paulit-ulit ko rin pinapaalala sa sarili ko na dapat mas mahalin ko ang sarili. Na magpakatatag. Na lilipas din ang sakit at makakalimutan ko din si Vlad. Nagawa ko nga kay Jonathan na taon kong minahal sa kanya pa kaya?

"Erinna."

Nahinto ako sa paglalakad papuntang sakayan ng bus nang nakita ko si Jonathan na nakatayo doon. Mas maayos na ngayon ang itsura niya compare noong last time na nagkita kami. Nakapag-shaved na siya at mas sumigla ang mukha. And I'm truly happy to see him doing good.

"Kumusta ka na, Erin?" he asked.

Maliit akong ngumit. "I'm good. You? Seems like you're doing well."

Lumakad siya palapit sa akin. Unti-unti na tila tinatantya niya kung lalayo ako o hindi. He's being carefull this time. "I heard what happened," aniya at tumikhim. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. I already know kung sino'ng nagsabi sa kanya. It's Sam. Ang babaeng `yun lang naman ang madaldal.

"I know this will sound dumb to say pero... I'm here if you need someone to talk to Erin. We're childhood friends, right?"

And right there. I realized na wala na talaga akong galit na nararamdaman kay Jonathan. Nakatulong din sa `kin ang pag-iisa nitong mga nakaraang araw. Nakapag-isip-isip ako. Ayokong mamuhay ng may dalang mabigat na dibdib. Masyado ng malaki ang batong iniwan ni Vlad sa puso ko at nagawa nitong durugin ang batong iniwan ni Jonathan.

Looking at Jonathan right now standing in front of me brings back good memories from before. Minahal ko siya noon at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Ngunit bilang kaibigan na lamang. Maybe it wasn't too late for us to be friends again. Afterall, Jonathan has been a very good friend to me for all those years. At aaminin kong na-miss ko rin ang pagkakaibigan namin. I miss my best friend.

"Thank you, Jonathan. Don't worry, napatawad na kita." I smiled at him fully and sincerely.

I saw a glint of happiness in his eyes. He then walked towards me and gave me a warm hug. He kept on saying thank you and sorry. We ended up laughing together.

Few more days have passed, Jonathan does a lot of things to keep me occupied. Ginagawa ulit namin `yong mga dating bagay na ginagawa namin noon. Like we hang out for movies, we go to the parks to play, we eat ice cream together. Pakiramdam ko bumalik kami sa mga panahon noong high school pa kami. It feels like home.

Unti-unti kahit papaano ay nakakalimot ako. Kahit papaano ay nagagawa ko ng tumawa ulit na parang wala ng bukas.

"It's my mom's birthday tomorow. She invited you for dinner," sabi sa `kin ni Jonathan pagkahatid niya sa akin galing school. Nakahinto lang ang kotse niya sa tapat ng apartment building.

"Ganun ba, sige pupunta ako."

"Great. I'll pick you up at six."

Nag-oo ako at lumabas na ng sasakyan. Papasok na ako ng gate nang tinawag niya ulit ako. Nakalabas na pala siya ng sasakyan at nag-jog papalapit sa akin. He handed me a paper bag. "I bought this for you. Para may masuot ko bukas sa birthday dinner," nahihiya niya pang sabi.

Napangiti ako. Naalala ko na noon madalas din akong bigyan ng kung ano-ano ni Jonathan. Kinikilig pa ako palagi noon dahil galing sa kanya although for him it meant nothing romantic. Tinabi ko pa nga lahat ng gifts niya sa akin. But now receiving a random gift again, I felt touched although wala na ang kilig.

"Thanks Jonathan, take care."

He smiled shyly before leaning closer to me. Nanigas ako when he kissed me on the cheek.

"Goodbye, Erin. See you tomorrow," he whispered blushing then quickly jogged back to his car and drove off.

Napahawak ako sa cheeks ko. Siguro kung ako pa ang Erin noon ay nagsasayaw na ako sa kilig ngayon. Most of the time alam kong sinusubukan pa rin kuhanin ni Jonathan ang loob ko. But I'm being honest with him na hanggang friendship lang ang kaya kong ibigay. He understand naman daw at willing siyang maghintay. Then I asked myself. Bakit hindi ko na lang kaya ulit subukang magustuhan siya? Nagawa ko naman siyang mahalin ng ilang taon. Baka magawa ko ulit ngayon. Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko kung ipipilit ko ang bagay na iyon.

Binuksan ko ulit ang gate papasok sa loob ng building nang mahagip ang tingin ko sa third floor kung saan ang unit ko. Napakunot ang noo ko when I saw a shadow peeking from above. Baka `yong makulit na anak noong kapitbahay ko.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C36
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン